REPETEK, Ang Diyaryo ng Pilipino Tuesday, November 19 2019
CITY SPORTS DIRECTOR ROCKY AUSTRIA HUMINGI NG TULONG SA KONSEHO SA MGA MAAARING PROBLEMA SA NALALAPIT NA BATANG PINOY 2019



Si City Sports Director Gregorio “Rocky” Austria nang idulog sa Konseho ang mga problema na maaaring kaharapin sa Batang Pinoy National Finals 2019. (PHOTO//CLEA FAYE CAHAYAG)

NANGANGAMBA umano si City Sports Director Gregorio “Rocky” Austria sa mga maaaring kaharaping problema ng mga partisipante sa Batang Pinoy 2019 na gaganapin sa lungsod ng Puerto Princesa sa darating na ika- 25 ng Agosto.

Ang naturang aktibidad ay magdadala ng di bababa sa 10,000 bilang ng mga atleta at delegadong partisipante.

Isa umano sa pangamba ni Austria na baka maranasan ng mga darating na bisita ang pagsasamantala ng ilang tricycle drivers, partikular sa overpricing.

“Nagkaroon ng kumbensyon dito ang piskalya, under Department of Justice (DOJ), may mga nag-book din po sa aming maliit na pension house at reklamo ang inabot namin [sa mga guests dahil sa] naniningil ang ating mga tricycle drivers ng napakamahal,” ayon kay Austria.

Liban dito, baka samantalahin din umano ng ilang magtitinda at establisyimento na taasan ang presyo ng kanilang mga produkto lalo pa’t ang mga partisipante sa Batang Pinoy ay hindi lamang manggagaling sa Puerto Princesa.

Maging ang problemang elektrisidad at tubig ay idinulog na rin ni dating Konsehal Austria sa Konseho na kung maaari aniya ay walang interruptions na mangyari sa isang linggong aktibidad sa lungsod.

Aniya napakahalaga ng maayos na daloy ng kuryente sa naturang aktibidad dahil bukod sa comfort na ibibigay nito sa mga stay-in athletes, nakataya rin dito ang kalusugan ng mga ito lalo pa’t tag-ulan na at uso na naman ang sakit na dengue kung saan, sa buong Palawan ay pinakamataas ang naitala sa siyudad.

Binanggit din nito na ilan sa mga laro sa ilalim ng batang pinoy ay computerized.

“Hindi lang comfort nila ang ating concern…[kapag ang] electric fan mawawala, lalamukin sila at ‘pag sila nakagat ng mosquitoes na may dalang dengue tapos hindi nakapaglaro because of that incident, tayo po ay mapapahiya at maaaring mapulaan. Iyong mga national media magpupuntahan dito. [Kapag may brounwout] ang internet ay [apektado rin],” paliwanag pa ni Austria.

Bunsod nito, humihiling si Austria sa Sangguniang Panlungsod na kung maaari ay agarang ipatawag ang mga concerned agencies hinggil sa kanyang mga inilatag na mga suliranin.

Nais lamang umano ng direktor na pawang mga magagandang karanasan ang maranasan at baunin ng mga bisita ng Puerto Princesa.

“Kinakabahan po ako dahil ang reputation ng mga taga-Puerto ay at stake, ilalagay tayo sa facebook fb na ‘Ganito pala ang mga taga-Puerto.’ So, we have to address it,” pagpupunto pa ng direktor.

Sa lahat umano ng mga nailatag na problema ni Austria, ang usapin sa elektrisidad, sa tingin ni Konsehal Henry Gadiano ang pinakamalaking problema dahil hindi naman kaila sa lahat na sa loob lamang ng isang araw ay makailang-ulit na nagkakaroon ng power interruptions.

“Sa concerns sa elektrisidad, doon po ako nababahala kasi nowadays sa loob ng isang araw mayroon pong apat na brownouts [na nangyayari]. Limang araw po ang gaganaping Palaro rito and I doubt whether sa five days na ‘yan ay di magkakaroon ng brownout. Kaya palagay ko, siguro agad na ma-convene para ma-address agad [ang mga isyu]. Baka magkaroon ng ibang impresyon ang ating bisita kapag di na-address agad [ang mga ito],” ayon kay Gadiano.

Parehong opinyon din ang binitiwan ni City Councilor Jimmy Carbonell kaya mainam umanong humiram na lamang ng mga malalaking standby generators upang maging alternatibong pagkunan ng elektrisidad sakaling magkaroon ng brownout sa mismong araw ng nasabing patimpalak.

“Sa Paleco, hindi lang ako nangangamba, dudang duda ako na hindi mangyayaring walang tatlo, apat o limang brownouts ngunit on the other hand, baka pwede naman nating remedy na manghiram tayo ng mga malalaking generators sa Provincial Government pagkatapos sa mga business establishments na kung maaari ay mapahiram nila ‘yung kanilang mga generators upang magamit ito in case of emergency situation. Dahil kung Paleco lang, mukhang malabo…[na wala tayong mararanasang bronwouts],” pahayag ni Carbonell.

Sa kabilang dako, isinuhestiyon naman ni Kgd. Elgin Robert Damasco ang paglalagay ng action center sa Sports Complex upang doon mismo idaing ng mga partisipante ng Batang Pinoy ang mga mai-encounter anilang problema upang mabigyan ng agarang solusyon at hindi na umabot pa sa pag-a-upload sa facebook na magbibigay lamang ng negatibong imahe sa lungsod ng Puerto Princesa.

Hiniling din niya sa Sangguniang Panlungsod na kung maaari ay ipatawag ang mga concerned agencies ukol sa mga nabanggit na problema ni Austria na kinabibilangan ng Market Vendors Association, Department of Trade and Industry (DTI), TODA Federation, Paleco, Water District, Traffic Management, Puerto Princesa Chamber of Commerce and Industry, Inc. (PPCCI), PPUR Management, AREZA Corp. PNP at Anti-Crime Task Force (ACTF).

Dagdag naman ni Konsehal Peter Maristela, huwag ding kalilimutang panatilihing malinis ang siyudad at makipag-ugnayan sa Oplan Linis lalo pa’t kilala ang lungsod sa pagiging isang malinis na siyudad.

Sa huli, ini-refer ang usapin sa Committee of the whole na pinamumunuan ni Vice Mayor Nancy Socrates.

Related Articles
P15 MILYONG HALAGA NG SPORTS EQUIPMENTS, NAIPAGKALOOB NA UMANO SA CITY GOVERNMENT
POWER INTERRUPTIONS NOONG BATANG PINOY, ISINISISI NG PALECO SA FIRE CRACKERS
ORDINANSA SA WASTONG PAGTAPON NG BASURA, HINILING NA MULING PAG-ARALAN
‘HINDI AKO PAPAYAG NA MAG-FAIL ANG SATELLITE CITY HALL PROJECT’- BAYRON
DOLE, MULING NAGKALOOB NG LIVELIHOOD PROGRAM
PAMAMAHAGI NG LIBRENG SCHOOL SUPPLIES, HINILING
ISANG CHINESE NATIONAL, NAIS IDEKLARANG PERSONA NON GRATA SA SIYUDAD
REHABILITATION PROGRAM NG CITY ENGINEERING OFFICE SA MAGARWAK, IPINAHIHINTO
ICEMCO, MAY BAGO NANG PANGANGALAGAANG CBST
PAGBABAWAL SA PAGPAPAGALA NG MGA ALAGANG ASO, MAHIGPIT NANG IPATUTUPAD
DILG MEMORANDUM CIRCULAR NO. 2019-121, IPATUTUPAD NA SA LUNGSOD
PPCWD, BUCOR, LUMAGDA SA ISANG JOINT VENTURE AGREEMENT
P250-M HALAGA NG BUCOR ACADEMY, ITATAYO SA IWAHIG
EXITING BENEFICIARIES NG 4P’S, BINIGYANG PARANGAL
5 CBST SA LUNGSOD, NAGING BENEPISYARYO NG LIVELIHOOD PROJECT NG DOLE
PUERTO BAY, POSITIBO ULI SA RED TIDE
P3.4-M SUPPLEMENTAL BUDGET NO. 2 NG LUNGSOD, LUSOT NA SA PINAL NA PAGBASA
MGA MAGSASAKANG APEKTADO NG DROUGHT SA SIYUDAD, PUMALO NA SA 692 INDIBIDWAL
KAHALAGAHAN NG PAGSASAKA, IPINAKIKITA SA GINTONG BUTIL AGRI-FARM
ILAN SA MGA HEAVY EQUIPMENTS NG CITY GOVERNMENT, DUMATING NA!
ITINATAYONG 4 SATELLITE CITY HALL, PAMUMUNUAN NI EX-COUNCILOR RODRIGUEZ
PROYEKTONG PAILAW SA DALAWANG BARANGAY, TAPOS NA
16th CITY COUNCIL, NAGHALAL NA NG BAGONG CHAIRMAN SA MGA BAWAT KOMITE
FOREIGN WORKERS NA WALANG LISENSIYA, HINDI UMANO KUKUNSINTIHIN NI AMURAO
VIRGILIO TAGLE, ITINALAGANG BAGONG DILG CITY DIRECTOR
ILANG MAGTITINDA SA CITY BAYWALK, PAAALISIN
PUERTO PRINCESA 15TH CITY COUNCIL, NAKATANGGAP NG PARANGAL
ANTI FULL-FACE HELMET ORDINANCE, HINDI INAPRUBAHAN NG KONSEHO
ONE-STOP SHOP SA PAGKUHA NG MGA LISENSIYA, LILIKHAIN
121st ARAW NG KALAYAAN, IPINAGDIWANG
PAGBABAWAL SA PAGSUSUOT NG FULL-FACE HELMET, MULING ISINUSULONG
CLOUD SEEDING OPERATIONS NG PPCWD, MATAGUMPAY
NG PWD ID, PURCHASE BOOKLET
CITY WATER DISTRICT, PCSD, IPINATATAWAG SA SUSUNOD NA SESYON
MINIMUM RATE NG MGA JOB ORDER EMPLOYEE NG PPC, PLANONG TAASAN SA 2020
2 FIREFLY WATCHING DESTINATIONS SA LUNGSOD, BUBUKSAN
Newspaper of The Week
Advertise with Repetek
Weather
Currently
Currently
Islam
Lot For Sale
Public Transport Schedule
Bataraza/Rio Tuba
Palawan Shuttle Express Asso. Inc (Palshutex)
Puerto Prinsesa to Rio Tuba and vice versa
5:00am-6:30am,6:30am-8:30am, 11:30am upward daily trips
PCINSP Diosdado S. Alarcon PNP (Ret) - President
Contact Nos. 0917-553-2347 or 0921-594-9733 (for reservation)
Currency Converter