REPETEK, Ang Diyaryo ng Pilipino Tuesday, November 19 2019
DELAY NA PAG-ISYU NG SEP CLEARANCE SA WSIP II NG PPCWD, IPINALIWANAG NG PCSD



Ang mga representante ng PCSD sa pangunguna ni PCSDs Executive Director Nelson Devanadera (PHOTO//CLEA FAYE G. CAHAYAG)

NAGPALIWANAG ng pamunuan ng Palawan Council for Sustainable Development (PCSD) ang dahilan kaya natagalan ang pagre-release ng Strategic Environmental Plan (SEP) clearance ng kanilang tanggapan sa proyektong Montible at Lapu Lapu River Water System Improvement Project ll ng Puerto Princesa Water District.

Ayon kay PCSDS Executive Director Nelson Devanadera, makailang-ulit na umano silang nagpalitan ng diskurso ni PPCWD General Manager Antonio Jesus Romasanta Jr. ukol sa proyektong WSIP ll ngunit hindi umano naipaliwanag ng PPCWD ang detalyadong konsepto ng kanilang proyekto.

“Yun pong sinasabi na matagal na hindi nadedesisyunan, marami po kaming series of communication exchange ng Water District at ang hinihingi po namin ay ang detailed explanation and engineering study para sa water system from Irawan to this new site. Kung sinabi nilang they have a phase l, phase ll, phase lll, sa amin po…maaaring phase l lang ang kanilang prinisent. So, if we would be able to see that two phases, they’re saying, titingnan po natin but they have not submitted yet the phase ll and phase lll of the water system to be established,” ani Devanadera.

Gusto lamang umanong siguraduhin ng PCSD na magiging matagumpay ang Lapu-Lapu at Montible River Project bago nila ito isyuhan ng SEP clearance.

Aniya, ang WSIP ll ay nakapokus sa tatlong bagay, una na rito ang ecological integrity, economic viability at social acceptability.

HINDI SAPAT?
Binanggit din ni Devanadera na ang panukalang proyekto ay hindi sasapat sa lumulubong populasyon ng siyudad kung kaya’t ito ay maituturing na hindi ‘feasible.’

Inaasahan sanang ang itatayong Montible at Lapu-Lapu River project ay alternatibong mapagkukunan ng suplay ng tubig bukod sa Campo Uno na pangunahing water source ng siyudad.

Sa kabilang dako, sinabi din niyang ang Irawan Watershed ay hindi napapamahalaan nang maayos ng Water District dahil hindi umano supisyente ang suplay na nakukuha mula rito.

“Ang laki ng population growth rate [ng City] na hindi naman makakasapat ‘yung ating alternative option. So, ang atin pong sanang tingnan, whether that facility would have a useful lifespan na beneficial naman in terms of tariff rates and the long term, [maganda naman ang] stability ng tubig natin. ‘Yun pong mga bagay na ‘yun hindi po naipapaliwanag nang malinaw ng water district,” patutsada pa niya sa Water District.

Aminado si Devanadera na taong 2016 pa ang aplikasyon ng City Water District sa kanilang tanggapan ngunit iginiit na hindi sapat ang mga ginawang paliwanag ng PPCWD noong mga panahong iyon dahilan para ma-pending umano ng ilang taon ang kanilang aplikasyon sa PCSD.

“Totoo po, the application was given to us [last] 2016…[ngunit] hindi po tumagal [sa amin] ‘yun, [kundi] hindi po sila makapagpaliwanag nang maayos. Lagi pong may exchange of communications, three times that we met…[pero] hindi po acceptable ang mga paliwanag po. Hindi po ‘yun sinasabing 2016 dinelay-delay; wala pong katotohanan doon,” ayon pa sa Direktor.

Matatandaang ipinatawag ni City Councilor Roy Ventura ang presensiya ng PCSD ukol sa umano’y pag-hold ng PCSD sa SEP Clearance application ng Water District.

“Gusto lang po naming linawin, malaman ng lahat ang katotohanan kung ano po ba ang nangyari sa application ng PPCWD dahil alam n’yo rin na kayo ay apektado rin po ng suplay ng ating tubig dito sa Puerto Princesa. Gusto ko rin pong maliwanagan muli bakit tumagal ang papeles ng Water District [na taong] 2016 [pa] raw nila isinumite sa inyong opisina mukhang ngayong taon lang lumalabas ang mga isyu na yan o nakaraang taon,” pahayag ni Ventura.

Bagama’t nauna nang naisyuhan ng Environmental Compliance Certificate (ECC) ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang WSIP ll ay kinakailangan pa rin ang SEP Clearance bago simulan ang nabanggit na proyekto.

Paglilinaw pa ni Devanadera, walang disapproval o denial sa aplikasyon ng Water District. Ang nais lamang umano nila ay maghanap ng ibang alternatibong opsyon ang PPCWD.

“Hindi po nangangahulugan na ni-reject natin ang kanilang option. Ang sinasabi lang po natin ay malinaw na pagpapaliwanag upang maunawaan ng Council at maunawaan din ng bayan. Sabi po namin having exhausted all due consideration, we suggest to explore other possible options and present that to the Council to prove worthiness of the project given the magnitude of the cost vis-a-vis the total potential infrastructure. Ito ay communicated October 15, 2015,” aniya.

Related Articles
P15 MILYONG HALAGA NG SPORTS EQUIPMENTS, NAIPAGKALOOB NA UMANO SA CITY GOVERNMENT
POWER INTERRUPTIONS NOONG BATANG PINOY, ISINISISI NG PALECO SA FIRE CRACKERS
ORDINANSA SA WASTONG PAGTAPON NG BASURA, HINILING NA MULING PAG-ARALAN
‘HINDI AKO PAPAYAG NA MAG-FAIL ANG SATELLITE CITY HALL PROJECT’- BAYRON
DOLE, MULING NAGKALOOB NG LIVELIHOOD PROGRAM
PAMAMAHAGI NG LIBRENG SCHOOL SUPPLIES, HINILING
ISANG CHINESE NATIONAL, NAIS IDEKLARANG PERSONA NON GRATA SA SIYUDAD
REHABILITATION PROGRAM NG CITY ENGINEERING OFFICE SA MAGARWAK, IPINAHIHINTO
ICEMCO, MAY BAGO NANG PANGANGALAGAANG CBST
PAGBABAWAL SA PAGPAPAGALA NG MGA ALAGANG ASO, MAHIGPIT NANG IPATUTUPAD
DILG MEMORANDUM CIRCULAR NO. 2019-121, IPATUTUPAD NA SA LUNGSOD
PPCWD, BUCOR, LUMAGDA SA ISANG JOINT VENTURE AGREEMENT
P250-M HALAGA NG BUCOR ACADEMY, ITATAYO SA IWAHIG
EXITING BENEFICIARIES NG 4P’S, BINIGYANG PARANGAL
5 CBST SA LUNGSOD, NAGING BENEPISYARYO NG LIVELIHOOD PROJECT NG DOLE
PUERTO BAY, POSITIBO ULI SA RED TIDE
P3.4-M SUPPLEMENTAL BUDGET NO. 2 NG LUNGSOD, LUSOT NA SA PINAL NA PAGBASA
MGA MAGSASAKANG APEKTADO NG DROUGHT SA SIYUDAD, PUMALO NA SA 692 INDIBIDWAL
KAHALAGAHAN NG PAGSASAKA, IPINAKIKITA SA GINTONG BUTIL AGRI-FARM
ILAN SA MGA HEAVY EQUIPMENTS NG CITY GOVERNMENT, DUMATING NA!
ITINATAYONG 4 SATELLITE CITY HALL, PAMUMUNUAN NI EX-COUNCILOR RODRIGUEZ
PROYEKTONG PAILAW SA DALAWANG BARANGAY, TAPOS NA
16th CITY COUNCIL, NAGHALAL NA NG BAGONG CHAIRMAN SA MGA BAWAT KOMITE
FOREIGN WORKERS NA WALANG LISENSIYA, HINDI UMANO KUKUNSINTIHIN NI AMURAO
VIRGILIO TAGLE, ITINALAGANG BAGONG DILG CITY DIRECTOR
ILANG MAGTITINDA SA CITY BAYWALK, PAAALISIN
PUERTO PRINCESA 15TH CITY COUNCIL, NAKATANGGAP NG PARANGAL
ANTI FULL-FACE HELMET ORDINANCE, HINDI INAPRUBAHAN NG KONSEHO
ONE-STOP SHOP SA PAGKUHA NG MGA LISENSIYA, LILIKHAIN
121st ARAW NG KALAYAAN, IPINAGDIWANG
PAGBABAWAL SA PAGSUSUOT NG FULL-FACE HELMET, MULING ISINUSULONG
CLOUD SEEDING OPERATIONS NG PPCWD, MATAGUMPAY
NG PWD ID, PURCHASE BOOKLET
CITY WATER DISTRICT, PCSD, IPINATATAWAG SA SUSUNOD NA SESYON
MINIMUM RATE NG MGA JOB ORDER EMPLOYEE NG PPC, PLANONG TAASAN SA 2020
2 FIREFLY WATCHING DESTINATIONS SA LUNGSOD, BUBUKSAN
Newspaper of The Week
Advertise with Repetek
Weather
Currently
Currently
Islam
Lot For Sale
Public Transport Schedule
Bataraza/Rio Tuba
Palawan Shuttle Express Asso. Inc (Palshutex)
Puerto Prinsesa to Rio Tuba and vice versa
5:00am-6:30am,6:30am-8:30am, 11:30am upward daily trips
PCINSP Diosdado S. Alarcon PNP (Ret) - President
Contact Nos. 0917-553-2347 or 0921-594-9733 (for reservation)
Currency Converter