REPETEK, Ang Diyaryo ng Pilipino Tuesday, November 19 2019
ILAN SA MGA HEAVY EQUIPMENTS NG CITY GOVERNMENT, DUMATING NA!



ANG pagbabasbas sa mga bagong dating na heavy equipments ng City Government. (CONTRIBUTED PHOTO//DIANE ALMODAL)

Iprinisenta ni Punong Lungsod Lucilo Bayron noong Lunes, ika-8 ng Hulyo ang mga bagong heavy equipments ng City Government.

Kabilang sa mga equipments na dumating ang isang yunit ng excavator na nagkakahalaga ng P6,380,000, isang yunit ng grader na P5,550,000 ang halaga, isang yunit ng six wheeler dumptruck na nagkakahalaga ng P2,492,000, isang yunit ng compactor/vibratory roller na may halagang P3,538,000 at P16,600,000 worth na dalawang yunit ng ten wheeler dump truck.

Ani Bayron, ang heavy equipments ay sa ilalim ng 2019 Equipment Acquisition Program na may pondong P39,544,000.

“Kanina, b-in-lessing-an natin ang ilang equipments ng City. ‘Yan ay partial pa lang ng ating Equipment Acquisition Program for 2019. Marami pang darating at ang target talaga natin para sa full [implementation] ng ating mga mini city halls, ‘pag nakumpleto natin ang complement na ‘yan, ang mga maintenance ng ating mga kalsada sa labas na kailangang kailangan ng magsasaka at mangingisda ay maasikaso na natin nang mabilisan,” pahayag ng Alkalde matapos ang Flag Raising Ceremony ng City Government.

Layunin umano ng mga bagong kagamitan na makatulong sa mga proyektong pang-imprastraktura ng Pamahalaang Panlungsod, partikular sa pagtatayo at maintenance ng mga Mini- City Halls ng siyudad, proyekto sa bawat barangay at pagsasaayos ng mga kalsada.

Binanggit din ng Alkalde na ngayong 2019, tututukan niya ang opisina ng City Engineering Office dahil target ng City Government na sa taong 2020 ay wala na umanong mga proyekto ang lungsod na ipapakontrata.

“Ngayong taon na ito magfo-focus naman tayo sa City Enginieering [Office]. ‘Yung full complement ng equipment na kailangan ninyo from maintenance to construction, dapat by the year 2020, eh! meron na tayong capability na ‘by administration.’ Malakihan na, hindi ‘yung pakunti-konti and by the year 2021, full na ang inyong focus diyan kasi wala na tayong ipapakontratang projects. Sa 2021, lahat ‘By Administration’ na kung kalsada o building ang pinag-uusapan,” pahayag ni Bayron para sa City Engineering Office.

Sa hiwalay naman na panayam kay City Information Officer Richard Ligad, binanggit niyang inaasahan umano na ngayong taon ay makukumpleto na ang kabuuang bilang ng mga heavy equipments.

“Kasunod nito, by the end of the month, may darating na naman…[at] inaasahang makumpleto ang lahat ng equipment na ‘yan. Marami pa [ang darating gaya [ng] may mga pison pang darating,” ayon pa kay Ligad.

Hinggil naman sa plano ng Punong Lungsod na pagsapit ng taong 2020 ay wala ng mga ipapakontratang proyekto ang siyudad, susog niya, malaki ang matitipid ng City Government kung ito ay maisasakatuparan.

“Target ng Alkalde kasi [by 2020 ay] mas malaki ang matitipid [ng Pamahalaang Panlungsod] kapag ka ‘By Admin’ kaysa ‘By Contract’ [na pagpapatupad ng mga proyekto]. Alam naman natin na sa ‘By contract,’ meron pang contractors fee. Doon pa lang talo na ang gobyerno [habang] kung ‘By Admin,’ ‘yan kumpleto ang iyong equipment, wala ka ng gagastusing contractors fee sa program of work. Doon pa lang malaking tipid na ng gobyerno,” pagpupunto pa ng opisyal.

Related Articles
P15 MILYONG HALAGA NG SPORTS EQUIPMENTS, NAIPAGKALOOB NA UMANO SA CITY GOVERNMENT
POWER INTERRUPTIONS NOONG BATANG PINOY, ISINISISI NG PALECO SA FIRE CRACKERS
ORDINANSA SA WASTONG PAGTAPON NG BASURA, HINILING NA MULING PAG-ARALAN
‘HINDI AKO PAPAYAG NA MAG-FAIL ANG SATELLITE CITY HALL PROJECT’- BAYRON
DOLE, MULING NAGKALOOB NG LIVELIHOOD PROGRAM
PAMAMAHAGI NG LIBRENG SCHOOL SUPPLIES, HINILING
ISANG CHINESE NATIONAL, NAIS IDEKLARANG PERSONA NON GRATA SA SIYUDAD
REHABILITATION PROGRAM NG CITY ENGINEERING OFFICE SA MAGARWAK, IPINAHIHINTO
ICEMCO, MAY BAGO NANG PANGANGALAGAANG CBST
PAGBABAWAL SA PAGPAPAGALA NG MGA ALAGANG ASO, MAHIGPIT NANG IPATUTUPAD
DILG MEMORANDUM CIRCULAR NO. 2019-121, IPATUTUPAD NA SA LUNGSOD
PPCWD, BUCOR, LUMAGDA SA ISANG JOINT VENTURE AGREEMENT
P250-M HALAGA NG BUCOR ACADEMY, ITATAYO SA IWAHIG
EXITING BENEFICIARIES NG 4P’S, BINIGYANG PARANGAL
5 CBST SA LUNGSOD, NAGING BENEPISYARYO NG LIVELIHOOD PROJECT NG DOLE
PUERTO BAY, POSITIBO ULI SA RED TIDE
P3.4-M SUPPLEMENTAL BUDGET NO. 2 NG LUNGSOD, LUSOT NA SA PINAL NA PAGBASA
MGA MAGSASAKANG APEKTADO NG DROUGHT SA SIYUDAD, PUMALO NA SA 692 INDIBIDWAL
KAHALAGAHAN NG PAGSASAKA, IPINAKIKITA SA GINTONG BUTIL AGRI-FARM
ILAN SA MGA HEAVY EQUIPMENTS NG CITY GOVERNMENT, DUMATING NA!
ITINATAYONG 4 SATELLITE CITY HALL, PAMUMUNUAN NI EX-COUNCILOR RODRIGUEZ
PROYEKTONG PAILAW SA DALAWANG BARANGAY, TAPOS NA
16th CITY COUNCIL, NAGHALAL NA NG BAGONG CHAIRMAN SA MGA BAWAT KOMITE
FOREIGN WORKERS NA WALANG LISENSIYA, HINDI UMANO KUKUNSINTIHIN NI AMURAO
VIRGILIO TAGLE, ITINALAGANG BAGONG DILG CITY DIRECTOR
ILANG MAGTITINDA SA CITY BAYWALK, PAAALISIN
PUERTO PRINCESA 15TH CITY COUNCIL, NAKATANGGAP NG PARANGAL
ANTI FULL-FACE HELMET ORDINANCE, HINDI INAPRUBAHAN NG KONSEHO
ONE-STOP SHOP SA PAGKUHA NG MGA LISENSIYA, LILIKHAIN
121st ARAW NG KALAYAAN, IPINAGDIWANG
PAGBABAWAL SA PAGSUSUOT NG FULL-FACE HELMET, MULING ISINUSULONG
CLOUD SEEDING OPERATIONS NG PPCWD, MATAGUMPAY
NG PWD ID, PURCHASE BOOKLET
CITY WATER DISTRICT, PCSD, IPINATATAWAG SA SUSUNOD NA SESYON
MINIMUM RATE NG MGA JOB ORDER EMPLOYEE NG PPC, PLANONG TAASAN SA 2020
2 FIREFLY WATCHING DESTINATIONS SA LUNGSOD, BUBUKSAN
Newspaper of The Week
Advertise with Repetek
Weather
Currently
Currently
Islam
Lot For Sale
Public Transport Schedule
Bataraza/Rio Tuba
Palawan Shuttle Express Asso. Inc (Palshutex)
Puerto Prinsesa to Rio Tuba and vice versa
5:00am-6:30am,6:30am-8:30am, 11:30am upward daily trips
PCINSP Diosdado S. Alarcon PNP (Ret) - President
Contact Nos. 0917-553-2347 or 0921-594-9733 (for reservation)
Currency Converter