REPETEK, Ang Diyaryo ng Pilipino Sunday, August 25 2019
CHINESE FISHING VESSEL, MAS DUMAMI UMANO ANG PRESENSIYA SA WEST PHILIPPINE SEA



Pag-asa Island, Kalayaan. (REPETEK FILE PHOTO//DIANA ROSS M. CETENTA)

MAS dumami pa umano sa ngayon ang mga namataang Chinese fishing vessel sa West Philippine Sea (WPS), ayon sa Naval Forces West (NFW).

“Currently, sa buong West Philippine Sea, may na-monitor kaming about 148 fishing vessel. Ito po ay sa iba’t ibang bahagi ng West Philippine Sea. Sa Pag-asa po, more than po ang naandoon,” ayon kay Lt. Ronnie Riel Grimpola, chief PIO ng NFW at Joint Task Force West (JTFW) bilang katugunan sa katanungan ng media kung mas dumami ba ang mga foreign vessel matapos inanunsiyo ni President Rodrigo Roa Duterte (PRRD) na pwedeng mangisda ang mga Chinese sa WPS.

“May mga foreign vessel na nakapapasok kasi katulad ng sinabi ni ComWescom noong nakaraan, iba po ang sovereign rights sa sovereignty. Ang sovereignty ito po ‘yung masasabi nating atin talaga. ‘Yung sovereign rights po, ito po ‘yung pwedeng mangisda ang mga foreign vessel kung ia-allow natin,” paliwanag pa ni Lt. Grimpola.

Ngunit tiniyak naman niyang di nagpapabaya ang NFW, at lalo’t higit ang Western Command sapagkat tuloy-tuloy umano ang kanilang ginagawang monitoring sa presensiya ng nasabing mga fishing vessel.

“Makaaasa po kayo na katulad ng sinabi namin noong nakaraang press conference ay tuloy-tuloy po ang aming pagpa-patrol through surface assets and air assets natin at patuloy po naming mino-monitor ang mga barkong ito sa lahat ng teritoryo o detachments natin sa Pilipinas,” aniya.

Aniya, huhulihin din umano nila ang mga bangkang papasok na sa sovereign area ng bansang Pilipinas. Makatitiyak umano ang mga mamamayang Palawenyo na aaksyunan nila ang mga papasok sa sovereign area, mapa-Chinese man umano, Vietnamese fishing vessel at iba pa.

Sa katanungan namang dumarami ba ang mga foreign fishing vessel simula noong 2012-2018, sinabi ni Lt. Grimpola na wala pa silang nakukuhang impormasyon gaya nito, ngunit giit niya, naka-monitor sila sa lahat ng mga bangkang malapit sa island detachment.

ANG PANGAMBA NA MAKALUSOT SA SULU SEA
Sa pangamba naman ng ilan na makapasok sa kabilang karagatan ang mga Chinese vessel o ang iba pang foreign vessel, binanggit man ng NFW na posible dahil may nahuli na rin noong mga Vietnamese fishermen sa bahagi ng Tubbataha Reefs Natural Park (TRNP) ay kanila ring agad na nadadakip. Target lamang umano iyon ng ilang mangingisda dahil sa mayaman ang biodiversity ng Tubbataha.

Pagtitiyak pa ng tagapagsalita ng Naval Forces West, walang-humpay ang ginagawa nilang pagpapatrolya sa nasabing lugar.

Aniya, may naka-standby na roong patrol craft sa strategic area, katuwang ang Philippine Marines, Coast Guard District Palawan, at iba pang kaugnay na ahensiya. Sa chokepoint naman sa bayan ng Balabac, sa ibaba ng Palawan ay kasama nila sa pagbabantay ang PNP Maritime Police, kasama ang fiber glass ng PCG. Kaya kung dadaan umano ang mga poachers sa bahagi ng Mangsee sa nasabing munisipyo ay sigurado umanong mahuhuli sila, maliban na lamang kung dadaan sila sa bandang Sulu, Tawi-tawi. Ang mga navy counterpart naman umano nila sa ibang bansa ay nagpapaalam o humihingi muna ng clearance kapag dadaan sa chokepoint area sa ibaba ng Mindanao.

Related Articles
SCHOOL-BASED IMMUNIZATION, INILUNSAD NG DOH-CHD MIMAROPA SA PALAWAN
MGA HUGOT, BUMUHOS SA SOCIAL MEDIA DAHIL SA 3 ARAW NA BLACKOUT SA BAYAN NG ROXAS
MAHIGPIT NA PAGSUNOD SA SPEED LIMIT, IPINAALAALA NG PROV’L BOARD SA MGA LGU
ISANG PALM OIL COMPANY SA PALAWAN, SINAMPULAN NG DENR-MIMAROPA
PALAWAN IPMR, MULING UMUPO SA KONSEHO SA PAMAMAGITAN NG HOLDOVER CAPACITY
TOP 5 SA MGA MAY MATAAS NA KASO NG DENGUE SA PALAWAN, INILABAS NG DOH-CHD MIMAROPA
COAL PLANT APPLICATION PALAWAN, BINIGYAN NA NG ECC NG DENR-MIMAROPA
CHINESE FISHING VESSEL, MAS DUMAMI UMANO ANG PRESENSIYA SA WEST PHILIPPINE SEA
TERORISTANG CPP-NPA HADLANG UMANO SA KAUNLARAN, AYON SA WESCOM
PANGANGALAGA SA RASA ISLAND WILDLIFE SANCTUARY, PATULOY NA PINAIIGTING
‘WALANG ABU SAYYAF ANG WESCOM AREA’
MALAMYANG AKSYON NG PILIPINAS SA KABILA NG GINAGAWA NG TSINA SA WPS, TINALAKAY
WESCOM, UMANONG NA-MONITOR NA MISSILE TESTING SA WEST PHILIPPINE SEA
PCL-PALAWAN, MAYROON NG BAHAY-TULUYAN SA LUNGSOD
IKA-10 ANIBERSARYO NG MT. MATALINGAHAN BILANG PROTECTED AREA IPINAGDIWANG
MBLT-3, DARATING SA PALAWAN UPANG HUMALILI SA MBLT-12
NEDA, HINDI UMANO TUTOL SA PAGHAHATI NG PALAWAN SA TATLONG PROBINSYA
14 BILANGGO NG IWAHIG PRISON AND PENAL FARM, MAKALALAYA NA
BANGKA NG MGA MANGINGISDANG PINOY, BINONGGO NG CHINESE VESSEL?
NASA 100 PALAWENYO, LUMAHOK SA BASIC STARTUP WORKSHOP NG DICT, QBO INNOVATION HUB
LOKAL NA PAMAHALAAN NG NARRA, PINAGHAHANDAAN NA ANG IKA-50 ANIBERSARYO
14 CENTENARIAN SA PALAWAN, NAKATAKDANG GAWARAN NG CASH GIFT NG DSWD
FOOD SAFETY SEMINAR, ISINAGAWA NG DTI-PALAWAN
NAWAWALANG DIVER SA TUBBATAHA, PATULOY PA RING PINAGHAHANAP
E-PERMITTING SYSTEM, NAKATAKDANG IPATUPAD NG PCSDS
PNNI, NAGSAGAWA NG TAHIMIK NA KILOS-PROTESTA
KATUTUBONG PALAW’AN NA SANGGOL, AKSIDENTENG NATAMAAN NG PANA SA ULO
SPOTTED WOOD OWL, ISINURENDER NG ISANG CONCERNED CITIZEN
IKATLONG IPMR NG PALAWAN, COA NA LAMANG UMANO ANG KULANG UPANG MAKAUPO
BATANG MAY SAKIT SA KALAYAAN, NIRESPONDEHAN NG WESCOM
BARAGATAN FESTIVAL, HINDI MAISASAGAWA NGAYONG 2019
Newspaper of The Week
Advertise with Repetek
Weather
Currently
Currently
Islam
Lot For Sale
Public Transport Schedule
Bataraza/Rio Tuba
Palawan Shuttle Express Asso. Inc (Palshutex)
Puerto Prinsesa to Rio Tuba and vice versa
5:00am-6:30am,6:30am-8:30am, 11:30am upward daily trips
PCINSP Diosdado S. Alarcon PNP (Ret) - President
Contact Nos. 0917-553-2347 or 0921-594-9733 (for reservation)
Currency Converter