REPETEK, Ang Diyaryo ng Pilipino Thursday, February 20 2020
CZECH NATIONAL, ARESTADO KAUGNAY SA KASONG ESTAFA



ARESTADO ng pulisya ang isang Czech national dahil sa kasong estafa matapos siyang mag-check-in ngunit hindi umano nakapagbayad ng kaukulang bills sa isang hotel sa bayan ng El Nido.

Kinilala ang suspek na si Michal Lupomesky (Michael Ludosky) habang ang naging biktima naman ay si Engr. Leonides M. Echague, isang negosyante at residente ng Brgy. Corong-Corong ng nabanggit na bayan.

Ayon sa ulat ng Philippine National Police, nag-check-in umano sa Island Front Resort ang nasabing turista ng halos 16 na araw ngunit hindi nagbayad ng kanyang bills na nagkakahalaga ng P24,000. Ang nasabing insidente ay iniulat sa pulisya ng hotel manager na si Maria Leona Dolores E. Buo.

Sa insiyal na imbestigasyon, lumalabas na bandang alas-onse ng umaga noong ika-18 ng Disyembre noong nakaraang taon ay dumating si Michal Lupomesky bilang walk-in guest sa nasabing hotel. Sa unang araw ng paninirahan ng turista ay nagbayad naman umano siya ng kaukulang bayarin ngunit sa sumunod na araw hanggang noong January 6 ngayong taon ay hindi na.

Ayon pa sa ulat, lagi na lamang umanong gumagawa ng alibi ang suspek at nangangakong magbabayad ng kanyang hotel bill. Pagkatapos ng nasabing insidente, agad na inaresto ang suspek ng tauhan ng El Nido MPS at ngayon ay kasalukuyang nasa kustodiya ng nabanggit na ahensiya.

Sa ngayon, nakahain na ang kasong Estafa laban sa naturang foreign national.

Related Articles
LALAKI, TIMBOG DAHIL SA PAGPUPUSLIT NG BUHAY-ILANG
PAGPATAY KAY RUBEN BEDIORES GOH HINDI ELECTION RELATED INCIDENT—PPO
TUMATAKBONG KONSEHAL SA MUNISIPYO NG ABORLAN, DEAD ON THE SPOT SA PAMAMARIL
CZECH NATIONAL, ARESTADO KAUGNAY SA KASONG ESTAFA
PULIS, PATAY SA PAMAMARIL
CAFGU MEMBER, NAHAHARAP SA KASONG DIRECT ASSAULT
2 LALAKE, NAHAHARAP SA KASO KAUGNAY SA ILIGAL NA DROGA
LALAKE, DEAD ON ARRIVAL MATAPOS MAGTAMO NG SAKSAK
WANTED PERSON SA KASONG PAGPATAY, ARESTADO
LALAKE, NAHAHARAP SA KASONG ILLEGAL POSSESSIONS OF FIREARMES
LALAKI, NAHAHARAP SA KASONG DIRECT ASSAULT
5 KALALAKIHAN, TIMBOG DAHIL SA PAGSUSUGAL
KILALANG MAGNANAKAW SA BAYAN NG NARRA, PATAY MATAPOS MABARIL NG NILOOBAN
MANGINGISDA, NAIULAT NA NAWAWALA SA KARAGATANG SAKOP NG BAYAN NG ABORLAN
LALAKE, ARESTADO KAUGNAY SA KASONG PANGGAGAHASA
PULIS GINAHASA NG KAPWA PULIS
DISMISSED PNP PERSONNEL, ARESTADO SA IKINASANG BUY BUST OPERATION SA TAYTAY
ISANG MIYEMBRO NG PHILIPPINE ARMY, BINARIL NG CAFGU
Newspaper of The Week
Advertise with Repetek
Weather
Currently
Currently
Islam
Lot For Sale
Public Transport Schedule
Bataraza/Rio Tuba
Palawan Shuttle Express Asso. Inc (Palshutex)
Puerto Prinsesa to Rio Tuba and vice versa
5:00am-6:30am,6:30am-8:30am, 11:30am upward daily trips
PCINSP Diosdado S. Alarcon PNP (Ret) - President
Contact Nos. 0917-553-2347 or 0921-594-9733 (for reservation)
Currency Converter