REPETEK, Ang Diyaryo ng Pilipino Saturday, February 22 2020
‘BIODIVERSITY RESOURCE ACCESS INFORMATION’ SYSTEM NG PCSD, PORMAL NANG INILUNSAD



(PHOTO//DIANA ROSS M. CETENTA)

PORMAL nang inilunsad ng Palawan Council for Sustainable Development (PCSD) ang Biodiversity Resource Access Information (BRAIN) system sa besperas ng kanilang anibersaryo noong ika-18 ng Hunyo.

Unang inintrodyus ng PCSD ang nasabing mekanismo sa isang Kapihan kamakailan lamang bilang paghahanda sa kanilang ika-27 anibersaryo ngayong taon.

Sa launching na isinagawa sa SM Cinema, ibinahagi ni G. Niño Rey Estoya, project development officer ng PCSDS, na taong 2016 pa nabuo ang konsepto bagamat iba pa ang tawag.

Sa power point presentation sa araw ng paglulunsad, ipinaliwanag niyang nabuo ang mekanismo dahil sa mahinang intelligence exchange at law enforcement na nagreresulta sa biodiversity loss, sa hindi coordinated na environmental law enforcement efforts, mga lumabas na isyu at concern ukol sa environmental management at law enforcement at hindi epektibong regulatory/monitoring mechanism.

Ani Estoya, dahil sa nabanggit na mga isyu ay nabuo ang katanungang anong mekanismo ang dapat mabuo upang masolusyunan ang naturang mga suliranin.

IDEYA NG PINUNO NG PCSD STAFF
Mula naman sa dating tawag na PCSD Environment Management and Law Enforcement Database ay pinalitan ito ng acronym na BRAIN mula sa suhestyon ni PCSD Staff Executive Director Nelson Devanadera na magreretiro na sa Marso 2020.

Kwento pa ni G. Estoya, mula nang kanilang maipakilala ang BRAIN system ay patuloy na sa pagtatanong ang mga mamamayan kung kumusta na at nasaan na ito kaya wala na umano silang magawa kundi ilunsad ito ngayong taon, katuwang ang funded project ng USAID, ang Protect Wildlife. Nangako rin naman umano ang USAID na magbibigay ng technical assistance para sa system development at institutionalization nito.
“Kinu-compare lang natin ito sa brain [ng tao] kasi katulad sa utak, maraming pumapasok, makukuhang impormasyon at kapag na-process na ng bibig, mayroon nang maiisip na bago. ‘Yan ang konsepto sa BRAIN system….,” aniya.

Sa 2017 Work and Financial Plan, partikular sa gamit ng impormasyon, magagamit umano ang BRAIN system sa policy study/research, intelligence database, local/regional coordination para sa Convention on International Trade in Endangered Species of Wild Fauna and Flora (CITES)/wildlife implementation at sa iba pang pwedeng panggagamitan nito.

Ang magiging Sources of Information naman ng BRAIN system ay ang PCSD Konek, enforcement database, DMO database, monitoring database, cases database at iba pang database.

Ipagsasama-sama rin sa nasabing mekanismo ang environmental security, environmental governance, at environmental development na nakasentro sa sustainable development. Sakop nito ang intelligence gathering, criminal analysis, public reporting, inter-agency coordination, inter-CITES coordination, policy development, monitoring tool, regulatory platform at source for research.

Sa system development ay mayroong online capacity na naroroon ang online permitting system, public reporting system, at compliance and threats monitoring; sa offline naman ay enforcement and case management, law enforcement management information system at inter-agency coordination and alert system habang sa user-driven naman ay tracking at geospatial analysis at intelligence and predictive capabilities.

MAITUTULONG NG BRAIN SYSTEM
Ani Estoya, makatutulong ang sistema sa law enforcement agencies sa pamamagitan ng pagbibigay ng platform para sa intelligence gathering sa database at tool sa criminal analysis.

“Maipa-pattern natin ngayon, through spot spatial capability kung nasaan nagaganap ‘yung mga environmental cases and one more responsive public reporting platform. Also, that the BRAIN could contribute in the development through improving relation of the development activities on development projects by providing platform for regulations and monitoring tool,” ani Estiya.

Sa pamamagitan din umano nito ay madali na lamang malalaman kung sino ang mga nagko-comply sa mga requirements o hindi kaya mas mapabibilis ang compliance.

Sa institutionalization, sa Phase 1 ay ang pagtatag ng Palawan Enforcement Network (PALAWEN), Phase 2 ay Capacity Building at Systems Familiarization, Phase 3 ay pagbuo ng ugnayan at koordinasyon sa iba pang CITES Implementing Agencies at Phase 4 ay Monitoring at Assessment ukol sa Response and Coordination mechanism.

Tiniyak ng PCSD na matatapos nila ang hanggang Phase 3 ng proyekto ngayong taon.

Pagmamalaki ng ahensiya, ang fully functional BRAIN System ay may kapasidad para sa permitting at compliance monitoring, intelligence analysis at alert system, environmental law enforcement case management, public participation sa pamamagitan ng public reporting; local, regional, at international inter-agency cooperation at data analysis for Research and Policy development. Ang organized at operational na PALAWEN naman umano ay epektibong makatutugon sa mga paglabag sa mga batas pangkalikasan.

Bahagi rin ng Phase 1 ng BRAIN system ay ang online-permitting na nilikha ng ahensiya alinsunod sa RA 1032 o ang “Ease in Doing Business and Efficient Delivery of Government Services.”

ANG ilang kawani ng PCSDS sa kanilang kiosk para sa online permitting system na pormal nilang binuksan noong ika-18 ng Hunyo sa SM-Puerto Princesa at tumagal din ng ilang araw. (PHOTO//DIANA ROSS M. CETENTA)

ONLINE PERMITTING
Kasabay ng launching ng BRAIN System ay ang paglalagay din nila ng kiosk sa SM-Puerto Princesa upang makita ng mga mamamayan.

Para magamit, sa ilang tablet at computer na naroroon, makikita ang main interface ng Online Permitting ng PCSD, kung saan pipili ang isang indibidwal sa kanyang transakyon—kung magla-login, magpapa-register o magsusumbong sa tanggapan. Kung napili naman ang mag-login, lalabas ang dashboard kung saan may sasagutang ilang katanungan hinggil sa pangalan ng kliyente, address, numero ng telepono,araw ng kapanganakan, lugar ng kapanganakan, nationality, kasarian, civil status, mga pangalan ng mga magulang, government issued ID, at ang gagamiting profile picture.

Pagkatapos naman nito ay makapupunta na sa pakay na hihilinging permit, kung ito ba ay Wildlife Special Use Permit (para sa Reef-fish-for food), Wildlife Special Use Permit (Administrative Order No. 12), Local Transport Permit for RFF, Local Transport Permit for Wildlife Products, Wildlife Collector’s Permit, Wildlife Farm Permit at Chainsaw Act. Ang hindi lamang umano kasama sa online permitting ay ang aplikasyon para sa SEP Clearance dahil Konseho ang mag-aapruba nito.

Nauna nang ipinaliwanag ni PCSDS Executive Director Devanadera na nakatha ang sistema upang mabawasan na ang “person-to-person contact” kaya hassle-free at mas magiging madali na rin ang proseso ng palikasyon na tatagal lamang ng pito hanggang 15 araw.

Tiniyak din nilang may sapat na kawani na tututok sa sistema tungo sa matiwasay at mas maayos na pag-a-apply ng permit. Kailangan lamang umano ng reliable na source ng internet ngunit kapag wala naman ay maaaring tumungo kanilang head office sa lungsod ng Puerto Princesa o sa mga district l offices sa norte na matatagpuan sa Roxas at Coron habang sa sur naman ay sa mga bayan ng Quezon at Brooke’s Point.

“Hopefully, matatapos na rin namin ang facets n’on kasi later on, gagamit na rin kami ng technology, ng satellite imagery para mai-track natin ang mga illegal poachers ng wildlife,” ayon naman sa tagapagsalita ng PCSDS na si Jovic Fabello. Gagawin naman umano ang pilot testing para sa online permitting sa susunod na linggo.

Related Articles
PAGTATAYO NG MGA PSYCHIATRIC EMERGENCY ROOM, IPINANUNUKALA
ORDINANSANG IPAGBABAWAL ANG PAGSASANGLA NG 4P’S CASHCARDS, ISINUSULONG
ASAWA NG NAWAWALANG MANGINGISDA SA BAYAN NG ROXAS, PALAWAN, NANAWAGAN
MOBILE CLINIC PARA SA NORTE AT SUR NG PALAWAN, HINILING SA DOH-CHD
MGA BAGONG ABOGADO SA MGA ASPIRING LAW STUDENT: ‘WALANG SUKUAN’
SCHOOL-BASED IMMUNIZATION, INILUNSAD NG DOH-CHD MIMAROPA SA PALAWAN
MGA HUGOT, BUMUHOS SA SOCIAL MEDIA DAHIL SA 3 ARAW NA BLACKOUT SA BAYAN NG ROXAS
MAHIGPIT NA PAGSUNOD SA SPEED LIMIT, IPINAALAALA NG PROV’L BOARD SA MGA LGU
ISANG PALM OIL COMPANY SA PALAWAN, SINAMPULAN NG DENR-MIMAROPA
PALAWAN IPMR, MULING UMUPO SA KONSEHO SA PAMAMAGITAN NG HOLDOVER CAPACITY
TOP 5 SA MGA MAY MATAAS NA KASO NG DENGUE SA PALAWAN, INILABAS NG DOH-CHD MIMAROPA
COAL PLANT APPLICATION PALAWAN, BINIGYAN NA NG ECC NG DENR-MIMAROPA
CHINESE FISHING VESSEL, MAS DUMAMI UMANO ANG PRESENSIYA SA WEST PHILIPPINE SEA
TERORISTANG CPP-NPA HADLANG UMANO SA KAUNLARAN, AYON SA WESCOM
PANGANGALAGA SA RASA ISLAND WILDLIFE SANCTUARY, PATULOY NA PINAIIGTING
‘WALANG ABU SAYYAF ANG WESCOM AREA’
MALAMYANG AKSYON NG PILIPINAS SA KABILA NG GINAGAWA NG TSINA SA WPS, TINALAKAY
WESCOM, UMANONG NA-MONITOR NA MISSILE TESTING SA WEST PHILIPPINE SEA
PCL-PALAWAN, MAYROON NG BAHAY-TULUYAN SA LUNGSOD
IKA-10 ANIBERSARYO NG MT. MATALINGAHAN BILANG PROTECTED AREA IPINAGDIWANG
MBLT-3, DARATING SA PALAWAN UPANG HUMALILI SA MBLT-12
NEDA, HINDI UMANO TUTOL SA PAGHAHATI NG PALAWAN SA TATLONG PROBINSYA
14 BILANGGO NG IWAHIG PRISON AND PENAL FARM, MAKALALAYA NA
BANGKA NG MGA MANGINGISDANG PINOY, BINONGGO NG CHINESE VESSEL?
NASA 100 PALAWENYO, LUMAHOK SA BASIC STARTUP WORKSHOP NG DICT, QBO INNOVATION HUB
LOKAL NA PAMAHALAAN NG NARRA, PINAGHAHANDAAN NA ANG IKA-50 ANIBERSARYO
14 CENTENARIAN SA PALAWAN, NAKATAKDANG GAWARAN NG CASH GIFT NG DSWD
FOOD SAFETY SEMINAR, ISINAGAWA NG DTI-PALAWAN
NAWAWALANG DIVER SA TUBBATAHA, PATULOY PA RING PINAGHAHANAP
E-PERMITTING SYSTEM, NAKATAKDANG IPATUPAD NG PCSDS
PNNI, NAGSAGAWA NG TAHIMIK NA KILOS-PROTESTA
KATUTUBONG PALAW’AN NA SANGGOL, AKSIDENTENG NATAMAAN NG PANA SA ULO
SPOTTED WOOD OWL, ISINURENDER NG ISANG CONCERNED CITIZEN
IKATLONG IPMR NG PALAWAN, COA NA LAMANG UMANO ANG KULANG UPANG MAKAUPO
Newspaper of The Week
Advertise with Repetek
Weather
Currently
Currently
Islam
Lot For Sale
Public Transport Schedule
Bataraza/Rio Tuba
Palawan Shuttle Express Asso. Inc (Palshutex)
Puerto Prinsesa to Rio Tuba and vice versa
5:00am-6:30am,6:30am-8:30am, 11:30am upward daily trips
PCINSP Diosdado S. Alarcon PNP (Ret) - President
Contact Nos. 0917-553-2347 or 0921-594-9733 (for reservation)
Currency Converter