REPETEK, Ang Diyaryo ng Pilipino Monday, February 18 2019
ENGINE 2 NG OLD DELTA P, NASUNOG



NASUNOG ang lumang planta ng Delta P, isa sa mga independent power provider (IPP’s) ng Palawan Electric Cooperative (Paleco) bandang ika-10:55 ng umaga noong ika-6 ng Pebrero.

Ayon sa hepe ng Bureau of Fire Protection (BFP) na si Chief Inspector Nilo Caabay, nakatanggap sila ng tawag sa petsang iyon buhat sa isa sa mga tauhan ng Delta P may kinalaman sa sunog.

“Around 11: 00 am tumawag ang [personnel ng] Delta P na humihingi ng assistance, na mayroon ngang sunog na nagaganap sa kanila,” sagot ni Caabay sa panayam ng Retepek.

Base sa inisyal na impormasyon na inilabas ng pamunuan ng BFP, bandang ika-8:30 ng umaga ng petsang nabanggit, sinimulan umanong paandarin ng Delta P ang kanilang mga makina, ang engines 2, 3, at 4 at bandang 10: 45 nang pumutok ang Engine 2 na kalauna’y pinagmulan na ng sunog sa lugar.

Sa kabutihang-palad, wala naman umanong iba pang nadamay na makina bukod sa engine 2.

“Engine 2 lang ang affected pero medyo sa tingin natin malaki ang naging damage ng makina kasi mainit sa loob,” paliwanag pa ng hepe.

Aniya pa, tatlong fire trucks ang ipinadala ng kanilang team upang rumesponde sa naganap na sunog sa Delta P Power Plant na matatagpuan sa Brgy. Sta. Lourdes.

“Pagdating sa area, halos nakontrol na rin naman ng personnel ng Delta P ‘yung sunog pero medyo mainit pa ang loob. May apoy pa na pailan-ilan kaya ang ginawa ng tropa ay overhauling na lang,” paliwanag ni Caabay.

Binanggit naman ng hepe na pinaiimbitahan nila ang mga in-charge sa Delta P sa nangyaring sunog upang mahingian ng impormasyon hinggil sa insidente.

Sa inilabas namang statement ni Delta P Plant Manager Engr. Christopher Navarro, ang insidente ay ang kauna-unahang pagkakataon na nasunugan sila ng makina sa loob ng sampung taong pagbibigay ng serbisyo ng kuryente sa siyudad at lalawigan ng Palawan. Ang Delta P ang isa sa main power provider ng Paleco sa kasalukuyan.

“Prior to this incident, Delta P has reached over 1.3 million man-hours without any incidents. This is the first incident of this type in over 10 years of Delta P’s operations,” ani Navarro.

Humihingi rin siya ng paumanhin sa publiko ukol sa idinulot na abala sa mga residente at nangakong gagawin nila ang lahat ng kanilang makakaya upang maibalik ang kuryente sa araw din mismo ng insidente na naganap naman.

Sa inisyal na pakikipag-ugnayan ng opisina ng Paleco sa pamunuan ng Delta P, napag-alamang ang lumang planta ang naapektuhan.

“Maliit lamang po ang naging epekto sa kapasidad when it comes to capacity sa dami ng bulto ng enerhiya na nawala dahil sa nangyari kanina, kayang-kaya pong i-contain ng kanilang bagong planta,” paliwanag pa ng tagapagsalita ng Paleco na si Bb. Claire Guluda nang kapanayamin ng media ukol sa kanilang ginawang pakikipag-ugnayan sa planta ng nasabing power provider.

Wala naman umanong nasaktan sa naganap na sunog.

Samantala, dineklara namang “fire-out” ng Bureau of Fire Protection (BFP) ang lugar bandang ika-11:49 ng umaga ring iyon. Mag-aalas dose rin ng tanghali nang naibalik ang kuryente sa halos mahigit isang oras na total black out sa lungsod.

Sa ngayon ay patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng pamunuan ng BFP upang tukuyin ang totoong dahilan ng sunog sa planta.

ANG lumang planta ng Delta P sa Brgy. Sta Lourdes na nasunog noong ika-6 ng Pebrero. (CONTRIBUTED PHOTO//BFP-PPC)

Related Articles
ENGINE 2 NG OLD DELTA P, NASUNOG
RELOKASYON NG 2 PAARALANG PANG-ELEMENTARYA SA LUNGSOD, ISINUSULONG
ROYAL AIR LOCAL FLIGHT PATUNGONG PUERTO PRINCESA, MAGSISIMULA NA SA MARSO
PUERTO PRINCESA CITY WATER DISTRICT, PINAGHAHANDAAN NA ANG EL NIÑO
PAGPAPASKIL NG HOTLINE NUMBERS SA TRAYSIKEL, ISINUSULONG
MAOYON FIREFLY WATCHING, BINUKSAN NA SA PUBLIKO
CITY TOURISM OFFICE, PINAGHAHANDAAN NA ANG CHINESE NEW YEAR
RESOLUSYON SA PAGDARAGDAG NG FIRE HYDRANTS SA LUNGSOD, LUSOT NA SA 2ND READING
ASO, HINALAY NG ILANG KALALAKIHAN
14 CRUISE SHIPS, INAASAHANG DARATING SA LUNGSOD NGAYONG 2019
BAGONG PAMILIHANG BAYAN NG LUNGSOD, SISIMULAN NA
3 KASO NG NABIKTIMA NG PAPUTOK, NAITALA SA PUERTO PRINCESA CITY
HONDA BAY, LIGTAS NA SA REDTIDE
RAINE BAYRON, NAG-WITHDRAW NG KANYANG KANDIDATURA PARA SA ELEKSIYON 2019
BALAYONG WATER PARK, INAASAHANG MAIBI-BID BAGO MAGTAPOS ANG TAON
ILANG FIRECRACKER VENDOR, IPINAGPAPASALAMAT ANG PAGKAKATAONG NAKAPAGTITINDA PA RIN
P3.3-B NA PONDO NG CITY GOVERNMENT PARA SA 2019, APRUBADO NA SA FINAL READING
URI NG TRAYSIKEL NA BAJAJ RE, IPINAKILALA SA SANGGUNIANG PANLUNGSOD
72 CHINESE TRAVEL AGENCIES OPERATOR, BUMISITA SA LUNGSOD
CITY HEALTH OFFICE, MAY PAALALA NGAYONG KAPASKUHAN
MGA NAGWAGI SA KAUNA-UNAHANG SUBARAW BIODIVERSITY FESTIVAL KILALANIN
KAHALAGAHAN NG TAMANG PAGKONSUMO NG BIGAS, BINIGYANG-PANSIN
OPERASYON NG ISANG PERYAHAN SA CITY BAYWALK, ILIGAL UMANO
CHIEFTAIN NG TRIBUNG TAGBANUA, TUTOL SA PAGHAHATI NG PALAWAN
PUNONG LUNGSOD LUCILO BAYRON, TULOY NA SA PAGKANDIDATO SA 2019 ELECTIONS
PUERTO BAY, MULING NAGPOSITIBO SA RED TIDE
SUBARAW BIODIVERSITY FESTIVAL, PINAGHAHANDAAN NA
PAGTATATAG NG MGA RECOVERY CLINIC SA MGA REHIYON, ITINATAGUYOD NG DOH
Anti-Hospital Deposit Law Nais Paigtingin sa Lungsod
LINGGO NG KABATAAN, IPINAGDIWANG
Newspaper of The Week
Advertise with Repetek
Weather
Currently
Currently
Islam
Lot For Sale
Public Transport Schedule
Bataraza/Rio Tuba
Palawan Shuttle Express Asso. Inc (Palshutex)
Puerto Prinsesa to Rio Tuba and vice versa
5:00am-6:30am,6:30am-8:30am, 11:30am upward daily trips
PCINSP Diosdado S. Alarcon PNP (Ret) - President
Contact Nos. 0917-553-2347 or 0921-594-9733 (for reservation)
Currency Converter