REPETEK, Ang Diyaryo ng Pilipino Thursday, February 20 2020
IKA-10 ANIBERSARYO NG MT. MATALINGAHAN BILANG PROTECTED AREA IPINAGDIWANG



SI Bb. Jenny Tabangay habang nagbibigay ng kanyang pannalita sa unang araw ng programa na inihanda kaugnay sa ika-10 anibersaryo ng Mt. Matalingahan. (PHOTO// DIANA ROSS M. CETENTA )

Sama-samang ipinagdiwang ng Protected Area Management Board, DENR, Pamahalaang Panlalawigan, pribadong sektor at iba pang stakeholder ang ikasampung anibersaryo ng Mt. Matalingahan bilang protected area na ang programa ay pinamagatang “10 Years Na! Samo’t sari 2019 Mt. Matalingahan, Pahalagahan.”

Sa anniversary message ni Bb. Jenny Tabangay, kinatawan nina Conservation International Philippines Country Executive Director Enrique Nuñez at Protect Wildlife Chief of Party Ernesto Guiang, lubos niyang pinasalamatan ang lahat ng nakiisa simula pa lamang na nakatulong upang tuluyan madeklarang protected landscape ang MMPL, lalong-lalo na umano ang mga indigenous people sa kung hindi nagtiwala at nagbigay ng endorsement ay hindi iyon naisakatuparan.

Sinariwa rin ni Tabangay ang mga pinagdaanan ng MMPL. Aniya, taong 2014 nang maisagawa ang ilang proseso ay naisama ito sa tentative list ng UNESCO.

Nakapagsumite na rin umano ang pamunuan ng final document noong Pebrero 2018 at noong nakaraang taon naman ay inindorso na ng Pilipinas upang mapasama nang tuluyan sa mga kandidato sa World Heritage Site. Kung magtatagumpay naman umano ay ito na ang Ikatlong WHS; ang mga nauna ay ang Puerto Princesa Underground River National Park (PPUR) at ang Tubbataha Reefs Natural Park (TRNP).

Ngayong taon umano ay magkakaroon ng biodiversity assessment monitoring sa nasabing bundok na napondohan ng Forest Foundation Philippines (FFP) kaya inaasahan umanong marami pang maisasama sa rekord ukol sa outstanding universal value ng Mt. Matalingahan. Bukod sa iba’t ibang halaman at hayop na matatagpuan sa lugar, 11 sa 12 forest formations umano ang makikita roon kaya napaka-importante na mapabilang sa inscription ng UNESCO dahil magsisilbi itong dagdag na proteksyon para sa MMPL at makatatanggap pa ng assistance upang makatulong na mamantini ang ecological integrity ng bundok.

Malugod din nilang ibinahagi sa mga dumalo na ito ang kauna-unahang protected area na may endowment fund mula sa Forest Foundation Philippines.

Sa ngayon ay mayroon na rin umano itong operations manual para sa taong 2011-2015, 2016-2020 at malapit na rin ang updated na 2021-2025. Mayroon na rin umano silang business plan.

Sa unang araw ng aktibidad para sa anibesaryo, dumalo rin sina PENRO-Palawan Eriberto Saños, CENRO-Puerto Princesa Felizardo Cayatoc bilang kinatawan ni DENR Regional Director Henry Adornado; Dr. Eric Zerrudo, direktor ng UST-Graduate School Center for Conservation of Cultural Property and the Environment in the Tropics (UST-CCCPET) at ang mga kinatawan nina Brooke’s Point Mayor Mary Jean Feliciano at FFP. Bandang hapon naman ay naglunsad ang PAMB ng MMPL ng CEPA campaign materials, at pormal ding binuksan ang arts and crafts para sa mga bata, native merchandise, photo booth, question and answer game, photo exhibit at nagkaroon ng talk ang Wildlife Expeditions Palawan.

Samantala, sa mga nagnanais namang masilayan nang personal ang Mt. Matalingahan ay kailangang limang araw bago ang plano na pag-akyat ay makapag-book na sa tanggapan ng MMPL upang maihanda ang access permit ng mas maaga at maiiwasan ang pagpapatong-taong ng bilang ng tao.

Ipinaliwanag ni G. Michael John Cantuba, community education and public awareness (CEPA) Officer ng MMPL, na ito ay sa kadahilanang kapag naabot na ang partikular na bilang na aakyat sa MMPL, tatlong araw pa ang binibilang nila bago uli magpaakyat ng panibagong batch.

Dagdag pa niya, kailangang pumunta ng turista sa DENR CENRO Quezon sa Brgy. Alfonso 13 at pagdating doon ay kakausapin nila nang pormal ang pamunuan at pipirmahan ang kanilang access permit.

Magbabayad lamang ng P250 ang isang local o Pilipinong turista para sa conservation fee habang P500 naman kada tao kapag mga banyaga. Karagdagang P700 naman umano ang ibinabayad sa kada araw sa tour guide at gayundin din sa porter.

Kailangan din umanong magdala ng mga damit, pagkain, tulugan, at portable na lutuan dahil bawal ang gumawa roon ng bahay-bahay at magsiga kapag nagluluto.

Maaabot umano ang tuktok ng bundok sa loob ng tatlong araw na lakaran habang ang pababa naman ay dalawang araw.

MGA PARAAN NG PAG-AKYAT
Maaari umanong marating ang bundok kapag dumaan sa bayan ng Jose P. Rizal at makabababa sa Munisipyo ng Brooke’s Point. Pwede umanong umakyat mula sa Ransang, Rizal at bababa ng Brgy. Malis, Brooke’s Point. Pwede ring mula sa Brgy. Malis at makabababa sa Ransang at mayroon ding backtrail na aakyat sa Ransang, Rizal at doon din bababa.

Paalaala lamang ng pamunuan sa mga turistang aakyat sa Mt. Matalingahan na huwag magkalat at irespeto ang buhay na sa nasbaing lugar na lubos nilang pinangangalagaan.

Related Articles
PAGTATAYO NG MGA PSYCHIATRIC EMERGENCY ROOM, IPINANUNUKALA
ORDINANSANG IPAGBABAWAL ANG PAGSASANGLA NG 4P’S CASHCARDS, ISINUSULONG
ASAWA NG NAWAWALANG MANGINGISDA SA BAYAN NG ROXAS, PALAWAN, NANAWAGAN
MOBILE CLINIC PARA SA NORTE AT SUR NG PALAWAN, HINILING SA DOH-CHD
MGA BAGONG ABOGADO SA MGA ASPIRING LAW STUDENT: ‘WALANG SUKUAN’
SCHOOL-BASED IMMUNIZATION, INILUNSAD NG DOH-CHD MIMAROPA SA PALAWAN
MGA HUGOT, BUMUHOS SA SOCIAL MEDIA DAHIL SA 3 ARAW NA BLACKOUT SA BAYAN NG ROXAS
MAHIGPIT NA PAGSUNOD SA SPEED LIMIT, IPINAALAALA NG PROV’L BOARD SA MGA LGU
ISANG PALM OIL COMPANY SA PALAWAN, SINAMPULAN NG DENR-MIMAROPA
PALAWAN IPMR, MULING UMUPO SA KONSEHO SA PAMAMAGITAN NG HOLDOVER CAPACITY
TOP 5 SA MGA MAY MATAAS NA KASO NG DENGUE SA PALAWAN, INILABAS NG DOH-CHD MIMAROPA
COAL PLANT APPLICATION PALAWAN, BINIGYAN NA NG ECC NG DENR-MIMAROPA
CHINESE FISHING VESSEL, MAS DUMAMI UMANO ANG PRESENSIYA SA WEST PHILIPPINE SEA
TERORISTANG CPP-NPA HADLANG UMANO SA KAUNLARAN, AYON SA WESCOM
PANGANGALAGA SA RASA ISLAND WILDLIFE SANCTUARY, PATULOY NA PINAIIGTING
‘WALANG ABU SAYYAF ANG WESCOM AREA’
MALAMYANG AKSYON NG PILIPINAS SA KABILA NG GINAGAWA NG TSINA SA WPS, TINALAKAY
WESCOM, UMANONG NA-MONITOR NA MISSILE TESTING SA WEST PHILIPPINE SEA
PCL-PALAWAN, MAYROON NG BAHAY-TULUYAN SA LUNGSOD
IKA-10 ANIBERSARYO NG MT. MATALINGAHAN BILANG PROTECTED AREA IPINAGDIWANG
MBLT-3, DARATING SA PALAWAN UPANG HUMALILI SA MBLT-12
NEDA, HINDI UMANO TUTOL SA PAGHAHATI NG PALAWAN SA TATLONG PROBINSYA
14 BILANGGO NG IWAHIG PRISON AND PENAL FARM, MAKALALAYA NA
BANGKA NG MGA MANGINGISDANG PINOY, BINONGGO NG CHINESE VESSEL?
NASA 100 PALAWENYO, LUMAHOK SA BASIC STARTUP WORKSHOP NG DICT, QBO INNOVATION HUB
LOKAL NA PAMAHALAAN NG NARRA, PINAGHAHANDAAN NA ANG IKA-50 ANIBERSARYO
14 CENTENARIAN SA PALAWAN, NAKATAKDANG GAWARAN NG CASH GIFT NG DSWD
FOOD SAFETY SEMINAR, ISINAGAWA NG DTI-PALAWAN
NAWAWALANG DIVER SA TUBBATAHA, PATULOY PA RING PINAGHAHANAP
E-PERMITTING SYSTEM, NAKATAKDANG IPATUPAD NG PCSDS
PNNI, NAGSAGAWA NG TAHIMIK NA KILOS-PROTESTA
KATUTUBONG PALAW’AN NA SANGGOL, AKSIDENTENG NATAMAAN NG PANA SA ULO
SPOTTED WOOD OWL, ISINURENDER NG ISANG CONCERNED CITIZEN
IKATLONG IPMR NG PALAWAN, COA NA LAMANG UMANO ANG KULANG UPANG MAKAUPO
Newspaper of The Week
Advertise with Repetek
Weather
Currently
Currently
Islam
Lot For Sale
Public Transport Schedule
Bataraza/Rio Tuba
Palawan Shuttle Express Asso. Inc (Palshutex)
Puerto Prinsesa to Rio Tuba and vice versa
5:00am-6:30am,6:30am-8:30am, 11:30am upward daily trips
PCINSP Diosdado S. Alarcon PNP (Ret) - President
Contact Nos. 0917-553-2347 or 0921-594-9733 (for reservation)
Currency Converter