REPETEK, Ang Diyaryo ng Pilipino Tuesday, November 19 2019
FOREIGN WORKERS NA WALANG LISENSIYA, HINDI UMANO KUKUNSINTIHIN NI AMURAO



HINDI umano kukunsintihin ni City Tourism Officer Aileen Cynthia Amurao ang patuloy na pagtatrabaho ng mga walang lisensiyang foreign workers sa lungsod.

“Tahasan ‘yung iba nagnenegosyo ng walang tamang permiso, hindi natin papayagan ‘yan. Hindi natin papayagan na abusuhin tayo ng ating mga foreign nationals. Mga hard headed sila na ayaw talagang sumunod. Parang tingin nila [sa atin] ay ‘Mababayaran ‘yan,’ ‘Ay hindi ‘yan consistent, magsasawa rin ‘yan [sila].’ No! we mean it…we mean it,” paninindigan ni Amurao.

Aniya, sapat na umano ang kanilang ibinigay na palugit sa kanila upang asikasuhin ang kanilang working permit at licenses upang makapagtrabaho ng ligal kaya determinado ang opisyal na panagutin sa batas ang mga mahuhuling lalabag sa Tourism Code at Foreign Workers Ordinance.

“Ako, ayoko nga na dumating doon sa mapapahiya, mahuhuli, makukulong kayo (mga foreign workers) kasi pag in-implement namin, we will mean it. Kung kinakailangang makulong kayo, makukulong kayo, kung kinakailangang magbayad kayo, magbabayad kayo. Ayaw na ayaw ko sanang magpa-deport kaya medyo in-extend ko to the fullest ang aking patience pero ayaw natin ‘yung harap-harapan tayong binabastos n’ung ibang mga foreign workers natin,” pahayag ni Amurao.

Liban pa rito, sa isinagawa umanong monitoring ng City Tourism Office (CTO), napagalaman ng grupo na ilan sa mga travel agencies ang may kanya-kanya umanong sinusunod na taripa.

“Thru monitoring, consistent naman ang monitoring namin (CTO), sila na ‘yung nagko-command, (travel and tours agencies), sila ang nasusunod sa presyo—kung ano ang gusto nilang presyo [at] kung ano ang gusto nilang tours. Hindi rin natin papayagan na masalaula tayo lalo na sa mga destinations, parang sila na ‘yung naghahari-harian,” pahayag ni Amurao.

Sa kabila nito, patuloy ang panawagan ng opisyal sa lahat ng mga turistang nagnenegosyo at nagtatrabaho sa siyudad na idaan sa ligal na proseso ang kanilang paghahanapbuhay.

Ang mga negosyante o namamasukang walang business permit at working permits ay walang karapatang magtrabaho sa Puerto Princesa, may diing sagot pa ng opisyal.

“ I’m calling the attention of all travel agencies who are operating in the City both local and national licensed and accredited travel and tours na you have to be very, very careful. We are actually reminding you all na kuhanan ninyo ng special permits lahat ng foreign interpreters. Ilagay nila sa tama lahat ng operasyon nila,” panawagan ni Amurao.

Hinikaya’t naman niya ang mga lokal na ipagbigay-alam sa kinauukulan ang mga makikitang hindi kanais-nais na pag-uugali at maling mga gawain ng mga dayuhang negosyante nang sa gayun umano ay mapagtulungang resolbahin ang problema.

Paliwanag pa ni Amurao, napakaimportante na mismong mga lokal ang maging huwaran ng mga turista sa pagsunod sa batas at hindi iyong sila pa ang kumukunsinti sa mga maling aktibidad ng mga ito

“Itong mga local [workers], hindi naman talaga nila nire-report [sa atin] kaya nga doon sa mga meetings natin, lagi natin silang pinaaalalahanan na sila mismo, kinakailangan na maunang rumespeto sa mga umiiral na polisiya at batas hindi ‘yung sila yung nagtatakip o nauuna pang hindi rumespeto. Sa madaling sabi, leadership by example [dapat],” dagdag pa ni Amurao.

Related Articles
P15 MILYONG HALAGA NG SPORTS EQUIPMENTS, NAIPAGKALOOB NA UMANO SA CITY GOVERNMENT
POWER INTERRUPTIONS NOONG BATANG PINOY, ISINISISI NG PALECO SA FIRE CRACKERS
ORDINANSA SA WASTONG PAGTAPON NG BASURA, HINILING NA MULING PAG-ARALAN
‘HINDI AKO PAPAYAG NA MAG-FAIL ANG SATELLITE CITY HALL PROJECT’- BAYRON
DOLE, MULING NAGKALOOB NG LIVELIHOOD PROGRAM
PAMAMAHAGI NG LIBRENG SCHOOL SUPPLIES, HINILING
ISANG CHINESE NATIONAL, NAIS IDEKLARANG PERSONA NON GRATA SA SIYUDAD
REHABILITATION PROGRAM NG CITY ENGINEERING OFFICE SA MAGARWAK, IPINAHIHINTO
ICEMCO, MAY BAGO NANG PANGANGALAGAANG CBST
PAGBABAWAL SA PAGPAPAGALA NG MGA ALAGANG ASO, MAHIGPIT NANG IPATUTUPAD
DILG MEMORANDUM CIRCULAR NO. 2019-121, IPATUTUPAD NA SA LUNGSOD
PPCWD, BUCOR, LUMAGDA SA ISANG JOINT VENTURE AGREEMENT
P250-M HALAGA NG BUCOR ACADEMY, ITATAYO SA IWAHIG
EXITING BENEFICIARIES NG 4P’S, BINIGYANG PARANGAL
5 CBST SA LUNGSOD, NAGING BENEPISYARYO NG LIVELIHOOD PROJECT NG DOLE
PUERTO BAY, POSITIBO ULI SA RED TIDE
P3.4-M SUPPLEMENTAL BUDGET NO. 2 NG LUNGSOD, LUSOT NA SA PINAL NA PAGBASA
MGA MAGSASAKANG APEKTADO NG DROUGHT SA SIYUDAD, PUMALO NA SA 692 INDIBIDWAL
KAHALAGAHAN NG PAGSASAKA, IPINAKIKITA SA GINTONG BUTIL AGRI-FARM
ILAN SA MGA HEAVY EQUIPMENTS NG CITY GOVERNMENT, DUMATING NA!
ITINATAYONG 4 SATELLITE CITY HALL, PAMUMUNUAN NI EX-COUNCILOR RODRIGUEZ
PROYEKTONG PAILAW SA DALAWANG BARANGAY, TAPOS NA
16th CITY COUNCIL, NAGHALAL NA NG BAGONG CHAIRMAN SA MGA BAWAT KOMITE
FOREIGN WORKERS NA WALANG LISENSIYA, HINDI UMANO KUKUNSINTIHIN NI AMURAO
VIRGILIO TAGLE, ITINALAGANG BAGONG DILG CITY DIRECTOR
ILANG MAGTITINDA SA CITY BAYWALK, PAAALISIN
PUERTO PRINCESA 15TH CITY COUNCIL, NAKATANGGAP NG PARANGAL
ANTI FULL-FACE HELMET ORDINANCE, HINDI INAPRUBAHAN NG KONSEHO
ONE-STOP SHOP SA PAGKUHA NG MGA LISENSIYA, LILIKHAIN
121st ARAW NG KALAYAAN, IPINAGDIWANG
PAGBABAWAL SA PAGSUSUOT NG FULL-FACE HELMET, MULING ISINUSULONG
CLOUD SEEDING OPERATIONS NG PPCWD, MATAGUMPAY
NG PWD ID, PURCHASE BOOKLET
CITY WATER DISTRICT, PCSD, IPINATATAWAG SA SUSUNOD NA SESYON
MINIMUM RATE NG MGA JOB ORDER EMPLOYEE NG PPC, PLANONG TAASAN SA 2020
2 FIREFLY WATCHING DESTINATIONS SA LUNGSOD, BUBUKSAN
Newspaper of The Week
Advertise with Repetek
Weather
Currently
Currently
Islam
Lot For Sale
Public Transport Schedule
Bataraza/Rio Tuba
Palawan Shuttle Express Asso. Inc (Palshutex)
Puerto Prinsesa to Rio Tuba and vice versa
5:00am-6:30am,6:30am-8:30am, 11:30am upward daily trips
PCINSP Diosdado S. Alarcon PNP (Ret) - President
Contact Nos. 0917-553-2347 or 0921-594-9733 (for reservation)
Currency Converter