REPETEK, Ang Diyaryo ng Pilipino Monday, October 21 2019
ILANG MAGTITINDA SA CITY BAYWALK, PAAALISIN



(PHOTOS//CLEA FAYE G. CAHAYAG)

Paaalisin na umano ang nasa 50-70 magtitinda sa Puerto Princesa City Baywalk matapos na isyuhan noong Lunes, ika-24 ng Hunyo ng termination of contract.

Ayon kay City Tourism Officer Aileen Cynthia Amurao, noong Mayo pa umano nag-expire ang tatlong taong kontrata ng mga iyon.

Kabilang umano sa mga apektadong vendors ay ang mga food stalls, food carts, bike renting, souvenir shops at iba pa.

“We have decided to issue na ng termination of contract where in fact terminated na rin talaga sila. So, ‘yun, ire-review again; titignan ulit: ‘Ano ba tlaga ang sitwasyon diyan [Baywalk]?’ Hindi lang naman mga vendors, merong concrete stall [din] with spaces na nag-uupa, nagle-lease sa City Government. Iba’t ibang klase ng stalls, lahat ng ‘yan, wala na silang kontrata kasi nag-end lahat. Basically, n’ung May pa. Lahat sila ngayon wala ng contract from the City,” ayon sa opisyal.

Nilinaw din ni Amurao na walang katotohanan na paaalisin ang mga magtitinda dahil sa expansion project ng City Baywalk.

Sa isinagawa umanong pag-aaral ng City Legal Office, napatunayang wala ng bisa ang mga kontrata ng mga ito.

Binanggit din ng opisyal na ilan sa mga tindera/tindero sa lugar ay lumabag sa kontrata matapos anilang ipa-sub-lease ang kanilang puwesto sa ibang nagnanais magtinda sa lugar.

“Marami ang hindi nag-o-operate. N’ung tiningnan natin ang payment nila ng monthly rentals nila, Diyos Ko! nag-update sila, yet they are not operating. Magbabayad sila ng P500 para mapuwestuhan doon. Wala na ang totoong may-ari parang nagsalinsalin na. Ang City Baywalk [Management] di nila na alam kung sino ang kausap niya,” ayon pa kay Amurao.

“Subleasing actually is illegal under the contract. So mayroong breach of contract [na naganap dito],” tahasang pahayag ni Amurao.

“Y’ung mga orginal na may hawak ng kontrata ay wala na. So, we have to balance, kasi, baka one day maging mas malala [na] ang problema. ‘Yan po ‘yung unang kinokorek natin, tinitingnan natin ‘Sino pa ba ‘yung qualified to renew their contracts?” dagdag pa ng opisyal.

Bagama’t hindi ito ang unang pagkakataon na kinausap aniya ang mga vendors ukol sa kanilang mga kontrata ay tila nagbingi-bingihan lamang umano sila sa pagproseso ng mga dokumento.

Aniya pa, ito na rin ang pagkakataon para maisaayos ang pamamalakad sa mga establisyimento sa baywalk, lalo pa’t ito ay isa rin sa mga atraksiyon sa lungsod.

“Panahon na para ayusin, panahon na para makahinga muna siya kasi parang nilagay natin siya na hindi naman tlaga prepared si Baywalk. Maraming mga hindi sumunod ‘yung mga restaurant nakita naman natin saan ba nagfo-flow ang mga tubig nila; from lavatory dire-diretso lang [sa dagat]. Nakikita naman lahat ng [mga] turista ‘yan,” paliwanag pa ni Amurao.

Samantala, bukas naman umano ang Pamahalaang Panlunsgod sa mga nagnanais mag-aplay. Tumungo lamang sa opisina ng Alkalde ng lunsgod ng Puerto Princesa sa New Green City Hall sa Brgy. Sta. Monica.

Related Articles
P15 MILYONG HALAGA NG SPORTS EQUIPMENTS, NAIPAGKALOOB NA UMANO SA CITY GOVERNMENT
POWER INTERRUPTIONS NOONG BATANG PINOY, ISINISISI NG PALECO SA FIRE CRACKERS
ORDINANSA SA WASTONG PAGTAPON NG BASURA, HINILING NA MULING PAG-ARALAN
‘HINDI AKO PAPAYAG NA MAG-FAIL ANG SATELLITE CITY HALL PROJECT’- BAYRON
DOLE, MULING NAGKALOOB NG LIVELIHOOD PROGRAM
PAMAMAHAGI NG LIBRENG SCHOOL SUPPLIES, HINILING
ISANG CHINESE NATIONAL, NAIS IDEKLARANG PERSONA NON GRATA SA SIYUDAD
REHABILITATION PROGRAM NG CITY ENGINEERING OFFICE SA MAGARWAK, IPINAHIHINTO
ICEMCO, MAY BAGO NANG PANGANGALAGAANG CBST
PAGBABAWAL SA PAGPAPAGALA NG MGA ALAGANG ASO, MAHIGPIT NANG IPATUTUPAD
DILG MEMORANDUM CIRCULAR NO. 2019-121, IPATUTUPAD NA SA LUNGSOD
PPCWD, BUCOR, LUMAGDA SA ISANG JOINT VENTURE AGREEMENT
P250-M HALAGA NG BUCOR ACADEMY, ITATAYO SA IWAHIG
EXITING BENEFICIARIES NG 4P’S, BINIGYANG PARANGAL
5 CBST SA LUNGSOD, NAGING BENEPISYARYO NG LIVELIHOOD PROJECT NG DOLE
PUERTO BAY, POSITIBO ULI SA RED TIDE
P3.4-M SUPPLEMENTAL BUDGET NO. 2 NG LUNGSOD, LUSOT NA SA PINAL NA PAGBASA
MGA MAGSASAKANG APEKTADO NG DROUGHT SA SIYUDAD, PUMALO NA SA 692 INDIBIDWAL
KAHALAGAHAN NG PAGSASAKA, IPINAKIKITA SA GINTONG BUTIL AGRI-FARM
ILAN SA MGA HEAVY EQUIPMENTS NG CITY GOVERNMENT, DUMATING NA!
ITINATAYONG 4 SATELLITE CITY HALL, PAMUMUNUAN NI EX-COUNCILOR RODRIGUEZ
PROYEKTONG PAILAW SA DALAWANG BARANGAY, TAPOS NA
16th CITY COUNCIL, NAGHALAL NA NG BAGONG CHAIRMAN SA MGA BAWAT KOMITE
FOREIGN WORKERS NA WALANG LISENSIYA, HINDI UMANO KUKUNSINTIHIN NI AMURAO
VIRGILIO TAGLE, ITINALAGANG BAGONG DILG CITY DIRECTOR
ILANG MAGTITINDA SA CITY BAYWALK, PAAALISIN
PUERTO PRINCESA 15TH CITY COUNCIL, NAKATANGGAP NG PARANGAL
ANTI FULL-FACE HELMET ORDINANCE, HINDI INAPRUBAHAN NG KONSEHO
ONE-STOP SHOP SA PAGKUHA NG MGA LISENSIYA, LILIKHAIN
121st ARAW NG KALAYAAN, IPINAGDIWANG
PAGBABAWAL SA PAGSUSUOT NG FULL-FACE HELMET, MULING ISINUSULONG
CLOUD SEEDING OPERATIONS NG PPCWD, MATAGUMPAY
NG PWD ID, PURCHASE BOOKLET
CITY WATER DISTRICT, PCSD, IPINATATAWAG SA SUSUNOD NA SESYON
MINIMUM RATE NG MGA JOB ORDER EMPLOYEE NG PPC, PLANONG TAASAN SA 2020
2 FIREFLY WATCHING DESTINATIONS SA LUNGSOD, BUBUKSAN
Newspaper of The Week
Advertise with Repetek
Weather
Currently
Currently
Islam
Lot For Sale
Public Transport Schedule
Bataraza/Rio Tuba
Palawan Shuttle Express Asso. Inc (Palshutex)
Puerto Prinsesa to Rio Tuba and vice versa
5:00am-6:30am,6:30am-8:30am, 11:30am upward daily trips
PCINSP Diosdado S. Alarcon PNP (Ret) - President
Contact Nos. 0917-553-2347 or 0921-594-9733 (for reservation)
Currency Converter