REPETEK, Ang Diyaryo ng Pilipino Saturday, February 22 2020
GABAY SA MGA LGU’s SA PANGANGALAGA AT PAMAMAHALA NG KALIKASAN AT LIKAS-YAMAN NG PALAWAN, INAAYOS NA NG PCSD



Ang kauna-unahang “Burunyugan” sa Palawan kaugnay sa pagdiriwang ng ika-27 taong anibersaryo ng SEP Law. Makikita sa larawan sina PCSDS Exec. Dir. Nelson Devanadera (ikatlo mula sa kaliwa), Vice Gov. Dennis Socrates bilang kinatawan ni Gov. Jose Alvarez at ang iba pang kalahok. (CONTRIBUTED PHOTO//PCSDS FACEBOOK PAGE)

Inaasahang magpapalabas ang Palawan Council for Sustainable Development (PCSD) ng guide sa lahat ng lokal na pamahalaan sa lungsod at probinsiya ukol sa kung paano pamahalaan at pangalagaan, hindi lamang ang kalikasan, kundi ang iba pang natural resources.

Ito ang mga tinuran ni PCSD Staff spokesperson John Vincent “Jovic” Fabello sa panayam ng Repetek Team makalipas ang isinagawang “Burunyugan sa Palawan” kaalinsabay ng kanilang ika-27 anibersaryo noong ika-19 ng Hunyo kaugnay sa pagsasabatas ng RA 7611 o ang “Strategic Environmental Plan (SEP) Law” taong 1992. Tema ngayong taon ang “Palawan Noon, Ngayon, sa Darating na Panahon.”

Ang Burunyugan ay isang salitang Cuyunon na ang ibig sabihin ay “pulong-pulong” o kwentuhan na sa nasabing aktibidad, umikot ang talakayan sa sustainable future ng lalawigan ng Palawan at nagpokus sa mga usaping may kinalaman sa tubig, enerhiya, pagkain, space competition, at peace and order.

Nagsilbing head convenor sa programa si G. Eduardo Queblatin, isa sa mga miyembro ng Scientific Advisory Panel (SAP) ng PCSD. Kasama naman sa mga dumalo ay si NEDA Undersecretary Adoracion Navarro, gayundin ang mga dating high ranking officials ng siyudad at lalawigan, ang mga namuno noong panahon ni dating Gov. Badong Socrates, mga nasa academe, private sector at mga millennial.

Naunang binanggit ni PCSD Staff Nelson Devanadera, sa panayam ng press, na ang magiging resulta ng konsultasyon ay magiging basehan sa pagbabalangkas ng mga plano ng PCSDS kung paano matutugunan ang mga kakulangan at bilang paghahanda sa mga nabanggit na kategorya, katuwang ang private sector at iba pang ahensiya ng gobyerno.

“We will put it in concrete and doable plans….With a long term blueprint, every year, ‘yan ngayon ang susundan ng mga agencies [government, civil society, private sector]. They can do better because of post-effective, technology and capital availability,” pahayag ng Direktor.

Ayon naman kay Fabello, maipalalabas ang nasabing guidelines kapag natapos nang i-synthesize ng PCSD Staff ang lahat ng mga napag-usapan na kanilang gagawin sa susunod na linggo, mai-document ito, at mailatag at maaprubahan ng Council upang maging opisyal ng polisiya.

Sa pagsasabatas ng RA 7611 ay nalikha rin ang PCSD na ang pinakapangunahing papel na ginagampanan ay gumawa ng mga environmental policy para sa pangangalaga, pamamahala at conservation para sa lalawigan na ang estratehiya ay ang Environmentally Critical Areas Network (ECAN) Zone na makapagdudulot naman ng economic development na sustinable at nakabase sa ecological integrity, economic viability, at social acceptability. Naidagdag pa sa kanilang tungkulin ang pagpapatupad ng Cave’s Act, Chainsaw Act, at RA 9147 o ang Wildlife Act na dahil umano sa kakulangan nila ng mga tauhan ay nakikipag-partnership na lamang sila sa iba’t ibang law enforcement agencies, mga CSO’s at mga pribadong indibidwal sa siyudad at probinsiya.

(CONTRIBUTED PHOTO//PCSDS FACEBOOK PAGE)

MGA MUNGKAHI, OBSERBASYON
Sa aktibidad na binubuo ng sampung mesa na may 12 panelist, ang nag-facilitate umano ay ang Protect Wildlife ng USAID kung saan, sila ang kumatha ng gagawin sa aktibidad tulad ng pagsasalarawan sa mukha ng Palawan noong nakalipas na mga taon, ang mga naibibigay ng natural resources sa tao, at ang mga na-encounter ng tao. Pagkatapos nito ay pinag-usapan na ang kasalukuyan kung anu-ano ang mga isyung kinakaharap ng lalawigan tulad ng food security, mataas antas ng paglobo ng populasyon, imigrasyon, pagkawala lagi ng suplay ng kuryente, problema sa tubig kapag tag-init, turismo, health problems dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng HIV-AIDS at space competition.

Partikular umano sa food security, kapansin-pansin ngayon sa palengke sa siyudad na wala na halos mabibiling magagandang klaseng isda kaya tanong umano ay saan na napupunta ang mga resources na dapat sana’y nakakain ng mga Palawenyo gaya ng kung dati’y nabibili lamang sa murang halaga ang suno ngunit ngayon ay sana P700 na ang kilo ng patay na suno habang P1,800 naman kapag live.

“Mas napupunta pa sa ibang lugar ang pagkain pa sana ng mga taga-Palawan at mas napupunta pa sa turista kaysa sa dito sa atin sa Palawan,” komento pa ni Fabello.

Nagkakaroon naman umano ng problema sa turismo kung hindi ito napaghandaang mabuti pagdating sa accommodation at iba pang matutuluyan, mga imprastraktura at ang natural capital. Lalo na umano na tinatayang ang isang turista ay nakagagamit ng tubig na katumbas sa tatlong tao.

Nabuksan din aniya ang isyung kung nagiging kabahagi rin ba sa pangangalaga ang mga negosyante o indibidwal na kumikita mula sa natural resources, halimbawa na lamang umano ang Honda Bay ng Puerto Princesa. Ang mga nakikibang sa bahaging iyon ng siyudad ay mga travel and tour operators, tour guides, pumpboat operators, shell collectors at iba.

“Pero itong mga kumikita sa Honda Bay, naibabalik ba nila at least a certain percentage of their profit sa Honda Bay? Hindi eh. Wala silang ibinabalik for the protection of Honda Bay’s marine biodiversity. So, dapat sana inaalagaan din natin ‘yung lugar kung saan pinagkakakitaan natin,” ani Fabello.

Ayon pa sa tagapagsalita ng PCSDS, may isang millennial ang nagbigay ng komento na marami namang magagandang polisiya ang bansa dangan nga lamang ay nawawala ang tunay na intensyon kapag naibababa na at hindi na katulad sa orihinal na layunin na isa umano sa mga dahilan ay ang barrier of communication gaya ng nakasulat ito sa Ingles at wala namang pagsasalin sa ibang dialekto gaya ng Cuyunon, Bisaya o Ilonggo.

Mahalaga umanong nako-communicate nang maayos ang lahat ng mga programa o proyekto ng gobyerno at magabayan ang mga benepisyaryo kung paano gawin ang mga iyon kaya dapat umanong may isang taong nakatutok dito.

Nang siya naman umano ang tanungin sa kung ano ang suliranin ng Palawan ay sinabi niyang ito ay ang pangangalaga sa watershed areas dahil ang “tubig ay buhay.” Sa ngayon umano, ang alam niya ay dalawang munisipyo pa lamang ang mayroong watershed management plan habang sa lungsod ng Puerto Princesa ay hindi pa niya nakikita.

Aniya, mahalagang mapangalagaan ang source ng tubig ngayon pa lamang upang mapaghandaan na ang posibleng problema sanhi ng pagdami ng populasyon, lalong-lalo na umano dahil sa nararanasan ngayong Climate Change. Matatandaang sumailalim sa water crisis ang siyudad sa nakalipas na mga buwan.

LAYUNIN NG PAGKALIKHA NG BURUNYUGAN
“This time kasi, pa-retire na si Director [Nelson Devanadera] at naisip niyang ‘Tingnan nga natin para mayroon tayong guide for Palawan kasi wala pang ahensiyang gumagawa noon for Palawan,” ani Fabello.

Dahil naman sa hinaing ng PCSD na itinuturing na silang super agency, iminungkahi ni Queblatin na magkaroon ng clear-cut policy ang ahensiya at umikot muli sa buong lalawigan upang magsagawa ng education, information campaign upang muling ipaunawa sa mga mamamayan kung saan at ano lamang ang kanilang mandato at ang iba ay hawak na ng DENR, BFAR o ng iba pang ahensiya. Ang PCSD ay isa lamang sa mga attached agency ng DENR.

Sa muli ay nananawagan ang ahensiya sa mga mamamayan na huwag mag-atubiling isumbong sa kanila kung mayroong masaksihan o mapag-alamang iligal na gawain at tumawag lamang sa 434-4234 o 434-4235 o sa PCSD Konek sa 7007611.

“At huwag po kayong maiinip dahil as much as possible, ginagawa namin sa abot ng aming makakaya, ang lahat ng paraan para mas ma-manage natin ‘yung ating mga kapaligiran, specially ‘yung protection ng environment and at the same time, balanced development ang ating probinsiyang Palawan,” mensahe pa ni Fabello sa mga Palawenyo.

Related Articles
PAGTATAYO NG MGA PSYCHIATRIC EMERGENCY ROOM, IPINANUNUKALA
ORDINANSANG IPAGBABAWAL ANG PAGSASANGLA NG 4P’S CASHCARDS, ISINUSULONG
ASAWA NG NAWAWALANG MANGINGISDA SA BAYAN NG ROXAS, PALAWAN, NANAWAGAN
MOBILE CLINIC PARA SA NORTE AT SUR NG PALAWAN, HINILING SA DOH-CHD
MGA BAGONG ABOGADO SA MGA ASPIRING LAW STUDENT: ‘WALANG SUKUAN’
SCHOOL-BASED IMMUNIZATION, INILUNSAD NG DOH-CHD MIMAROPA SA PALAWAN
MGA HUGOT, BUMUHOS SA SOCIAL MEDIA DAHIL SA 3 ARAW NA BLACKOUT SA BAYAN NG ROXAS
MAHIGPIT NA PAGSUNOD SA SPEED LIMIT, IPINAALAALA NG PROV’L BOARD SA MGA LGU
ISANG PALM OIL COMPANY SA PALAWAN, SINAMPULAN NG DENR-MIMAROPA
PALAWAN IPMR, MULING UMUPO SA KONSEHO SA PAMAMAGITAN NG HOLDOVER CAPACITY
TOP 5 SA MGA MAY MATAAS NA KASO NG DENGUE SA PALAWAN, INILABAS NG DOH-CHD MIMAROPA
COAL PLANT APPLICATION PALAWAN, BINIGYAN NA NG ECC NG DENR-MIMAROPA
CHINESE FISHING VESSEL, MAS DUMAMI UMANO ANG PRESENSIYA SA WEST PHILIPPINE SEA
TERORISTANG CPP-NPA HADLANG UMANO SA KAUNLARAN, AYON SA WESCOM
PANGANGALAGA SA RASA ISLAND WILDLIFE SANCTUARY, PATULOY NA PINAIIGTING
‘WALANG ABU SAYYAF ANG WESCOM AREA’
MALAMYANG AKSYON NG PILIPINAS SA KABILA NG GINAGAWA NG TSINA SA WPS, TINALAKAY
WESCOM, UMANONG NA-MONITOR NA MISSILE TESTING SA WEST PHILIPPINE SEA
PCL-PALAWAN, MAYROON NG BAHAY-TULUYAN SA LUNGSOD
IKA-10 ANIBERSARYO NG MT. MATALINGAHAN BILANG PROTECTED AREA IPINAGDIWANG
MBLT-3, DARATING SA PALAWAN UPANG HUMALILI SA MBLT-12
NEDA, HINDI UMANO TUTOL SA PAGHAHATI NG PALAWAN SA TATLONG PROBINSYA
14 BILANGGO NG IWAHIG PRISON AND PENAL FARM, MAKALALAYA NA
BANGKA NG MGA MANGINGISDANG PINOY, BINONGGO NG CHINESE VESSEL?
NASA 100 PALAWENYO, LUMAHOK SA BASIC STARTUP WORKSHOP NG DICT, QBO INNOVATION HUB
LOKAL NA PAMAHALAAN NG NARRA, PINAGHAHANDAAN NA ANG IKA-50 ANIBERSARYO
14 CENTENARIAN SA PALAWAN, NAKATAKDANG GAWARAN NG CASH GIFT NG DSWD
FOOD SAFETY SEMINAR, ISINAGAWA NG DTI-PALAWAN
NAWAWALANG DIVER SA TUBBATAHA, PATULOY PA RING PINAGHAHANAP
E-PERMITTING SYSTEM, NAKATAKDANG IPATUPAD NG PCSDS
PNNI, NAGSAGAWA NG TAHIMIK NA KILOS-PROTESTA
KATUTUBONG PALAW’AN NA SANGGOL, AKSIDENTENG NATAMAAN NG PANA SA ULO
SPOTTED WOOD OWL, ISINURENDER NG ISANG CONCERNED CITIZEN
IKATLONG IPMR NG PALAWAN, COA NA LAMANG UMANO ANG KULANG UPANG MAKAUPO
Newspaper of The Week
Advertise with Repetek
Weather
Currently
Currently
Islam
Lot For Sale
Public Transport Schedule
Bataraza/Rio Tuba
Palawan Shuttle Express Asso. Inc (Palshutex)
Puerto Prinsesa to Rio Tuba and vice versa
5:00am-6:30am,6:30am-8:30am, 11:30am upward daily trips
PCINSP Diosdado S. Alarcon PNP (Ret) - President
Contact Nos. 0917-553-2347 or 0921-594-9733 (for reservation)
Currency Converter