REPETEK, Ang Diyaryo ng Pilipino Sunday, September 22 2019
CYBER READI CAMPAIGN, INILUNSAD SA PALAWAN STATE UNIVERSITY



Si PIA Director General Undersecretary Harold Clavite sa kanyang pananalita sa ASEAN Awareness Forum noong ika-22 ng Agosto 2019. (PHOTO//CLEA FAYE G. CAHAYAG)

INILUNSAD sa Palawan State University (PSU) noong ika-22 ng Agosto sa pangunguna ng Philippine Information Agency (PIA) ang cyber readi campaign.

Sa pananalita ni PIA Director General, Undersecretary Harold Clavite sa ginanap na 54th meeting ng ASEAN Committee on Culture and Information (ASEANCOCI), ang Cyber Readi umano ay isang adbokasiya ng ahensiya na may layuning hikayatin ang mga kabataan na maging responsable sa bawat impormasyong kanilang ibinabahagi partikular sa paggamit ng social media.
Nilahukan ng nasa isang libong estudyante mula sa naturang unibersidad ang aktibidad.

“We want to educate the public also na para maging responsable sila sa paggamit ng cellphone, internet at social media [kaya] nag-launch kami ng ‘cyber readi campaign’ upang turuan ang ating mga kabataan na maging responsable at maging maingat sa paggamit nito,”ani Clavite.

Ang salitang ‘readi’ umano sa cyber readi campaign ay kumakatawan sa core values ng Association of Southeast Asian Nation (ASEAN) na binubuo ng Responsibility, Empathy, Authenticity, Discernment at Integrity na kinakailangang maintindihan ng bawat kabataan kaya inilunsad ang nabanggit na kampanya.

Ani Clavite, pataas nang pataas ang bilang ng mga Pilipino na gumagamit ng social media at sa isang sarbey lumalabas umano na hindi bababa sa apat na oras ang ginugugol ng isang indibidwal sa paggamit ng nito.

Alinsabay umano ng pagdami ng bilang ng social media users ang pagdami ng fake news at iresponsableng paggamit nito dahil hindi naman umano tinuruan ang isang user kung ano ang tamang i-po-post at hindi dapat i-post. At ang maling impormasyon ay nakaaapekto umano sa pagdedesisyon ng isang tao sa kanyang buhay.

Nagpaalala ito sa publiko na kung hindi sigurado sa mga impormasyong nababasa sa social media, mainam na magtanong muna bago ito i-share. Ang cyber readi ay isa rin umanong interbensyon upang masiguro na ang bawat kabataang Pilipino ay magkaroon ng safe digital spaces.

“Ayaw nating tayo ang maging cause ng kaguluhan at pekeng balita, it’s our way in exercising our citizenship hindi lang bilang Pilipino kundi bilang ASEAN citizen. We have the opportunity, we have the time, let’s make the change takes place and happen right now”, ayon pa sa direktor. Hinikaya’t din nito ang bawat isa na makiisa sa nasabing adbokasiya para sa responsableng paggamit ng social media upang isulong ang cyber wellness.

Related Articles
CYBER READI CAMPAIGN, INILUNSAD SA PALAWAN STATE UNIVERSITY
MOMMY LANE COUNTER, BINUKSAN NG NCCC MALL
BB. REYNA RUHEN, PAMBATO NG PALAWAN SA DARATING NA MISS EARTH PHILIPPINES 2019
MGA KANDIDATA NG BB. SEXSI 2019, IPINAKILALA NA
CHINESE NEW YEAR, IDINAOS SA PUERTO PRINCESA
ISANG CALL CENTER AGENT, KINORONAHAN BILANG MISS GAY PUERTO PRINCESA 2018
BB. SHARA BARBER NG PSU, KINORONAHAN BILANG KAUNA-UNAHANG MISS PALAWAN
MGA KANDIDATA NG MISS PALAWAN 2018, IPINAKILALA NA
MATAPOS MAHINTO NG ILANG TAON,MISS GAY PUERTO PRINCESA, MULING BINUKSAN
PERLAS DE JUNIO 2018, TAMPOK ANG SOUTH SEA PEARLS
Newspaper of The Week
Advertise with Repetek
Weather
Currently
Currently
Islam
Lot For Sale
Public Transport Schedule
Bataraza/Rio Tuba
Palawan Shuttle Express Asso. Inc (Palshutex)
Puerto Prinsesa to Rio Tuba and vice versa
5:00am-6:30am,6:30am-8:30am, 11:30am upward daily trips
PCINSP Diosdado S. Alarcon PNP (Ret) - President
Contact Nos. 0917-553-2347 or 0921-594-9733 (for reservation)
Currency Converter