REPETEK, Ang Diyaryo ng Pilipino Sunday, September 22 2019
GROUNDBREAKING NG BUSUANGA AIRPORT DEV’T PROJECT, ISINAGAWA



Ang groundbreaking rites na pinangunahan nina Gov. JCA (gitna), CAAP Director General Jim Sydiongco, Rep. Chicoy Alvarez at DOT Regional Dir. Danilo Entong para sa development project ng Busuanga Airport. Makikita rin sa larawan ang mga Alkalde ng Calamianes Group of Islands Tourist Cluster at iba pang panauhin. (PHOTO//DIANA ROSS M. CETENTA).

SISIMULAN sa anumang oras ang development project ng Busuanga Airport na matatagpuan sa bayan ng Coron matapos ang groundbreaking ceremony kahapon, ika-12 ng Marso.

Pinangunahan nina CAAP Director General, Capt. Jim Sydiongco at Palawan Gov. Jose Chaves Alvarez ang nasabing aktibidad, kasama ang kinatawan ng Unang Distrito na si Rep. Franz Josef George Alvarez, at ang mga alkalde ng apat na munisipyo ng Calamianes Group of Islands na sina Mayor Ajerico Barracoso ng Coron, Mayor Elizabeth Cervantes ng Busuanga, Mayor Virginia de Vera ng Culion, Vice Mayor Emil Neri na kinatawan ni Mayor Jessie del Prado ng Linapacan at ng iba pang LGU officials.

Pupunduhan ng kabuuang P5 bilyon ang nabanggit na proyekto na kung saan, ang P953.40 milyon ay ilalaan para sa konstruksyon ng runway embankment at re-orientation ng runway ng paliparan upang mas mapaganda pa umano ang mga pasilid at mas kaya pang mag-accomodate ng mas malalaking sasakyang panghimpapawid.

Kalakip din umano sa paunang lumabas na pondo ay ang earthwork, site development, perimeter fence, at consultancy services para sa detailed engineering designs na kakailanganin para sa gagawing masterplan.

Halos doble rin ang haba ng gagawing bagong runway na umaabot sa 2.5 kilometro at may kalahating kilometro pang ekstensiyon sa kabuuang 300 ektaryang lupain.

Makikita umano sa datus ang pagtaas ng mga turista sa Busuanga Island. Sa katunayan umano, mula sa 321,595 pasahero noong 2016 ay umakyat ito sa 525,044 sa kasunod na taon o katumbas sa 63 percent increase ng mga pasaherong lumalapag sa Busuanga Airport o kilala rin bilang Francisco B. Reyes Airport. Noong nakaraang taon naman ay umakyat pa ang bilang sa 676,823 o isangdaang porsiyentong pagtaas ng tourist arrival.

Inaasahan umanong magsisilbing gateway ang nasabing paliparan ng Calamian Group of Islands Tourism Cluster na binubuo hindi lamang ng Coron at Busuanga kundi ng Culion at Linapacan.

“Maraming salamat! At once and for all, nasimulan na ang proyektong ito and I’m very confident na [dahil sa mas maayos na paliparan], hindi lang isang milyong turista [kada taon] ang pupunta rito,” may katiyakang pananalita ni Gov. Alvarez.

Sa mensahe naman ni Rep. Chicoy Alvarez, iginiit niyang dapat lamang masuklian ang tulong na hatid ng mga turista-lokal man o banyaga na pumupunta sa bayan ng Coron. Aniya, ang average na ginagastos na salapi ng isang local tourist sa tatlong araw niyang pamamalagi ay P12, 000 habang ang foreign tourist ay tumataginting na P18, 000.

“Kung ilang buwan pong pinagtatrabahuan ng mga turista ang pinaggagastos nila rito, dapat lang na suklian natin [iyon] ng mahusay na serbisyo at ng mahusay na pag-aalaga,” ang bahagi ng pananalita ni Alvarez ukol sa kahalagahan ng pagpapaganda at pag-improve ng Busuanga Airport.

Inaasahan naman umanong matatapos ang development project tatlong taon mula ngayon.

Samantala, ang local contractor na BCT Construction ang nagawarang gagawa ng naturang proyekto.

Related Articles
PAGTATAYO NG MGA PSYCHIATRIC EMERGENCY ROOM, IPINANUNUKALA
ORDINANSANG IPAGBABAWAL ANG PAGSASANGLA NG 4P’S CASHCARDS, ISINUSULONG
ASAWA NG NAWAWALANG MANGINGISDA SA BAYAN NG ROXAS, PALAWAN, NANAWAGAN
MOBILE CLINIC PARA SA NORTE AT SUR NG PALAWAN, HINILING SA DOH-CHD
MGA BAGONG ABOGADO SA MGA ASPIRING LAW STUDENT: ‘WALANG SUKUAN’
SCHOOL-BASED IMMUNIZATION, INILUNSAD NG DOH-CHD MIMAROPA SA PALAWAN
MGA HUGOT, BUMUHOS SA SOCIAL MEDIA DAHIL SA 3 ARAW NA BLACKOUT SA BAYAN NG ROXAS
MAHIGPIT NA PAGSUNOD SA SPEED LIMIT, IPINAALAALA NG PROV’L BOARD SA MGA LGU
ISANG PALM OIL COMPANY SA PALAWAN, SINAMPULAN NG DENR-MIMAROPA
PALAWAN IPMR, MULING UMUPO SA KONSEHO SA PAMAMAGITAN NG HOLDOVER CAPACITY
TOP 5 SA MGA MAY MATAAS NA KASO NG DENGUE SA PALAWAN, INILABAS NG DOH-CHD MIMAROPA
COAL PLANT APPLICATION PALAWAN, BINIGYAN NA NG ECC NG DENR-MIMAROPA
CHINESE FISHING VESSEL, MAS DUMAMI UMANO ANG PRESENSIYA SA WEST PHILIPPINE SEA
TERORISTANG CPP-NPA HADLANG UMANO SA KAUNLARAN, AYON SA WESCOM
PANGANGALAGA SA RASA ISLAND WILDLIFE SANCTUARY, PATULOY NA PINAIIGTING
‘WALANG ABU SAYYAF ANG WESCOM AREA’
MALAMYANG AKSYON NG PILIPINAS SA KABILA NG GINAGAWA NG TSINA SA WPS, TINALAKAY
WESCOM, UMANONG NA-MONITOR NA MISSILE TESTING SA WEST PHILIPPINE SEA
PCL-PALAWAN, MAYROON NG BAHAY-TULUYAN SA LUNGSOD
IKA-10 ANIBERSARYO NG MT. MATALINGAHAN BILANG PROTECTED AREA IPINAGDIWANG
MBLT-3, DARATING SA PALAWAN UPANG HUMALILI SA MBLT-12
NEDA, HINDI UMANO TUTOL SA PAGHAHATI NG PALAWAN SA TATLONG PROBINSYA
14 BILANGGO NG IWAHIG PRISON AND PENAL FARM, MAKALALAYA NA
BANGKA NG MGA MANGINGISDANG PINOY, BINONGGO NG CHINESE VESSEL?
NASA 100 PALAWENYO, LUMAHOK SA BASIC STARTUP WORKSHOP NG DICT, QBO INNOVATION HUB
LOKAL NA PAMAHALAAN NG NARRA, PINAGHAHANDAAN NA ANG IKA-50 ANIBERSARYO
14 CENTENARIAN SA PALAWAN, NAKATAKDANG GAWARAN NG CASH GIFT NG DSWD
FOOD SAFETY SEMINAR, ISINAGAWA NG DTI-PALAWAN
NAWAWALANG DIVER SA TUBBATAHA, PATULOY PA RING PINAGHAHANAP
E-PERMITTING SYSTEM, NAKATAKDANG IPATUPAD NG PCSDS
PNNI, NAGSAGAWA NG TAHIMIK NA KILOS-PROTESTA
KATUTUBONG PALAW’AN NA SANGGOL, AKSIDENTENG NATAMAAN NG PANA SA ULO
SPOTTED WOOD OWL, ISINURENDER NG ISANG CONCERNED CITIZEN
IKATLONG IPMR NG PALAWAN, COA NA LAMANG UMANO ANG KULANG UPANG MAKAUPO
Newspaper of The Week
Advertise with Repetek
Weather
Currently
Currently
Islam
Lot For Sale
Public Transport Schedule
Bataraza/Rio Tuba
Palawan Shuttle Express Asso. Inc (Palshutex)
Puerto Prinsesa to Rio Tuba and vice versa
5:00am-6:30am,6:30am-8:30am, 11:30am upward daily trips
PCINSP Diosdado S. Alarcon PNP (Ret) - President
Contact Nos. 0917-553-2347 or 0921-594-9733 (for reservation)
Currency Converter