REPETEK, Ang Diyaryo ng Pilipino Saturday, May 25 2019
BAYAN NG QUEZON, ISINAILALIM NA SA STATE OF CALAMITY DAHIL SA DENGUE OUTBREAK



(KUHA ang larawan sa Quezon Palawan Tourist Destination fb page)

NAGDEKLARA na ng State of Calamity ang bayan ng Quezon sa bahaging sur ng lalawigan ng Palawan bunsod ng mataas na kaso ng dengue.

Sa pamamagitan ng inaprubahang resolusyon ng Sangguniang Bayan ng Quezon noong Martes, ika-5 ng Marso ay isinailalim sa State of Calamity ang buong munisipyo.

Bilang bahagi ng proseso, bago ang deklarasyon ay nag-convene ang Local Health Board ng munisipyo noong Biyernes ng nakaraang linggo at muli noong unang araw ng Marso at nagkaisa silang maglabas ng rekomendasyon sa Konseho para sa deklarasyon upang magamit ang calamity.

Nang sa gayon umano ay mapigilan na ang patuloy na pagtaas ng kaso ng mga nagkakasakit na dengue.

Sa pinakahuling ulat ng Municipal Health Office noong Marso 7, umakyat na sa 97 kaso ang kanilang naitala at sa kasamaang-palad, isa na ang binawian ng buhay na edad 18 taon. Nagsimula umanong tumaas ang kaso pagpasok ng Enero ngayong taon.

Ayon kay nurse Vicky Solatorio, itinalagang tagapagsalita ng MHO ukol sa dengue cases, mas mataas ang datus ngayon ng halos 45 percent kung ikukumpara sa 55 dengue cases sa buong taon na ng 2018 na naging batayan ng mga kinauukulan na magdeklara na rin ng dengue outbreak.

Karamihan umano sa mga nagkasakit ay galing sa Brgy. Alfonso XIII, bayan ng Quezon na nag-e-edad 18 taong gulang pababa. Bagamat karamihan sa mga biktima ay isa hanggang 19 na taong gulang, ang ilan sa mga biktima ay 45 o 55 taong gulang.

Dahil sa outbreak, mas pinaigting ng MHO at local government unit ang misting operation sa mga apektadong barangay at eskwelahan, ang pagsasagawa ng information, education campaign at ang pag-manage ng nasabing sakit.

Binigyang-diin din ni Solatorio na malaki ang responsibilidad ng mga barangay sa paglilinis ng kanilang komunidad.

Kaugnay nito ay kanyang hinihikayat ang mga barangay na ipatupad ang “Four O’clock Habit” upang mapuksa ang lamok na nagdadala ng dengue virus.

Aniya, mahalagang mahanap at mapuksa ang pinamumugaran ng mga lamok. Ang dengue carrying mosquito ay nabubuhay sa madidilim na lugar at nangingitlog sa mga naimbak na malilinis na tubig tulad ng plurera, balde, drum, bao, sirang gulong, lata, sa ilalim ng ref at lagayan ng mga pinggan, sa mga alulod ng bahay, at lalo na sa mga bakod na kawayan.

Related Articles
PALAWAN, MAYROON NA NAMANG 15 BAGONG ABOGADO
SPOTTED WOOD OWL, ISINURENDER NG ISANG CONCERNED CITIZEN
PANUKALANG PAGPATAW NG MAS MAHIGPIT NA TOBACCO CONTROL, TINALAKAY SA PALAWAN
SENATORIAL BETS: PALAWENYO ANG MAGPAPASYA SA PAGHAHATI NG PALAWAN
WESCOM, PNP, HANDA NA SA HALALAN 2019
PALAWAN BANK, IPINASARA NG BANGKO SENTRAL NG PILIPINAS SIMULA MAYO 6
MAHIGIT 600 DETENIDO NG PALAWAN, MAKABOBOTO NGAYONG ELEKSYON
HUGPONG NG PAGBABAGO, PARTIDO PAGBABAGO NG PALAWAN, LUMAGDA SA ISANG KASUNDUAN
MORATORIUM SA PAGPAPATITULO NG LUPA, NANANATILI PA RING UMIIRAL SA PALAWAN
11 PALAWENYO, PASADO SA SCHOLARSHIP PROGRAM NG BFAR-MIMAROPA
DICT LUZON CLUSTER, BUMISITA SA PALAWAN PARA SA MGA ESTRATEHIYANG GAGAWIN
WOMEN EMPOWERMENT UNTI-UNTI NA UMANONG NAKAKAMIT NG PALAWAN, AYON SA PSWDO
BEACH RAMP SA KALAYAAN, 56% NA UMANONG TAPOS
ACCESS NG PAMAHALAANG PANLALAWIGAN SA DATUS NG LISTAHANAN, INAPRUBAHAN NA
24 PANG BARANGAY SA PALAWAN, NADEKLARA NA RING DRUG CLEARED
GROUNDBREAKING NG IPS’ VILLAGE SA BAYAN NG RIZAL, ISINAGAWA
‘KUNG MAY PAGKAKAMALI, HINDI NA ALAM NG BOARD MEMBERS’
PRACTICE VOTING SA BAYAN NG NARRA, MAY KASAMA UMANONG BIGAYAN
ISANG BOKAL, IBIG TUTUKAN ANG VOTE BUYING AT VOTE SELLING SA PALAWAN
MAHIGIT 1000 MAGSASAKA SA PALAWAN, APEKTADO NA UMANO NG MATINDING TAG-TUYOT
INAUGURAL FLIGHT NG AIRSWIFT PATUNGONG CORON, EL NIDO, BINUKSAN
GROUNDBREAKING NG BUSUANGA AIRPORT DEV’T PROJECT, ISINAGAWA
Newspaper of The Week
Advertise with Repetek
Weather
Currently
Currently
Islam
Lot For Sale
Public Transport Schedule
Bataraza/Rio Tuba
Palawan Shuttle Express Asso. Inc (Palshutex)
Puerto Prinsesa to Rio Tuba and vice versa
5:00am-6:30am,6:30am-8:30am, 11:30am upward daily trips
PCINSP Diosdado S. Alarcon PNP (Ret) - President
Contact Nos. 0917-553-2347 or 0921-594-9733 (for reservation)
Currency Converter