REPETEK, Ang Diyaryo ng Pilipino Friday, April 03 2020
CITY PNP, NANANAWAGAN SA MGA PALAWENYO NA MAKIISA SA IPINATUTUPAD NILANG ‘CLEAN RIDER CAMPAIGN’



PATULOY na nanawagan ang pamunuan ng Puerto Princesa City Police Office (PPCPO) sa mga mamamayan ng lungsod na samantalahin ang pagkakataon na pagpapatupad nila ng Clean Rider campaign upang makatulong sa pasugpo ng mga krimen gaya ng riding in tandem.

Matatandaang nagkaroon ng re-launching ukol sa nasabing programa ang Pambansang Pulisya sa buong bansa noong ika-18 ng Enero dahil kalakip sa pagpapatupad nito ngayong taon ay ang pagbibigay ng sticker.

“[N]agkaroon tayo ng launching o Ceremonial kick off noong January [18], 2019 na kung saan dito nga, ginawa natin dito sa Office, together with the Provincial Police Office,” ani Marzo.

Ang operasyong pagbibigay ng Clean Rider Stickers ay inilunsad ng Higher Headquarters upang maiwasan ang krimen na may kinalaman sa kaligtasan at seguridad ng mga motorista at ng mamamayan.

“The PNP Campaign Plan ‘Clean Rider’ is part of the Enhanced Managing Police Operation which is more vigorous, focused and comprehensive approach that primarily aim to totally eliminate crimes committed by Motorcycle Riding Criminals/ [Suspects]. Also, to ensure the safety and security of motorcycle riders, as well as prevent the impounded/stolen motorcycles to be used for criminal activities,” ang laman naman ng post ng Tandikan PCR sa kanilang Facebook page.

Binigyan na rin aniya ng stickers ang ilang personnel ng kanilang pamunuan at ilan pang mga individuals para maikabit sa kani-kanilang mga motor. Sa ngayon ay halos nasa 90 motorista na umano ang nabigyan ng stickers ng kanilang pamunuan

Subalit, paalaala ng pamunuan, bago makakuha ng sticker ang mga motorista ay may mga kailanganin silang isumiteng mga requirements bilang patunay na pumasa sila sa assessment at evaluation na isinagawa ng nabanggit na ahensiya.

“Nai-submit na natin sa taas at ongoing pa naman ang pabibigay natin ng [mga] stickers at sa mga gusto na magkaroon ng stickers kasi 500 stickers ‘yung binigay sa atin. So, sana i-grab ito ng ga motorista natin dito,” muling panghihikayat ni Marzo sa publiko.

Ang Clean Rider sticker ay libre lamang na ibinibigay sa mga lehitimong mga motorcycle owners. Ang kailangan lamang nilang isumite bilang proof of ownership sa pinakamalapit nilang Police Station sa kanilang lokalidad ay ang napunang Clean Riders application form, original Receipt/Certificate of Registration, Deed of Sale, OR/CR ng kanilang mga sasakyan kung hindi nakapangalan sa may-ari, Driver’s License at mga valid identification card.

Related Articles
LALAKI, TIMBOG DAHIL SA PAGPUPUSLIT NG BUHAY-ILANG
PAGPATAY KAY RUBEN BEDIORES GOH HINDI ELECTION RELATED INCIDENT—PPO
TUMATAKBONG KONSEHAL SA MUNISIPYO NG ABORLAN, DEAD ON THE SPOT SA PAMAMARIL
CZECH NATIONAL, ARESTADO KAUGNAY SA KASONG ESTAFA
PULIS, PATAY SA PAMAMARIL
CAFGU MEMBER, NAHAHARAP SA KASONG DIRECT ASSAULT
2 LALAKE, NAHAHARAP SA KASO KAUGNAY SA ILIGAL NA DROGA
LALAKE, DEAD ON ARRIVAL MATAPOS MAGTAMO NG SAKSAK
WANTED PERSON SA KASONG PAGPATAY, ARESTADO
LALAKE, NAHAHARAP SA KASONG ILLEGAL POSSESSIONS OF FIREARMES
LALAKI, NAHAHARAP SA KASONG DIRECT ASSAULT
5 KALALAKIHAN, TIMBOG DAHIL SA PAGSUSUGAL
KILALANG MAGNANAKAW SA BAYAN NG NARRA, PATAY MATAPOS MABARIL NG NILOOBAN
MANGINGISDA, NAIULAT NA NAWAWALA SA KARAGATANG SAKOP NG BAYAN NG ABORLAN
LALAKE, ARESTADO KAUGNAY SA KASONG PANGGAGAHASA
PULIS GINAHASA NG KAPWA PULIS
DISMISSED PNP PERSONNEL, ARESTADO SA IKINASANG BUY BUST OPERATION SA TAYTAY
ISANG MIYEMBRO NG PHILIPPINE ARMY, BINARIL NG CAFGU
Newspaper of The Week
Advertise with Repetek
Weather
Currently
Currently
Islam
Lot For Sale
Public Transport Schedule
Bataraza/Rio Tuba
Palawan Shuttle Express Asso. Inc (Palshutex)
Puerto Prinsesa to Rio Tuba and vice versa
5:00am-6:30am,6:30am-8:30am, 11:30am upward daily trips
PCINSP Diosdado S. Alarcon PNP (Ret) - President
Contact Nos. 0917-553-2347 or 0921-594-9733 (for reservation)
Currency Converter