REPETEK, Ang Diyaryo ng Pilipino Monday, February 18 2019
BACUIT BAY NG EL NIDO, TARGET MAGING WATER QUALITY MANAGEMENT AREA



Kasabay ng nagpapatuloy na rehabilitasyon sa bayan ng El Nido na nakatakdang matatapos sa Mayo, target naman ngayon ng mga kinauukulan na madeklara ring Water Quality Management Area (WQMA) ang Bacuit Bay.

Pinagtutulungan ngayon ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) at Pamahalaang Bayan ng El Nido na maibalik ang malinis na tubig sa mga apektadong bahagi upang maging Class SB. Ang ganoong klasipikasyon ay nangangahulugang pwede na ang lugar sa ecotourism at mga aktibidad na pampalipas oras tulad ng pagligo sa dagat, paglangoy at skin diving.

“Water quality management is one of the priorities of Secretary Cimatu, and the establishment of Bacuit Bay WQMA adheres to the major thrusts of his administration. We look forward to having a sustained and collective action towards saving Bacuit Bay and the rest of our natural resources here in El Nido,” ani Assistant Secretary for Field Operations-Southern Luzon Reynulfo Juan sa inilabas na press release ng DENR-Mimaropa. Ang tinuran ng opisyal ay mula sa naganap na First Environmental Forum noong ika-29 ng Enero.

Isinagawa ang nabanggit na porum sa Legislative Building ng El Nido na layong ipaalam sa mga stakeholders ang mga seryeng gagawin kaugnay sa pagtatatag ng water quality management area, na target na maisakatuparan sa Nobyembre, tulad ng pagkonsulta sa madla, at paggawa ng governing board. Ang Board ang kakatha at magpapatupad ng 10-year action plan upang sosolusyon sa mga isyu hinggil sa kalidad ng tubig na bubuuin naman ng mga kinatawan ng national government agencies, local government units, water utility at business sectors.

“We can say that this is a progress made in line with El Nido’s six month rehabilitation period, which would end in May. Masaya ako na nandito tayo para makibahagi sa paglilinis ng Bacuit Bay. Tayo ang kalikasan dito sa El Nido,” ang bahagi ng pambungad na pananalita ni Mayor Nieves Rosento sa environmental forum.

Natalakay din umano sa porum ang ibang nararapat na hakbang para mapangalagaan ang Bacuit Bay tulad ng waste water treatment technologies, mga posibleng financing institutions at application process sa pagkuha ng DENR permits at iba pang requirements tulad ng discharge permit, permit to operate, hazardous generator’s ID, at pagtalaga ng pollution control officer (PCO).

Matatandaang hindi ipinasara ang bayan ng El Nido kundi isinailalim lamang sa six-month rehab ang mga may problemang lugar tulad ng Bacuit Bay na iniatas ng kalihim ng DENR na si Roy Cimatu na ayusin ang nasabing mga lugar at ipinagbawal ang pagligo sa mga lugar na may mataas na coliform levels.

“We are mindful of the instructions of Secretary Cimatu and we recognize the urgency to establish WQMA in Bacuit Bay, which we expect to take place in November 2019,” ani EMB Mimaropa Regional Director Michael Drake Matias. Ang tinutukoy ng opisyal ay ang pangangailangang mapababa ang taas ng coliform sa nasabing baybayin na ang ibang lugar ay makapasa sa quality guidelines na 100 Most Probable Number (MPN)/100ml para sa Class SB waters batay sa ibinabang Department Administrative Order 2016-08 ng DENR.

Noong Disyembre 28, 2018 lumabas sa isinagawang pagsusuri sa kalidad ng tubig na ang coliform levels ay 110 MPN/100ml sa Brgy. Masagana, 130 MPN/100ml sa Brgy. Maligaya at 130 MPN/100ml sa Brgy. Buena Suerte na mas mataas pa rin sa quality guidelines. Sa apat na outfalls naman na diretso sa baybay ay nakitang may 79,000 MPN/100ml sa Cabugao, sa Masagana ay 13,000 MPN/100ml sa El Nido Estero ay 11,000MPN/100ml at sa Brgy. Corong-corong ay 17,000 MPN/100ml.

Sa kabilang dako, inaasikaso rin umano ngayon ng DENR at lokal na pamahalaan na magtayo ng one-stop-shop upang tulungan ang mga concerned stakeholders sa pagtalima ng mga requirements. Maliban pa rito ay nakalinya na rin umano ang pagtatayo ng karagdagang tanggapan at ng bacteriological laboratory upang madali na lamang sa Environment Management Bureau (EMB) na makapagsagawa ng mga kinakailangang pagsuri sa mga tubig na hindi na kailangang maya’t mayang pagpunta at pabalik sa Maynila.

Naniniwala naman umano si DENR Regional Director Henry Adornado na bagamat marami-rami pa ang dapat gawin, naniniwala siyang makakaya nila ito dahil sa kaparehas na pagtutulungan ng lahat na kanyang nakita sa mga naunang hakbang ng Task Force El Nido. Sa deadline sa clean-up drive, ipakikita rin umano nila sa publiko ang kalidad ng tubig sa Bacuit Bay na malinis na at ligtas na sa kalusugan ng publiko.

ANG bahagi ng baybayin ng Brgy. Corong-corong, El Nido. (REPETEK FILE PHOTO)

Related Articles
BACUIT BAY NG EL NIDO, TARGET MAGING WATER QUALITY MANAGEMENT AREA
PALAWENYO, TIMBOG DAHIL SA ILIGAL NA PANGINGISDA
DENR-MIMAROPA SUPORTADO ANG NAGING PAHAYAG NI PD30 UKOL SA EL NIDO, CORON
P2.1-B WASTE TO ENERGY PROJECT SA LUNGSOD, ‘SCAM’, SIGAW NG MGA ENVIRONMENTAL GROUPS
DRAYBER NG TRAK NA NAGLALAMAN NG MGA PATAY NA BUHAY ILANG, NADAKIP SA BRGY. STA. LOURDES
MGA LGU, HINIKAYAT NA I-PROMOTE ANG PAGGAMIT NG RENEWABLE ENERGY
PAMAMAHAGI NG MGA KAGAMITING PANG-ELEKTRISIDAD NG PSFI, KINILALA
PUERTO BAY, POSITIBO ULI SA RED TIDE TOXINS
FORCED DEMOLITION SA EL NIDO, SINIMULAN NA
Newspaper of The Week
Advertise with Repetek
Weather
Currently
Currently
Islam
Lot For Sale
Public Transport Schedule
Bataraza/Rio Tuba
Palawan Shuttle Express Asso. Inc (Palshutex)
Puerto Prinsesa to Rio Tuba and vice versa
5:00am-6:30am,6:30am-8:30am, 11:30am upward daily trips
PCINSP Diosdado S. Alarcon PNP (Ret) - President
Contact Nos. 0917-553-2347 or 0921-594-9733 (for reservation)
Currency Converter