REPETEK, Ang Diyaryo ng Pilipino Saturday, February 22 2020
DOKTOR NG CUYO DISTRICT HOSPITAL, MATAGUMPAY NA NAALIS ANG BARYANG NALUNOK NG ISANG BATA




ANG kuha sa X-Ray na ginawa sa pasyente (kanan) at si Dr. Dr. Emmanuel Olmoguez matapos ang matagumpay na operasyon. (CONTRIBUTED PHOTOS//KUHA SA FACEBOOK ACCOUNT NI DR. EMMANUEL OLMOGUEZ)

LUBOS na nagpapasalamat ang pamilya ng limang taong gulang na batang babae sa bayan ng Cuyo matapos na matagumpay na natanggal ng isa sa mga doktor ng Cuyo District Hospital ang nalunok niyang P10 barya.

Sa post ng gurong si Archie Baronie ng Bato National High School sa bayan ng Taytay na mula rin sa nasabing lugar, bandang alas onse ng umaga noong Mayo 22 nang isugod ang bata sa pagamutan dahil sa nalunok na barya habang naglalaro.

Nagsusuka umano ang pasyente at naglalaway dahil sa perang nakabara sa kanyang esophagus.

Agad umanong nagsagawa ng operasyon ang doktor, kung saan gumamit siya ng catheter upang makuha ang barya sa lalamunan ng bata.

“Ginawa natin ang lahat para makuha ang barya. I passed the catheter way passed the coin by estimate then inflated the cather by 5cc at slowly hinila ang catheter. At first, I was hesitant to do it, but God gave me courage I need through prayer. Then with his peace I proceed without doubt,” ani Dr. Olmoguez sa kanyang post sa kanyang social media account.

Sa post pa ng nasabing doktor noong araw din na maganap ang insidente, sinabi niyang nang lumabas sa bibig ng bata ang nalunok niyang barya ay emosyunal na niyakap siya ng ina at lola ng pasyente. Nilapitan din umano siya ng bata at sinabing “Tenk you doc!” at yumakap din sa kanya at ngumiti.

“Successfully removed this 10 peso coin from a little girl’s esophagus using a catheter,” ang sinabi pa ni Dok. Olmoguez sa kanyang post habang ipinakikita ang aktuwal na nakuhang barya, suot pa ang kanyang uniporme.

Sa thread din ng post na iyon ni Olmoguez ay nagpaabot ng labis-labis na papasalamat ang lola ng bata na si Beverlita Aranador at sinabing “Thanks, Dok. Di po kita makalilimutan sa ginawa mo sa apo ko. Bless po kayo [ng Panginoon]. Palagi kong ipagdadasal ang lahat na ginagawa mo sa lahat-lahat. God bless. Thanks! Thanks!”

Isolated man ang naganap ngunit mahigpit na paalaala ng doktor sa lahat ng mga magulang na doblehin ang pagbabantay sa kani-kanilang mga anak at huwag silang bibigyan ng mga bagay na posible nilang malunok nang maiwasan ang kahalintulad na insidente.

Samantala, ang Carolinian pharmacist/doctor na si Olmoguez ay mula sa Zamboanga at tatlong buwan pa lamang na nadedestino sa Cuyo District Hospital.

Related Articles
PAGTATAYO NG MGA PSYCHIATRIC EMERGENCY ROOM, IPINANUNUKALA
ORDINANSANG IPAGBABAWAL ANG PAGSASANGLA NG 4P’S CASHCARDS, ISINUSULONG
ASAWA NG NAWAWALANG MANGINGISDA SA BAYAN NG ROXAS, PALAWAN, NANAWAGAN
MOBILE CLINIC PARA SA NORTE AT SUR NG PALAWAN, HINILING SA DOH-CHD
MGA BAGONG ABOGADO SA MGA ASPIRING LAW STUDENT: ‘WALANG SUKUAN’
SCHOOL-BASED IMMUNIZATION, INILUNSAD NG DOH-CHD MIMAROPA SA PALAWAN
MGA HUGOT, BUMUHOS SA SOCIAL MEDIA DAHIL SA 3 ARAW NA BLACKOUT SA BAYAN NG ROXAS
MAHIGPIT NA PAGSUNOD SA SPEED LIMIT, IPINAALAALA NG PROV’L BOARD SA MGA LGU
ISANG PALM OIL COMPANY SA PALAWAN, SINAMPULAN NG DENR-MIMAROPA
PALAWAN IPMR, MULING UMUPO SA KONSEHO SA PAMAMAGITAN NG HOLDOVER CAPACITY
TOP 5 SA MGA MAY MATAAS NA KASO NG DENGUE SA PALAWAN, INILABAS NG DOH-CHD MIMAROPA
COAL PLANT APPLICATION PALAWAN, BINIGYAN NA NG ECC NG DENR-MIMAROPA
CHINESE FISHING VESSEL, MAS DUMAMI UMANO ANG PRESENSIYA SA WEST PHILIPPINE SEA
TERORISTANG CPP-NPA HADLANG UMANO SA KAUNLARAN, AYON SA WESCOM
PANGANGALAGA SA RASA ISLAND WILDLIFE SANCTUARY, PATULOY NA PINAIIGTING
‘WALANG ABU SAYYAF ANG WESCOM AREA’
MALAMYANG AKSYON NG PILIPINAS SA KABILA NG GINAGAWA NG TSINA SA WPS, TINALAKAY
WESCOM, UMANONG NA-MONITOR NA MISSILE TESTING SA WEST PHILIPPINE SEA
PCL-PALAWAN, MAYROON NG BAHAY-TULUYAN SA LUNGSOD
IKA-10 ANIBERSARYO NG MT. MATALINGAHAN BILANG PROTECTED AREA IPINAGDIWANG
MBLT-3, DARATING SA PALAWAN UPANG HUMALILI SA MBLT-12
NEDA, HINDI UMANO TUTOL SA PAGHAHATI NG PALAWAN SA TATLONG PROBINSYA
14 BILANGGO NG IWAHIG PRISON AND PENAL FARM, MAKALALAYA NA
BANGKA NG MGA MANGINGISDANG PINOY, BINONGGO NG CHINESE VESSEL?
NASA 100 PALAWENYO, LUMAHOK SA BASIC STARTUP WORKSHOP NG DICT, QBO INNOVATION HUB
LOKAL NA PAMAHALAAN NG NARRA, PINAGHAHANDAAN NA ANG IKA-50 ANIBERSARYO
14 CENTENARIAN SA PALAWAN, NAKATAKDANG GAWARAN NG CASH GIFT NG DSWD
FOOD SAFETY SEMINAR, ISINAGAWA NG DTI-PALAWAN
NAWAWALANG DIVER SA TUBBATAHA, PATULOY PA RING PINAGHAHANAP
E-PERMITTING SYSTEM, NAKATAKDANG IPATUPAD NG PCSDS
PNNI, NAGSAGAWA NG TAHIMIK NA KILOS-PROTESTA
KATUTUBONG PALAW’AN NA SANGGOL, AKSIDENTENG NATAMAAN NG PANA SA ULO
SPOTTED WOOD OWL, ISINURENDER NG ISANG CONCERNED CITIZEN
IKATLONG IPMR NG PALAWAN, COA NA LAMANG UMANO ANG KULANG UPANG MAKAUPO
Newspaper of The Week
Advertise with Repetek
Weather
Currently
Currently
Islam
Lot For Sale
Public Transport Schedule
Bataraza/Rio Tuba
Palawan Shuttle Express Asso. Inc (Palshutex)
Puerto Prinsesa to Rio Tuba and vice versa
5:00am-6:30am,6:30am-8:30am, 11:30am upward daily trips
PCINSP Diosdado S. Alarcon PNP (Ret) - President
Contact Nos. 0917-553-2347 or 0921-594-9733 (for reservation)
Currency Converter