REPETEK, Ang Diyaryo ng Pilipino Sunday, December 15 2019
‘HINDI AKO PAPAYAG NA MAG-FAIL ANG SATELLITE CITY HALL PROJECT’- BAYRON



Ang ribbon cutting na isinagawa sa inagurasyon ng kauna-unahang Mini Satellite City Hall sa Macarascas noong ika- 5 ng Setyembre na pinangunahan nina Punong Lnugsod Lucilo Bayron, Vice Mayor Ma. Nancy Socrates, Former City Councilor Modesto Rodriguez, Sangguniang Panlungsod kasama ang ilang barangay officials ng naturang lugar. PHOTO//CLEA FAYE G. CAHAYAG)

“Gagawin ko lahat ng poder ko, lahat ng kapangyarihan ko. Hindi ako papayag na mag-fail ang satellite city hall na ito. Kailangan talaga magtagumpay ito.”

Ito ang may halong pagbabantang pahayag ni Mayor Lucilo R. Bayron sa inagurasyon ng kauna-unahang mini satellite city hall sa lungsod na isinagawa sa Barangay Macarascas noong ika-5 ng Setyembre.

Ani Bayron, hindi siya papayag na mabigo ang layunin sa pagtatayo ng nabanggit na opisina kaya inatasan nito ang lahat ng mga magiging opisyales ng mini city hall na gampanan ng maayos ang kani-kanilang mga tungkulin at trabaho upang mabigyan ng magandang serbisyo ang mga mamamayan.

“Kailangan naintindihan nila (empleyado) kung gaano kahalaga ang strategy na ito [sa pagtatayo ng mini city hall]. Di naman para sa akin ito kundi para sa mga mamamayan. Dahil sabi ko nga matagal nang napabayaan [ang ibang barangay kaya] panahon na para maasikaso ko [ang mga napag-iwanang barangay] kasi kung mag-fail ito (Macarascas Mini Satellite City Hall), fail din ang ibang mini city hall. Papaano na lang yong pinaplano nating dalahin ang pamahalaan ng mas malapit sa mga mamamayan?,” paliwanag ni Bayron.

Aminado ang alkalde na marami ang magsusulputang problema sa pagbubukas ng mini city hall kaya isang direktiba din ang kanyang ibinaba kay former City Councilor Modesto ‘Jonjie’ Rodriguez ll na siyang hahawak sa ilang mga mini satellite sa Puerto Princesa na kung magkaroon man ng mga problema ay bigyan agad umano ito ng solusyon.

“Dapat maliit palang [ang problema], asikasuhin agad huwag palalakihin, huwag palalakihin ang relasyon ng opisina sa mga kliyente natin, huwag palakihin ang relasyon ng mga nagtatrabaho [sa isa’t isa] kasi kailangan talaga cohesive, [dapat] nagkakaintindinhan [ang lahat],” paalala ng alkalde kay Rodriguez.

Ipinangako naman ni Rodriguez na gagawin niya ang lahat ng kanyang makakaya para magampanan ang posisyong iniatang sa kanya. Gagamitin din umano niya ang lahat ng kaalamang natutunan niya sa Punong Lungsod upang maayos na mapamahalaan ang nabanggit na opisina.

Samantala, sa darating na Lunes, ika- 11 ng Setyembre pormal nang magsisimula ang pagseserbisyo ng kauna-unahang mini satellite city hall sa Puerto Princesa.

Nangako naman ang Punong Lungsod na dadalo ang ilang opisyales ng City Government sa kauna-unahang flag ceremony sa nabanggit na city hall na susundan umano ng pagpupulong ng mga opisyales nito sa pangunguna ni Rodriguez.

LAYUNIN NG MINI CITY HALL
LAYUNIN umano ng mga mini city hall projects na ilapit sa mga mamamayan ang serbisyo ng City Government dahil sa nais ng alkalde na ang buong lungsod ang uunlad at walang napag-iiwanan.

Ang pagiging malaking siyudad ng Puerto Princesa ang siyang nagtulak sa pamahalaang lungsod na magtayo ng mga mini city hall sa piling mga strategic areas dahil hindi umano easily accessible ang lahat ng barangay na napapaloob dito.

“Sa malapit [na barangay] naasikaso [natin at yong mga malalayong rural area ay napag-iiwanan]. Panahon na para humabol ang mga brarangay na ito. Ito ang ating estratehiya para mabigyan ng atensiyon at makahabol iyong mga barangay sa mga malalayong barangay para pantay- pantay [at] sabay- sabay ang paglago natin”, ayon sa alkalde.

Kaya hinihiling ng Mayor na magkaisa at magtulungan ang bawat isa sa proyektong ito upang maging matagumpay.

Ang pagtatayo ng mga mini satellite city hall ay tinawag pang ‘winner strategy’ ng Mayor na tiyak gagayahin umano ng ibang lugar.

SEGURIDAD
WALA din umanong dapat ipag-alala ang mga empleyado sa kanilang seguridad sa nabanggit na lugar dahil magtatalaga ng mga pulis na siyang magbabantay sa peace and order sa Macarascas.

HEAVY EQUIPMENT
MAG-IIWAN din umano ng mga heavy equipment ang City Government sa lugar para sa pagmimintina ng mga kalsada at traktora naman na magagamit ng mga magsasaka.

SATELLITE CLINIC
INANUNSIYO din ng Alkalde ang planong pagtatayo ng satellite clinic sa tabi ng mini city hall sa Macarascas dahil ang serbisyong pangkalusugan ay isa sa dapat na tinututukan sa isang bayan.

“Sa tabi lang [ng mini city hall] dito [sa Macarascas] magtatayo tayo ng satellite clinic na mas malaki at mas moderno [klinika] at saka ito yong pinakapayong ng iba’t ibang mga satellite clinic natin sa lugar na ito”, pahayag ni Bayron.

NAPSAN MINI CITY HALL
SUSUNOD naman umanong bubuksan ang Napsan Mini City Hall, hinihintay na lamang na maikabit ang tubig at ilaw sa lugar at ang pagsesemento ng mga kalsada bago ito tuluyang buksan sa publiko.

Related Articles
P15 MILYONG HALAGA NG SPORTS EQUIPMENTS, NAIPAGKALOOB NA UMANO SA CITY GOVERNMENT
POWER INTERRUPTIONS NOONG BATANG PINOY, ISINISISI NG PALECO SA FIRE CRACKERS
ORDINANSA SA WASTONG PAGTAPON NG BASURA, HINILING NA MULING PAG-ARALAN
‘HINDI AKO PAPAYAG NA MAG-FAIL ANG SATELLITE CITY HALL PROJECT’- BAYRON
DOLE, MULING NAGKALOOB NG LIVELIHOOD PROGRAM
PAMAMAHAGI NG LIBRENG SCHOOL SUPPLIES, HINILING
ISANG CHINESE NATIONAL, NAIS IDEKLARANG PERSONA NON GRATA SA SIYUDAD
REHABILITATION PROGRAM NG CITY ENGINEERING OFFICE SA MAGARWAK, IPINAHIHINTO
ICEMCO, MAY BAGO NANG PANGANGALAGAANG CBST
PAGBABAWAL SA PAGPAPAGALA NG MGA ALAGANG ASO, MAHIGPIT NANG IPATUTUPAD
DILG MEMORANDUM CIRCULAR NO. 2019-121, IPATUTUPAD NA SA LUNGSOD
PPCWD, BUCOR, LUMAGDA SA ISANG JOINT VENTURE AGREEMENT
P250-M HALAGA NG BUCOR ACADEMY, ITATAYO SA IWAHIG
EXITING BENEFICIARIES NG 4P’S, BINIGYANG PARANGAL
5 CBST SA LUNGSOD, NAGING BENEPISYARYO NG LIVELIHOOD PROJECT NG DOLE
PUERTO BAY, POSITIBO ULI SA RED TIDE
P3.4-M SUPPLEMENTAL BUDGET NO. 2 NG LUNGSOD, LUSOT NA SA PINAL NA PAGBASA
MGA MAGSASAKANG APEKTADO NG DROUGHT SA SIYUDAD, PUMALO NA SA 692 INDIBIDWAL
KAHALAGAHAN NG PAGSASAKA, IPINAKIKITA SA GINTONG BUTIL AGRI-FARM
ILAN SA MGA HEAVY EQUIPMENTS NG CITY GOVERNMENT, DUMATING NA!
ITINATAYONG 4 SATELLITE CITY HALL, PAMUMUNUAN NI EX-COUNCILOR RODRIGUEZ
PROYEKTONG PAILAW SA DALAWANG BARANGAY, TAPOS NA
16th CITY COUNCIL, NAGHALAL NA NG BAGONG CHAIRMAN SA MGA BAWAT KOMITE
FOREIGN WORKERS NA WALANG LISENSIYA, HINDI UMANO KUKUNSINTIHIN NI AMURAO
VIRGILIO TAGLE, ITINALAGANG BAGONG DILG CITY DIRECTOR
ILANG MAGTITINDA SA CITY BAYWALK, PAAALISIN
PUERTO PRINCESA 15TH CITY COUNCIL, NAKATANGGAP NG PARANGAL
ANTI FULL-FACE HELMET ORDINANCE, HINDI INAPRUBAHAN NG KONSEHO
ONE-STOP SHOP SA PAGKUHA NG MGA LISENSIYA, LILIKHAIN
121st ARAW NG KALAYAAN, IPINAGDIWANG
PAGBABAWAL SA PAGSUSUOT NG FULL-FACE HELMET, MULING ISINUSULONG
CLOUD SEEDING OPERATIONS NG PPCWD, MATAGUMPAY
NG PWD ID, PURCHASE BOOKLET
CITY WATER DISTRICT, PCSD, IPINATATAWAG SA SUSUNOD NA SESYON
MINIMUM RATE NG MGA JOB ORDER EMPLOYEE NG PPC, PLANONG TAASAN SA 2020
2 FIREFLY WATCHING DESTINATIONS SA LUNGSOD, BUBUKSAN
Newspaper of The Week
Advertise with Repetek
Weather
Currently
Currently
Islam
Lot For Sale
Public Transport Schedule
Bataraza/Rio Tuba
Palawan Shuttle Express Asso. Inc (Palshutex)
Puerto Prinsesa to Rio Tuba and vice versa
5:00am-6:30am,6:30am-8:30am, 11:30am upward daily trips
PCINSP Diosdado S. Alarcon PNP (Ret) - President
Contact Nos. 0917-553-2347 or 0921-594-9733 (for reservation)
Currency Converter