REPETEK, Ang Diyaryo ng Pilipino Friday, April 03 2020
2 LALAKE, NAHAHARAP SA KASO KAUGNAY SA ILIGAL NA DROGA



NAHAHARAP sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act ang dalawang kalalakihan base sa ibinabang search warrant si Judge Arnel Cezar ng Regional Trial Court (RTC) Branch 163 ng bayan ng Coron kamakailan lamang.

Kinilala ang mga suspek na sina Darlito “Boboy” G. Diaz, residente ng Brgy. Tagumpay ng nabanggit na bayan at Jesus P. Fabilan, residente ng Brgy. Panlaitan, Busuanga, pawang nasa wastong gulang.

Dahil sa ibinabang search warrant ng nasabing hukom noong besperas ng Pasko, agad na nagkaroon ng operasyon ang joint personnel ng Coron MPS at 401st MC RMFB 4B sa mismong bahay ni Diaz.

Sa ulat ng PNP, habang paparating ang joint team sa tahanan ng nabanggit na pangunahing suspek ay agad nang nagsitakbuhan ang tatlong kalalakihan na nakatira, dalawang bahay ang layo mula sa tahanan ng nasabing suspek.

Agaran namang naaresto ng mga awtoridad ang mga nabanggit na suspek. Nakita pa umano ng mga arresting officer na itinapon ni Fabilan ang isang piraso ng glass tooter.

Narekuber sa mismong tahanan ni Darlito Diaz ang isang box ng pusporong “Commando,” tatlong piraso ng heat sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng pinaghihinalaang shabu at tatlong piraso ng unsealed transparent plastic sachet na pinaghihinalaan ding shabu.

Isinagawa ang inventory at markings ng mga nakumpiskang aytems sa crime scene at sinaksihan ng ilang barangay kagawad at Media Practitioner/Personality.

Ang nakumpiskang mga bagay na pinaniwalaang mga ipinagbabawal na gamot at ang ilang drug paraphernalia ay ibinigay sa pangangalaga ng Palawan Provincial Crime Laboratory Office para sa pagsusuri habang ang mga naarestong suspek ay nasa ilalim na ng kustodiya ng Coron MPS para sa kanilang wastong disposisyon.

Related Articles
LALAKI, TIMBOG DAHIL SA PAGPUPUSLIT NG BUHAY-ILANG
PAGPATAY KAY RUBEN BEDIORES GOH HINDI ELECTION RELATED INCIDENT—PPO
TUMATAKBONG KONSEHAL SA MUNISIPYO NG ABORLAN, DEAD ON THE SPOT SA PAMAMARIL
CZECH NATIONAL, ARESTADO KAUGNAY SA KASONG ESTAFA
PULIS, PATAY SA PAMAMARIL
CAFGU MEMBER, NAHAHARAP SA KASONG DIRECT ASSAULT
2 LALAKE, NAHAHARAP SA KASO KAUGNAY SA ILIGAL NA DROGA
LALAKE, DEAD ON ARRIVAL MATAPOS MAGTAMO NG SAKSAK
WANTED PERSON SA KASONG PAGPATAY, ARESTADO
LALAKE, NAHAHARAP SA KASONG ILLEGAL POSSESSIONS OF FIREARMES
LALAKI, NAHAHARAP SA KASONG DIRECT ASSAULT
5 KALALAKIHAN, TIMBOG DAHIL SA PAGSUSUGAL
KILALANG MAGNANAKAW SA BAYAN NG NARRA, PATAY MATAPOS MABARIL NG NILOOBAN
MANGINGISDA, NAIULAT NA NAWAWALA SA KARAGATANG SAKOP NG BAYAN NG ABORLAN
LALAKE, ARESTADO KAUGNAY SA KASONG PANGGAGAHASA
PULIS GINAHASA NG KAPWA PULIS
DISMISSED PNP PERSONNEL, ARESTADO SA IKINASANG BUY BUST OPERATION SA TAYTAY
ISANG MIYEMBRO NG PHILIPPINE ARMY, BINARIL NG CAFGU
Newspaper of The Week
Advertise with Repetek
Weather
Currently
Currently
Islam
Lot For Sale
Public Transport Schedule
Bataraza/Rio Tuba
Palawan Shuttle Express Asso. Inc (Palshutex)
Puerto Prinsesa to Rio Tuba and vice versa
5:00am-6:30am,6:30am-8:30am, 11:30am upward daily trips
PCINSP Diosdado S. Alarcon PNP (Ret) - President
Contact Nos. 0917-553-2347 or 0921-594-9733 (for reservation)
Currency Converter