REPETEK, Ang Diyaryo ng Pilipino Tuesday, November 19 2019
ILANG PROYEKTO AT PROGRAMANG PINUNDUHAN SA ILALIM NG SUPPLEMENTAL BUDGET NO. 2 NG CITY GOV’T, KINUWESTIYON NI KGD. MARISTELA



I Konsehal Jimbo Maristela nang magbigay ng kanyang privilege speech, Hulyo 22.(PHOTO//CLEA FAYE G. CAHAYAG)

SA kauna-unahang privilege speech ni City Councilor Peter Maristela mula nang magbukas ang ika-16 Sangguniang Panlungsod, laman ng kanyang talumpati noong Lunes, ika- 22 ng Hulyo ang mga kuwestiyonable umanong pondo ng ilang programa at proyekto sa ilalim ng Supplemental Budget No. 2 ng City Government.

Isa sa mga tinutulan ng minorya na kanyang kinabibilangan, kasama si Kgd. Patrick Alex Hagedorn, ay ang paglalaan ng P50,000,000 para sa switch yard facility may kinalaman sa Waste to Energy Project (WTE) ng City Government at Austworks Corp.

Nakasaad sa Kasunduan ang pagbili ng City Government ng kuryente sa Austworks Corp. kung saan ang naturang elektrisidad ay kukunin sa magi-generate na kuryente ng Austworks sa Sanitary Landfill ng lungsod.

Tinawag itong “sweetheart deal” ni Maristela na umano’y isang paglabag sa government Procurement Procedure.

“Lumalabas na ang nasabing proyekto ng Austworks at City Government ay isang ‘sweetheart deal’ dahil pinag-uusapan pa lang [ang proyekto], pinunduhan na at ang pondo na inilaan ay batay sa napagkasunduan ng ehekutibo at ng Austworks Corp.,” ayon kay Maristela.

Liban dito, nakatakda ring bumili ang lokal na pamahalaan ng ilang heavy equipments gaya ng isang yunit ng mobile crusher na nagkakahalaga ng P26, 600,000, mounted spade truck sa halagang P27,000,000 at batching plant na P13,620,000 na pawang pinunduhan sa ilalim ng Supplemental Budget No.2 na sa pananaw ng kagawad ay hindi naman umano kailangan ng siyudad.

Ngunit ang labis umanong nakapukaw ng pansin kay Maristela ay ang paglalaan ng P25,751,090 para sa programang Ugnayan sa Barangay.

Ayon sa Konsehal, ang naturang programa ay nauna nang napunduhan ng P30,936,683 sa ilalim ng 2019 Annual Budget na ayon kay City Budget Officer Regina Cantillo ay naubos na ngayong first quarter ng taon o katumbas ng tatlong buwan.

Pagtatanong ng Konsehal sa iba pang miyembro ng Konseho, saan umano ginugol ang nasabing napakalaking pondo.

“Sa loob ng dalawang termino ko bilang Konsehal, ngayon lamang po ako nakaalam na maaari palang gamitin ang pondo na nakalaan para sa buong taon ng isang programa sa isang quarter lamang: January, February, March. Ano na kaya ang kalalagyan ng ibang pondo para sa iba pang programa ng Pamahalaang Lungsod? Sana naman po ay hindi pa rin ito naubos gaya ng nangyari sa pondo ng Ugnayan sa barangay,” pahayag ni Maristela.

Ang programang Ugnayan sa Barangay ay sa ilalim ng Mayor’s Office kung saan inilalapit ng Pamahalaang Panlungsod ang kanilang mga programa gaya ng pagsasagawa ng medical mission at pamimigay ng bigas na hindi bababa sa sampung kilo sa mga malalayong barangay.

“Magkano po ba talaga ang kabuuang halaga ng ipinamahagi nating bigas? Ilang libong mga kababayan natin ang nakinabang dito? At saan o kanino po natin binili ang libu-libong kilo ng bigas na ito, sa National Food Authority (NFA) po ba o sa pribadong negosyante?” tanong ni Maristela.

Aniya, baka umano naubos ang mahigit trenta milyunes dahil ito ay nagamit sa pangangampanya noong eleksiyon.

“Nagtataka tayo, mag-eeleksiyon ng panahong ‘yan [first quarter] at namimigay tayo ng bigas sa bara-barangay although di [pa] sakop ng election ban dahil March 29, [pa ng mga panahong iyon]. Hindi po kaya sinadya [ubusin]? Kaya nga sabi ko, baka nagamit sa pangangampanya kasi sinadyang ubusin sa first quarter na hindi pa bawal sa election ban,” giit pa ni Maristela.

Paglilinaw niya, hindi umano niya tinututulan ang nasabing programa ng City Government kundi nais lamang niyang malaman kung anu-ano ang pinaggastusan ng mahigit tatlumpung milyong pondo na sa loob lamang ng tatlong buwan ay naubos na.

“Tama o makatuwiran po bang ubusin ang budget para sa isang taon ng isang programa ng pamahalaan na may ganito kalaking halaga sa loob lamang ng first quarter? Lalong-lalo na noon ay mag-eeleksiyon? Papaano na lamang kung iba ang nanalong Mayor at wala nang pang supplemental budget?” pagtatanong pa niya sa kanyang mga kasamahan sa City Council.

Ayon naman kay Kgd. Elgin Damasco, kulang pa ang inilaang halaga sa mga kanayunan sa dami ng mga mamamayang nangangailangan ng serbisyo ng lungsod.

“Kung tutuusin kulang pa ang P30 milyon sa dinadalang serbisyo ng City Government sa kanayunan. Ang importante, ligal ba ang pagkakagastos? Subject naman lahat ‘[yan] sa Commission on Audit (COA). Kung sinabi ng COA na ‘Iligal ito, hindi ito pupwede’ saka lang tayo pwede magsabi na mali ito,” pahayag ni Damasco.

Pahayag naman ni City Councilor Henry Gadiano, noong naimbitahan si City Budget Officer Regina Cantillo noong nakaraang Lunes ay naipaliwanag na umano niya ang mga tila kuwestiyonableng pondo sa ilalim ng Supplemental Budget No. 2 na nilalaman ng privilege speech ni Maristela.

Sinabi umano ni Cantillo na ang mahigit P30 milyon pondo ng Ugnayan sa Barangay ay hindi nakalaan sa buong taon ng 2019.

Tungkol naman sa mga heavy equipments na hindi na kailangan ayon kay Maristela ay nasagot na rin umano ni Engr. Aries Grande ng City Engineering Office nang ipatawag sa regular na sesyon noon ding nakaraang Lunes, ika-15 ng Hulyo, kasabay ng pag-imbita kay Cantillo.

“Naipaliwanag na sa atin na ‘yung P30 milyon ay talagang allocated for the first quarter ng 2019. Hindi po niya sinabi na ito ay naka-design para sa whole year ng 2019 [at] ang gamit pang-imprastraktura, ito po ay sinabi mismo ni Engr. Grande na iyong mga equipments na bibilhin ay kailangang kailangan ng siyudad dahil sa ‘By Admin’ projects natin [upang] makatipid,” paliwanag ni Gadiano sa Konseho.

Sa huli, ang usapin ay ini-refer jointly sa mga Komite ng Barangay Affairs, Legal Matters at Appropriations upang mabusising maigi.

Related Articles
P15 MILYONG HALAGA NG SPORTS EQUIPMENTS, NAIPAGKALOOB NA UMANO SA CITY GOVERNMENT
POWER INTERRUPTIONS NOONG BATANG PINOY, ISINISISI NG PALECO SA FIRE CRACKERS
ORDINANSA SA WASTONG PAGTAPON NG BASURA, HINILING NA MULING PAG-ARALAN
‘HINDI AKO PAPAYAG NA MAG-FAIL ANG SATELLITE CITY HALL PROJECT’- BAYRON
DOLE, MULING NAGKALOOB NG LIVELIHOOD PROGRAM
PAMAMAHAGI NG LIBRENG SCHOOL SUPPLIES, HINILING
ISANG CHINESE NATIONAL, NAIS IDEKLARANG PERSONA NON GRATA SA SIYUDAD
REHABILITATION PROGRAM NG CITY ENGINEERING OFFICE SA MAGARWAK, IPINAHIHINTO
ICEMCO, MAY BAGO NANG PANGANGALAGAANG CBST
PAGBABAWAL SA PAGPAPAGALA NG MGA ALAGANG ASO, MAHIGPIT NANG IPATUTUPAD
DILG MEMORANDUM CIRCULAR NO. 2019-121, IPATUTUPAD NA SA LUNGSOD
PPCWD, BUCOR, LUMAGDA SA ISANG JOINT VENTURE AGREEMENT
P250-M HALAGA NG BUCOR ACADEMY, ITATAYO SA IWAHIG
EXITING BENEFICIARIES NG 4P’S, BINIGYANG PARANGAL
5 CBST SA LUNGSOD, NAGING BENEPISYARYO NG LIVELIHOOD PROJECT NG DOLE
PUERTO BAY, POSITIBO ULI SA RED TIDE
P3.4-M SUPPLEMENTAL BUDGET NO. 2 NG LUNGSOD, LUSOT NA SA PINAL NA PAGBASA
MGA MAGSASAKANG APEKTADO NG DROUGHT SA SIYUDAD, PUMALO NA SA 692 INDIBIDWAL
KAHALAGAHAN NG PAGSASAKA, IPINAKIKITA SA GINTONG BUTIL AGRI-FARM
ILAN SA MGA HEAVY EQUIPMENTS NG CITY GOVERNMENT, DUMATING NA!
ITINATAYONG 4 SATELLITE CITY HALL, PAMUMUNUAN NI EX-COUNCILOR RODRIGUEZ
PROYEKTONG PAILAW SA DALAWANG BARANGAY, TAPOS NA
16th CITY COUNCIL, NAGHALAL NA NG BAGONG CHAIRMAN SA MGA BAWAT KOMITE
FOREIGN WORKERS NA WALANG LISENSIYA, HINDI UMANO KUKUNSINTIHIN NI AMURAO
VIRGILIO TAGLE, ITINALAGANG BAGONG DILG CITY DIRECTOR
ILANG MAGTITINDA SA CITY BAYWALK, PAAALISIN
PUERTO PRINCESA 15TH CITY COUNCIL, NAKATANGGAP NG PARANGAL
ANTI FULL-FACE HELMET ORDINANCE, HINDI INAPRUBAHAN NG KONSEHO
ONE-STOP SHOP SA PAGKUHA NG MGA LISENSIYA, LILIKHAIN
121st ARAW NG KALAYAAN, IPINAGDIWANG
PAGBABAWAL SA PAGSUSUOT NG FULL-FACE HELMET, MULING ISINUSULONG
CLOUD SEEDING OPERATIONS NG PPCWD, MATAGUMPAY
NG PWD ID, PURCHASE BOOKLET
CITY WATER DISTRICT, PCSD, IPINATATAWAG SA SUSUNOD NA SESYON
MINIMUM RATE NG MGA JOB ORDER EMPLOYEE NG PPC, PLANONG TAASAN SA 2020
2 FIREFLY WATCHING DESTINATIONS SA LUNGSOD, BUBUKSAN
Newspaper of The Week
Advertise with Repetek
Weather
Currently
Currently
Islam
Lot For Sale
Public Transport Schedule
Bataraza/Rio Tuba
Palawan Shuttle Express Asso. Inc (Palshutex)
Puerto Prinsesa to Rio Tuba and vice versa
5:00am-6:30am,6:30am-8:30am, 11:30am upward daily trips
PCINSP Diosdado S. Alarcon PNP (Ret) - President
Contact Nos. 0917-553-2347 or 0921-594-9733 (for reservation)
Currency Converter