REPETEK, Ang Diyaryo ng Pilipino Sunday, September 22 2019
2 CHINESE NAVY VESSEL NAGLAYAG SA BALABAC STRAIGHT KAHIT WALANG KOORDINASYON, AYON SA WESCOM



MALUGOD na tinanggap ng Team Wescom, sa pangunguna ni VADM. Rene Medina (kanan), si Philippine Air Force Commanding General, LTGEN. Rozzano D. Briguez nang dumalaw sa Western Command noong Agosto 6. Si Briguez ay dati ring namuno sa Wescom. (CONTRIBUTED PHOTO//WESCOM)

Kinondina ng Western Command (Wescom) ang magkasunod na pagpasok at pagdaan ng dalawang Chinese navy vessels sa karapatang nasasakupan ng bayan ng Balabac sa southern part ng Palawan.

Ayon kay Vice Admiral Rene Medina, naganap ito noong buwan ng Hunyo na nagbunsod umano sa kanya upang irekomenda sa National Task Force for the West Philippine sea na magsampa ng diplomatic protest ang Department of Foreign Affairs (DFA) laban sa China.

Aniya, sa pangyayaring iyon ay gumawa umano ng radio challenge o nagtanong ang tropa ng Wescom na naka-monitor sa Chinese vessel ngunit hindi umano tumugon ang unang barko habang ang ikalawang Chinese navy vessel naman ay tanging ang bow number lamang ang isinagot.

Sinubaybayan umano ng Philippine Navy personnel ang dalawang naval vessel ng nasabing bansa hanggang sa makalabas sila sateritoryo ng Pilipinas. Ani Commo. Sean Anthony Villa, commander ng Naval Forces West (NFW) ng Philippine Navy, bagamat maituturing na innocent passage ang ginawang iyon ng dalawang Chinese navy vessel sa Balabac strait ay dapat pa ring itinatawag at ipinagpapaalam ang pagdaan ng mga ito sa hindi nila teritoryo.

Kabilang din umano sa naging ground ng paghahain ng diplomatic protest ng Pilipinas laban sa Tsina ay ang “nakaaalarama” ng bilang ng Chinese vessel sa sandbar malapit sa Pag-asa Island, Brgy. Pag-asa, Kalayaan.

Aminado ang Western Command (WESCOM), ang unified command ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na nakabase sa lungsod ng Puerto Princesa na naalarma sila sa biglaang pagdami ng bilang ng mga Chinese vessel na naitala ng kanilang hanay noong Hulyo. Ayon pa kay Vice Admiral Medina, sa unang bahagi ng nakalipas na buwan ng Hulyo ay umabot sa mahigit 140 Chinese fishing vessels at mga cargo vessel ng China ang namataan umano ng mga tropa ng Pilipinas sa loob lang ng isang araw sa naturang lugar.

Sa ikatlong linggo umano ng Hulyo, dahil sa typhoon “Falcon” ay bumaba ang bilang ng na-monitor na Chinese vessel at umabot lang minsan ng tatlong piraso sa buong maghapon. Ngunit pagkaraan umano ng bagyo ay muling dumami at umabot ng 115 Chinese fishing vessel ang nakita sa loob lang ng isang araw. Iniulat din ni VADM. Medina na sa pagpasok ng Agosto ay wala na silang na-monitor na Chinese vessel sa sandbar malapit sa Pag-asa Island. Bagamat hindi umano batid ng Wescom ang dahilan, posibleng ito ay bunsod umano ng bagyo o hindi magandang lagay ng panahon.

Kaugna y nito ay tiniyak ni Medina na ang Wescom, sa pamamagitan ng Joint Task Force West (JTFW) ay patuloy sa pagsasagawa ng maritime at sovereignty patrol missions upang mapalakas ang presensiya ng bansa sa siyam na isla na mayroong detachment ang Pilipinas sa pinag-aagawang teritoryo. Regular din umano ang rotation ng mga sundalong nagbabantay sa West Philippine Sea. Tinitiyak din ng Wescom na naibibigay ang mga pangangailangan ng mga sundalo.

Related Articles
PAGTATAYO NG MGA PSYCHIATRIC EMERGENCY ROOM, IPINANUNUKALA
ORDINANSANG IPAGBABAWAL ANG PAGSASANGLA NG 4P’S CASHCARDS, ISINUSULONG
ASAWA NG NAWAWALANG MANGINGISDA SA BAYAN NG ROXAS, PALAWAN, NANAWAGAN
MOBILE CLINIC PARA SA NORTE AT SUR NG PALAWAN, HINILING SA DOH-CHD
MGA BAGONG ABOGADO SA MGA ASPIRING LAW STUDENT: ‘WALANG SUKUAN’
SCHOOL-BASED IMMUNIZATION, INILUNSAD NG DOH-CHD MIMAROPA SA PALAWAN
MGA HUGOT, BUMUHOS SA SOCIAL MEDIA DAHIL SA 3 ARAW NA BLACKOUT SA BAYAN NG ROXAS
MAHIGPIT NA PAGSUNOD SA SPEED LIMIT, IPINAALAALA NG PROV’L BOARD SA MGA LGU
ISANG PALM OIL COMPANY SA PALAWAN, SINAMPULAN NG DENR-MIMAROPA
PALAWAN IPMR, MULING UMUPO SA KONSEHO SA PAMAMAGITAN NG HOLDOVER CAPACITY
TOP 5 SA MGA MAY MATAAS NA KASO NG DENGUE SA PALAWAN, INILABAS NG DOH-CHD MIMAROPA
COAL PLANT APPLICATION PALAWAN, BINIGYAN NA NG ECC NG DENR-MIMAROPA
CHINESE FISHING VESSEL, MAS DUMAMI UMANO ANG PRESENSIYA SA WEST PHILIPPINE SEA
TERORISTANG CPP-NPA HADLANG UMANO SA KAUNLARAN, AYON SA WESCOM
PANGANGALAGA SA RASA ISLAND WILDLIFE SANCTUARY, PATULOY NA PINAIIGTING
‘WALANG ABU SAYYAF ANG WESCOM AREA’
MALAMYANG AKSYON NG PILIPINAS SA KABILA NG GINAGAWA NG TSINA SA WPS, TINALAKAY
WESCOM, UMANONG NA-MONITOR NA MISSILE TESTING SA WEST PHILIPPINE SEA
PCL-PALAWAN, MAYROON NG BAHAY-TULUYAN SA LUNGSOD
IKA-10 ANIBERSARYO NG MT. MATALINGAHAN BILANG PROTECTED AREA IPINAGDIWANG
MBLT-3, DARATING SA PALAWAN UPANG HUMALILI SA MBLT-12
NEDA, HINDI UMANO TUTOL SA PAGHAHATI NG PALAWAN SA TATLONG PROBINSYA
14 BILANGGO NG IWAHIG PRISON AND PENAL FARM, MAKALALAYA NA
BANGKA NG MGA MANGINGISDANG PINOY, BINONGGO NG CHINESE VESSEL?
NASA 100 PALAWENYO, LUMAHOK SA BASIC STARTUP WORKSHOP NG DICT, QBO INNOVATION HUB
LOKAL NA PAMAHALAAN NG NARRA, PINAGHAHANDAAN NA ANG IKA-50 ANIBERSARYO
14 CENTENARIAN SA PALAWAN, NAKATAKDANG GAWARAN NG CASH GIFT NG DSWD
FOOD SAFETY SEMINAR, ISINAGAWA NG DTI-PALAWAN
NAWAWALANG DIVER SA TUBBATAHA, PATULOY PA RING PINAGHAHANAP
E-PERMITTING SYSTEM, NAKATAKDANG IPATUPAD NG PCSDS
PNNI, NAGSAGAWA NG TAHIMIK NA KILOS-PROTESTA
KATUTUBONG PALAW’AN NA SANGGOL, AKSIDENTENG NATAMAAN NG PANA SA ULO
SPOTTED WOOD OWL, ISINURENDER NG ISANG CONCERNED CITIZEN
IKATLONG IPMR NG PALAWAN, COA NA LAMANG UMANO ANG KULANG UPANG MAKAUPO
Newspaper of The Week
Advertise with Repetek
Weather
Currently
Currently
Islam
Lot For Sale
Public Transport Schedule
Bataraza/Rio Tuba
Palawan Shuttle Express Asso. Inc (Palshutex)
Puerto Prinsesa to Rio Tuba and vice versa
5:00am-6:30am,6:30am-8:30am, 11:30am upward daily trips
PCINSP Diosdado S. Alarcon PNP (Ret) - President
Contact Nos. 0917-553-2347 or 0921-594-9733 (for reservation)
Currency Converter