REPETEK, Ang Diyaryo ng Pilipino Wednesday, July 17 2019
GOV. ALVAREZ, TARGET MATAPOS ANG PIER NG EL NIDO NGAYONG AGOSTO UPANG KUMUNEKTA SA MAINLAND LUZON



SI Gov. Jose Alvarez nang manumpa sa katungkulan, sa isinagawang mass oathtaking ng mga nagwaging kandidato sa lungsod at lalawigan ng Palawan, Hunyo 30. (PHOTO//DIANA ROSS M. CETENTA)

POSITIBO si Palawan Gov. Jose Chaves Alvarez (JCA) na sa pamamagitan ng pier na ginagawa sa bayan ng El Nido na target na matapos sa susunod na buwan ng Agosto ay mas magiging madali na ang pag-unlad ng lalawigan ng Palawan.

“Para po mapabilis ang daloy ng ekonomiya, hindi po pwede na eroplano lang tayo ng eroplano galing sa Manila. Tatapusin ko na po ‘yung pier sa El Nido nitong Agosto. Tuloy na po ‘yan sa San Fernando, sa Borac, sa Coron, sa Mindoro. Batangas po will be an hour away kaya pwede na po tayong pumunta ng Maynila by land and Mindoro. This will be sure by the end of this year,” ayon kay Gov. Alvarez bilang bahagi ng kanyang inaugural speech matapos makapanumpa sa tungkulin noong ika-30 ng Hunyo sa Citystate Asturias Hotel.

Noong wala pang fastcraft at maging sa kasalukuyan, kapag nagbabarko ang mga taga-Palawan upang tumungo sa mga regional office sa Calapan City sa Occidental Mindoro o sa anupamang aktibidad ay dumadaan pa sila ng pier ng Maynila, magbabiyahe patungong Batangas port upang sumakay ng RORO bago tuluyan makararating sa patutunguhan.

Ang nasabing plano ay bahagi ng pangarap umano ng Goberbador na maisaayos pa ang uri ng transportasyon sa probinsiya na malayo sa kabuuang kinabibilangang Rehiyon ng Mimaropa at mainland Luzon.

Kalakip umano nito at ang kasalukuyang ginagawang mga regional airport ng mga bayan ng Balabac at Coron at ang inaayos na San Vicente Airport, gayundin ang dagdag na dalawang international sa Taytay at Brooke’s Point, ang inaasam umanong limang milyong tourist arrivals ay hindi na magiging pangarap lamang kundi matutupad na.

“Sa ameng partido, ang ameng aliyagan lamang ang caayadan Y ang banua Y ang Palawan (Sa aming partido, wala kaming ibang hangad kundi ang kaunlaran ng lalawigan ng Palawan),” pahayag ni Alvarez na kahit di man taal na taga-Palawan ay kanya itong binigkas sa salitang Cuyunon.

Makatutulong umano ito upang maabot ang target na five million tourist arrivals na katumbas sa P280 bilyong salapi. Maliban dito, minimithi rin umano ng probinsiya na magaya ang 7.5 million tourist arrivals ng Cebu City na tiyak umanong magiging sagot sa kahirapang nararanasan ngayon ng lalawigan.

Positibo rin ang Punong Ehekutibo na sa pagtutulungan ay maabot din ang inaasam na pagbaba ng poverty index na kapantay sa national average na nasa 20-25 porsiyento lamang. Sa ngayon umano ay nasa 52 porsiyento pa ang poverty index ng probinsiya ngunit mas mababa na umano ito ng bahagya sa inabutan nilang 68 percent sa pag-upo niya at ng mga kaalyado sa Partido Pagbabago sa Palawan (PPP) noong 2013.

Sa unang termino rin umano ni Alvarez sa pagka-Gobernador ay nasa one percent lamang ang kaunlaran ng ekonomiya ng Palawan at nagawa nilang iakyat sa 6.2 percent.

Pagmamalaki pa ni Gov. Alvarez, sa anim na taon niya sa posisyon o sa nakaraang dalawang termino ay nagawa umano niyang baguhin ang anyo ng Palawan at gumanda ang kabuhayan ng mga Palawenyo sa tulong ng mga lider sa munisipyo at mga kongresista. Kaya hiling niya sa mga mamamayan na patuloy na suportahan ang kanyang administrasyon.

Related Articles
PANGANGALAGA SA RASA ISLAND WILDLIFE SANCTUARY, PATULOY NA PINAIIGTING
‘WALANG ABU SAYYAF ANG WESCOM AREA’
MALAMYANG AKSYON NG PILIPINAS SA KABILA NG GINAGAWA NG TSINA SA WPS, TINALAKAY
WESCOM, UMANONG NA-MONITOR NA MISSILE TESTING SA WEST PHILIPPINE SEA
PCL-PALAWAN, MAYROON NG BAHAY-TULUYAN SA LUNGSOD
IKA-10 ANIBERSARYO NG MT. MATALINGAHAN BILANG PROTECTED AREA IPINAGDIWANG
MBLT-3, DARATING SA PALAWAN UPANG HUMALILI SA MBLT-12
NEDA, HINDI UMANO TUTOL SA PAGHAHATI NG PALAWAN SA TATLONG PROBINSYA
14 BILANGGO NG IWAHIG PRISON AND PENAL FARM, MAKALALAYA NA
BANGKA NG MGA MANGINGISDANG PINOY, BINONGGO NG CHINESE VESSEL?
NASA 100 PALAWENYO, LUMAHOK SA BASIC STARTUP WORKSHOP NG DICT, QBO INNOVATION HUB
LOKAL NA PAMAHALAAN NG NARRA, PINAGHAHANDAAN NA ANG IKA-50 ANIBERSARYO
14 CENTENARIAN SA PALAWAN, NAKATAKDANG GAWARAN NG CASH GIFT NG DSWD
FOOD SAFETY SEMINAR, ISINAGAWA NG DTI-PALAWAN
NAWAWALANG DIVER SA TUBBATAHA, PATULOY PA RING PINAGHAHANAP
E-PERMITTING SYSTEM, NAKATAKDANG IPATUPAD NG PCSDS
PNNI, NAGSAGAWA NG TAHIMIK NA KILOS-PROTESTA
KATUTUBONG PALAW’AN NA SANGGOL, AKSIDENTENG NATAMAAN NG PANA SA ULO
SPOTTED WOOD OWL, ISINURENDER NG ISANG CONCERNED CITIZEN
IKATLONG IPMR NG PALAWAN, COA NA LAMANG UMANO ANG KULANG UPANG MAKAUPO
BATANG MAY SAKIT SA KALAYAAN, NIRESPONDEHAN NG WESCOM
BARAGATAN FESTIVAL, HINDI MAISASAGAWA NGAYONG 2019
PALAWAN, MAYROON NA NAMANG 15 BAGONG ABOGADO
PANUKALANG PAGPATAW NG MAS MAHIGPIT NA TOBACCO CONTROL, TINALAKAY SA PALAWAN
SENATORIAL BETS: PALAWENYO ANG MAGPAPASYA SA PAGHAHATI NG PALAWAN
WESCOM, PNP, HANDA NA SA HALALAN 2019
Newspaper of The Week
Advertise with Repetek
Weather
Currently
Currently
Islam
Lot For Sale
Public Transport Schedule
Bataraza/Rio Tuba
Palawan Shuttle Express Asso. Inc (Palshutex)
Puerto Prinsesa to Rio Tuba and vice versa
5:00am-6:30am,6:30am-8:30am, 11:30am upward daily trips
PCINSP Diosdado S. Alarcon PNP (Ret) - President
Contact Nos. 0917-553-2347 or 0921-594-9733 (for reservation)
Currency Converter