REPETEK, Ang Diyaryo ng Pilipino Tuesday, November 19 2019
CITY WATER DISTRICT, PCSD, IPINATATAWAG SA SUSUNOD NA SESYON



ANG bahagi ng Montible River sa Brgy. Montible, isa sa mga target na pagkunan ng source ng tubig para sa bagong proyekto ng PPCWD. (CONTRIBUTED PHOTO//PIA-PALAWAN)

HINILING sa Konseho ni Kgd. Roy Gregorio Ventura na ipatawag sa susunod na regular na sesyon ang pamunuan ng Puerto Princesa City Water District (PPCWD) at Palawan Council for Sustainable Development (PCSD) upang malaman ang estado sa aplikasyon ng Water District ukol sa SEP Clearance at sa kanilang isinasagawang cloud seeding.

“Kung pupwede, i-update po tayo ng Water District kung ano po ang nangyari sa cloud seeding nila…magreport sila dahil ‘pag hindi umulan, tayo ang sisisihin dito sa City Government. Ipatawag po natin sila ano po ang update sa application nila sa PCSD tungkol sa SEP, kung ano ang nangyari. May nababalitaan po kasi tayo na mukhang nahihirapan silang kumuha ng SEP,” pahayag ni Ventura.

Matatandaang noong ika-15 ng Marso nang mai-bid ang proyektong Montible at Lapu-Lapu River Water System Improvement Project ll (WSIP II) ng Puerto Princesa City Water District (PPCWD).

Ang idineklarang winning bidder ay ang HG-3 Construction and Development Corp., isang Manila-based Construction Company na may approved agency budget na P770 milyon.

Target ng naturang proyektong na makuha ang 30,000 cubic meter per day na maidadagdag sa kasalukuyang suplay ng tubig sa lungsod.

Sa mga naunang pahayag ni PPCWD General Manager Antonio Jesus Romasanta, binanggit niyang tanging SEP Clearance na lamang ang kulang na dokumento bago masimulan ang WSIP II.

Inaasahan namang matatapos sa loob ng dalawang taon ang konstruksyon sa naturang proyekto.

Samantala, noong ika-6 ng Mayo nang sumailalim sa State of Calamity ang Puerto Princesa dahil sa kinakaharap na tagtuyo’t dala ng El Niňo na naging sanhi sa pagkakaroon ng water scarcity sa siyudad. Nang dahil dito, isa sa prayoridad ng PPCWD ay ang pagsasagawa ng cloud seeding na inaasahang makapagdadala ng ulan sa Campo Uno area upang madagdagan ang bumababang lebel ng tubig sa pangunahing water source ng siyudad.

Related Articles
P15 MILYONG HALAGA NG SPORTS EQUIPMENTS, NAIPAGKALOOB NA UMANO SA CITY GOVERNMENT
POWER INTERRUPTIONS NOONG BATANG PINOY, ISINISISI NG PALECO SA FIRE CRACKERS
ORDINANSA SA WASTONG PAGTAPON NG BASURA, HINILING NA MULING PAG-ARALAN
‘HINDI AKO PAPAYAG NA MAG-FAIL ANG SATELLITE CITY HALL PROJECT’- BAYRON
DOLE, MULING NAGKALOOB NG LIVELIHOOD PROGRAM
PAMAMAHAGI NG LIBRENG SCHOOL SUPPLIES, HINILING
ISANG CHINESE NATIONAL, NAIS IDEKLARANG PERSONA NON GRATA SA SIYUDAD
REHABILITATION PROGRAM NG CITY ENGINEERING OFFICE SA MAGARWAK, IPINAHIHINTO
ICEMCO, MAY BAGO NANG PANGANGALAGAANG CBST
PAGBABAWAL SA PAGPAPAGALA NG MGA ALAGANG ASO, MAHIGPIT NANG IPATUTUPAD
DILG MEMORANDUM CIRCULAR NO. 2019-121, IPATUTUPAD NA SA LUNGSOD
PPCWD, BUCOR, LUMAGDA SA ISANG JOINT VENTURE AGREEMENT
P250-M HALAGA NG BUCOR ACADEMY, ITATAYO SA IWAHIG
EXITING BENEFICIARIES NG 4P’S, BINIGYANG PARANGAL
5 CBST SA LUNGSOD, NAGING BENEPISYARYO NG LIVELIHOOD PROJECT NG DOLE
PUERTO BAY, POSITIBO ULI SA RED TIDE
P3.4-M SUPPLEMENTAL BUDGET NO. 2 NG LUNGSOD, LUSOT NA SA PINAL NA PAGBASA
MGA MAGSASAKANG APEKTADO NG DROUGHT SA SIYUDAD, PUMALO NA SA 692 INDIBIDWAL
KAHALAGAHAN NG PAGSASAKA, IPINAKIKITA SA GINTONG BUTIL AGRI-FARM
ILAN SA MGA HEAVY EQUIPMENTS NG CITY GOVERNMENT, DUMATING NA!
ITINATAYONG 4 SATELLITE CITY HALL, PAMUMUNUAN NI EX-COUNCILOR RODRIGUEZ
PROYEKTONG PAILAW SA DALAWANG BARANGAY, TAPOS NA
16th CITY COUNCIL, NAGHALAL NA NG BAGONG CHAIRMAN SA MGA BAWAT KOMITE
FOREIGN WORKERS NA WALANG LISENSIYA, HINDI UMANO KUKUNSINTIHIN NI AMURAO
VIRGILIO TAGLE, ITINALAGANG BAGONG DILG CITY DIRECTOR
ILANG MAGTITINDA SA CITY BAYWALK, PAAALISIN
PUERTO PRINCESA 15TH CITY COUNCIL, NAKATANGGAP NG PARANGAL
ANTI FULL-FACE HELMET ORDINANCE, HINDI INAPRUBAHAN NG KONSEHO
ONE-STOP SHOP SA PAGKUHA NG MGA LISENSIYA, LILIKHAIN
121st ARAW NG KALAYAAN, IPINAGDIWANG
PAGBABAWAL SA PAGSUSUOT NG FULL-FACE HELMET, MULING ISINUSULONG
CLOUD SEEDING OPERATIONS NG PPCWD, MATAGUMPAY
NG PWD ID, PURCHASE BOOKLET
CITY WATER DISTRICT, PCSD, IPINATATAWAG SA SUSUNOD NA SESYON
MINIMUM RATE NG MGA JOB ORDER EMPLOYEE NG PPC, PLANONG TAASAN SA 2020
2 FIREFLY WATCHING DESTINATIONS SA LUNGSOD, BUBUKSAN
Newspaper of The Week
Advertise with Repetek
Weather
Currently
Currently
Islam
Lot For Sale
Public Transport Schedule
Bataraza/Rio Tuba
Palawan Shuttle Express Asso. Inc (Palshutex)
Puerto Prinsesa to Rio Tuba and vice versa
5:00am-6:30am,6:30am-8:30am, 11:30am upward daily trips
PCINSP Diosdado S. Alarcon PNP (Ret) - President
Contact Nos. 0917-553-2347 or 0921-594-9733 (for reservation)
Currency Converter