REPETEK, Ang Diyaryo ng Pilipino Tuesday, November 19 2019
EXITING BENEFICIARIES NG 4P’S, BINIGYANG PARANGAL



ANG pagbibigay ng parangal ni Vice Governor Victorino Dennis Socrates sa pamilya Acierto, sa kanilang pagtatapos sa programang 4P’s.(PHOTO//CLEA FAYE G. CAHAYAG)

BINIGYANG parangal ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang nasa 30 pamilya na kumatawan sa buong bilang ng mga gumradweyt na benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4P’s) mula sa rehiyon ng Mimaropa.

Sa naging mensahe ni Gng. Eva Acierto, isa sa mga exiting beneficiary ng 4P’s na mula sa bayan ng Quezon, Palawan, binanggit niyang napakalaki ng ginawang pagbabago sa kanilang pamilya ng naturang programa.

Sa pamamagitan umano nito ay naitawid nila ang kahirapan sa buhay at binago nito ang kanilang papanaw na hindi hadlang ang kahirapan upang makamit ang mga pangarap sa buhay.

“Para sa amin, ang programang ito ang nagpatunay na lahat ng pangarap ay matutupad basta huwag susuko [dahil] makakamit ito sa pamamagitan ng pagtitiyaga. Nais naming maging inspirasyon [ito] sa iba na hindi hadlang ang kahirapan sa pagkamit ng tagumpay,” ayon pa sa ginang.

Liban dito, ang kanilang pamilya ay ginawaran noong 2016 ng pagkilala bilang Huwarang Pamilya.

“Ang aming pamilya ay huwaran sapagkat ang aming pamilya ay may pangarap na magkaroon ng magandang buhay na nagkakaisa, nagtutulungan at nagkakaunawaan,” ang bahagi ng mensaheng pasasalamat ng pamilya Acierto.

Ang 4P’s ay isa sa mga programa ng DSWD na naglalayong labanan ang kahirapan sa bansa. Nagkakaloob ito ng cash grant sa mga mahihirap na pamilya upang mapagbuti ang kanilang kalusugan, nutrisyon at edukasyon, partikular sa mga batang nasa edad 0 hanggang 18 taong gulang.

Ang mga pamilyang benepisyaryo ng programa ay kinakailangang pasok sa sektor ng ‘poorest of the poor.’

Ilan lamang sa mga natatanggap na benepisyo sa programa ay ang P500 para sa nutrisyon at kalusugan, P300 na pang-agapay sa edukasyon, P600 para sa bigas at P300 para naman sa Unconditional Cash Transfer (UCT) kada buwan sa mga maapektuhan ng Train Law.

Nagsimula ang programang pantawid noong 2009 kung saan 137,399 beneficiaries ang na-cater ng serbisyo sa buong Mimaropa.

Ngunit dahil sa magandang layunin nito, mas pinalawig at pinalawak pa ng DSWD ang pagbibigay serbisyo sa mga mamamayan at sa ngayon ay nasa 185,993 benepisyaryo na ng 4P’s ang mayroon sa Mimaropa kung saan 10,227 ay mula sa Marinduque, 26,680 sa Occidental Mindoro, sa Oriental Mindoro naman ay 48,682 beneficiaries, 16,120 sa Romblon at 68,460 sa lalawigan ng Palawan.

Sa kabuuang bilang nito, tanging 170,669 lamang ang mga napabilang sa 4P’s samantalang ang natitirang 15,324 miyembro naman ay nasa kategoryang household modified o iyong hindi na naisama sa 4P’s na ipinasok sa kategoryang ito na binubuo naman ng mga katutubo sa buong Mimaropa.

May bilang na 498 naman ang mga PWD’s beneficiary, 4,900 ang solo female parent at 2,036 naman ang male parent beneficiary.

Ayon kay OIC DSWD Regional Director Floreceli Gunio, mula taong 2011 hanggang taong kasalukuyan ay nasa 1,436 pamilya na ang gumradweyt sa programa.

Ang mga exiting beneficiaries umano ay ina-assess ng mga municipal at city links na siyang tumutukoy kung ang mga pamilyang nasa ilalim ng programang 4P’s ay maaari ng umalis.

“Meron tayong workers in the field na sila ang nagsusubaybay sa kasalukuyang kalagayan ng ating mga Pantawid pamilya. Nagko-conduct sila ng assessment in terms of nakalagpas na sila sa poverty threshold na kaya po, nasasabi na po nila na pwede na mag-exit at kung wala na silang mga anak na 18 pababang taong gulang, naka-graduate na sa high school at meron ng ibang miyembro ng pamilya na pwede ng tumulong sa pamilya. ‘Yun po ‘yung criteria natin wala na pong bata doon sa family at medyo nakakaangat na sila sa estado ng kanilang buhay,” pahayag ni Gunio.

Aniya, ang programang ito ay naging daan upang ilapit ang mga benepisyaryo sa iba’t ibang programa ng iba’t ibang sangay ng pamahalaan.

Patunay umano nito na sa ikaisang dekada ng nasabing programa ay may mga nagsipagtapos na sa programa kung saan ang mga pamilyang Pilipino ay natulungan ng maitaas ang kalikad ng kanilang pamumuhay sa tulong ng programa.

Ayon naman kay National Government Agency (NGA) focal Ernesto David Jr., maging ang mga anak ng mga beneficiaries ay binigyan din ng ayuda na noo’y hindi nito saklaw.

“Hindi lang natin inaabot ang mga nasa laylayan at katutubo, kaisa rin ang DSWD sa layunin ng DepEd na talagang bigyan ng ayuda ang mga anak na kung dati ang kino-cover ay edad 14 years old pababa, ngayon ay naging 18 years old na naging tugon ng DSWD,” paliwanag ni David.

Liban sa pagbibigay ng livelihood project gaya ng fishnet assembly and repair, rice production at fruit bearing production at iba pang maaaring pagkakitaan ay tinuturo din umano nila sa mga miyembro ng Pantawid upang masiguro na mayroon din silang mapagkukunan ng mga alternatibong pagkakakitaan sa oras ng kagipitan.

Nagkaroon din umano sila ng proyektong “Bata Balik Eskuwela” kung saan, ang mga benepisyaryong ayaw ng pumasok sa paaralan ay kanilang ibinabalik sa pag-aaral at nito lamang ika-1 ng Hulyo, nasa 30,026 na mga kabataan na umano ang kanilang naipa-enroll muli sa kani-kanilang mga eskuwelahan.

Related Articles
P15 MILYONG HALAGA NG SPORTS EQUIPMENTS, NAIPAGKALOOB NA UMANO SA CITY GOVERNMENT
POWER INTERRUPTIONS NOONG BATANG PINOY, ISINISISI NG PALECO SA FIRE CRACKERS
ORDINANSA SA WASTONG PAGTAPON NG BASURA, HINILING NA MULING PAG-ARALAN
‘HINDI AKO PAPAYAG NA MAG-FAIL ANG SATELLITE CITY HALL PROJECT’- BAYRON
DOLE, MULING NAGKALOOB NG LIVELIHOOD PROGRAM
PAMAMAHAGI NG LIBRENG SCHOOL SUPPLIES, HINILING
ISANG CHINESE NATIONAL, NAIS IDEKLARANG PERSONA NON GRATA SA SIYUDAD
REHABILITATION PROGRAM NG CITY ENGINEERING OFFICE SA MAGARWAK, IPINAHIHINTO
ICEMCO, MAY BAGO NANG PANGANGALAGAANG CBST
PAGBABAWAL SA PAGPAPAGALA NG MGA ALAGANG ASO, MAHIGPIT NANG IPATUTUPAD
DILG MEMORANDUM CIRCULAR NO. 2019-121, IPATUTUPAD NA SA LUNGSOD
PPCWD, BUCOR, LUMAGDA SA ISANG JOINT VENTURE AGREEMENT
P250-M HALAGA NG BUCOR ACADEMY, ITATAYO SA IWAHIG
EXITING BENEFICIARIES NG 4P’S, BINIGYANG PARANGAL
5 CBST SA LUNGSOD, NAGING BENEPISYARYO NG LIVELIHOOD PROJECT NG DOLE
PUERTO BAY, POSITIBO ULI SA RED TIDE
P3.4-M SUPPLEMENTAL BUDGET NO. 2 NG LUNGSOD, LUSOT NA SA PINAL NA PAGBASA
MGA MAGSASAKANG APEKTADO NG DROUGHT SA SIYUDAD, PUMALO NA SA 692 INDIBIDWAL
KAHALAGAHAN NG PAGSASAKA, IPINAKIKITA SA GINTONG BUTIL AGRI-FARM
ILAN SA MGA HEAVY EQUIPMENTS NG CITY GOVERNMENT, DUMATING NA!
ITINATAYONG 4 SATELLITE CITY HALL, PAMUMUNUAN NI EX-COUNCILOR RODRIGUEZ
PROYEKTONG PAILAW SA DALAWANG BARANGAY, TAPOS NA
16th CITY COUNCIL, NAGHALAL NA NG BAGONG CHAIRMAN SA MGA BAWAT KOMITE
FOREIGN WORKERS NA WALANG LISENSIYA, HINDI UMANO KUKUNSINTIHIN NI AMURAO
VIRGILIO TAGLE, ITINALAGANG BAGONG DILG CITY DIRECTOR
ILANG MAGTITINDA SA CITY BAYWALK, PAAALISIN
PUERTO PRINCESA 15TH CITY COUNCIL, NAKATANGGAP NG PARANGAL
ANTI FULL-FACE HELMET ORDINANCE, HINDI INAPRUBAHAN NG KONSEHO
ONE-STOP SHOP SA PAGKUHA NG MGA LISENSIYA, LILIKHAIN
121st ARAW NG KALAYAAN, IPINAGDIWANG
PAGBABAWAL SA PAGSUSUOT NG FULL-FACE HELMET, MULING ISINUSULONG
CLOUD SEEDING OPERATIONS NG PPCWD, MATAGUMPAY
NG PWD ID, PURCHASE BOOKLET
CITY WATER DISTRICT, PCSD, IPINATATAWAG SA SUSUNOD NA SESYON
MINIMUM RATE NG MGA JOB ORDER EMPLOYEE NG PPC, PLANONG TAASAN SA 2020
2 FIREFLY WATCHING DESTINATIONS SA LUNGSOD, BUBUKSAN
Newspaper of The Week
Advertise with Repetek
Weather
Currently
Currently
Islam
Lot For Sale
Public Transport Schedule
Bataraza/Rio Tuba
Palawan Shuttle Express Asso. Inc (Palshutex)
Puerto Prinsesa to Rio Tuba and vice versa
5:00am-6:30am,6:30am-8:30am, 11:30am upward daily trips
PCINSP Diosdado S. Alarcon PNP (Ret) - President
Contact Nos. 0917-553-2347 or 0921-594-9733 (for reservation)
Currency Converter