REPETEK, Ang Diyaryo ng Pilipino Tuesday, November 19 2019
ANTI FULL-FACE HELMET ORDINANCE, HINDI INAPRUBAHAN NG KONSEHO



(CONTRIBUTED PHOTO//BB. JAIRA JAVAREZ)

HINDI pinaburan ng Sangguniang Panlungsod ang panukalang ordinansa ni Committee on Transportation Chairman Rolando Amurao ukol sa pagbabawal sa pagsusuot ng full-face safety helmet ng mga motor riders.

Ayon sa awtor ng ordinansa, layunin nitong tuldukan ang mga kaso ng riding in tandem incident sa lungsod ng Puerto Princesa gaya ng snatching, carnapping, murder, homicide at iba pa. Bilang former chief of police, aniya, ay alam niya kung paano kumilos ang riding in tandem.

Ngunit sa isinagawang tatlong public hearing ay pawang mga pagtutol ang ibinato ng mga dumalo kaya’t ipinaubaya na lamang ni Amurao sa kanyang mga kasamahan sa Konseho ang pagdedesisyon kung ito ay aaprubahan o hindi.

“However, the public hearing conducted by the committee, we heard the views and sentiments of those who had attended, and mostly are against the passage of the proposed ordinance. According to them, their lives are in peril if we will deny them the best safety device which is the full-face motorcycle safety helmet…. We leave to the wisdom of the August Body the decision of what to do, considering there was no quorum during the public hearings,” ani Amurao bilang bahagi ng kanyang committee report noong ika-17 ng Hunyo.

Sa mainit na talakayan ng nabangit sa isyu, ilan sa mga Konsehal na kinabibilangan nina Kgd. Jonjie Rodriguez, Victor Oliveros at Henry Gadiano ang nagmungkahing i-kept on file na lamang ang usapin.

Liban dito, hindi rin kinatigan ng City Legal Office ang isinusulong na ordinansa ni Amurao at sinabing ito ay unreasonable at invalid dahil sa umiiral na national law kung saan pinapayagan ang paggamit ng tatlong klase ng helmet: full-face, half-face at open face helmet.

MARIING PAGTUTOL
Matatandaang sa huling pagdinig ng naturang isyu ay iisa ang isinisigaw ng mga motorcycle club associations sa siyudad na tila tinatanggalan umano sila ng karapatan na proteksiyunan ang kanilang sarili dahil sa ordinansang nabanggit.

Ayon sa Presidente ng United Sportsbike of Palawan na si Jon Raymer Oclarit na isa sa mga sdumalo sa pagdinig, sinabi niyang ‘invalid’ ang panukalang batas na isinusulong ni Kgd. Amurao dahil hindi umano nito na-meet ang requirements ng Supreme Court sa pagbabalangkas ng nasabing ordinansa.

Aniya, batay sa Korte Suprema, ang isang ordinansa ay kailangang hindi labag sa Konstitusyon o anumang statute, hindi kailangang may kinikilingan o marahas, hindi partial discriminatory, hindi dapat nagbabawal ngunit pwede namang mag-regulate, at hindi dapat hindi patas.

“[Ang ordinance na ito ay] against [to] the right to life and right to liberty…dahil right ng rider na magsuot ng helmet. Kung may isang motorista na galing sa ibang munisipyo pagdating niya po rito, huhulihin siya dahil nakafull-faced helmet; hindi po ba oppressive o unfair ‘yun? Paano po ang mga muslim na naka hijab face helmet? Kahit sabihin po natin na sitahin natin sila at itse-check ang identity nila, doon po mismo sa sarili nila, nararamdaman nila na they are discriminated because of their religion. Sa mga nagbebenta po ng full-faced helmet ano po ang mangyayari…malulugi po sila. In that way po, di po natin mare-regulate ang trade. Ito lang po ba ang paraan na gagawin natin para mawala ang riding in tandem [criminal cases] marami pong paraan?” ang mahabang pagbibigay halimbawa ni Oclarit at iginiit na invalid ang panukalang ordinansa.

Nakasaad din umano sa Motorcycle Helmet Act of 2009 na tanging Department of Transportation (DOTr) at Department of Trade and Industry (DTI) lamang ang deputize agencies na maaaring mag-regulate sa paggamit ng helmet.

Mas mainam aniyang solusyon ang pagpapaigting ng police visibility sa lahat ng kalsada ng siyudad.

Komento naman ni Loi Villa, miyembro ng Palawan Eagle Motorcycle Club, tila pinapasa umano sa mga sa motorcycle rider ang trabaho ng mga pulis sa pagsugpo ng riding in tandem crimes.

“Yung [riding in] tandem, responsibilidad nila ‘yun (PNP). Huwag sana ipasa sa riding public, sa mga motorcycles. No offense intended [pero] hindi namin responsibilidad ‘yun,” pahayag ni Villa.

Senigundahan naman nito ang tinuran ni Oclarit na kailangang pag-igtingin na lamang ang police visibility sa buong lungsod.

Pahayag naman ng ilang dumalo na pag-igihin ang reinforcement, plate implementation, at checkpoints at makiisa sa Clean Rider Act.

Sa kabilang dako, bigo ring maipresenta ni Amurao ang datus mula sa PNP ukol sa mga krimen na kinasangkutan ng riding in tandem, kung kaya’t sinabi ng ilan na walang basehan ang kagawad sa pagpapasa ng naturang ordinansa.

Sa huli, napagdesisyunan ng City Council na ilagay na lamang sa archive o i-kept on file na lamang ang panukala.

Related Articles
P15 MILYONG HALAGA NG SPORTS EQUIPMENTS, NAIPAGKALOOB NA UMANO SA CITY GOVERNMENT
POWER INTERRUPTIONS NOONG BATANG PINOY, ISINISISI NG PALECO SA FIRE CRACKERS
ORDINANSA SA WASTONG PAGTAPON NG BASURA, HINILING NA MULING PAG-ARALAN
‘HINDI AKO PAPAYAG NA MAG-FAIL ANG SATELLITE CITY HALL PROJECT’- BAYRON
DOLE, MULING NAGKALOOB NG LIVELIHOOD PROGRAM
PAMAMAHAGI NG LIBRENG SCHOOL SUPPLIES, HINILING
ISANG CHINESE NATIONAL, NAIS IDEKLARANG PERSONA NON GRATA SA SIYUDAD
REHABILITATION PROGRAM NG CITY ENGINEERING OFFICE SA MAGARWAK, IPINAHIHINTO
ICEMCO, MAY BAGO NANG PANGANGALAGAANG CBST
PAGBABAWAL SA PAGPAPAGALA NG MGA ALAGANG ASO, MAHIGPIT NANG IPATUTUPAD
DILG MEMORANDUM CIRCULAR NO. 2019-121, IPATUTUPAD NA SA LUNGSOD
PPCWD, BUCOR, LUMAGDA SA ISANG JOINT VENTURE AGREEMENT
P250-M HALAGA NG BUCOR ACADEMY, ITATAYO SA IWAHIG
EXITING BENEFICIARIES NG 4P’S, BINIGYANG PARANGAL
5 CBST SA LUNGSOD, NAGING BENEPISYARYO NG LIVELIHOOD PROJECT NG DOLE
PUERTO BAY, POSITIBO ULI SA RED TIDE
P3.4-M SUPPLEMENTAL BUDGET NO. 2 NG LUNGSOD, LUSOT NA SA PINAL NA PAGBASA
MGA MAGSASAKANG APEKTADO NG DROUGHT SA SIYUDAD, PUMALO NA SA 692 INDIBIDWAL
KAHALAGAHAN NG PAGSASAKA, IPINAKIKITA SA GINTONG BUTIL AGRI-FARM
ILAN SA MGA HEAVY EQUIPMENTS NG CITY GOVERNMENT, DUMATING NA!
ITINATAYONG 4 SATELLITE CITY HALL, PAMUMUNUAN NI EX-COUNCILOR RODRIGUEZ
PROYEKTONG PAILAW SA DALAWANG BARANGAY, TAPOS NA
16th CITY COUNCIL, NAGHALAL NA NG BAGONG CHAIRMAN SA MGA BAWAT KOMITE
FOREIGN WORKERS NA WALANG LISENSIYA, HINDI UMANO KUKUNSINTIHIN NI AMURAO
VIRGILIO TAGLE, ITINALAGANG BAGONG DILG CITY DIRECTOR
ILANG MAGTITINDA SA CITY BAYWALK, PAAALISIN
PUERTO PRINCESA 15TH CITY COUNCIL, NAKATANGGAP NG PARANGAL
ANTI FULL-FACE HELMET ORDINANCE, HINDI INAPRUBAHAN NG KONSEHO
ONE-STOP SHOP SA PAGKUHA NG MGA LISENSIYA, LILIKHAIN
121st ARAW NG KALAYAAN, IPINAGDIWANG
PAGBABAWAL SA PAGSUSUOT NG FULL-FACE HELMET, MULING ISINUSULONG
CLOUD SEEDING OPERATIONS NG PPCWD, MATAGUMPAY
NG PWD ID, PURCHASE BOOKLET
CITY WATER DISTRICT, PCSD, IPINATATAWAG SA SUSUNOD NA SESYON
MINIMUM RATE NG MGA JOB ORDER EMPLOYEE NG PPC, PLANONG TAASAN SA 2020
2 FIREFLY WATCHING DESTINATIONS SA LUNGSOD, BUBUKSAN
Newspaper of The Week
Advertise with Repetek
Weather
Currently
Currently
Islam
Lot For Sale
Public Transport Schedule
Bataraza/Rio Tuba
Palawan Shuttle Express Asso. Inc (Palshutex)
Puerto Prinsesa to Rio Tuba and vice versa
5:00am-6:30am,6:30am-8:30am, 11:30am upward daily trips
PCINSP Diosdado S. Alarcon PNP (Ret) - President
Contact Nos. 0917-553-2347 or 0921-594-9733 (for reservation)
Currency Converter