At sa mga sumasampalataya at nagsisigawa ng kabutihan, hindi isang kasalanan kung anuman ang kanilang kinain (noong una, bago pa ito maipagbawal), kung sila ay nangamba (ngayon) kay Allah (sa pamamagitan nang paglayo sa mga bagay na Kanyang ipinagbabawal), at sumasampalataya (sa kanya) at gumagawa ng kabutihan, at muli sila ay nangamba kay Allah at sumasampalataya (sa kanya), at muli pa sila ay nangamba kay Allah at nagsigawa ng kabutihan na may Ihsan (lantay na gawa). At si Allah ay nagmamahal sa mga gumagaa ng kabutihan.