REPETEK, Ang Diyaryo ng Pilipino Saturday, May 25 2019
2 EMPLEYADO NG REGISTRY OF DEEDS, AKSIDENTENG NAKURYENTE; ISA, MALUBHA ANG KALAGAYAN



AKSIDENTENG nakuryente noong ika-18 ng Pebrero ang isang guwardiya at empleyado ng Registry of Deeds sa lungsod ng Puerto Princesa.

Kinilala ang mga biktima na sina Servillano Española Jr., 31 taong gulang, administrative aid ng naturang opisina, at guwardiyang si Mark de Lima.

Base sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, dakong 10:20 ng umaga nang tinanggal ng dalawang biktima ang lubid ng flag pole sa kanilang tanggapan nang aksidente umanong nasagi ng tubo ng flag ang live wire sa itaas na nakakabit sa poste ng Paleco dahilan upang makuryente sila.

Sa hiwalay na panayan naman ng Repetek sa isa sa biktima na si de Lima sa mismong araw ng aksidente, kinumpirma niyang kakabitan sana nila ni Española ng lubid ang flag pole para palitan ang lumang Watawat nito nang mangyari ang pagkakuryente sa kanilang dalawa.

“Dito pa ako naka-upo [sa loob ng opisina], hinuhugot na niya ang tubo [ng flagpole]. Ang nangyari, lumabas ako [kasi] sabi niya tulong [para maiangat nang husto ang tubo]. Pagbuhat namin ng ganyan, pag-angat namin, sumampa ang tubo, pumalo, tumama sa [live] wire, pumasok ang kuryente sa [tubo] nakuryente siya [Española],” ang kwento guwardiyang naka-duty sa nasabing tanggapan.

Ang posisyon umano nila ay sa taas na bahagi ng tubo nakahawak si Española at si De Lima ay sa parteng baba naman nito.

“Sabi ko ‘Ver [Servillano], may kuryente sa taas.’ ‘Pag-angat ng tubo pumalo sa wire, [at nakuryente kami]. Tumalsik din ako kasi umabot sa akin ang power, ‘yun na tumumba siya (Española) hanggang sa lumapat ang ulo niya [sa semento],” dagdag pa ni de Lima.

Paliwanag pa ng guwardiyng biktima, hindi niya kaagad nalapitan ang nakahandusay na si Española dahil sinigawan umano siya ng dalawang nakakitang kliyente sa aksidente at sinabihang huwag munang lalapitan dahil pumuputok pa ang poste at nasa katawan pa ni Española ang pagdaloy ng kuryente.

Mag-aalas diyes kuwarenta na umano ng dumating ang ambulansiya ng KAAC upang respondihan ang biktima.

Sa kabilang dako, ayon naman sa salaysay ni Records Officer Aimee Publico ng Registry of Deeds na humingi ng saklolo sa City Hall sa araw ng aksidente ng kanilang empleyado, nagkasalisihan umano sila ng guwardiya na may kontak sa drayber ng ambulansiya ng City Health Office kaya’t KAAC ang rumesponde sa biktima upang dalhin sa pagamutan.

Dagdag pa niya, marami ang nagtulung-tulong na mai-text ang mga emergency at rescue team upang agad na madala sa pagamutan ang nakuryenteng biktima.

ANG gusali ng Registry of Deeds sa Brgy. Sta. Monica kung saan naganap ang nasabing sakuna. (PHOTO//CLEA FAYE G. CAHAYAG)

Related Articles
CLOUD SEEDING, MAGTATAGAL HANGGANG HUNYO
TEAM KURIDAS, SINAMPAHAN NG REKLAMONG VOTE-BUYING
BAYRON, MULING NANALONG MAYOR NG PUERTO PRINCESA
WESCOM, NAKAHANDA UMANONG TUMUGON SA ANUMANG KRISIS
PDL VOTING, MATIWASAY NA NAIDAOS SA BJMP-PPCJ
DALAWANG EMPLEYADO NG PPUR MANAGEMENT, SUSPENDIDO
PAGPAPASARA NG IWAHIG FIREFLY WATCHING, WALA UMANONG BASEHAN
PAGDAMI NG CHINESE WORKERS SA BANSA, INALMAHAN NI VP LENI ROBREDO
STATE OF CALAMITY, IDINEKLARA NA SA PUERTO PRINCESA
ELECTION PARAPHERNALIA NA GAGAMITIN SA MAYO 13, DUMATING NA
MGA IBINABATONG NEGATIBONG ISYU SA BUREAU OF CUSTOMS, PINABULAANAN
PAGBIBIGAY INSENTIBO SA MGA SK OFFICIAL, SUPORTADO NG KONSEHO
CATHOLIC YOUTH MOVEMENT, LAYONG TULUNGAN ANG MGA MANGINGISDA SA SIYUDAD
PAG-AARMAS SA MGA PROSECUTOR, INIREKOMENDA
E-PAYMENT FACILITY SA PUERTO PRINCESA CITY, INILUNSAD
PAGSUSUPLAY NG TUBIG SA PIER, LILIMITAHAN NA
20% ANI NG MGA MAGSASAKA, POSIBLE UMANONG MAPINSALA NGAYONG EL NIŇO
SPLIT MINIMUM RATE, PLANONG IPATUPAD NG PPCWD
SPOTTED WOOD OWL, ISINURENDER SA PCSDS
WATER CRISIS ALERT LEVEL 3, POSIBLE MULING MARANASAN SA PUERTO PRINCESA CITY
CITY FIRE, NAGPAALAALANG SA TAHANAN DAPAT MAGSIMULA ANG KALIGTASAN SA SUNOG
ISANG MAHINA NG PH CIVET CAT, ISINURENDER SA PCSDS
SEKTOR NG AGRIKUKTURA SA LUNGSOD, NAIS TULUNGAN NG EMBAHADA NG ISRAEL
JEDSAI, WAGI BILANG 2019 BEST BALAYONG OUTFIT
PUERTO PRINCESA CITY CRIME LABORATORY OFFICE, PORMAL NANG BINUKSAN
ZERO FIRE INCIDENT, TARGET NG BFP-PPC NGAYONG MARSO
ISYU SA KLASIPIKASYON NG LUPAIN SA LUNGSOD, BINIGYANG-LINAW
Newspaper of The Week
Advertise with Repetek
Weather
Currently
Currently
Islam
Lot For Sale
Public Transport Schedule
Bataraza/Rio Tuba
Palawan Shuttle Express Asso. Inc (Palshutex)
Puerto Prinsesa to Rio Tuba and vice versa
5:00am-6:30am,6:30am-8:30am, 11:30am upward daily trips
PCINSP Diosdado S. Alarcon PNP (Ret) - President
Contact Nos. 0917-553-2347 or 0921-594-9733 (for reservation)
Currency Converter