REPETEK, Ang Diyaryo ng Pilipino Tuesday, November 19 2019
CLOUD SEEDING OPERATIONS NG PPCWD, MATAGUMPAY



(CONTRIBUTED PHOTO//PPCWD)

NAGING matagumpay umano ang pagsasagawa ng cloud seeding ng Puerto Princesa City Water District (PPCWD) na nakadagdag sa suplay ng tubig sa lungsod.

Sa ginawang pag-uulat ni PPCWD Acting Spokesperson Jenn Rausa noong lunes, ika-10 ng Hunyo sa regular na sesyon ng Sangguniang Panlungsod, ibinalita niyang unti- unti na umanong nakaka-recover ang Campo Uno sa pagkatuyo sanhi ng nararanasang tag-init sa siyudad.

Aniya, mula sa 29,000 cubic meter per day na lamang na suplay ng tubig ay tumaas ito sa 42,905.47 cubic meter per day.

Ito umano ay resulta ng cloud seeding operations kung saan, 28 rainfalls o katumbas ng 75.67 porsieynto ang naging matagumpay mula sa kabuuang bilang na 37 operations base sa ulat ng Bureau of Soil and Water Management (BSWM) na nanguna sa pagsasagawa ng cloud seeding sa lungsod.

“Nagkaroon po ng pag-increase sa ating production capacity ng both surface at ground water. Ito pong rate na ito ay mataas na po, hindi naman masasabing bumagsak siya kumpara sa iba nilang operation, ito po [sa atin], since this is also the first time na mako-consider na natin ito as successful at ang result ay very satisfactory,” ayon kay Rausa.

Sa mahigit isang buwang pagsasagawa umano ng cloud seeding sa Puerto Princesa na nagsimula noong ika-10 ng Mayo hanggang ika-6 ng Hunyo ay tinatayang nasa 490 bags ng iodized salt ang nagamit sa 37 operations.

Sa isang araw ay dalawa hanggang tatlong sortie, ani Rausa, ang kanilang ginagawa katuwang ang Fliteline Airways kung saan may kontratang 40 oras ang Water District. Sa bawat sortie umano ay nakakapag-consume ng 14 sako ng asin.

Mayroong aniyang apat na monitoring stations na matatagpuan sa Old Airport, Urko Hill sa Irawan Watershed, Solomon sa Iwahig at West Coast sa Brgy. Simpocan.

Matapos umano ang isinagawang cloud seeding ay nakapagtala ng total accumulated rainfall na 151 mm sa Campo Uno, 167 mm sa Urko Hill, Infiltration Gallery na 51.30 mm at Tagaud Station na 57.2 mm.

“Ito pong mga nai-record natin diyan (Campo Uno, Urko Hill, Infiltration Gallery, Tagaud) ay ‘yung mayroon lang po tayong rain gauge,” paliwanag naman ng tagapagsalita ng PPCCWD.

Dahil sa ulan na nai-produce sa pamamagitan ng pagsasagawa ng cloud seeding, ibinaba na ng Water District noong ika-28 ng Mayo sa alert level 2 ang krisis ng tubig sa siyudad at itinigil na rin ang implementasyon ng water rationing sa mga barangay.

Related Articles
P15 MILYONG HALAGA NG SPORTS EQUIPMENTS, NAIPAGKALOOB NA UMANO SA CITY GOVERNMENT
POWER INTERRUPTIONS NOONG BATANG PINOY, ISINISISI NG PALECO SA FIRE CRACKERS
ORDINANSA SA WASTONG PAGTAPON NG BASURA, HINILING NA MULING PAG-ARALAN
‘HINDI AKO PAPAYAG NA MAG-FAIL ANG SATELLITE CITY HALL PROJECT’- BAYRON
DOLE, MULING NAGKALOOB NG LIVELIHOOD PROGRAM
PAMAMAHAGI NG LIBRENG SCHOOL SUPPLIES, HINILING
ISANG CHINESE NATIONAL, NAIS IDEKLARANG PERSONA NON GRATA SA SIYUDAD
REHABILITATION PROGRAM NG CITY ENGINEERING OFFICE SA MAGARWAK, IPINAHIHINTO
ICEMCO, MAY BAGO NANG PANGANGALAGAANG CBST
PAGBABAWAL SA PAGPAPAGALA NG MGA ALAGANG ASO, MAHIGPIT NANG IPATUTUPAD
DILG MEMORANDUM CIRCULAR NO. 2019-121, IPATUTUPAD NA SA LUNGSOD
PPCWD, BUCOR, LUMAGDA SA ISANG JOINT VENTURE AGREEMENT
P250-M HALAGA NG BUCOR ACADEMY, ITATAYO SA IWAHIG
EXITING BENEFICIARIES NG 4P’S, BINIGYANG PARANGAL
5 CBST SA LUNGSOD, NAGING BENEPISYARYO NG LIVELIHOOD PROJECT NG DOLE
PUERTO BAY, POSITIBO ULI SA RED TIDE
P3.4-M SUPPLEMENTAL BUDGET NO. 2 NG LUNGSOD, LUSOT NA SA PINAL NA PAGBASA
MGA MAGSASAKANG APEKTADO NG DROUGHT SA SIYUDAD, PUMALO NA SA 692 INDIBIDWAL
KAHALAGAHAN NG PAGSASAKA, IPINAKIKITA SA GINTONG BUTIL AGRI-FARM
ILAN SA MGA HEAVY EQUIPMENTS NG CITY GOVERNMENT, DUMATING NA!
ITINATAYONG 4 SATELLITE CITY HALL, PAMUMUNUAN NI EX-COUNCILOR RODRIGUEZ
PROYEKTONG PAILAW SA DALAWANG BARANGAY, TAPOS NA
16th CITY COUNCIL, NAGHALAL NA NG BAGONG CHAIRMAN SA MGA BAWAT KOMITE
FOREIGN WORKERS NA WALANG LISENSIYA, HINDI UMANO KUKUNSINTIHIN NI AMURAO
VIRGILIO TAGLE, ITINALAGANG BAGONG DILG CITY DIRECTOR
ILANG MAGTITINDA SA CITY BAYWALK, PAAALISIN
PUERTO PRINCESA 15TH CITY COUNCIL, NAKATANGGAP NG PARANGAL
ANTI FULL-FACE HELMET ORDINANCE, HINDI INAPRUBAHAN NG KONSEHO
ONE-STOP SHOP SA PAGKUHA NG MGA LISENSIYA, LILIKHAIN
121st ARAW NG KALAYAAN, IPINAGDIWANG
PAGBABAWAL SA PAGSUSUOT NG FULL-FACE HELMET, MULING ISINUSULONG
CLOUD SEEDING OPERATIONS NG PPCWD, MATAGUMPAY
NG PWD ID, PURCHASE BOOKLET
CITY WATER DISTRICT, PCSD, IPINATATAWAG SA SUSUNOD NA SESYON
MINIMUM RATE NG MGA JOB ORDER EMPLOYEE NG PPC, PLANONG TAASAN SA 2020
2 FIREFLY WATCHING DESTINATIONS SA LUNGSOD, BUBUKSAN
Newspaper of The Week
Advertise with Repetek
Weather
Currently
Currently
Islam
Lot For Sale
Public Transport Schedule
Bataraza/Rio Tuba
Palawan Shuttle Express Asso. Inc (Palshutex)
Puerto Prinsesa to Rio Tuba and vice versa
5:00am-6:30am,6:30am-8:30am, 11:30am upward daily trips
PCINSP Diosdado S. Alarcon PNP (Ret) - President
Contact Nos. 0917-553-2347 or 0921-594-9733 (for reservation)
Currency Converter