REPETEK, Ang Diyaryo ng Pilipino Sunday, August 25 2019
COAL PLANT APPLICATION PALAWAN, BINIGYAN NA NG ECC NG DENR-MIMAROPA



(KUHA SA FBPAGE NG DENR)

Makalipas ang pitong taon mula nang mabigyan ng conditional approval ng Palawan Council for Sustainable Development (PCSD), ngayong taon ay tuluyan na ring binigyan ng Environmental Compliance Certificate (ECC) ng Department of Environment and Natural Resources (DENR)-Mimaropa ang coal-fired power plant application ng DMCI Power Corp. (DPC).

Ikinabigla ng karamihan, lalo na ng mga environmentalist, ang binagong desisyon ng DENR na unang ibinasura ang aplikasyon ng proponente.

Sa panayam ng Repetek kay Environmental Management Bureau (EMB) Regional Director Michael Drake Matias, kinumpirma niyang binigyan na ng ECC ang DMCI noong ika-17 pa ng Hunyo.

Aniya, ibinaba ang walong pahinang dokumento pabor sa proponente alinsunod sa kautusan ng EMB central office noon pang Disyembre 18, 2018 na bumaligtad sa naunang desisyon ng EMB-Mimaropa na nagbasura sa naturang proyekto. Kasabay umano ng reversal ng desisyon ay iniatas ng central office na bigyan ng ECC ang 15 MW coal-fired power plant application ng DMCI sa Palawan.

“Initially, the application was denied and they (proponent) questioned the decision of the Regional Office and appealed to the EMB Central Office. The EMB [then] reversed the decision on the denial of the Regional Office and asked us to proceed the issuance of the Environmental Compliance Certificate for the project,” ayon kay RD Matias.

Makalipas din umano ang issuance ukol sa Desisyon at bumaba ang rekord sa kanila ay lumabas din ang Certification buhat sa Department of Energy (DOE) na nagsasabing ang nasabing proyekto ay isang Energy Project of National Significance. Ipinakikita umano nito na “importante ang proyekto para na rin sa mga residente ng Palawan.”

Dagdag pa niya, hindi lamang ang LGU ang nagsabing kailangan ang naturang proyekto kundi ang DOE at ang Energy Investment Coordinating Council (EICC). Ang EICC ay nilikha sa pamamagitan ng ibinabang Executive Order No. 30 ni Pangulong Duterte (PD30) na binubuo ng DOE, DENR, NEA, NPC, Department of Finance (DoF), Bureau of Customs (BoC), Bureau of Internal Revenue (BIR), iba pang government agencies at sa kaso ng Palawan ay ang Palawan Council for Sustainable Development (PCSD) na layong i-harmonize at i-integrate and streamlined regulatory processes.

“Yung certification po na ‘yun was issued pursuant to the Executive Order No. 30. Ibig sabihin, napag-aralan naman po ito at marami pong ahensiya ang involve sa pag-aaral dito. In fact, based on record, 2015 pa ata ito [nang maiakyat sa amin],” aniya.

ILAN SA ATAS NG DENR SA DMCI
Ilan lamang umano sa nakasaad sa ECC ng DMCI, gaya ng sa Project Description ay kailangan mayroon silang electrostatic precipitator bilang air pollution control device upang matiyak na ang inilalabas na usok ay papasa sa standard, ash storage, high density polyethylene (HDPE) pond line o ash disposal pond, at stock area na fully covered upang hindi maapektuhan ang komunidad. Kinakailangan din umano ang tuloy-tuloy na emission monitoring system (EMS), pagpapatupad ng komprehensibong Social Development and Management Program (SDMP) para sa komunidad na maapektuhan, at Coastal Management para maprotektahan ang katubigan.

Ngunit Ipinaliwanag naman ng ahensiya na sa oras na prinoseso nila ang ECC ay may mga certification at mga clearances na ang kompanya buhat sa local government ng Narra, Palawan Council for Sustainable Development (PCDS) at kamakailan ay inindorso rin ng DOE.

Nilinaw din nilang ang ECC ay base sa nakasaad sa batas na walang malakihang proyekto ang mag-uumpisa ng walang Environmental Compliance Certificate.

“But it does not necessarily mean na kapag mayroon ka ng ECC ay mag-uumpisa ka na because they are still other requirements of other government agencies na kailangan nilang ma-comply. Ang ECC lang naman po ay isang dokumento na sinasabing mayroong project proposal at ‘ang project proposal na ito ay may posibleng impact sa environment and to mitigate those impact to a level of compliance, ito ‘yung mga gagawin namin.’ In a nutshell po, ‘yun po ang laman ng pag-aaral na ibinigay nila sa amin and on that basis, a certification was issued by the Environmental Management Bureau saying na mayroon silang (DMCI) pag-aaral and they’re going to mitigate their impacts to comply with the existing standards” ani RD Matias.

KATIYAKANG IBINIGAY NG DENR
Tiniyak ng DENR na sisiguraduhin nilang anumang proyekto ukol sa enerhiya—mapa-coal man, bunker, diesel, at iba pa ay susunod sa existing standards na ipinatutupad ng kanilang ahensiya para kalusugan ng mga mamamayan at kapaligiran.

“There are coal-fired power projects that we (DENR) are monitoring in other areas, not in Mimaropa, na pumapasa naman po sa standards and rest assured na medyo, strict po kami in terms of monitoring dahil alam din po natin na ang impact ng ganitong projects ay malaki kapag napabayaan. That’s why, ‘yung mga taga-EMB ho, nagmo-monitor ho kami, nag-i-stock testing ho kami, tsinitsek ho natin ‘yung mga emissions niyan. Sinisiguraduhin natin na papasa sila sa stansards,” pagtitiyak pa ng opisyal.

PANGAMBA NG MGA KRITIKO SA GAGAMITING LOW GRADE COAL
Nagbigay din ng katiyakan ang ahensiya na kabilang sa kanilang mga tinitingnan ay ang kalidad ng ginagamiting coal na dapat umanong walang toxic at heavy metals at sumunod sa mga standards at testing.

“Kapag pinoproseso na po ‘yan para magkaroon ng electricity, dumadaan naman po ‘yan sa air pollution control device….So, by that process, tingin po namin sa teknolohiyang gagamitin nila, mako-comply naman po nila ‘yung standards natin.

“But hindi po tayo nagpapakasiguro sa ganun, mino-monitor po natin ito at tsaka required po sila na maglagay ng continuous emission monitoring system. Ito po ‘yung tubo na nakakabit sa stock nila at nagbibigay ng reading real time, so that we will know kung ano ‘yung quality ng dini-discharge, ini-emit nila doon sa environment at ito po ay naita-transmit sa atin online, sa opisina para nakikita natin agad,” ayon pa sa Direktor ng EMB Regional Office.

Tumanggi namang magbigay ng pahayag ang EMB ukol sa paggamit ng low grade coal mula sa Semirara Island at tinuran na anumang klaseng proyekto, kapag bumagsak sa standards ay iisyuhan nila ng notice of violation o pwede ring ipasara ng Pollution Adjudication Board.

PAGTUTOL NG NGO
Mariin namang kinundina ng Palawan Alliance for Clean Energy (PACE) at Save Palawan Movement (SPAM) ang desisyon ng Department of Environment and Natural Resources (DENR). Sa statement ng mga grupo, ipinunto nilang hindi dapat binigyan ng ECC ang coal plant project sapagkat magdudulot ito ng maraming banta sa kalikasan at sa kalusugan ng mga residente ng Palawan at sa Palawan Island Power Development Plan (PIPDP).

“These threats are real and adequately documented and are the primary reasons why most developed and developing countries have shunned coal technology altogether. Palawan need not suffer the negative consequences of coal plant emissions and regret it later,” ayon pa sa statement.

Binigyang-diin pa nilang dapat na batid na ng DENR na hindi na nila dapat in-entertain ang DMCI coal plant project application para sa ECC, base sa PIPDP na in-adopt ng DOE, ng Provincial Government of Palawan at ng Palawan Electric Cooperative (Paleco) noong 2014 na gabay sa direksyon ng power supply sourcing para sa lalawigan ng renewable energy.

Kinukwestyon din nila ang pagkakabilang ng DMCI coal plant sa listahan ng Energy Projects with National Significance (EPNS) sa kadahilanang wala naman umanong problema sa elektrisidad sa probinsiya sa kasalukuyan at sa halip, ang suliranin ngayon ay transmission system issues at ang inefficiency ng mga independent power producers ng Paleco.

“The negative performance track record of DMCI in failing to deliver its 25-MW guaranteed dependable capacity since it began operations in Palawan should also have been a major consideration for the outright denial of DMCI’s ECC application,” ayon pa sa kanila.

Isa ang isyu sa coal ang agenda ng SPM, kasama ang pagmimina, plantation, infrastructure, at governance kung saan kasama ang isyu ng paghahati ng Palawan at kurapsyon. SPM ang broad coalition ng mga NGO’s at ng mga indibidwal sa lalawigan na concern sa sustainable development ng Palawan at sa paghahatid ng basic services, social justice, environmental justice, empowerment, at biodiversity conservation na unang ipinabatid sa publiko noong nakaraang taon nang muling binuhay ang SPM.

‘NAGULAT KAMI’
“Nagulat kami kasi akala namin na dahil nga mayroon tayong Palawan Island Power Development Plan (PIPDP), hindi ito maku-consider na at dahil nagsasarado na ‘yung mga coal plant sa China, sa Germany, sa Japan, sa Amerika, sa iba pang bansa, kahit sa India. So, nagtataka kami bakit sa dami-dami ng renewable energy sources ay gagamitin pa rin ‘yung coal in a province which is rich in biodiversity. Parang nagulat lang kami na akala namin ay pakikinggan pa tayo ng DENR at hindi na ito ipo-process pa,” pahayag pa ni Grizelda “Gerthie” Mayo-Anda, executive director ng Environmental Legal Assistance Center (ELAC) at isa sa mga lead convenor ng SPM kung saan kabilang ang grupong Palawan Alliance for Clean Energy (PACE).

HINDI NAWAWALAN NG PAG-ASA
“Hindi kami nawawalan ng pag-asa kasi mayroon namang remedyo sa ilalim ng batas, na pwede naming gamitin. So, ‘yung advocacy work will continue pati ‘yung pagpapadala ng sulat sa DENR, DOE at kung sa kasamaang-palad ay hindi pa rin pakikinggan, then may mga legal options tayong naiisip,” ayon sa environmental lawyer na si Anda.

Sa ngayon naman umano ay nagpapatuloy ang paghimok nila ng dagdag na lagda na ginagawa na umano ng kanilang support group Sa Maynila.

“Kung baga, para sa amin, hindi pa tapos ang boksing, mayroon pa tayong pag-asa, [dahil nasa] demokrasya [bansa] tayo. Marami pa tayong oportunidad na gamitin ang batas para igiit ang ating karapatan para saang ating karapatan para sa isang malusog at malinis na kapaliguran,” pagbibigay-diin niya.

Kaugnay nito ay hinikayat ng Save Palawan Movement ang mga mulat na mga mamamayan na hayagang tumutol sa naging aksyon ng DENR at hilinging bawiin ang ibinabang ECC sa nasabing Power Company.

EMB Mimaropa Regional Director Michael Drake Matias (KUHA SA FBPAGE NG EMB-MIMAROPA)

Related Articles
REHABILITATION PROGRAM NG CITY ENGINEERING OFFICE SA MAGARWAK, IPINAHIHINTO
ICEMCO, MAY BAGO NANG PANGANGALAGAANG CBST
PAGBABAWAL SA PAGPAPAGALA NG MGA ALAGANG ASO, MAHIGPIT NANG IPATUTUPAD
DILG MEMORANDUM CIRCULAR NO. 2019-121, IPATUTUPAD NA SA LUNGSOD
PPCWD, BUCOR, LUMAGDA SA ISANG JOINT VENTURE AGREEMENT
P250-M HALAGA NG BUCOR ACADEMY, ITATAYO SA IWAHIG
EXITING BENEFICIARIES NG 4P’S, BINIGYANG PARANGAL
5 CBST SA LUNGSOD, NAGING BENEPISYARYO NG LIVELIHOOD PROJECT NG DOLE
PUERTO BAY, POSITIBO ULI SA RED TIDE
P3.4-M SUPPLEMENTAL BUDGET NO. 2 NG LUNGSOD, LUSOT NA SA PINAL NA PAGBASA
MGA MAGSASAKANG APEKTADO NG DROUGHT SA SIYUDAD, PUMALO NA SA 692 INDIBIDWAL
KAHALAGAHAN NG PAGSASAKA, IPINAKIKITA SA GINTONG BUTIL AGRI-FARM
ILAN SA MGA HEAVY EQUIPMENTS NG CITY GOVERNMENT, DUMATING NA!
ITINATAYONG 4 SATELLITE CITY HALL, PAMUMUNUAN NI EX-COUNCILOR RODRIGUEZ
PROYEKTONG PAILAW SA DALAWANG BARANGAY, TAPOS NA
16th CITY COUNCIL, NAGHALAL NA NG BAGONG CHAIRMAN SA MGA BAWAT KOMITE
FOREIGN WORKERS NA WALANG LISENSIYA, HINDI UMANO KUKUNSINTIHIN NI AMURAO
VIRGILIO TAGLE, ITINALAGANG BAGONG DILG CITY DIRECTOR
ILANG MAGTITINDA SA CITY BAYWALK, PAAALISIN
PUERTO PRINCESA 15TH CITY COUNCIL, NAKATANGGAP NG PARANGAL
ANTI FULL-FACE HELMET ORDINANCE, HINDI INAPRUBAHAN NG KONSEHO
ONE-STOP SHOP SA PAGKUHA NG MGA LISENSIYA, LILIKHAIN
121st ARAW NG KALAYAAN, IPINAGDIWANG
PAGBABAWAL SA PAGSUSUOT NG FULL-FACE HELMET, MULING ISINUSULONG
CLOUD SEEDING OPERATIONS NG PPCWD, MATAGUMPAY
NG PWD ID, PURCHASE BOOKLET
CITY WATER DISTRICT, PCSD, IPINATATAWAG SA SUSUNOD NA SESYON
MINIMUM RATE NG MGA JOB ORDER EMPLOYEE NG PPC, PLANONG TAASAN SA 2020
2 FIREFLY WATCHING DESTINATIONS SA LUNGSOD, BUBUKSAN
CLOUD SEEDING, MAGTATAGAL HANGGANG HUNYO
TEAM KURIDAS, SINAMPAHAN NG REKLAMONG VOTE-BUYING
BAYRON, MULING NANALONG MAYOR NG PUERTO PRINCESA
WESCOM, NAKAHANDA UMANONG TUMUGON SA ANUMANG KRISIS
PDL VOTING, MATIWASAY NA NAIDAOS SA BJMP-PPCJ
DALAWANG EMPLEYADO NG PPUR MANAGEMENT, SUSPENDIDO
PAGPAPASARA NG IWAHIG FIREFLY WATCHING, WALA UMANONG BASEHAN
Newspaper of The Week
Advertise with Repetek
Weather
Currently
Currently
Islam
Lot For Sale
Public Transport Schedule
Bataraza/Rio Tuba
Palawan Shuttle Express Asso. Inc (Palshutex)
Puerto Prinsesa to Rio Tuba and vice versa
5:00am-6:30am,6:30am-8:30am, 11:30am upward daily trips
PCINSP Diosdado S. Alarcon PNP (Ret) - President
Contact Nos. 0917-553-2347 or 0921-594-9733 (for reservation)
Currency Converter