REPETEK, Ang Diyaryo ng Pilipino Tuesday, November 19 2019
DILG MEMORANDUM CIRCULAR NO. 2019-121, IPATUTUPAD NA SA LUNGSOD



ANG pulong na ipinatawag ni Mayor Lucilo Bayron kasama ang mga urban barangay captain ukol sa DILG Memorandum Circular 2019-121. (PHOTO//CLEA FAYE G. CAHAYAG)

IPATUTUPAD na sa lungsod ng Puerto Princesa ang DILG Memorandum Circular No. 2019-121 o ang paglilinis sa mga obstruction sa mga kalsada at sidewalk na nagdudulot sa mabagal na pagdaloy ng trapiko.

Noong Lunes, ika-5 ng Agosto, pinulong ni Punong Lungsod Lucilo Bayron ang nasa 33 urban barangay captains upang masimulan ang pagpaplano sa pagpapatupad ng nasabing circular.

“Base sa mga issuances na ito, usap tayo kung paano natin tatrabahuhin sa mga barangay natin para di tayo magkaroon ng ganung problema [dahil] lumalabas sa isang pag-aaral na sinasabi na ang laki ng nawawala sa ekonomiya ng bansa sa isang lugar dahil lang sa [heavy] traffic at sa gastos sa traffic,” ayon sa Alkalde.

Ang Punong Lungsod, bilang disciplining authority ay inatasan ang bawat kapitan ng mga barangay na suriin ang kani-kanilang nasasakupan kung may mga maaaring problema na makikitang lalabag sa nabanggit na kautusan.

Sa naging pag-uusap ng mga opisyal, ilan lamang sa kanilang mga nakitang problema ay ang mga nagte-terminal at nagtitinda sa mismong kalsada, mga nag-iinuman, tumatambay at nagsusugal sa tabi ng kalsada.

“Marami ng pangyayari sa Baywalk, sabi magtinda lang kami kasi may event diyan [pero] di na umaalis. Kumalat na roon ang ambulant vendors na hindi naman sila dapat doon,” paghahalimbawa pa ni Bayron.

Hindi din umano dapat pinapayagan ang mga sidewalk vendors dahil kung maookupa nila ang dapat sanang daraaanan ng mga tao, sisikip ang daloy ng mga sasakyan dahil sa mismo ng kalsada lalakad ang mga ito.

“Yun ang kailangan nating asikasuhin–lahat ng mga bagay-bagay na makakaatraso sa trapiko at kung aasikasuhin natin ito isama na natin ang ibang problema natin dito sa Puerto Princesa,” dagdag pa ng Alkalde.

Tanong naman ng Kapitan ng Barangay Matahimik sa Akalde ay paano ang kanilang Barangay Hall na mismong nasa sidewalk. Sagot ng Alkalde, kinakailangan pa rin itong gibain dahil ito ay isang paglabag sa kautusan bagama’t binanggit ni Bayron ang kanyang noo’y plano na gawing Barangay Center ang Children’s Park kung saan ilalagak ang mga barangay ng Maligaya, Magkakaibigan, Kalipay at Matahimik. Ngunit sa dami umano ng mga trabahong dapat unahin ito, iyon ay naantala.

“Hindi kasi tama ang [likas-yaman ng] Barangay Hall n’yo [kaya] kailangan mong gibain ‘yan, i-document at i-report [mo sa akin] kasi talagang gigibain ‘yan, “ pahayag ni Bayron.

Ipinaliwanag naman ni Department of Local and Interior Government (DILG) City Director Virgilio Tagle ang nilalaman ng ibinabang kautusan at sinabi niyang ito na umano ang tamang pagkakataon na linisin na ang bawat kalsada o kalye na hindi umano sisihin ang mga opisyal dahil ito ay inatas lamang ng pangulo sa kanila.

“ Target po dito ‘yung kalsada at sidewalks na ginagamit [na dapat linisin]. Ibig sabihin, ang public roads ay hindi ‘yan magiging private [roads]. Kung halimbawang na-clear na ang mga ito, dapat i-rehab natin, lagyan ng streetlights. Kung may displacement issue, kailangan i-relocate para mabigyan sila ng pwesto para matulungan din natin sila at kung ang isyu ay naisyuhan ng business permit, i-revoke ang mga clearances,” paliwanag ni Tagle.

Noong ika-29 ng Hulyo umano sa kanila ibinaba ang memorandum at katapusan ng nasabing buwan nang kanila nang itong ipinadala sa Punong Ehekutibo ng siyudad.

Matapos ang pagme-meeting ay inatasan ng Alkalde ang bawat Punong Barangay na magsumite ng report kada isang linggo upang makita ang naging pagbabago sa kanilang nasasakupan mula nang ibaba ang kautusan.

Nakasaad umano sa Memorandum ang pagtataning ng 60 days upang maisakatuaran sa bawat lugar ang paglilibre sa mga kalsada at sidewalks ng anumang sagabal na magpapabagal sa takbo ng trapiko.

Related Articles
P15 MILYONG HALAGA NG SPORTS EQUIPMENTS, NAIPAGKALOOB NA UMANO SA CITY GOVERNMENT
POWER INTERRUPTIONS NOONG BATANG PINOY, ISINISISI NG PALECO SA FIRE CRACKERS
ORDINANSA SA WASTONG PAGTAPON NG BASURA, HINILING NA MULING PAG-ARALAN
‘HINDI AKO PAPAYAG NA MAG-FAIL ANG SATELLITE CITY HALL PROJECT’- BAYRON
DOLE, MULING NAGKALOOB NG LIVELIHOOD PROGRAM
PAMAMAHAGI NG LIBRENG SCHOOL SUPPLIES, HINILING
ISANG CHINESE NATIONAL, NAIS IDEKLARANG PERSONA NON GRATA SA SIYUDAD
REHABILITATION PROGRAM NG CITY ENGINEERING OFFICE SA MAGARWAK, IPINAHIHINTO
ICEMCO, MAY BAGO NANG PANGANGALAGAANG CBST
PAGBABAWAL SA PAGPAPAGALA NG MGA ALAGANG ASO, MAHIGPIT NANG IPATUTUPAD
DILG MEMORANDUM CIRCULAR NO. 2019-121, IPATUTUPAD NA SA LUNGSOD
PPCWD, BUCOR, LUMAGDA SA ISANG JOINT VENTURE AGREEMENT
P250-M HALAGA NG BUCOR ACADEMY, ITATAYO SA IWAHIG
EXITING BENEFICIARIES NG 4P’S, BINIGYANG PARANGAL
5 CBST SA LUNGSOD, NAGING BENEPISYARYO NG LIVELIHOOD PROJECT NG DOLE
PUERTO BAY, POSITIBO ULI SA RED TIDE
P3.4-M SUPPLEMENTAL BUDGET NO. 2 NG LUNGSOD, LUSOT NA SA PINAL NA PAGBASA
MGA MAGSASAKANG APEKTADO NG DROUGHT SA SIYUDAD, PUMALO NA SA 692 INDIBIDWAL
KAHALAGAHAN NG PAGSASAKA, IPINAKIKITA SA GINTONG BUTIL AGRI-FARM
ILAN SA MGA HEAVY EQUIPMENTS NG CITY GOVERNMENT, DUMATING NA!
ITINATAYONG 4 SATELLITE CITY HALL, PAMUMUNUAN NI EX-COUNCILOR RODRIGUEZ
PROYEKTONG PAILAW SA DALAWANG BARANGAY, TAPOS NA
16th CITY COUNCIL, NAGHALAL NA NG BAGONG CHAIRMAN SA MGA BAWAT KOMITE
FOREIGN WORKERS NA WALANG LISENSIYA, HINDI UMANO KUKUNSINTIHIN NI AMURAO
VIRGILIO TAGLE, ITINALAGANG BAGONG DILG CITY DIRECTOR
ILANG MAGTITINDA SA CITY BAYWALK, PAAALISIN
PUERTO PRINCESA 15TH CITY COUNCIL, NAKATANGGAP NG PARANGAL
ANTI FULL-FACE HELMET ORDINANCE, HINDI INAPRUBAHAN NG KONSEHO
ONE-STOP SHOP SA PAGKUHA NG MGA LISENSIYA, LILIKHAIN
121st ARAW NG KALAYAAN, IPINAGDIWANG
PAGBABAWAL SA PAGSUSUOT NG FULL-FACE HELMET, MULING ISINUSULONG
CLOUD SEEDING OPERATIONS NG PPCWD, MATAGUMPAY
NG PWD ID, PURCHASE BOOKLET
CITY WATER DISTRICT, PCSD, IPINATATAWAG SA SUSUNOD NA SESYON
MINIMUM RATE NG MGA JOB ORDER EMPLOYEE NG PPC, PLANONG TAASAN SA 2020
2 FIREFLY WATCHING DESTINATIONS SA LUNGSOD, BUBUKSAN
Newspaper of The Week
Advertise with Repetek
Weather
Currently
Currently
Islam
Lot For Sale
Public Transport Schedule
Bataraza/Rio Tuba
Palawan Shuttle Express Asso. Inc (Palshutex)
Puerto Prinsesa to Rio Tuba and vice versa
5:00am-6:30am,6:30am-8:30am, 11:30am upward daily trips
PCINSP Diosdado S. Alarcon PNP (Ret) - President
Contact Nos. 0917-553-2347 or 0921-594-9733 (for reservation)
Currency Converter