REPETEK, Ang Diyaryo ng Pilipino Tuesday, November 19 2019
ASAWA NG NAWAWALANG MANGINGISDA SA BAYAN NG ROXAS, PALAWAN, NANAWAGAN



Si Gng. Eleonor Santillan, asawa ng nawawalang mangingisda sa Caramay Roxas, Palawan. (PHOTO//CLEA FAYE G. CAHAYAG)

NANAWAGAN si Gng. Eleonor Santillan, 44 taong gulang, at residente ng Barangay Bagong Sikat, Puerto Princesa City, sa Philippine Coastguard (PCG) na ikutin umano ang lahat ng dagat sa bayan ng Roxas, Palawan at karatig nitong mga isla sa paghahanap sa kanyang nawawalang asawa.

“Sana po ikutan niyo lahat [ng dagat] hindi lang parte sa Roxas [Palawan], lahat sana ng isla. Huwag na po magconclude na baka dito lang yan banda, sana po lahat puntahan, ikutin as in babain sa bawat isla lalo na yong [islang] walang tao. Matulungan na sana ako na mahanap [ang aking asawa] na talagang babain, ikutin yong mga isla baka doon [napadpad] ang asawa ko , baka puwede pa [ikutin talaga], ”ang panawagan nito sa coastguard.

Ayon sa ginang noong ika-7 pa ng Agosto pumalaot ang kanyang asawang si Peggy Santillan, edad 38 taong gulang, kasama ang kanilang tatlong kapitbahay. Sakay ng apat na magkakahiwalay na bangka ang mga ito ng pumalaot sa Magarwak.

Nag-alala umano ang ginang matapos hindi makauwi ang kanyang asawa kinabukasan, dahil tuwing pumapalaot umano ito ay isang araw lamang ang itinatagal nito sa dagat at umuuwi rin kinabukasan.

Ligtas namang nakauwi noong ika-8 ng Agosto ang dalawang mangingisdang kasamahan ng kanyang asawa. Kuwento umano ng mga ito sa ginang, nang sila’y dumating sa sentro ng Magarwak kung saan napagkasunduan ng apat na mangingisda na magkikita- kita, bigla umanong humampas ang malalaking alon at malalakas na hangin kasagsagan ng bagyong Hannah.

“Nagpatabi raw sila sabi ng dalawang kapitbahay ko, pero iyong kapitbahay ko na sumusunod ang laki ng bangka sa amin nanatili daw sila [ng asawa ko] sa laot pero noong palakas [ng palakas ang alon at hangin] sinabihan ng isang kapitbahay ko na magpatabi na, tapos padilim na raw [ng oras na yon] di na nila alam kung nagkita-kita o kung saan na yong asawa ko (Peddy) [sakay ng kanyang bangka]”, ayon pa sa ginang.

Nang araw na iyon nakipag-ugnayan na umano siya sa Puerto Princesa City Coastguard upang ipagbigay-alam na nawawala ang kanyang asawa ngunit ang isinagot umano sa kanya ng mga ito ay hindi umano sakop ng Puerto Princesa Coastguard ang lugar na pinaglaotan ng kanyang asawa at mainam na ang Coast Guard Honda Bay ang kanyang tawagan dahil sakop nito ang Magarwak.

“Na-i-relay din daw nila yon [sa Coastguard Honda Bay] sabi [ng Puerto Coastguard] nag-rescue daw. Sumama pa ako sa laot ng dalawang araw pero negative pa rin ang result”, pahayag ni Santillan.

Dalawang araw makalipas ang umano’y insidente sa karagatan ng ligtas ding makauwi noong ika- 9 ng Agosto ang isang kasamahang mangingisda ni Peggy na natagpuan sa Tinitian sa bayan ng Roxas, Palawan.

Samantala, noong ika-20 ng Agosto nang ma-retrieve ang bangkang gamit ng biktimang si Peggy sa Barangay Caramay, Roxas. Ngunit magpahanggang ngayon ay hindi pa rin natatagpuan ang biktima. Tiniyak naman ng Philippine Coastguard na patuloy ang kanilang isinasagawang search and retrieval operation upang makita ang biktima.

Nag-iwan naman ng mensahe ang ginang sa kanyang asawa. [Kung nakikinig ka] be umuwi ka na gumawa ka ng paraan kahit sino puwede lapitan mo na [para makauwi ka na dito sa atin], panawagan pa ng ginang.

Related Articles
PAGTATAYO NG MGA PSYCHIATRIC EMERGENCY ROOM, IPINANUNUKALA
ORDINANSANG IPAGBABAWAL ANG PAGSASANGLA NG 4P’S CASHCARDS, ISINUSULONG
ASAWA NG NAWAWALANG MANGINGISDA SA BAYAN NG ROXAS, PALAWAN, NANAWAGAN
MOBILE CLINIC PARA SA NORTE AT SUR NG PALAWAN, HINILING SA DOH-CHD
MGA BAGONG ABOGADO SA MGA ASPIRING LAW STUDENT: ‘WALANG SUKUAN’
SCHOOL-BASED IMMUNIZATION, INILUNSAD NG DOH-CHD MIMAROPA SA PALAWAN
MGA HUGOT, BUMUHOS SA SOCIAL MEDIA DAHIL SA 3 ARAW NA BLACKOUT SA BAYAN NG ROXAS
MAHIGPIT NA PAGSUNOD SA SPEED LIMIT, IPINAALAALA NG PROV’L BOARD SA MGA LGU
ISANG PALM OIL COMPANY SA PALAWAN, SINAMPULAN NG DENR-MIMAROPA
PALAWAN IPMR, MULING UMUPO SA KONSEHO SA PAMAMAGITAN NG HOLDOVER CAPACITY
TOP 5 SA MGA MAY MATAAS NA KASO NG DENGUE SA PALAWAN, INILABAS NG DOH-CHD MIMAROPA
COAL PLANT APPLICATION PALAWAN, BINIGYAN NA NG ECC NG DENR-MIMAROPA
CHINESE FISHING VESSEL, MAS DUMAMI UMANO ANG PRESENSIYA SA WEST PHILIPPINE SEA
TERORISTANG CPP-NPA HADLANG UMANO SA KAUNLARAN, AYON SA WESCOM
PANGANGALAGA SA RASA ISLAND WILDLIFE SANCTUARY, PATULOY NA PINAIIGTING
‘WALANG ABU SAYYAF ANG WESCOM AREA’
MALAMYANG AKSYON NG PILIPINAS SA KABILA NG GINAGAWA NG TSINA SA WPS, TINALAKAY
WESCOM, UMANONG NA-MONITOR NA MISSILE TESTING SA WEST PHILIPPINE SEA
PCL-PALAWAN, MAYROON NG BAHAY-TULUYAN SA LUNGSOD
IKA-10 ANIBERSARYO NG MT. MATALINGAHAN BILANG PROTECTED AREA IPINAGDIWANG
MBLT-3, DARATING SA PALAWAN UPANG HUMALILI SA MBLT-12
NEDA, HINDI UMANO TUTOL SA PAGHAHATI NG PALAWAN SA TATLONG PROBINSYA
14 BILANGGO NG IWAHIG PRISON AND PENAL FARM, MAKALALAYA NA
BANGKA NG MGA MANGINGISDANG PINOY, BINONGGO NG CHINESE VESSEL?
NASA 100 PALAWENYO, LUMAHOK SA BASIC STARTUP WORKSHOP NG DICT, QBO INNOVATION HUB
LOKAL NA PAMAHALAAN NG NARRA, PINAGHAHANDAAN NA ANG IKA-50 ANIBERSARYO
14 CENTENARIAN SA PALAWAN, NAKATAKDANG GAWARAN NG CASH GIFT NG DSWD
FOOD SAFETY SEMINAR, ISINAGAWA NG DTI-PALAWAN
NAWAWALANG DIVER SA TUBBATAHA, PATULOY PA RING PINAGHAHANAP
E-PERMITTING SYSTEM, NAKATAKDANG IPATUPAD NG PCSDS
PNNI, NAGSAGAWA NG TAHIMIK NA KILOS-PROTESTA
KATUTUBONG PALAW’AN NA SANGGOL, AKSIDENTENG NATAMAAN NG PANA SA ULO
SPOTTED WOOD OWL, ISINURENDER NG ISANG CONCERNED CITIZEN
IKATLONG IPMR NG PALAWAN, COA NA LAMANG UMANO ANG KULANG UPANG MAKAUPO
Newspaper of The Week
Advertise with Repetek
Weather
Currently
Currently
Islam
Lot For Sale
Public Transport Schedule
Bataraza/Rio Tuba
Palawan Shuttle Express Asso. Inc (Palshutex)
Puerto Prinsesa to Rio Tuba and vice versa
5:00am-6:30am,6:30am-8:30am, 11:30am upward daily trips
PCINSP Diosdado S. Alarcon PNP (Ret) - President
Contact Nos. 0917-553-2347 or 0921-594-9733 (for reservation)
Currency Converter