REPETEK, Ang Diyaryo ng Pilipino Thursday, February 20 2020
IKATLONG IPMR NG PALAWAN, COA NA LAMANG UMANO ANG KULANG UPANG MAKAUPO



IPMR JOEL LUMIS (PHOTO//DIANA ROSS M. CETENTA)

CERTIFICATE of Confirmation (COA) na lamang umano ang inaantay ng hahaliling Indigenous Peoples Mandatory Representative (IPMR) sa Konseho ng lalawigan ng Palawan.

Ito ang kinumpirma ng kasalukuyang IPMR ng lalawigan na si G. Joel Lumis, ang pangatlong kinatawan ng mga IP’s sa Sangguniang Panlalawigan na mula sa hanay ng tribung Tagbanua.

Sa one-on-one interview ng Repetek Team kay Lumis matapos ang kanilang sesyon noong ika-21 ng

Mayo, ipinabatid niyang tapos nang nakapag-usap ang siyam na tribu ng Palawan noon pang buwan ng Abril para sa selection process ng kasunod na uupong IPMR sa Junta Probinsiyal.

“Bago po nagkaroon ng eleksyon [sa bansa], nagpatawag na po tayo sa Tribung Palaw’an para magkaroon ng selection process. Ngayon, inaasahan natin na sana paglabas ko rito sa opisina, may kapalit kaagad ako para ang mga kababayan nating katutubo ay may mapuntahan silang opisina. At least may malapitan sila,” ani Lumis.

Ang napili umano ay si Bb. Purita Seguritan, isang Palaw’an. Ang nasabing tribu ay karaniwang matatagpuan sa bayan ng Jose Rizal at makikita rin simula sa Narra, Quezon, Española, Bataraza, at Brooke’s Point, pawang sa southern Palawan.

Ang 36 taong gulang na si Lumis naman ay mula sa Isaub, Aborlan, Palawan at pumalit kay dating IPMR at ngayo’y pinuno na ng Palawan Rescue 165 na si Richristopher Magbanua.

Tiyuhin ni Lumis ang yumaong kauna-unahang IPMR ng probinsiya na si Noel Jagmis, na umupo sa posisyon noong 2014, na mula rin sa bayan ng Aborlan at isa ring Tagbanua. Hindi lamang natapos ni Jagmis ang kanyang isang termino dahil maaga siyang binawian ng buhay.

Sa buwan ng Disyembre pa ang ikalawang taon ni Lumis ngunit nakahanda na umano siyang bumaba dahil nanalo siyang pangpitong kagawad ng munisipyo Aborlan. Kaya, aniya, kapag dumating na ang COA ni Seguritan anumang araw ay nakahanda na siyang magbigay-daan.

Kung sakalin naman umanong sa nakatakda niyang pagbaba sa pwesto sa Hunyo at wala pa ring inilalabas na COA ang NCIP Regional Office ay humingi na umano siya ng mga payo mula sa mga kapwa niya IP’s kung paano ang magiging sistema kapag iyon ay nangyari.

Kung siya naman umano ang tatanungin, kung kinakailangang sabay siyang magtrabaho sa dalawang pwesto upang di mabakantihan ang IPMR Office ay nakahanda naman umano siyang gawin iyon upang ipagpatuloy ang kanyang responsibilidad. Ang mahalaga lamang umano ay hindi niya mapabayaan ang mga pangako niya para sa mga kapatid niyang mga katutubo.

KAHALAGAHAN NG IPMR

“Nakapahalaga, dapat nga lahat ng barangay, lahat ng munisipyo ng province ay may uupong IPMR kasi, una, mayroong ginagalawan ang mga IP’s sa kanilang mga ancestral domain na hindi ginagalawan ng regular member ng mga kagawad ng municipal kagawad at provincial board member kasi may ideya ang IP’s na naaangkop lang sa kultura nila para roon. Kaya napakahalaga, at least, maisama sa paggawa ng mga ordinansa na maisama na ‘Ito kami’, ‘Ito ‘yung mga nararapat sa amin,’ ‘Ito ang dapat kilalanin,” ani Lumis.

Aniya, kung walang IPMR ang barangay o munisipyo ay walang magpaparating sa Provincial Government ukol sa kailangan ng barangay, o munisipyo. “Sila ang magiging boses ng mga IP’s sa Palawan,” ani Lumis.

Napagkayarian na rin umano nilang pagkatapos ng posisyon ng tribu ng Tagbanua, ang sunod na uupo sa pwesto ay mula sa tribung Palaw’an. Pagkatapos umano nito ay taga-norte na naman ang hahawak sa pwesto.

Maliban sa mga Palaw’an, ang iba pang kasama sa siyam na mga tribu ng lalawigan ng Palawan ay ang Tagbanua Central na makikita sa bayan ng Aborlan, Tagbanua Tandulanen na matatagpuan simula Roxas hanggang San Vicente, El Nido, at Taytay; Tagbanua Calamianen mula Linapacan, Busuanga, at Coron; ang mga Cuyunon mula sa Cuyo, Cagayanen na galing sa Cagayancillo, Agutaynen na galing sa Agutaya, Batak simula Roxas hanggang Puerto Princesa City, at ang Molbog na matatagpuan sa Balabac.

NAPAG-IWANANG TRIBU: BATAK AT PALAW’AN

Aniya, sa Palawan, ang mga napag-iwanang mga kasapi ng tribu ay ang mga Batak at Palaw’an sapagkat mababa lamang ang porsiyento na mula sa kanila ang nabibigyan ng pagkakataon halimbawa umano ay posisyon sa mga opisina bilang trabahante at maging sa political career. Maliban pa sa iilan lamang sa bilang nila ang nakapag-aaral sa kanila.

Ito umano ang dahilan kaya mainam na ang kasunod na uupo ay mula sa Palaw’an. Matatandaan ding ang kasalukuyang nakaupo ngayong IPMR sa lungsod ng Puerto Princesa ay mula sa hanay ng mga Batak sa kaparehas ding kadahilanan; sa selection process umano ay emosyunal na nanindigan ang apat lamang na miyembro ng grupo na bigyan din sila ng pagkakataon sapagkat ilang taon ng lumipas na napabayaan sila ng gobyerno at lipunan.

Related Articles
PAGTATAYO NG MGA PSYCHIATRIC EMERGENCY ROOM, IPINANUNUKALA
ORDINANSANG IPAGBABAWAL ANG PAGSASANGLA NG 4P’S CASHCARDS, ISINUSULONG
ASAWA NG NAWAWALANG MANGINGISDA SA BAYAN NG ROXAS, PALAWAN, NANAWAGAN
MOBILE CLINIC PARA SA NORTE AT SUR NG PALAWAN, HINILING SA DOH-CHD
MGA BAGONG ABOGADO SA MGA ASPIRING LAW STUDENT: ‘WALANG SUKUAN’
SCHOOL-BASED IMMUNIZATION, INILUNSAD NG DOH-CHD MIMAROPA SA PALAWAN
MGA HUGOT, BUMUHOS SA SOCIAL MEDIA DAHIL SA 3 ARAW NA BLACKOUT SA BAYAN NG ROXAS
MAHIGPIT NA PAGSUNOD SA SPEED LIMIT, IPINAALAALA NG PROV’L BOARD SA MGA LGU
ISANG PALM OIL COMPANY SA PALAWAN, SINAMPULAN NG DENR-MIMAROPA
PALAWAN IPMR, MULING UMUPO SA KONSEHO SA PAMAMAGITAN NG HOLDOVER CAPACITY
TOP 5 SA MGA MAY MATAAS NA KASO NG DENGUE SA PALAWAN, INILABAS NG DOH-CHD MIMAROPA
COAL PLANT APPLICATION PALAWAN, BINIGYAN NA NG ECC NG DENR-MIMAROPA
CHINESE FISHING VESSEL, MAS DUMAMI UMANO ANG PRESENSIYA SA WEST PHILIPPINE SEA
TERORISTANG CPP-NPA HADLANG UMANO SA KAUNLARAN, AYON SA WESCOM
PANGANGALAGA SA RASA ISLAND WILDLIFE SANCTUARY, PATULOY NA PINAIIGTING
‘WALANG ABU SAYYAF ANG WESCOM AREA’
MALAMYANG AKSYON NG PILIPINAS SA KABILA NG GINAGAWA NG TSINA SA WPS, TINALAKAY
WESCOM, UMANONG NA-MONITOR NA MISSILE TESTING SA WEST PHILIPPINE SEA
PCL-PALAWAN, MAYROON NG BAHAY-TULUYAN SA LUNGSOD
IKA-10 ANIBERSARYO NG MT. MATALINGAHAN BILANG PROTECTED AREA IPINAGDIWANG
MBLT-3, DARATING SA PALAWAN UPANG HUMALILI SA MBLT-12
NEDA, HINDI UMANO TUTOL SA PAGHAHATI NG PALAWAN SA TATLONG PROBINSYA
14 BILANGGO NG IWAHIG PRISON AND PENAL FARM, MAKALALAYA NA
BANGKA NG MGA MANGINGISDANG PINOY, BINONGGO NG CHINESE VESSEL?
NASA 100 PALAWENYO, LUMAHOK SA BASIC STARTUP WORKSHOP NG DICT, QBO INNOVATION HUB
LOKAL NA PAMAHALAAN NG NARRA, PINAGHAHANDAAN NA ANG IKA-50 ANIBERSARYO
14 CENTENARIAN SA PALAWAN, NAKATAKDANG GAWARAN NG CASH GIFT NG DSWD
FOOD SAFETY SEMINAR, ISINAGAWA NG DTI-PALAWAN
NAWAWALANG DIVER SA TUBBATAHA, PATULOY PA RING PINAGHAHANAP
E-PERMITTING SYSTEM, NAKATAKDANG IPATUPAD NG PCSDS
PNNI, NAGSAGAWA NG TAHIMIK NA KILOS-PROTESTA
KATUTUBONG PALAW’AN NA SANGGOL, AKSIDENTENG NATAMAAN NG PANA SA ULO
SPOTTED WOOD OWL, ISINURENDER NG ISANG CONCERNED CITIZEN
IKATLONG IPMR NG PALAWAN, COA NA LAMANG UMANO ANG KULANG UPANG MAKAUPO
Newspaper of The Week
Advertise with Repetek
Weather
Currently
Currently
Islam
Lot For Sale
Public Transport Schedule
Bataraza/Rio Tuba
Palawan Shuttle Express Asso. Inc (Palshutex)
Puerto Prinsesa to Rio Tuba and vice versa
5:00am-6:30am,6:30am-8:30am, 11:30am upward daily trips
PCINSP Diosdado S. Alarcon PNP (Ret) - President
Contact Nos. 0917-553-2347 or 0921-594-9733 (for reservation)
Currency Converter