REPETEK, Ang Diyaryo ng Pilipino Thursday, February 20 2020
BANGKA NG MGA MANGINGISDANG PINOY, BINONGGO NG CHINESE VESSEL?



Ang nasirang dulong bahagi ng F/B GIMVER 1 makaraang mabangga ng Chinese vessel sa Recto Bank madaling araw noong Hunyo 9. (CONTRIBUTED PHOTO//Philippine Navy)

INTENSYONG binangga o hindi sinasadyang binangga ang lumalabas ngayon sa kamakailangang banggaan ng bangka ng China at ng Filipino fishermen sa Recto Bank.

Sa press conference noong ika-13 ng Hunyo, ipinaliwanag ng Western Command (Wescom) na “aksidente” lamang ang naganap na banggaan sa pagitan ng mga sasakyang pandagat ng Tsina at Pilipinas noong Hunyo 9 bagamat nauna nang sinabi ni DND Sec. Delfin Lorenzana sa national press na “binangga” ng Chinese vessel ang F/B GIMVER 1.

“Initial reports reaching this command from our operation unit that they have received info from the boat captain of F/B O76 stating that a certain Chinese vessel accidentally collided with a Filipino fishing boat on June 9, 2019 at around 12 midnight while F/B GIMVER 1 was anchored at the vicinity of Recto Bank, West Philippine Sea,” ang bahagi ng statement ng Wescom na binasa ni Wescom Acting Spokesperson, LtC. Stephen Penetrante.

“According to the boat captain of F/B 076, the said Chinese vessel immediately left the vicinity after the collision leaving F/B GIMVER 1 sinking,” dagdag pa ni LtC. Penetrante na siya ring chaplain ng unified command.

Ang lumubog na bangka ay may sakay na 22 mangingisda mula sa San Jose, Occidental Mindoro at pagmamay-ari ni G. Felix dela Torre at ino-operate ni G. Jonel Insigme ng nasabi ring lugar.

“Umalis agad [‘yung Chinese vessel]. Siyempre madilim ‘yun eh, hindi na-identify talaga,” sagot naman ni Penetrante nang tanungin ng media kung nakita ba kung anong uri ng bangka ng Tsina.

Una umanong nailigtas ng mga Vietnamese fishing vessel ang mga biktima ngunit hindi pa matukoy ng Western Command kung gaano sila katagal naghintay ng rescue.

Ayon kay LtC. Penetrante, nang mabatid ng kanilang tropa ay agad umanong nakipag-ugnayan ang operating unit ng Wescom sa may-ari ng F/B GIMBER 1 na nakapag-ugnayan naman sa F/B AJ THANKSGIVING bandang alas dos ng hapon kinabukasan.

Mula sa Vietnamese fishing vessel ay inilipat umano ang mga biktima sa PS16 BRP Ramon Alcaraz saka nilipat sa F/B THANKSGIVING at nagdala sa kanila pauwi sa Occidental Mindoro. Bago ang insidente, nakadestino ang PS16 sa bahagi ng Tubbataha Reef Natural Park (TRNP).

“Right after na-rescue, tsinek ‘yung condition nila ng PS16 at saka, kasama kasi, nakarating din ‘yung F/V Agent Thanksgiving,” aniya.

“As of this moment daw ay en route pa rin [sila] sa Occidental, Mindoro,” ayon pa sa acting spokesperson ng Wescom.

Nagbigay umano ng assistance ang Western Command, sa pamamagitan ng Joint Task Force West (JTFW), kasama ang NAVSOU 4 Diving Team.

Dumating rin umano sa Recto Bank ang F/B N2N para sa salvage operation ng F/B GIMVER 1, katuwang ang PS16.

“Investigation is being conducted now] thru sa mga nag-respond doon, thru the Navy Task Force West,” paniniyak pa ng Wescom.

Ipinabatid din ng unified command ang pagsasagawa ng initial inquiry upang malaman umano kung paano naganap ang banggan nang sa gayon ay madokumento ang mga kinakailangang ebidensiya para sa posibleng paghahain ng diplomatic protest ng Pilipinas laban sa bansang China kung totoo ang umano’y ni hindi man lang sila huminto upang iligtas ang mga biktima at sa halip ay basta-basta na lang nilang iniwan.

Ang unang batch ng 22 Pilipinong mangingisda na sakay ng F/B GIMVER 1 na-rescue sa karagatang bahagi ng Recto Bank (Reed Bank), matapos na iwanan ng nakabanggang Chinese vessel. (CONTRIBUTED PHOTO//Philippine Navy)

Related Articles
PAGTATAYO NG MGA PSYCHIATRIC EMERGENCY ROOM, IPINANUNUKALA
ORDINANSANG IPAGBABAWAL ANG PAGSASANGLA NG 4P’S CASHCARDS, ISINUSULONG
ASAWA NG NAWAWALANG MANGINGISDA SA BAYAN NG ROXAS, PALAWAN, NANAWAGAN
MOBILE CLINIC PARA SA NORTE AT SUR NG PALAWAN, HINILING SA DOH-CHD
MGA BAGONG ABOGADO SA MGA ASPIRING LAW STUDENT: ‘WALANG SUKUAN’
SCHOOL-BASED IMMUNIZATION, INILUNSAD NG DOH-CHD MIMAROPA SA PALAWAN
MGA HUGOT, BUMUHOS SA SOCIAL MEDIA DAHIL SA 3 ARAW NA BLACKOUT SA BAYAN NG ROXAS
MAHIGPIT NA PAGSUNOD SA SPEED LIMIT, IPINAALAALA NG PROV’L BOARD SA MGA LGU
ISANG PALM OIL COMPANY SA PALAWAN, SINAMPULAN NG DENR-MIMAROPA
PALAWAN IPMR, MULING UMUPO SA KONSEHO SA PAMAMAGITAN NG HOLDOVER CAPACITY
TOP 5 SA MGA MAY MATAAS NA KASO NG DENGUE SA PALAWAN, INILABAS NG DOH-CHD MIMAROPA
COAL PLANT APPLICATION PALAWAN, BINIGYAN NA NG ECC NG DENR-MIMAROPA
CHINESE FISHING VESSEL, MAS DUMAMI UMANO ANG PRESENSIYA SA WEST PHILIPPINE SEA
TERORISTANG CPP-NPA HADLANG UMANO SA KAUNLARAN, AYON SA WESCOM
PANGANGALAGA SA RASA ISLAND WILDLIFE SANCTUARY, PATULOY NA PINAIIGTING
‘WALANG ABU SAYYAF ANG WESCOM AREA’
MALAMYANG AKSYON NG PILIPINAS SA KABILA NG GINAGAWA NG TSINA SA WPS, TINALAKAY
WESCOM, UMANONG NA-MONITOR NA MISSILE TESTING SA WEST PHILIPPINE SEA
PCL-PALAWAN, MAYROON NG BAHAY-TULUYAN SA LUNGSOD
IKA-10 ANIBERSARYO NG MT. MATALINGAHAN BILANG PROTECTED AREA IPINAGDIWANG
MBLT-3, DARATING SA PALAWAN UPANG HUMALILI SA MBLT-12
NEDA, HINDI UMANO TUTOL SA PAGHAHATI NG PALAWAN SA TATLONG PROBINSYA
14 BILANGGO NG IWAHIG PRISON AND PENAL FARM, MAKALALAYA NA
BANGKA NG MGA MANGINGISDANG PINOY, BINONGGO NG CHINESE VESSEL?
NASA 100 PALAWENYO, LUMAHOK SA BASIC STARTUP WORKSHOP NG DICT, QBO INNOVATION HUB
LOKAL NA PAMAHALAAN NG NARRA, PINAGHAHANDAAN NA ANG IKA-50 ANIBERSARYO
14 CENTENARIAN SA PALAWAN, NAKATAKDANG GAWARAN NG CASH GIFT NG DSWD
FOOD SAFETY SEMINAR, ISINAGAWA NG DTI-PALAWAN
NAWAWALANG DIVER SA TUBBATAHA, PATULOY PA RING PINAGHAHANAP
E-PERMITTING SYSTEM, NAKATAKDANG IPATUPAD NG PCSDS
PNNI, NAGSAGAWA NG TAHIMIK NA KILOS-PROTESTA
KATUTUBONG PALAW’AN NA SANGGOL, AKSIDENTENG NATAMAAN NG PANA SA ULO
SPOTTED WOOD OWL, ISINURENDER NG ISANG CONCERNED CITIZEN
IKATLONG IPMR NG PALAWAN, COA NA LAMANG UMANO ANG KULANG UPANG MAKAUPO
Newspaper of The Week
Advertise with Repetek
Weather
Currently
Currently
Islam
Lot For Sale
Public Transport Schedule
Bataraza/Rio Tuba
Palawan Shuttle Express Asso. Inc (Palshutex)
Puerto Prinsesa to Rio Tuba and vice versa
5:00am-6:30am,6:30am-8:30am, 11:30am upward daily trips
PCINSP Diosdado S. Alarcon PNP (Ret) - President
Contact Nos. 0917-553-2347 or 0921-594-9733 (for reservation)
Currency Converter