REPETEK, Ang Diyaryo ng Pilipino Saturday, February 22 2020
ACTIVE SHOOTING INCIDENT SIMULATION EXERCISES, ISINAGAWA NG PROVINCIAL GOV’T SA KAPITOLYO



(CONTRIBUTED PHOTO//PIO)

UPANG malaman ang kahandaan ng response units ng Pamahalaang Panlalawigan sa pagbibigay ng seguridad sa mga empleyado at opisyal ng pamahalaan sakaling magkaroon ng aktwal na pamamaril sa loob ng Provincial Capitol Building ay isinagawa ng mga kinauukulan ang Active Shooting Simulation Exercise noong ika-19 ng Hunyo na tumagal ng mahigit dalawang oras.

Ang aktibidad ay pinangunahan ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO), katuwang ang Provincial Peace and Order Program, Palawan Rescue 165 at Provincial Capitol Security Guards (PCGS).

Ang mga partisipante ay ang mga kawani ng lahat ng tanggapan ng Gusaling Kapitolyo, Palawan Provincial Police Office (PPO), Puerto Princesa City Police Office (PPCPO), Provincial Health Office (PHO), Philippine Red Cross-Palawan, Western Command (Wescom), Provincial Information Office (PIO), Joint Task Force Peacock (JTFP), Bureau of Fire Protection (BFP), mga Municipal Disaster Risk Reduction and Management Officers at maging ang Puerto Princesa City Disaster Risk Reduction Officer at ang ilan sa kanilang mga staff.

Isinadula sa ikinasang “CAPITOL LOCKDOWN: Active Shooting Incident Simulation Exercise” ang mga posibleng mangyari sakaling magkaroon ng pamamaril sa Kapitolyo matapos na makapasok ang assailants. Sa ganoong senaryo agad na rumesponde ang response units ng Kapitolyo at nag-deploy ng security teams na kinabibilangan ng Alpha, Bravo, Charlie, Delta, at Zulu upang i-neutralize ang mga suspek, naglatag ng road-blocks at checkpoints sa paligid ng Kapitolyo at agad na nagbigay ng order sa mga tanggapan nito na mag-lockdown para sa kanilang seguridad. Rumesponde rin sa insidente ang Provincial at City PNP, SWAT, Wescom, BFP, Coast Guard District Palawan at PHO.

Nagtalaga rin ng Incident Command Post at Incident Management Team ang mga kinauukulan na binubuo ng Triage (Team 1), Extraction (Team 2&3) at Advance Medical Post (Team 4&5) na magbibigay ng first aid at iba pang serbisyong medikal sa mga nasugatan sa insidente.

Matapos ang kunwaring insidente ng pamamaril ay nagsagawa ng site inspection ang response unit upang hanapin ang mga posibleng explosives na naiwan at i-assess ang lawak ng pinsala ng insidente.

Agad namang nagsagawa ng evaluation ang Provincial Government kaugnay ng Active Shooting Simulation Exercise at inilatag ang mga posibleng gawing Contingency Plan at draft protocol kaugnay sa kahalintulad na insidente.

“Ito ay isang eye opener sa atin na important ‘yung ganitong exercises, siyempre, preparation for the security ng bawat isa….Although nakita natin ‘yung efforts ng bawat isa para talagang mai-demonstrate ‘yung isang active shooting,” pahayag ni Police Major Salvador Tabi ng Provincial Police Office.

Umaasa ang Pamahalaang Panlalawigan ng Palawan na mas mapalalakas pa ang hanay ng kanilang response unit matapos ang exercise.

“Successful ang simulation exercise na ito, but still we have to work out ‘yung mga coordination plan at contingency plan ng Capitol. And also additional security protocol especially sa mga high threat incident,” pahayag naman ni Provincial Legal Officer Teodoro Jose Matta.

(CONTRIBUTED PHOTO//PIO)

Related Articles
PAGTATAYO NG MGA PSYCHIATRIC EMERGENCY ROOM, IPINANUNUKALA
ORDINANSANG IPAGBABAWAL ANG PAGSASANGLA NG 4P’S CASHCARDS, ISINUSULONG
ASAWA NG NAWAWALANG MANGINGISDA SA BAYAN NG ROXAS, PALAWAN, NANAWAGAN
MOBILE CLINIC PARA SA NORTE AT SUR NG PALAWAN, HINILING SA DOH-CHD
MGA BAGONG ABOGADO SA MGA ASPIRING LAW STUDENT: ‘WALANG SUKUAN’
SCHOOL-BASED IMMUNIZATION, INILUNSAD NG DOH-CHD MIMAROPA SA PALAWAN
MGA HUGOT, BUMUHOS SA SOCIAL MEDIA DAHIL SA 3 ARAW NA BLACKOUT SA BAYAN NG ROXAS
MAHIGPIT NA PAGSUNOD SA SPEED LIMIT, IPINAALAALA NG PROV’L BOARD SA MGA LGU
ISANG PALM OIL COMPANY SA PALAWAN, SINAMPULAN NG DENR-MIMAROPA
PALAWAN IPMR, MULING UMUPO SA KONSEHO SA PAMAMAGITAN NG HOLDOVER CAPACITY
TOP 5 SA MGA MAY MATAAS NA KASO NG DENGUE SA PALAWAN, INILABAS NG DOH-CHD MIMAROPA
COAL PLANT APPLICATION PALAWAN, BINIGYAN NA NG ECC NG DENR-MIMAROPA
CHINESE FISHING VESSEL, MAS DUMAMI UMANO ANG PRESENSIYA SA WEST PHILIPPINE SEA
TERORISTANG CPP-NPA HADLANG UMANO SA KAUNLARAN, AYON SA WESCOM
PANGANGALAGA SA RASA ISLAND WILDLIFE SANCTUARY, PATULOY NA PINAIIGTING
‘WALANG ABU SAYYAF ANG WESCOM AREA’
MALAMYANG AKSYON NG PILIPINAS SA KABILA NG GINAGAWA NG TSINA SA WPS, TINALAKAY
WESCOM, UMANONG NA-MONITOR NA MISSILE TESTING SA WEST PHILIPPINE SEA
PCL-PALAWAN, MAYROON NG BAHAY-TULUYAN SA LUNGSOD
IKA-10 ANIBERSARYO NG MT. MATALINGAHAN BILANG PROTECTED AREA IPINAGDIWANG
MBLT-3, DARATING SA PALAWAN UPANG HUMALILI SA MBLT-12
NEDA, HINDI UMANO TUTOL SA PAGHAHATI NG PALAWAN SA TATLONG PROBINSYA
14 BILANGGO NG IWAHIG PRISON AND PENAL FARM, MAKALALAYA NA
BANGKA NG MGA MANGINGISDANG PINOY, BINONGGO NG CHINESE VESSEL?
NASA 100 PALAWENYO, LUMAHOK SA BASIC STARTUP WORKSHOP NG DICT, QBO INNOVATION HUB
LOKAL NA PAMAHALAAN NG NARRA, PINAGHAHANDAAN NA ANG IKA-50 ANIBERSARYO
14 CENTENARIAN SA PALAWAN, NAKATAKDANG GAWARAN NG CASH GIFT NG DSWD
FOOD SAFETY SEMINAR, ISINAGAWA NG DTI-PALAWAN
NAWAWALANG DIVER SA TUBBATAHA, PATULOY PA RING PINAGHAHANAP
E-PERMITTING SYSTEM, NAKATAKDANG IPATUPAD NG PCSDS
PNNI, NAGSAGAWA NG TAHIMIK NA KILOS-PROTESTA
KATUTUBONG PALAW’AN NA SANGGOL, AKSIDENTENG NATAMAAN NG PANA SA ULO
SPOTTED WOOD OWL, ISINURENDER NG ISANG CONCERNED CITIZEN
IKATLONG IPMR NG PALAWAN, COA NA LAMANG UMANO ANG KULANG UPANG MAKAUPO
Newspaper of The Week
Advertise with Repetek
Weather
Currently
Currently
Islam
Lot For Sale
Public Transport Schedule
Bataraza/Rio Tuba
Palawan Shuttle Express Asso. Inc (Palshutex)
Puerto Prinsesa to Rio Tuba and vice versa
5:00am-6:30am,6:30am-8:30am, 11:30am upward daily trips
PCINSP Diosdado S. Alarcon PNP (Ret) - President
Contact Nos. 0917-553-2347 or 0921-594-9733 (for reservation)
Currency Converter