REPETEK, Ang Diyaryo ng Pilipino Tuesday, November 19 2019
2 FIREFLY WATCHING DESTINATIONS SA LUNGSOD, BUBUKSAN



(PHOTO// CLEA FAYE G. CAHAYAG)

KINUMPIRMA ni City Tourism Officer Aileen Amurao na bubuksan na ngayong Hunyo ang dalawang karagdagang Community-Based Sustainable Tourism (CBST) sa lungsod, ito ay ang Nagsagipi at San Carlos River Firefly Watching.

“Bubuksan natin ang Nagsagipi Firefly Watching, [nasa] boundary [ito] ng Brgy. Salvacion at Sta.Cruz. Ito ay pagpapalawig pa rin ng turismo dito sa lungsod ng Puerto princesa. So, isa itong bagong [atraksiyon] sabihin na lang nating tourism activity at tourist attraction ito at the same time,” ayon sa opisyal.

Binansagan pa ni Amurao na ‘home of fireflies’ ang Nagsagipi River dahil sa yaman umano ng lugar pagdating sa mga alitaptap.

Maaari umanong walk-in o boating tour ang gagamitin sa pag-iikot sa nasabing lugar, depende sa kagustuhan ng bibisita.

Bukod dito, ang isa pa umanong firefly watching na bubuksan ay ang San Carlos Firefly Watching.

“Another area which is San Carlos river cruise. Kung before parang floating resto (restaurant] lang iyon, ngayon meron na silang firefly watching. Enjoyable din ‘yung river cruising nila, d’un sa certain point along the way, makikita mo doon ‘yung fireflies meron silang area parang ‘yun ‘yung turning point. Merong area na super dami kaya parang doon mag-i-stop, magdi-dinner, magku-cruising; habang kumakain ka, nakikita mo ang firefly sa paligid mo,” pagmamalaki pa ni Amurao.

Apat na umano ang destinasyon sa lungsod na pangunahing mga alitaptap ang makikitang atraksiyon na kinabibilangan ng Maoyon, Kitu-Kito, Nagsagipi, at Iwahig Carlos Firefly watching.

“The [Puerto Princesa] City can already claim as Firefly Capital of the Philippines kasi sa dami ng fireflies all over the city so dito talaga masasabi nila na, the presence of fireflies is an indication na maganda yung environment yun yung kinakailangan nating mapangalagaan at mapanghawakan”, dagdag ng opisyal.

Sa kabilang dako, positibo pa rin si Amurao na muling bubuksan sa publiko ang nakaraa’y ipinasarang Iwahig Firefly Watching matapos mag-isyu ng cease and desist order ang Bureau of Correction (BuCor) sa Iwahig Community Eco-Toursim Multi-purpose Cooperative (ICEMCO) na nag-o-operate ng firefly tour sa Iwahig Prison Penal Farm (IPPF).

“We might as well open some other tourism areas with fireflies but we are still hoping that we can still negotiate with Iwahig [Management]. As much as possible, we like to continue na mag-benefit ‘yung mga tao over that tourism activity. I’m still hoping talaga na Supt. Aro would help us,” pahayag ni Amurao

Related Articles
P15 MILYONG HALAGA NG SPORTS EQUIPMENTS, NAIPAGKALOOB NA UMANO SA CITY GOVERNMENT
POWER INTERRUPTIONS NOONG BATANG PINOY, ISINISISI NG PALECO SA FIRE CRACKERS
ORDINANSA SA WASTONG PAGTAPON NG BASURA, HINILING NA MULING PAG-ARALAN
‘HINDI AKO PAPAYAG NA MAG-FAIL ANG SATELLITE CITY HALL PROJECT’- BAYRON
DOLE, MULING NAGKALOOB NG LIVELIHOOD PROGRAM
PAMAMAHAGI NG LIBRENG SCHOOL SUPPLIES, HINILING
ISANG CHINESE NATIONAL, NAIS IDEKLARANG PERSONA NON GRATA SA SIYUDAD
REHABILITATION PROGRAM NG CITY ENGINEERING OFFICE SA MAGARWAK, IPINAHIHINTO
ICEMCO, MAY BAGO NANG PANGANGALAGAANG CBST
PAGBABAWAL SA PAGPAPAGALA NG MGA ALAGANG ASO, MAHIGPIT NANG IPATUTUPAD
DILG MEMORANDUM CIRCULAR NO. 2019-121, IPATUTUPAD NA SA LUNGSOD
PPCWD, BUCOR, LUMAGDA SA ISANG JOINT VENTURE AGREEMENT
P250-M HALAGA NG BUCOR ACADEMY, ITATAYO SA IWAHIG
EXITING BENEFICIARIES NG 4P’S, BINIGYANG PARANGAL
5 CBST SA LUNGSOD, NAGING BENEPISYARYO NG LIVELIHOOD PROJECT NG DOLE
PUERTO BAY, POSITIBO ULI SA RED TIDE
P3.4-M SUPPLEMENTAL BUDGET NO. 2 NG LUNGSOD, LUSOT NA SA PINAL NA PAGBASA
MGA MAGSASAKANG APEKTADO NG DROUGHT SA SIYUDAD, PUMALO NA SA 692 INDIBIDWAL
KAHALAGAHAN NG PAGSASAKA, IPINAKIKITA SA GINTONG BUTIL AGRI-FARM
ILAN SA MGA HEAVY EQUIPMENTS NG CITY GOVERNMENT, DUMATING NA!
ITINATAYONG 4 SATELLITE CITY HALL, PAMUMUNUAN NI EX-COUNCILOR RODRIGUEZ
PROYEKTONG PAILAW SA DALAWANG BARANGAY, TAPOS NA
16th CITY COUNCIL, NAGHALAL NA NG BAGONG CHAIRMAN SA MGA BAWAT KOMITE
FOREIGN WORKERS NA WALANG LISENSIYA, HINDI UMANO KUKUNSINTIHIN NI AMURAO
VIRGILIO TAGLE, ITINALAGANG BAGONG DILG CITY DIRECTOR
ILANG MAGTITINDA SA CITY BAYWALK, PAAALISIN
PUERTO PRINCESA 15TH CITY COUNCIL, NAKATANGGAP NG PARANGAL
ANTI FULL-FACE HELMET ORDINANCE, HINDI INAPRUBAHAN NG KONSEHO
ONE-STOP SHOP SA PAGKUHA NG MGA LISENSIYA, LILIKHAIN
121st ARAW NG KALAYAAN, IPINAGDIWANG
PAGBABAWAL SA PAGSUSUOT NG FULL-FACE HELMET, MULING ISINUSULONG
CLOUD SEEDING OPERATIONS NG PPCWD, MATAGUMPAY
NG PWD ID, PURCHASE BOOKLET
CITY WATER DISTRICT, PCSD, IPINATATAWAG SA SUSUNOD NA SESYON
MINIMUM RATE NG MGA JOB ORDER EMPLOYEE NG PPC, PLANONG TAASAN SA 2020
2 FIREFLY WATCHING DESTINATIONS SA LUNGSOD, BUBUKSAN
Newspaper of The Week
Advertise with Repetek
Weather
Currently
Currently
Islam
Lot For Sale
Public Transport Schedule
Bataraza/Rio Tuba
Palawan Shuttle Express Asso. Inc (Palshutex)
Puerto Prinsesa to Rio Tuba and vice versa
5:00am-6:30am,6:30am-8:30am, 11:30am upward daily trips
PCINSP Diosdado S. Alarcon PNP (Ret) - President
Contact Nos. 0917-553-2347 or 0921-594-9733 (for reservation)
Currency Converter