REPETEK, Ang Diyaryo ng Pilipino Sunday, September 22 2019
ICEMCO, MAY BAGO NANG PANGANGALAGAANG CBST



ANG ipinasarang firefly watching site sa Iwahig River. (PHOTO//ICEMCO FACEBOOK PAGE)

IBINALITA ni Senior Tourism Operations Officer at Promotions and Marketing Division OIC Mitchie Hitosis sa lokal na midya noong ika-15 ng Agosto ang bagong nadiskubreng tourist attraction ng Iwahig Community Eco-Tourism Multi-purpose Cooperative (ICEMCO).

Bagama’t binitin pa ni Hitosis ang ilang detalye ukol dito, ibinunyag naman niyang ito ay kahalintulad ng noo’y hinawakan na Iwahig Firefly watching ng Kooperatiba.

“Firefly watching din [ito], nasa process na sila, inaayos [na lang] ang mga permits nila [sa City Government] and everything, [at] i-aassess na lang ng [City Tourism Office] Tourism kung feasible and possible ang kanilang napiling site,” pagbabalita ni Hitosis.

Matatandaang ipinasara ang Iwahig Firefly tour noong ika-26 ng Abril matapos mag-isyu si BuCor Legal Division Chief Frederick Anthony Santos ng Cease and Desist Order (CDO) dahil sa umano’y ‘breach of contract.’

Ang bagong firefly destination umano na bubuksan ay nasa lupang nasasakupan na ng City Government kaya ito kinakailangang dumaan sa isang assessment at inspeksiyon ng CTO.

Second quarter umano ng taon nadiskubre ng ICEMCO ang inaasahang dagdag atraksiyon sa lungsod.

Positibo rin silang mapatatakbo nang maayos ng nabanggit na Kooperatiba ang bagong atraksiyon sa siyudad ng Puerto Princesa lalo pa’t ang noo’y hinawakan nitong Iwahig Firefly Tour ay nakapaghakot ng mga parangal.

“Same people din naman ang nagpatakbo kaya naniniwala kami, kasi ‘yong mga taong ito, they’re trained how to manage it at sila rin naman ‘yong mga nasa likod kung bakit ‘yung Iwahig firefly dati was awarded, it’s an awardee.” Aside sa destination, it’s the service of the people that matters,” dagdag pa niya.

Inaasahan ng opisina ng City Tourism na kung maaayos na lahat ng dokumentong kinakailangan nito ay maaari na itong buksan sa publiko bago magtapos ang taon.

PAGBUBUKAS SA PRIVATE INVESTORS NG IWAHIG FIREFLY WATCHING
Kamakailan lamang nang mapabalitaan na binuksan na umano sa mga private investors ang pamamahala sa Iwahig Firefly Watching Tour na noo’y pinamahalaan ng ICEMCO.

Komento ni Hitosis, bukas naman umano ang City Government sa mga posibleng panibagong mamamahala sa lugar basta dumaan lamang sa legal na proseso.

Sapat na rin umano ang kanilang ginawang paghihintay at umasang ito ay mabubuksan muli sa pangangalaga ng ICEMCO ngunit mainam na rin umano na may bago nang natagpuang site ang Kooperatiba.

“Ang importante po ngayon, iyong mga dating member ng CBST ay nakahanap na rin sila ng bagong site. Sa Iwahig din pero sa labas na ng property ng Bureau of Corrections. Hindi na rin namin masyadong tinututukan iyon at pinapakialaman. Hindi natin kailangan maghintay kasi for quite sometime, nag- antay din kami tapos nakita ko rin ang initiative na i-reach out talagang nagsulat pa ang Mayor (Lucilo Byron) sa Regional Director parang ‘to no avail.’ Si [City Tourism Officer] Aileen [Amurao], nagre-reach out din sa Superintendent ng Iwahig pero [walang nangyari]. Ngayon, I think it’s a good opportunity, at least bago may mai-offer tayo na something bago,” pahayag ng opisyal.

Samantala, sa kasalukuyan, ang 60 indibidwal na miyembro ng ICEMCO ay may kanya-kanya munang pinagkakakitaan hangga’t hindi pa binubuksan ang bagong firefly watching destination.

May natira pa rin umanong pondo ang Kooperatiba na paghahati-hatian ng mga miyembro nito, ayon naman kay Melinda Mohamad, division chief of product planning and development ng CTO.

Related Articles
P15 MILYONG HALAGA NG SPORTS EQUIPMENTS, NAIPAGKALOOB NA UMANO SA CITY GOVERNMENT
POWER INTERRUPTIONS NOONG BATANG PINOY, ISINISISI NG PALECO SA FIRE CRACKERS
ORDINANSA SA WASTONG PAGTAPON NG BASURA, HINILING NA MULING PAG-ARALAN
‘HINDI AKO PAPAYAG NA MAG-FAIL ANG SATELLITE CITY HALL PROJECT’- BAYRON
DOLE, MULING NAGKALOOB NG LIVELIHOOD PROGRAM
PAMAMAHAGI NG LIBRENG SCHOOL SUPPLIES, HINILING
ISANG CHINESE NATIONAL, NAIS IDEKLARANG PERSONA NON GRATA SA SIYUDAD
REHABILITATION PROGRAM NG CITY ENGINEERING OFFICE SA MAGARWAK, IPINAHIHINTO
Newspaper of The Week
Advertise with Repetek
Weather
Currently
Currently
Islam
Lot For Sale
Public Transport Schedule
Bataraza/Rio Tuba
Palawan Shuttle Express Asso. Inc (Palshutex)
Puerto Prinsesa to Rio Tuba and vice versa
5:00am-6:30am,6:30am-8:30am, 11:30am upward daily trips
PCINSP Diosdado S. Alarcon PNP (Ret) - President
Contact Nos. 0917-553-2347 or 0921-594-9733 (for reservation)
Currency Converter