REPETEK, Ang Diyaryo ng Pilipino Saturday, February 22 2020
BROOKE’S POINT, BATARAZA, PANUKALANG MADEKLARANG ‘COCONUT CAPITAL,’ ‘PINEAPPLE CAPITAL’ NG PALAWAN



(CONTRIBUTED PHOTO// DANJIE AUREA LAXAMANA-RADAM)

ISINUSULONG ngayon sa Sangguniang Panlalawigan ang mga panukalang Provincial Ordinances na layong ideklara bilang “Coconut Capital” ng lalawigan ng Palawan ang Bayan ng Brooke’s Point at “Pineapple Capital” naman ang Bayan ng Bataraza.

Ang principal author ng proposed measure para sa Brooke’s Point ay si former Brooke’s Point Vice Mayor at ngayo’y newly-elected Board Member Cesario Benedito Jr. at kamay-akda naman ang dating ABC President na dati ring Sangguniang Bayan Member ng Narra at ngayon ay newly-elected Board Member din na si Ryan Maminta.

Ipinunto ng mga proponente na ang munisipyo ng Brooke’s Point ang nangunguna sa industriya ng niyog sa buong lalawigan na umaabot sa 33 percent ng province total production at ang pinakamalawak na lugar na may tanim na niyog na makikita sa kabuuang 22,790,25 ektarya.

Ngayong 2019 ang ika-14 pagdiriwang ng nasabing bayan sa taunan nilang Pista Y ang Kaniyog’n. Sinisilibra nila ito tuwing Marso 22 kada taon.

Kapag tuluyang naaprubahan ng Junta Probinsyal, ang Pista Y ang Kaniyog’n ang magiging opisyal na selebrasyon ng lalawigan tungo sa lalo pang ipakilala ang coconut industry at maibalik ito sa mga coconut farmers.

Sa isang panukalang ordinansa naman para sa Munisipyo ng Bataraza, kung saan si Board Member Maminta ang main author at co-author si BM Benedito, binigyang-diin nilang layon nitong maipakilala pa nang husto ang industriya ng pagpipinya.

Ayon sa mga may-akda, upang ma-promote pa ang pineapple industry, sa inisyatibo ng lokal na pamahalaan ay una nang ipinagdiriwang ang “Pineapple Festival” kada ikatlong linggo ng Hulyo para sa promosyon ng pagtatanim ng pinya at estratehiya na rin umano upang makahikayat pa ng mga turista na bibisita sa lugar.

Kagaya rin sa panukala ni Benedito para sa Brooke’s Point, kapag naaprubahan ng Provincial Board, ang “Pineapple Festival” ang magiging official celebration para sa deklarasyon.

Nakasaad din sa draft ordinances na maaaring maglaan ng pondo ang mga Pamahalaang Lokal ng Brooke’s Point at Bataraza upang manguna sa pag-promote ng kanilang mga bayan para sa hangaring titulo.

Sa kabilang dako, ang mga pinagbatayan ng mga may-akda sa proposed measure ay ang Section 5, Article II ng Saligang Batas ng Pilipinas na nagsasabing tungkulin ng estado na magbigay ng suporta sa agrikultura sa pamamagitan ng akmang teknolohiya at pananaliksik, at sapat na financial production, marketing at iba pang support services. Ganoondin ang RA 7160 o ang “Local Government Code” na nakasaad na responsibilidad ng mga lokal na pamahalaan na i-promote ang agricultural productivity na makapagpapaunlad sa hanapbuhay at pamumuhay ng mga mamamayan.

Gayundin, sa RA 8435 o ang “Fisheries Modernization Act of 1997,” kabilang ang pag-enhance sa kita ng nasa sektor ng agrikultura, sa pamamagitan ng equitable access sa assets, resources at services, at pag-promote sa higher-value crops, value-added processing, agribusiness, activities at agro-industrialization. Kabilang din sa kanilang kinunsidera ang RA 10816 o ang Farm Tourism Development Act.

Kapwa naman na-refer ang proposed measures sa appropriate committees para sa karagdagang talakayan ng mga miyembro ng Provincial Board.

Related Articles
PAGTATAYO NG MGA PSYCHIATRIC EMERGENCY ROOM, IPINANUNUKALA
ORDINANSANG IPAGBABAWAL ANG PAGSASANGLA NG 4P’S CASHCARDS, ISINUSULONG
ASAWA NG NAWAWALANG MANGINGISDA SA BAYAN NG ROXAS, PALAWAN, NANAWAGAN
MOBILE CLINIC PARA SA NORTE AT SUR NG PALAWAN, HINILING SA DOH-CHD
MGA BAGONG ABOGADO SA MGA ASPIRING LAW STUDENT: ‘WALANG SUKUAN’
SCHOOL-BASED IMMUNIZATION, INILUNSAD NG DOH-CHD MIMAROPA SA PALAWAN
MGA HUGOT, BUMUHOS SA SOCIAL MEDIA DAHIL SA 3 ARAW NA BLACKOUT SA BAYAN NG ROXAS
MAHIGPIT NA PAGSUNOD SA SPEED LIMIT, IPINAALAALA NG PROV’L BOARD SA MGA LGU
ISANG PALM OIL COMPANY SA PALAWAN, SINAMPULAN NG DENR-MIMAROPA
PALAWAN IPMR, MULING UMUPO SA KONSEHO SA PAMAMAGITAN NG HOLDOVER CAPACITY
TOP 5 SA MGA MAY MATAAS NA KASO NG DENGUE SA PALAWAN, INILABAS NG DOH-CHD MIMAROPA
COAL PLANT APPLICATION PALAWAN, BINIGYAN NA NG ECC NG DENR-MIMAROPA
CHINESE FISHING VESSEL, MAS DUMAMI UMANO ANG PRESENSIYA SA WEST PHILIPPINE SEA
TERORISTANG CPP-NPA HADLANG UMANO SA KAUNLARAN, AYON SA WESCOM
PANGANGALAGA SA RASA ISLAND WILDLIFE SANCTUARY, PATULOY NA PINAIIGTING
‘WALANG ABU SAYYAF ANG WESCOM AREA’
MALAMYANG AKSYON NG PILIPINAS SA KABILA NG GINAGAWA NG TSINA SA WPS, TINALAKAY
WESCOM, UMANONG NA-MONITOR NA MISSILE TESTING SA WEST PHILIPPINE SEA
PCL-PALAWAN, MAYROON NG BAHAY-TULUYAN SA LUNGSOD
IKA-10 ANIBERSARYO NG MT. MATALINGAHAN BILANG PROTECTED AREA IPINAGDIWANG
MBLT-3, DARATING SA PALAWAN UPANG HUMALILI SA MBLT-12
NEDA, HINDI UMANO TUTOL SA PAGHAHATI NG PALAWAN SA TATLONG PROBINSYA
14 BILANGGO NG IWAHIG PRISON AND PENAL FARM, MAKALALAYA NA
BANGKA NG MGA MANGINGISDANG PINOY, BINONGGO NG CHINESE VESSEL?
NASA 100 PALAWENYO, LUMAHOK SA BASIC STARTUP WORKSHOP NG DICT, QBO INNOVATION HUB
LOKAL NA PAMAHALAAN NG NARRA, PINAGHAHANDAAN NA ANG IKA-50 ANIBERSARYO
14 CENTENARIAN SA PALAWAN, NAKATAKDANG GAWARAN NG CASH GIFT NG DSWD
FOOD SAFETY SEMINAR, ISINAGAWA NG DTI-PALAWAN
NAWAWALANG DIVER SA TUBBATAHA, PATULOY PA RING PINAGHAHANAP
E-PERMITTING SYSTEM, NAKATAKDANG IPATUPAD NG PCSDS
PNNI, NAGSAGAWA NG TAHIMIK NA KILOS-PROTESTA
KATUTUBONG PALAW’AN NA SANGGOL, AKSIDENTENG NATAMAAN NG PANA SA ULO
SPOTTED WOOD OWL, ISINURENDER NG ISANG CONCERNED CITIZEN
IKATLONG IPMR NG PALAWAN, COA NA LAMANG UMANO ANG KULANG UPANG MAKAUPO
Newspaper of The Week
Advertise with Repetek
Weather
Currently
Currently
Islam
Lot For Sale
Public Transport Schedule
Bataraza/Rio Tuba
Palawan Shuttle Express Asso. Inc (Palshutex)
Puerto Prinsesa to Rio Tuba and vice versa
5:00am-6:30am,6:30am-8:30am, 11:30am upward daily trips
PCINSP Diosdado S. Alarcon PNP (Ret) - President
Contact Nos. 0917-553-2347 or 0921-594-9733 (for reservation)
Currency Converter