REPETEK, Ang Diyaryo ng Pilipino Tuesday, November 19 2019
HERITAGE SITES SA LUNGSOD, PAGTUTULUNGANG I-DEVELOP NG PROVINCIAL AT CITY GOVERNMENT




ISANG joint venture agreement ang binabalangkas ngayon ng Provincial Government at City Government, sa pangunguna ng City Tourism Office (CTO) hinggil sa pag-develop at pag-renovate ng mga heritage sites sa Puerto Princesa.

Ang heritage district na kinapalooban ng Governor’s Residence, Eulalia Park, Plaza Quartel ay ilan lamang sa mga nilalaman ng binubuong partnership ng Local Government Units (LGU’s) sa pagpapalakas ng cultural heritage.

Nito lamang ika-6 at 7 ng Agosto, sumailalilm sa isang pagsasanay ang dalawang nabanggit na grupo may kinalaman sa heritage tourism.

“Nagkaroon ng pag-uusap sa Provincial Government at nakaraan ay sumailalim sila sa isang training tungkol sa packaging ng cultural tourism sites. From there ay inaayos nila ngayon [na] magkaroon ng joint venture agreement ang Provincial Government at City Tourism [Office] para mapag-usapan ang magiging partnership development doon,” ayon kay Senior Tourism Operations Officer at Promotions and Marketing Division OIC Mitchie Hitosis.

Maging ang mga sinaunang bahay sa likod ng Immaculate Concepcion Cathedral ay inaasahang maisasama sa karagdagang atraksiyon na pinaniniwalaang naging bahagi ng kasaysayan ng lalawigan ng Palawan at lungsod ng Puerto Princesa.

“Inisa-isa na ‘yan ng product planning. Most of them [ay] nag-approve nai-open ang mga bahay na ‘yon; ang iba roon, authentic talaga. ‘Yon ang kinausap nila and they are willing na i-open iyon para maipakita ‘yong ibang mga [lumang] gamit ay nandoon pa,” dagdag pa niya.

Patuloy naman na sasailalim sa cultural heritage training ang mga LGU’s.

EULALIA PARK
Isa lamang sa mga heritage site sa lungsod ay ang Eulalia’s Park na matatagpuan sa kanang bahagi ng simbahan kung pababa sa Coastguard District Palawan.

Sa naturang parke umano ginanap ang kauna-unahang misa sa Puerto Princesa.

“Historically, pinaniniwalaang kaya tayo pinangalanang Puerto Princesa ay ibinigay as a gift ni Consort Francis kay Queen Isabella ll n’ong siya ay nanganak kay Princess Eulalia. Sa book na ini-release ng City [Government], sinasabi na dahil sa murang edad, namatay si Princess Eulalia kaya as a memory, pinangalanan sa kanya ang Puerto Princesa kasi princess nga siya,” pahayag ni Hitosis.

Ang rebulto ng prinsesa ay itinayo sa parke bilang pag-alaala sa kanya.

Sa ngayon, hindi umano nade-develop ang parke dahil ang naturang atraksiyon ay nakatirik sa lupang pag mamay-ari ng Provincial Government.

Kung kaya’t isang partnership ang binubuo ngayon ng mga LGU kung papaano ide-develop ang lugar.

Related Articles
P15 MILYONG HALAGA NG SPORTS EQUIPMENTS, NAIPAGKALOOB NA UMANO SA CITY GOVERNMENT
POWER INTERRUPTIONS NOONG BATANG PINOY, ISINISISI NG PALECO SA FIRE CRACKERS
ORDINANSA SA WASTONG PAGTAPON NG BASURA, HINILING NA MULING PAG-ARALAN
‘HINDI AKO PAPAYAG NA MAG-FAIL ANG SATELLITE CITY HALL PROJECT’- BAYRON
DOLE, MULING NAGKALOOB NG LIVELIHOOD PROGRAM
PAMAMAHAGI NG LIBRENG SCHOOL SUPPLIES, HINILING
ISANG CHINESE NATIONAL, NAIS IDEKLARANG PERSONA NON GRATA SA SIYUDAD
REHABILITATION PROGRAM NG CITY ENGINEERING OFFICE SA MAGARWAK, IPINAHIHINTO
ICEMCO, MAY BAGO NANG PANGANGALAGAANG CBST
PAGBABAWAL SA PAGPAPAGALA NG MGA ALAGANG ASO, MAHIGPIT NANG IPATUTUPAD
DILG MEMORANDUM CIRCULAR NO. 2019-121, IPATUTUPAD NA SA LUNGSOD
PPCWD, BUCOR, LUMAGDA SA ISANG JOINT VENTURE AGREEMENT
P250-M HALAGA NG BUCOR ACADEMY, ITATAYO SA IWAHIG
EXITING BENEFICIARIES NG 4P’S, BINIGYANG PARANGAL
5 CBST SA LUNGSOD, NAGING BENEPISYARYO NG LIVELIHOOD PROJECT NG DOLE
PUERTO BAY, POSITIBO ULI SA RED TIDE
P3.4-M SUPPLEMENTAL BUDGET NO. 2 NG LUNGSOD, LUSOT NA SA PINAL NA PAGBASA
MGA MAGSASAKANG APEKTADO NG DROUGHT SA SIYUDAD, PUMALO NA SA 692 INDIBIDWAL
KAHALAGAHAN NG PAGSASAKA, IPINAKIKITA SA GINTONG BUTIL AGRI-FARM
ILAN SA MGA HEAVY EQUIPMENTS NG CITY GOVERNMENT, DUMATING NA!
ITINATAYONG 4 SATELLITE CITY HALL, PAMUMUNUAN NI EX-COUNCILOR RODRIGUEZ
PROYEKTONG PAILAW SA DALAWANG BARANGAY, TAPOS NA
16th CITY COUNCIL, NAGHALAL NA NG BAGONG CHAIRMAN SA MGA BAWAT KOMITE
FOREIGN WORKERS NA WALANG LISENSIYA, HINDI UMANO KUKUNSINTIHIN NI AMURAO
VIRGILIO TAGLE, ITINALAGANG BAGONG DILG CITY DIRECTOR
ILANG MAGTITINDA SA CITY BAYWALK, PAAALISIN
PUERTO PRINCESA 15TH CITY COUNCIL, NAKATANGGAP NG PARANGAL
ANTI FULL-FACE HELMET ORDINANCE, HINDI INAPRUBAHAN NG KONSEHO
ONE-STOP SHOP SA PAGKUHA NG MGA LISENSIYA, LILIKHAIN
121st ARAW NG KALAYAAN, IPINAGDIWANG
PAGBABAWAL SA PAGSUSUOT NG FULL-FACE HELMET, MULING ISINUSULONG
CLOUD SEEDING OPERATIONS NG PPCWD, MATAGUMPAY
NG PWD ID, PURCHASE BOOKLET
CITY WATER DISTRICT, PCSD, IPINATATAWAG SA SUSUNOD NA SESYON
MINIMUM RATE NG MGA JOB ORDER EMPLOYEE NG PPC, PLANONG TAASAN SA 2020
2 FIREFLY WATCHING DESTINATIONS SA LUNGSOD, BUBUKSAN
Newspaper of The Week
Advertise with Repetek
Weather
Currently
Currently
Islam
Lot For Sale
Public Transport Schedule
Bataraza/Rio Tuba
Palawan Shuttle Express Asso. Inc (Palshutex)
Puerto Prinsesa to Rio Tuba and vice versa
5:00am-6:30am,6:30am-8:30am, 11:30am upward daily trips
PCINSP Diosdado S. Alarcon PNP (Ret) - President
Contact Nos. 0917-553-2347 or 0921-594-9733 (for reservation)
Currency Converter