REPETEK, Ang Diyaryo ng Pilipino Tuesday, November 19 2019
121st ARAW NG KALAYAAN, IPINAGDIWANG



Si Kgd. Maria Nancy Socrates, ang nagwaging Bise Mayor ng Puerto Princesa City, habang nagbibigay ng mensahe mula kay Mayor Lucilo Bayron. (PHOTO//CLEA FAYE G. CAHAYAG)

KAISA ang mamamayan ng lungsod ng Puerto Princesa sa milyun-milyong tao na ginunita ang ika-121 araw ng kalayaan ng Pilipinas.

Bago simulan ang seremonyas dakong alas sais ng umaga noong ika-12 ng Hunyo ay unang nag-alay ng misa pasasalamat ang Simbaham bago nag-alay ng bulalak kay Gat. Jose Rizal sa Liwasang Rizal.

Sinundan ito ng parada patungong Mendoza Park upang sabay ding alayan ng bulalak si dating Gobernador Higinio Acosta Mendoza.

Sa binasang mensahe ni City Councilor Maria Nancy Socrates mula kay Punong Lungsod Lucilo Bayron, sinabi niyang ang araw na iyon ang araw ng pagbabalik-tanaw at pagbibigay-pugay sa mga bayaning nagpamalas ng katapatan at katapangan upang makamit ang kalayaang tinatamasa ngayon ng bayan.

“Makakamit ang tunay na kalayaan at pagbabago sa pamamagitan ng pagkakaisa at pagtutulungan. Maaaring makamtan ang mas magandang kinabukasan kung ating ipaglalaban ang kasalukuyan. Ang mga aral ng kasaysayan ay laging magpapaalaala at magpapasidhi ng ating pagmamahal at katapatan sa ating republika, ang pait at hirap ng kahapon ay may dalang pangakong maganda, malaya at masagana sa darating na mga panahon,” ang bahagi ng mensahe ni Mayor Bayron.

Sa pananalita naman ni Western Command Deputy Commander, Vice Admiral Lauro Tianzon, binigyang-diin niya ang tema ngayong taon na “Kalayaan 2019: Pagbabagong Ipinaglaban, Alay sa Masaganang Kinabukasan” na aniya’y nangangahulugan ng pagtitiis at pagsasakripisyo ng mga Pilipino magpahanggang ngayon tungo sa pagbabago at masaganang hinaharap. Si VAdm. Tianzon ay kinatawan ni Wescom Commander Rene Medina.

“Lagi nating alalahanin sa likod ng kasarinlan ay ang dugong dumanak sa digmaan at ang ating katapangang ipinakita at pag-ibig sa Inang Bayan kung kaya ang pagdiriwang na ito ay isang selebrasyon ng pasasalamat sa kapwa Pilipino na nag-alay ng kanilang buhay,” ayon kay Tianzon.

Hinikaya’t niya ang bawat isa na gawing huwaran at pangalagaan ang kagitingan ng ating mga bayani, at gawin itong pundasyon upang mas lalo pang tumibay ang pagiging makabansa sa minumutyang “Perlas ng Silanganan.”

“Huwag nating biguin ang pangarap ng ating mga bayani at hawak kamay nating abutin ang pagbabago tungo sa kasaganaan at kaunlaran ng susunod na henerasyon. Sama-sama nating ipagpatuloy ang responsibilidad na ipinasa nila sa ating mga balikat. Magkaisa tayong mamamayang aktibo sa lipunan, lalo na dito sa Palawan upang buong puwersa nating maproteksiyunan ang ating kapaligiran at likas yaman. Panatilihin ang kapayapaan sa buong bansa,” panawagan pa niya.

Related Articles
P15 MILYONG HALAGA NG SPORTS EQUIPMENTS, NAIPAGKALOOB NA UMANO SA CITY GOVERNMENT
POWER INTERRUPTIONS NOONG BATANG PINOY, ISINISISI NG PALECO SA FIRE CRACKERS
ORDINANSA SA WASTONG PAGTAPON NG BASURA, HINILING NA MULING PAG-ARALAN
‘HINDI AKO PAPAYAG NA MAG-FAIL ANG SATELLITE CITY HALL PROJECT’- BAYRON
DOLE, MULING NAGKALOOB NG LIVELIHOOD PROGRAM
PAMAMAHAGI NG LIBRENG SCHOOL SUPPLIES, HINILING
ISANG CHINESE NATIONAL, NAIS IDEKLARANG PERSONA NON GRATA SA SIYUDAD
REHABILITATION PROGRAM NG CITY ENGINEERING OFFICE SA MAGARWAK, IPINAHIHINTO
ICEMCO, MAY BAGO NANG PANGANGALAGAANG CBST
PAGBABAWAL SA PAGPAPAGALA NG MGA ALAGANG ASO, MAHIGPIT NANG IPATUTUPAD
DILG MEMORANDUM CIRCULAR NO. 2019-121, IPATUTUPAD NA SA LUNGSOD
PPCWD, BUCOR, LUMAGDA SA ISANG JOINT VENTURE AGREEMENT
P250-M HALAGA NG BUCOR ACADEMY, ITATAYO SA IWAHIG
EXITING BENEFICIARIES NG 4P’S, BINIGYANG PARANGAL
5 CBST SA LUNGSOD, NAGING BENEPISYARYO NG LIVELIHOOD PROJECT NG DOLE
PUERTO BAY, POSITIBO ULI SA RED TIDE
P3.4-M SUPPLEMENTAL BUDGET NO. 2 NG LUNGSOD, LUSOT NA SA PINAL NA PAGBASA
MGA MAGSASAKANG APEKTADO NG DROUGHT SA SIYUDAD, PUMALO NA SA 692 INDIBIDWAL
KAHALAGAHAN NG PAGSASAKA, IPINAKIKITA SA GINTONG BUTIL AGRI-FARM
ILAN SA MGA HEAVY EQUIPMENTS NG CITY GOVERNMENT, DUMATING NA!
ITINATAYONG 4 SATELLITE CITY HALL, PAMUMUNUAN NI EX-COUNCILOR RODRIGUEZ
PROYEKTONG PAILAW SA DALAWANG BARANGAY, TAPOS NA
16th CITY COUNCIL, NAGHALAL NA NG BAGONG CHAIRMAN SA MGA BAWAT KOMITE
FOREIGN WORKERS NA WALANG LISENSIYA, HINDI UMANO KUKUNSINTIHIN NI AMURAO
VIRGILIO TAGLE, ITINALAGANG BAGONG DILG CITY DIRECTOR
ILANG MAGTITINDA SA CITY BAYWALK, PAAALISIN
PUERTO PRINCESA 15TH CITY COUNCIL, NAKATANGGAP NG PARANGAL
ANTI FULL-FACE HELMET ORDINANCE, HINDI INAPRUBAHAN NG KONSEHO
ONE-STOP SHOP SA PAGKUHA NG MGA LISENSIYA, LILIKHAIN
121st ARAW NG KALAYAAN, IPINAGDIWANG
PAGBABAWAL SA PAGSUSUOT NG FULL-FACE HELMET, MULING ISINUSULONG
CLOUD SEEDING OPERATIONS NG PPCWD, MATAGUMPAY
NG PWD ID, PURCHASE BOOKLET
CITY WATER DISTRICT, PCSD, IPINATATAWAG SA SUSUNOD NA SESYON
MINIMUM RATE NG MGA JOB ORDER EMPLOYEE NG PPC, PLANONG TAASAN SA 2020
2 FIREFLY WATCHING DESTINATIONS SA LUNGSOD, BUBUKSAN
Newspaper of The Week
Advertise with Repetek
Weather
Currently
Currently
Islam
Lot For Sale
Public Transport Schedule
Bataraza/Rio Tuba
Palawan Shuttle Express Asso. Inc (Palshutex)
Puerto Prinsesa to Rio Tuba and vice versa
5:00am-6:30am,6:30am-8:30am, 11:30am upward daily trips
PCINSP Diosdado S. Alarcon PNP (Ret) - President
Contact Nos. 0917-553-2347 or 0921-594-9733 (for reservation)
Currency Converter