REPETEK, Ang Diyaryo ng Pilipino Thursday, February 20 2020
CAFGU MEMBER, NAHAHARAP SA KASONG DIRECT ASSAULT



NAHAHARAP ngayon sa kasong Direct Assault ang isang miyembro ng CAFGU Active Auxiliary dahil sa pag-atake umano niya sa isang miyembro ng Philippine National Police (PNP).

Kinilala ang suspek na si Normelito G. dela Cruz, nasa wastong gulang at residente ng Brgy. Paglaum, Taytay, Palawan.

Ang kanya naman umanong naging biktima ay si PO1 Jay Arzaga Janoras, nasa wasto ring gulang na kasalukuyang nakatalaga sa 401st MC RFMB Mimaropa na naka-base sa Brgy. Poblacion ng naturan ding munisipyo.

Sa ibinahaging impormasyon ng PNP, tumungo umano ang biktima sa Taytay Municipal Police Station (MPS) upang ireklamo ang suspek bandang alas-dose ng tanghali noong ika-6 ng Enero.

Naka-assign ang biktima sa lugar upang magbigay ng kaayusan sa taunang pagdiriwang ng Sitio Malinao Foundation sa nasasakupan ng Brgy. Libertad sa nabanggit na bayan kasama ang ilang tauhan ng 401st MC RFMB Mimaropa at Taytay MPS.

Ayon pa sa ulat, habang nakikipag-inuman ang nabanggit na suspek, kasama ang ilang indibidwal malapit sa tindahan ni Kgd. Lilibeth Castaño ay nagkaroon umano ng kaguluhan ang nasabing grupo. Agad umanong humungi ng tulong ang nabanggit na barangay kagawad kina PO1 Janoras at PO1 Halikol Musa.

Habang ipinapakilala bilang Police Officers ay basta na lamang umanong sinugod ng suspek ang biktima at pinagmumura.

Pagkatapos nito, nanuntok pa umano ang suspek ngunit sa kabutihang-palad ay nakailag ang biktima.

Dahil sa naganap ay tuluyan nang pinigilan ng biktima at iba pang opisyal ng pulisya ang suspek, inaresto at dinala sa Taytay MPS para sa tamang disposisyon.

Naihain na rin ang kasong Direct Assault laban sa suspek.

Related Articles
LALAKI, TIMBOG DAHIL SA PAGPUPUSLIT NG BUHAY-ILANG
PAGPATAY KAY RUBEN BEDIORES GOH HINDI ELECTION RELATED INCIDENT—PPO
TUMATAKBONG KONSEHAL SA MUNISIPYO NG ABORLAN, DEAD ON THE SPOT SA PAMAMARIL
CZECH NATIONAL, ARESTADO KAUGNAY SA KASONG ESTAFA
PULIS, PATAY SA PAMAMARIL
CAFGU MEMBER, NAHAHARAP SA KASONG DIRECT ASSAULT
2 LALAKE, NAHAHARAP SA KASO KAUGNAY SA ILIGAL NA DROGA
LALAKE, DEAD ON ARRIVAL MATAPOS MAGTAMO NG SAKSAK
WANTED PERSON SA KASONG PAGPATAY, ARESTADO
LALAKE, NAHAHARAP SA KASONG ILLEGAL POSSESSIONS OF FIREARMES
LALAKI, NAHAHARAP SA KASONG DIRECT ASSAULT
5 KALALAKIHAN, TIMBOG DAHIL SA PAGSUSUGAL
KILALANG MAGNANAKAW SA BAYAN NG NARRA, PATAY MATAPOS MABARIL NG NILOOBAN
MANGINGISDA, NAIULAT NA NAWAWALA SA KARAGATANG SAKOP NG BAYAN NG ABORLAN
LALAKE, ARESTADO KAUGNAY SA KASONG PANGGAGAHASA
PULIS GINAHASA NG KAPWA PULIS
DISMISSED PNP PERSONNEL, ARESTADO SA IKINASANG BUY BUST OPERATION SA TAYTAY
ISANG MIYEMBRO NG PHILIPPINE ARMY, BINARIL NG CAFGU
Newspaper of The Week
Advertise with Repetek
Weather
Currently
Currently
Islam
Lot For Sale
Public Transport Schedule
Bataraza/Rio Tuba
Palawan Shuttle Express Asso. Inc (Palshutex)
Puerto Prinsesa to Rio Tuba and vice versa
5:00am-6:30am,6:30am-8:30am, 11:30am upward daily trips
PCINSP Diosdado S. Alarcon PNP (Ret) - President
Contact Nos. 0917-553-2347 or 0921-594-9733 (for reservation)
Currency Converter