REPETEK, Ang Diyaryo ng Pilipino Sunday, September 22 2019
ANTI-TERRORISM CAMPAIGN, MAS PALALAKASIN SA PALAWAN



SA gitna ng nakikitang banta pa rin ng terorismo sa buong bansa, mas palalakasin na ngayon ang anti-terrorism campaign sa lalawigan ng Palawan, batay sa inaprubahang resolusyon sa Provincial Board.

Sa resolusyong inihain ni Board Member Prince Demaala na aprubado na sa Konseho noong ika-19 ng Pebrero, hinihikayat ng awtor ang lahat ng mga lokal na pamahalaan sa 23 munisipyong sakop ng lalawigan ng Palawan na magsagawa ng kumprehensibong information drive kontra terorismo sa buong probinsiya.

Ipinunto ni Demaala na base sa Saligang Batas ng Pilipinas ay mandato ng estado na ipanatili ang kaayusan at kapayapaan, potektahan ang buhay, kalayaan, at propriedad at pahalagahan ang ikabubuti ng nakararami.

Pag-uusapan pa sana sa kaukulang komite ang resolusyon ngunit hiniling ni Demaala sa mga kasamahan sa Junta Probinsyal ang agarang pag-aapruba rito na kanila ring pinagbigyan na sa inamiyendahang hakbang ay silang lahat na ang may-akda.

“We all know that the province of Palawan is a popular tourist destination… so most likely, napakalaking chance na maging target [tayo] ng mga terrorist groups [na gumagawa ng] kidnapping, bombings na [gaya ng] nangyari last month sa Mindanao,” pahayag ni Demaala sa kanyang sponsorial speech.

Aniya, napakalaking bagay na maipaalala sa lahat ng mga lokal na pamahalaan ang kampanya kontra terorismo para sa kaligtasan ng mga mamamayan at ng mga turista.

Ilan sa inilatag na halimbawa ng awtor na matagal na ring paalaala ng mga kinauukulan na maging mapagmatiyag at agad na isumbong sa mga otoridad kung may makitang mga kahina-hinalang indibidwal o may maiwang bag sa mga pampublikong lugar.

Sa anti-terrorism dissemination campaign, ipaaalam sa mga mamamayan kung anong ahensiya ang dapat unang tawagan, sino ang kokontakin, o kung ano ang dapat gawin kapag may nakitang mga iniwang bagahe.

“Alam po natin na kapag ang isang lugar ay na-brief…ng information dissemination, alam nila kung paano umaksyon kapag sakali may mga sakunang magaganap pa lamang ay kaya nating pigilan,” pagbibigay-diin niya.

Aniya, mainam na habang ginagawa ng AFP at PNP, ng iba pang concerned agencies ang lahat upang mapigilan ang anumang terrorism activities na maganap, ay aware din at handa ang publiko.

Giit niya, mahalagang may kooperasyon mula sa lahat ang anumang isasagawang counter terrorism activities sa probinsiya.

Matatandaang noong nakaraang taon ay naisailalim sa heightened alert ang probinsiya kasabay ng kidnapping incident sa Mindanao na dahil sa geograpikong kalagayan ng Palawan na napalilibutan ng tubig ay hamon sa mga otoridad na bantayan ang buong karagatan.

ANG Legislative Building kung saan idinadaos ang sesyon ng Sangguniang Panlalawigan. (DIANA ROSS M. CETENTA)

Related Articles
PAGTATAYO NG MGA PSYCHIATRIC EMERGENCY ROOM, IPINANUNUKALA
ORDINANSANG IPAGBABAWAL ANG PAGSASANGLA NG 4P’S CASHCARDS, ISINUSULONG
ASAWA NG NAWAWALANG MANGINGISDA SA BAYAN NG ROXAS, PALAWAN, NANAWAGAN
MOBILE CLINIC PARA SA NORTE AT SUR NG PALAWAN, HINILING SA DOH-CHD
MGA BAGONG ABOGADO SA MGA ASPIRING LAW STUDENT: ‘WALANG SUKUAN’
SCHOOL-BASED IMMUNIZATION, INILUNSAD NG DOH-CHD MIMAROPA SA PALAWAN
MGA HUGOT, BUMUHOS SA SOCIAL MEDIA DAHIL SA 3 ARAW NA BLACKOUT SA BAYAN NG ROXAS
MAHIGPIT NA PAGSUNOD SA SPEED LIMIT, IPINAALAALA NG PROV’L BOARD SA MGA LGU
ISANG PALM OIL COMPANY SA PALAWAN, SINAMPULAN NG DENR-MIMAROPA
PALAWAN IPMR, MULING UMUPO SA KONSEHO SA PAMAMAGITAN NG HOLDOVER CAPACITY
TOP 5 SA MGA MAY MATAAS NA KASO NG DENGUE SA PALAWAN, INILABAS NG DOH-CHD MIMAROPA
COAL PLANT APPLICATION PALAWAN, BINIGYAN NA NG ECC NG DENR-MIMAROPA
CHINESE FISHING VESSEL, MAS DUMAMI UMANO ANG PRESENSIYA SA WEST PHILIPPINE SEA
TERORISTANG CPP-NPA HADLANG UMANO SA KAUNLARAN, AYON SA WESCOM
PANGANGALAGA SA RASA ISLAND WILDLIFE SANCTUARY, PATULOY NA PINAIIGTING
‘WALANG ABU SAYYAF ANG WESCOM AREA’
MALAMYANG AKSYON NG PILIPINAS SA KABILA NG GINAGAWA NG TSINA SA WPS, TINALAKAY
WESCOM, UMANONG NA-MONITOR NA MISSILE TESTING SA WEST PHILIPPINE SEA
PCL-PALAWAN, MAYROON NG BAHAY-TULUYAN SA LUNGSOD
IKA-10 ANIBERSARYO NG MT. MATALINGAHAN BILANG PROTECTED AREA IPINAGDIWANG
MBLT-3, DARATING SA PALAWAN UPANG HUMALILI SA MBLT-12
NEDA, HINDI UMANO TUTOL SA PAGHAHATI NG PALAWAN SA TATLONG PROBINSYA
14 BILANGGO NG IWAHIG PRISON AND PENAL FARM, MAKALALAYA NA
BANGKA NG MGA MANGINGISDANG PINOY, BINONGGO NG CHINESE VESSEL?
NASA 100 PALAWENYO, LUMAHOK SA BASIC STARTUP WORKSHOP NG DICT, QBO INNOVATION HUB
LOKAL NA PAMAHALAAN NG NARRA, PINAGHAHANDAAN NA ANG IKA-50 ANIBERSARYO
14 CENTENARIAN SA PALAWAN, NAKATAKDANG GAWARAN NG CASH GIFT NG DSWD
FOOD SAFETY SEMINAR, ISINAGAWA NG DTI-PALAWAN
NAWAWALANG DIVER SA TUBBATAHA, PATULOY PA RING PINAGHAHANAP
E-PERMITTING SYSTEM, NAKATAKDANG IPATUPAD NG PCSDS
PNNI, NAGSAGAWA NG TAHIMIK NA KILOS-PROTESTA
KATUTUBONG PALAW’AN NA SANGGOL, AKSIDENTENG NATAMAAN NG PANA SA ULO
SPOTTED WOOD OWL, ISINURENDER NG ISANG CONCERNED CITIZEN
IKATLONG IPMR NG PALAWAN, COA NA LAMANG UMANO ANG KULANG UPANG MAKAUPO
Newspaper of The Week
Advertise with Repetek
Weather
Currently
Currently
Islam
Lot For Sale
Public Transport Schedule
Bataraza/Rio Tuba
Palawan Shuttle Express Asso. Inc (Palshutex)
Puerto Prinsesa to Rio Tuba and vice versa
5:00am-6:30am,6:30am-8:30am, 11:30am upward daily trips
PCINSP Diosdado S. Alarcon PNP (Ret) - President
Contact Nos. 0917-553-2347 or 0921-594-9733 (for reservation)
Currency Converter