REPETEK, Ang Diyaryo ng Pilipino Tuesday, November 19 2019
2 TRAK NA PUNO NG PLASTIK NA BASURA, NAKULEKTA SA IKINASANG BEACH CLEAN UP SA EL NIDO



(CONTRIBUTED PHOTO//EL NIDO PLASTIC BATTLE)

Sa pagtutulungan ng iba’t ibang organisasyon, dalawang trak ng basura na karamiha’y plastik ang nakulekta ng mga mamamayan sa isinagawang beach clean-up sa bayan ng El Nido.

Ang naturang aktibidad ay pinangunahan ng Green Nido, isang grupo ng mga scuba diving shops sa nabanggit na bayan, katuwang ang Philippine Coastguard Auxiliary (PCGA), El Nido Chamber of Commerce at El Nido Plastic Battle upang sisirin ang mga basura sa ilalim at itaas na bahagi ng dagat.

Kaugnay nito ay hinikaya’t ng Green Nido ang mga tour operators na magdala ng mga trash bags sa kanilang mga gagawing tours at umaasa silang sa susunod na clean-up drive sa ika-8 ng Hulyo ay marami ng lokal, negosyante at iba pang sektor ng lipunan ang makiisa sa kanilang isinasagawang pangangalaga sa karagatan.

Matapos ang ginawang paglilinis, nagpasalamat ang grupo sa mga boluntaryong tumulong upang maisakatuparan at gawing matagumpay ang paglilinis at pangangalaga sa karagatan lalo na sa grupo ng mga divers na kinabibilangan ng Ranmar Divers, Turtle Divers, Deep blue, Submariner, Palawan Divers Seasphere, at El Dive at Aquanaut sa kanilang pakikibahagi sa underwater clean-up.

Malaking tulong rin ang ginawa ng grupo sa Skipper Charters, El Nido Boutique Artcafe at iba pang concerned groups sa pag-i-sponsor ng mga bangkang sasakyan para sa paglilibot sa dagat at pagbibigay ng miryenda sa mga partisipante.

Nakilahok din sa nasabing gawain ang Department of Environment and Natural Resources (DENR), El Nido Tourism, at Oplan Linis sa pag-oorganisa ng ‘quick pick’ ng mga basurang madadaan ng trak na kanilang sinasakyan.

(CONTRIBUTED PHOTO//EL NIDO PLASTIC BATTLE)

Related Articles
P15 MILYONG HALAGA NG SPORTS EQUIPMENTS, NAIPAGKALOOB NA UMANO SA CITY GOVERNMENT
POWER INTERRUPTIONS NOONG BATANG PINOY, ISINISISI NG PALECO SA FIRE CRACKERS
ORDINANSA SA WASTONG PAGTAPON NG BASURA, HINILING NA MULING PAG-ARALAN
‘HINDI AKO PAPAYAG NA MAG-FAIL ANG SATELLITE CITY HALL PROJECT’- BAYRON
DOLE, MULING NAGKALOOB NG LIVELIHOOD PROGRAM
PAMAMAHAGI NG LIBRENG SCHOOL SUPPLIES, HINILING
ISANG CHINESE NATIONAL, NAIS IDEKLARANG PERSONA NON GRATA SA SIYUDAD
REHABILITATION PROGRAM NG CITY ENGINEERING OFFICE SA MAGARWAK, IPINAHIHINTO
ICEMCO, MAY BAGO NANG PANGANGALAGAANG CBST
PAGBABAWAL SA PAGPAPAGALA NG MGA ALAGANG ASO, MAHIGPIT NANG IPATUTUPAD
DILG MEMORANDUM CIRCULAR NO. 2019-121, IPATUTUPAD NA SA LUNGSOD
PPCWD, BUCOR, LUMAGDA SA ISANG JOINT VENTURE AGREEMENT
P250-M HALAGA NG BUCOR ACADEMY, ITATAYO SA IWAHIG
EXITING BENEFICIARIES NG 4P’S, BINIGYANG PARANGAL
5 CBST SA LUNGSOD, NAGING BENEPISYARYO NG LIVELIHOOD PROJECT NG DOLE
PUERTO BAY, POSITIBO ULI SA RED TIDE
P3.4-M SUPPLEMENTAL BUDGET NO. 2 NG LUNGSOD, LUSOT NA SA PINAL NA PAGBASA
MGA MAGSASAKANG APEKTADO NG DROUGHT SA SIYUDAD, PUMALO NA SA 692 INDIBIDWAL
KAHALAGAHAN NG PAGSASAKA, IPINAKIKITA SA GINTONG BUTIL AGRI-FARM
ILAN SA MGA HEAVY EQUIPMENTS NG CITY GOVERNMENT, DUMATING NA!
ITINATAYONG 4 SATELLITE CITY HALL, PAMUMUNUAN NI EX-COUNCILOR RODRIGUEZ
PROYEKTONG PAILAW SA DALAWANG BARANGAY, TAPOS NA
16th CITY COUNCIL, NAGHALAL NA NG BAGONG CHAIRMAN SA MGA BAWAT KOMITE
FOREIGN WORKERS NA WALANG LISENSIYA, HINDI UMANO KUKUNSINTIHIN NI AMURAO
VIRGILIO TAGLE, ITINALAGANG BAGONG DILG CITY DIRECTOR
ILANG MAGTITINDA SA CITY BAYWALK, PAAALISIN
PUERTO PRINCESA 15TH CITY COUNCIL, NAKATANGGAP NG PARANGAL
ANTI FULL-FACE HELMET ORDINANCE, HINDI INAPRUBAHAN NG KONSEHO
ONE-STOP SHOP SA PAGKUHA NG MGA LISENSIYA, LILIKHAIN
121st ARAW NG KALAYAAN, IPINAGDIWANG
PAGBABAWAL SA PAGSUSUOT NG FULL-FACE HELMET, MULING ISINUSULONG
CLOUD SEEDING OPERATIONS NG PPCWD, MATAGUMPAY
NG PWD ID, PURCHASE BOOKLET
CITY WATER DISTRICT, PCSD, IPINATATAWAG SA SUSUNOD NA SESYON
MINIMUM RATE NG MGA JOB ORDER EMPLOYEE NG PPC, PLANONG TAASAN SA 2020
2 FIREFLY WATCHING DESTINATIONS SA LUNGSOD, BUBUKSAN
Newspaper of The Week
Advertise with Repetek
Weather
Currently
Currently
Islam
Lot For Sale
Public Transport Schedule
Bataraza/Rio Tuba
Palawan Shuttle Express Asso. Inc (Palshutex)
Puerto Prinsesa to Rio Tuba and vice versa
5:00am-6:30am,6:30am-8:30am, 11:30am upward daily trips
PCINSP Diosdado S. Alarcon PNP (Ret) - President
Contact Nos. 0917-553-2347 or 0921-594-9733 (for reservation)
Currency Converter