REPETEK, Ang Diyaryo ng Pilipino Friday, April 03 2020
E-PERMITTING SYSTEM, NAKATAKDANG IPATUPAD NG PCSDS



Ang isinagawang Kapihan na inorganisa ng PCSDS kamakailan lamang. (PHOTO//DIANA ROSS M. CETENTA)

NGAYONG buwan ay ipatutupad na ng Palawan Council for Sustainable Development Staff (PCSDS), ang implementing arm ng PCSD, ang online application para sa paghingi ng permit ng mga proponent ukol sa kanilang mga proyekto.

Sa “Kapihan” na inorganisa ng PCSDS noong ika-29 ng Mayo may kaugnayan sa anibersaryo ng SEP Law sa Hunyo 19, inanunsiyo ni PSCDS Executive Director Nelson Devanadera ang pagpapasimula ng E-Permitting System sa Hunyo 18.

“So, ibig sabihin, online permitting na. Clients do not have to visit the office. So, no person-to-person na interaksyon [na],” ani Devanadera.

Sa launching ng Biodiversity Resource Access Information Network (BRAIN) sa Hunyo 18 ay magha-hands-on umano sila ukol sa bagong sistema na hindi lamang umano pwede sa kompyuter kundi maging sa cellphone. Ang kailangan lamang ay kompleto sa requirement ang isang aplikante upang matanggap ng system.

“Lahat ng requirements namin, isa-submit n’yo sa amin online, all the prerequisite and then, ‘pagkakompleto ang mga prerequisite mo—through scanning [ipadadala mo ang mga dokumento sa PCSD], then approve [na pagkatapos ng balidasyon],” paliwanag ni Devanadera.

PAG-IWAS SA PANLOLOKO
Nang tinanong naman ng Repetek Team kung paano maiiwasan ang panloloko, ipinaliwanag ng head ng PCSDS na hindi naman awtomatikong aaprubahan ng Konseho ang aplikasyon dahil ibaba-validate pa ito ng kanilang field worker.

“Isa-submit mo rin ang mga documents by [electronic] mail. ‘Yung mga tao naman namin, ‘pag receive noon—kasi mayroon namang computer eh, halimbawa sa El Nido, mayroon kaming tao roon, iba-validate niya ‘yun whether genuine [or not ang mga dokumento],” aniya.

Maliban sa hassle-free, mas magiging madali na rin umano ang proseso na tatagal lamang ng pito hanggang 15 araw.

Binuo umano ito ng PCSD dahil nakaparami na ang mga nag-a-apply at upang makaiwas na sa nakasanayang “person-to-person contact.” Para rin umano ito sa transparency at accountability ng Konseho at hakbang tungo sa pag-iwas sa kurapsyon.

Tiniyak naman ng PCSDS na may sapat na kawani na tututok sa sistema tungo sa matiwasay at mas maayos na pag-a-apply ng permit. Sa ngayon, maliban sa head office sa lungsod ng Puerto Princesa, ay may dalawang sub-office na rin sila sa sur at sa norte at isa sa Calamianes Group of Islands.

Samantala, ngayong taong 2019 ang ika-27 anibersaryo ng pagkakalikha ng Strategic Environmental Plan (SEP) Law for Palawan batay sa RA 7611 na may temang “Palawan Noon, Ngayon, sa Darating na panahon.” Maliban sa paglulunsad ng BRAIN, ang mga aktibidad na magsisimula sa Hunyo 18 ay ang 5th Meeting of the PCSD-Scientific Advisory Panel (SAP), paglulunsad ng PCSD-SEP Mascot, at film showing sa SM Cinema ng Aqous Foundation o ang foundation ng Banua Resort, ang pinakamahal na resort sa buong mundo na matatagpuan sa bayan ng Roxas; Tubbataha Management Office (TMO), Jewelmer Save Palawan Seas Foundation at ng Wildlife Protect. Sa araw naman ng anibersaryo ay ang pagkakaroon ng Thanksgiving Mass sa ganap na ika-7:30 hanggang ika-8:30 ng umaga sa Citystate Asturias Hotel, inspirational message mula kay Gob. Jose Alvarez, film showing, Burunyugan at programa ukol sa Hamon ng Kinabukasan.

Related Articles
PAGTATAYO NG MGA PSYCHIATRIC EMERGENCY ROOM, IPINANUNUKALA
ORDINANSANG IPAGBABAWAL ANG PAGSASANGLA NG 4P’S CASHCARDS, ISINUSULONG
ASAWA NG NAWAWALANG MANGINGISDA SA BAYAN NG ROXAS, PALAWAN, NANAWAGAN
MOBILE CLINIC PARA SA NORTE AT SUR NG PALAWAN, HINILING SA DOH-CHD
MGA BAGONG ABOGADO SA MGA ASPIRING LAW STUDENT: ‘WALANG SUKUAN’
SCHOOL-BASED IMMUNIZATION, INILUNSAD NG DOH-CHD MIMAROPA SA PALAWAN
MGA HUGOT, BUMUHOS SA SOCIAL MEDIA DAHIL SA 3 ARAW NA BLACKOUT SA BAYAN NG ROXAS
MAHIGPIT NA PAGSUNOD SA SPEED LIMIT, IPINAALAALA NG PROV’L BOARD SA MGA LGU
ISANG PALM OIL COMPANY SA PALAWAN, SINAMPULAN NG DENR-MIMAROPA
PALAWAN IPMR, MULING UMUPO SA KONSEHO SA PAMAMAGITAN NG HOLDOVER CAPACITY
TOP 5 SA MGA MAY MATAAS NA KASO NG DENGUE SA PALAWAN, INILABAS NG DOH-CHD MIMAROPA
COAL PLANT APPLICATION PALAWAN, BINIGYAN NA NG ECC NG DENR-MIMAROPA
CHINESE FISHING VESSEL, MAS DUMAMI UMANO ANG PRESENSIYA SA WEST PHILIPPINE SEA
TERORISTANG CPP-NPA HADLANG UMANO SA KAUNLARAN, AYON SA WESCOM
PANGANGALAGA SA RASA ISLAND WILDLIFE SANCTUARY, PATULOY NA PINAIIGTING
‘WALANG ABU SAYYAF ANG WESCOM AREA’
MALAMYANG AKSYON NG PILIPINAS SA KABILA NG GINAGAWA NG TSINA SA WPS, TINALAKAY
WESCOM, UMANONG NA-MONITOR NA MISSILE TESTING SA WEST PHILIPPINE SEA
PCL-PALAWAN, MAYROON NG BAHAY-TULUYAN SA LUNGSOD
IKA-10 ANIBERSARYO NG MT. MATALINGAHAN BILANG PROTECTED AREA IPINAGDIWANG
MBLT-3, DARATING SA PALAWAN UPANG HUMALILI SA MBLT-12
NEDA, HINDI UMANO TUTOL SA PAGHAHATI NG PALAWAN SA TATLONG PROBINSYA
14 BILANGGO NG IWAHIG PRISON AND PENAL FARM, MAKALALAYA NA
BANGKA NG MGA MANGINGISDANG PINOY, BINONGGO NG CHINESE VESSEL?
NASA 100 PALAWENYO, LUMAHOK SA BASIC STARTUP WORKSHOP NG DICT, QBO INNOVATION HUB
LOKAL NA PAMAHALAAN NG NARRA, PINAGHAHANDAAN NA ANG IKA-50 ANIBERSARYO
14 CENTENARIAN SA PALAWAN, NAKATAKDANG GAWARAN NG CASH GIFT NG DSWD
FOOD SAFETY SEMINAR, ISINAGAWA NG DTI-PALAWAN
NAWAWALANG DIVER SA TUBBATAHA, PATULOY PA RING PINAGHAHANAP
E-PERMITTING SYSTEM, NAKATAKDANG IPATUPAD NG PCSDS
PNNI, NAGSAGAWA NG TAHIMIK NA KILOS-PROTESTA
KATUTUBONG PALAW’AN NA SANGGOL, AKSIDENTENG NATAMAAN NG PANA SA ULO
SPOTTED WOOD OWL, ISINURENDER NG ISANG CONCERNED CITIZEN
IKATLONG IPMR NG PALAWAN, COA NA LAMANG UMANO ANG KULANG UPANG MAKAUPO
Newspaper of The Week
Advertise with Repetek
Weather
Currently
Currently
Islam
Lot For Sale
Public Transport Schedule
Bataraza/Rio Tuba
Palawan Shuttle Express Asso. Inc (Palshutex)
Puerto Prinsesa to Rio Tuba and vice versa
5:00am-6:30am,6:30am-8:30am, 11:30am upward daily trips
PCINSP Diosdado S. Alarcon PNP (Ret) - President
Contact Nos. 0917-553-2347 or 0921-594-9733 (for reservation)
Currency Converter