REPETEK, Ang Diyaryo ng Pilipino Tuesday, November 19 2019
16th CITY COUNCIL, NAGHALAL NA NG BAGONG CHAIRMAN SA MGA BAWAT KOMITE



ANG inaugural session ng City Council noong unang araw ng Hunyo, araw ng Lunes. (PHOTO//CLEA FAYE G. CAHAYAG)

Sa unang sesyon ng ika-16th City Council noong Lunes, ika-1 ng Hulyo, pumili na rin ng mga bagong Chairman ang Konseho na hahawak sa iba’t ibang komite.

Bilang Bise-Mayor ng lungsod ng Puerto Princesa, si Maria Nancy Socrates ang tatayong presiding officer na siyang mamumuno sa bawat talakayan sa Konseho. Hahalili naman sa kanya si Chairman Pro-Tempore Matthew Mendoza kung wala ang presensiya nito habang si Kgd. Jimmy Carbonell na noo’y Chairman Pro- tempore ang nahalal ngayong assistant Chairman Pro-Tempore.

Nahalal naman bilang Majority Floor Leader si Konsehal Victor Oliveros na noo’y hinawakan ni Konsehal Modesto Rodriguez ll at Assistant Majority Floor Leader naman si Konsehal Henry Gadiano.

Si Kgd. Peter Maristela ang na-assign bilang Minority Floor Leader at Assistant Minority Floor Leader naman si Kgd. Patrick Alex Hagedorn.

ELEKSIYON NG CHAIRMANSHIP SA IBA’T IBANG KOMITE
Sa ginanap na orientation ng mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod noong ika-27 ng Hunyo, ibinigay na sa mga Konsehal ang iba’t ibang komite na kanilang pamumunuan.

Una rito ang first timer City Councilor na si Elgin Robert Damasco na noo’y miyembro ng midya, ang siyang mamumuno sa mga komite ng Transportasyon, Market and Slaughterhouse at Committee on Energy, Public Utilities and Facilities.

Pangungunahan naman ni Minority Floor Leader Maristela ang dalawang komite na binubuo ng Trade, Commerce and Industry at Human Rights and Migration.

Ang pangatlong abogadong Konsehal naman sa Sangguniang Panlungsod, ang first timer na si City Councilor Herbert Dilig ang siyang hahawak ng Committee on Information and Communications Technology at People’s Organization and Non-Governmental Organization (NGO) Affair.

Pangungunahan naman ni Majority Floor Leader Oliveros ang Komite ng Appropriations na noo’y hinawakan ni Kgd. Rodriguez, ganoondin ang Committee on Food, Agriculture and Fisheries; Committee on Education and Culture at ang Committee on Landed Estate and Urban Development.

Napili namang maging Chairman ng mga komite ng Ways and Means, Health and Sanitation at Human Resource Development and Organization si Councilor Roy Gregorio Ventura.

Muli namang hawakan ni Mendoza bilang Chairman, ang mga komite ng Local and International Relations, Committee on Tourism at Committee on Public Works and Infrastructure.

Napunta naman kay Konsehal Carbonell ang mga komite ng Environmental, Protection and Natural Resources; Committee on Games and Amusements at Committee on Peace and order and Public Safety.

Ang Komite naman ng Cooperatives and Livelihood at Committee on Waste Management, Disposal, Sewerage System and Waste Water ang pamumunuan ni City Councilor Henry Gadiano.

Nakuha naman ng abogadong si Nesario Awat ang apat na komite na binubuo ng Labor and Employment, Committee on Housing and Urban Poor, Committee on Legal Matters at Committee on Good Government, Public Ethics and Accountability.

Hahawakan naman ng Bise Mayor ang komite ng Social Welfare and Community Development at Committee of the Whole.

Ang Committee on Women, Child and Family Welfare at Committee on Youth and Sports Development naman ay pawang pamumunuan ni SK Federation President Myka Mabelle Magbanua.

Ang Chairman ng Committee ng Indigenous People and Cultural Communities ay si City IPMR at ex-officio Member Nestor Saavedra at si ABC President Francisco Gabuco naman ang uupo sa Committee on Barangay Affairs.

Sa panayam naman ng Repetek sa baguhang kagawad na si G. Damasco, binanggit niyang isa sa kanyang mga layunin ay mapababaan ang multa ng mga lalabag na tricycle drivers at operators sa siyudad at ang pagsasagawa ng malawakang public consultations kaugnay sa nabanggit na isyu.

“Noon pa man nagsasabi na ako na gusto kong pababaan ‘yung multa ng mga operators lalong-lalo na sa mga tricycle, babaan natin kasi from P300 ata naging P3,000 [na ngayon] na sa aking pananaw, hindi lamang ‘yun ang solusyon para gawing matiwasay ang ating mga lansangan. Babaan natin ‘yan, alinsunod din doon sa kagustuhan ng mga tricycle drivers and operators,” ani Damasco.

Ngunit para kay Damasco, kailangang maintindihan din ng mga operators at drivers kung sakaling ipatupad ang suspensyon ng franchise kapag lumabag sa ikatlong pagkakataon at pagtanggal ng prangkisa sa panglimang opensa.

Sa problemang pang-enerhiya naman sa lungsod ng Puerto Princesa, aniya, balak niyang iakyat ang usapin kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte (PRRD) at maghain din ng isang resolusyon na hihiling sa Senado na makialam na ukol dito sa pamamagitan ng pagsasagawa ng imbestigasyon.

“Balak ko dalhin ang problemang ito kay Presidente Duterte at sa Senado. Kausap na natin sina Senator Bong Go [at] Senator Bato Dela Rosa—mga kaibigan natin at posible ‘yung gusto nating mangyari na magkaroon ng senate investigation in aid of legislation. Inaasahan natin na with intervention of the Senate, baka may pag-asa pa na magkaroon tayo ng pagbabago dito sa problema na ito [elektrisidad],” dagdag pa ni Damasco.

Sa pakikipanayam naman ng midya kay Maristela, nilinaw niyang bagamat hindi na siya kaalyado ng administrasyong Bayron ngunit hindi umano iyon nangangahulugan ay tututol na siya sa lahat ng magandang adhikain ng majority na para sa ikabubuti ng lungsod.

“Titingnan nating mabuti ang mga ipapasa ng majority pero hindi naman ibig sabihin n’un na lahat ng pinapasa nilang projects [at] ordinances ay tututulan natin, hindi [ganun kundi] titingnan lang natin kung ito ba ay acceptable sa atin o hind acceptable. Normal lang naman na magkaroon ng debate, pagtatalo, pero in the end of the day, siguro naman mapagkakasunduan din naman natin kasi lahat tayo—majority o minority, ang gusto naman natin talaga ay mapabuti ‘yung lungsod ng Puerto Princesa,” pahayag ni Maristela.

Sinusugan naman ni Konsehal Hagedorn ang tinuran ni Maristela at sinabing ang mapabilang sa hanay ng minorya ay isang terminolohiya lamang.

Sa kanyang muling pagbabalik sa Konseho na ngayon ay bilang isang regular member na, isa rin umano sa kanyang tututukan ay ang mapababaan ang multa ng mga drayber ng tricycle na lalabag sa batas trapiko ng lungsod.

“Unang-una ay naipangako natin sa mga tricycle drivers natin na ‘yung penalty ay dapat mabawasan natin. Isa palang ‘yan at marami pa kayong aasahan as time goes by,” sagot ni Hagedorn. Makakaasa umano ang publiko sa kanyang taos-pusong paglilingkod sa abot ng kanyang makakaya para sa lungsod ng Puerto Princesa.

Hinihingi naman ngayon ni Dilig ang dasal at tulong ng mga mamamayan ng Puerto Princesa upang gabayan siya sa kanyang bagong tungkulin at magampanan ng tama ang kanyang posisyon. Nagpasalamat din siya sa ibinigay na pagkakataon ng publiko na mapasama siya sa kasalukuyang administrasyon.

Related Articles
P15 MILYONG HALAGA NG SPORTS EQUIPMENTS, NAIPAGKALOOB NA UMANO SA CITY GOVERNMENT
POWER INTERRUPTIONS NOONG BATANG PINOY, ISINISISI NG PALECO SA FIRE CRACKERS
ORDINANSA SA WASTONG PAGTAPON NG BASURA, HINILING NA MULING PAG-ARALAN
‘HINDI AKO PAPAYAG NA MAG-FAIL ANG SATELLITE CITY HALL PROJECT’- BAYRON
DOLE, MULING NAGKALOOB NG LIVELIHOOD PROGRAM
PAMAMAHAGI NG LIBRENG SCHOOL SUPPLIES, HINILING
ISANG CHINESE NATIONAL, NAIS IDEKLARANG PERSONA NON GRATA SA SIYUDAD
REHABILITATION PROGRAM NG CITY ENGINEERING OFFICE SA MAGARWAK, IPINAHIHINTO
ICEMCO, MAY BAGO NANG PANGANGALAGAANG CBST
PAGBABAWAL SA PAGPAPAGALA NG MGA ALAGANG ASO, MAHIGPIT NANG IPATUTUPAD
DILG MEMORANDUM CIRCULAR NO. 2019-121, IPATUTUPAD NA SA LUNGSOD
PPCWD, BUCOR, LUMAGDA SA ISANG JOINT VENTURE AGREEMENT
P250-M HALAGA NG BUCOR ACADEMY, ITATAYO SA IWAHIG
EXITING BENEFICIARIES NG 4P’S, BINIGYANG PARANGAL
5 CBST SA LUNGSOD, NAGING BENEPISYARYO NG LIVELIHOOD PROJECT NG DOLE
PUERTO BAY, POSITIBO ULI SA RED TIDE
P3.4-M SUPPLEMENTAL BUDGET NO. 2 NG LUNGSOD, LUSOT NA SA PINAL NA PAGBASA
MGA MAGSASAKANG APEKTADO NG DROUGHT SA SIYUDAD, PUMALO NA SA 692 INDIBIDWAL
KAHALAGAHAN NG PAGSASAKA, IPINAKIKITA SA GINTONG BUTIL AGRI-FARM
ILAN SA MGA HEAVY EQUIPMENTS NG CITY GOVERNMENT, DUMATING NA!
ITINATAYONG 4 SATELLITE CITY HALL, PAMUMUNUAN NI EX-COUNCILOR RODRIGUEZ
PROYEKTONG PAILAW SA DALAWANG BARANGAY, TAPOS NA
16th CITY COUNCIL, NAGHALAL NA NG BAGONG CHAIRMAN SA MGA BAWAT KOMITE
FOREIGN WORKERS NA WALANG LISENSIYA, HINDI UMANO KUKUNSINTIHIN NI AMURAO
VIRGILIO TAGLE, ITINALAGANG BAGONG DILG CITY DIRECTOR
ILANG MAGTITINDA SA CITY BAYWALK, PAAALISIN
PUERTO PRINCESA 15TH CITY COUNCIL, NAKATANGGAP NG PARANGAL
ANTI FULL-FACE HELMET ORDINANCE, HINDI INAPRUBAHAN NG KONSEHO
ONE-STOP SHOP SA PAGKUHA NG MGA LISENSIYA, LILIKHAIN
121st ARAW NG KALAYAAN, IPINAGDIWANG
PAGBABAWAL SA PAGSUSUOT NG FULL-FACE HELMET, MULING ISINUSULONG
CLOUD SEEDING OPERATIONS NG PPCWD, MATAGUMPAY
NG PWD ID, PURCHASE BOOKLET
CITY WATER DISTRICT, PCSD, IPINATATAWAG SA SUSUNOD NA SESYON
MINIMUM RATE NG MGA JOB ORDER EMPLOYEE NG PPC, PLANONG TAASAN SA 2020
2 FIREFLY WATCHING DESTINATIONS SA LUNGSOD, BUBUKSAN
Newspaper of The Week
Advertise with Repetek
Weather
Currently
Currently
Islam
Lot For Sale
Public Transport Schedule
Bataraza/Rio Tuba
Palawan Shuttle Express Asso. Inc (Palshutex)
Puerto Prinsesa to Rio Tuba and vice versa
5:00am-6:30am,6:30am-8:30am, 11:30am upward daily trips
PCINSP Diosdado S. Alarcon PNP (Ret) - President
Contact Nos. 0917-553-2347 or 0921-594-9733 (for reservation)
Currency Converter