REPETEK, Ang Diyaryo ng Pilipino Tuesday, November 19 2019
ISANG CHINESE NATIONAL, NAIS IDEKLARANG PERSONA NON GRATA SA SIYUDAD



SA PRIVILEGE speech ni Konsehal Elgin Damasco, hiniling niya sa Konseho na ideklarang persona non grata o unwelcomed person sa Puerto Princesa ang isang Chinese national matapos ang insidente ng umano’y pananakit nito sa isang City Traffic Enforcer.

Nito lamang Biyernes, ika- 9 ng Agosto nang mangyari umano ang pananapak ng isang dayuhan na nagngangalang Yang Gou Zhi kay Regie Paredes Palcon na isang traffic enforcer matapos niyang isyuhan ng violation ticket dahil sa iligal parking na nangyari sa Bonoan Road.

Si Palcon ay nakatoka sa Old Public Market Road, partikular sa Malvar at Valencia Street upang mag-monitor ng mga iligal na nagpa-park ng mga sasakyan sa lugar.

“Sinita ni Traffic Officer Regie Paredes Palcon itong Chinese national dahil nakaparada sa gilid ng kalsada sa harap ng kanyang tindahan ang kanyang sasakyan. Hindi pinansin ng Chinese national ang traffic enforcer kaya napilitan itong isyuhan ng violation ticket. Dito na nagalit si Mr. Yang at sinuntok, nasapak niya ang traffic enforcer na si Palcon,” kuwento ni Damasco.

Si Mr. Yang umano ay siyam na taon nang nagnenegosyo sa bansa kung saan mga cellphone at cellphone accessories ang mga ibinibenta.

Ayon sa Konsehal, hindi umano ito ang unang pagkakataon na nahuling lumabag sa batas trapiko ang nabanggit na Tsino at si Palcon na nakatoka sa lugar ay makailang ulit na umanong binastos nito.

“Sa report ng City Traffic Management Office (CTMO), tatlong beses na ito [nangyari kay Palcon]. Una, binalewala lamang niya ang pambabastos sa kanya ng Chinese national, pangalawa tinikitan niya pinunit ‘yong traffic ticket at ibinalibag sa mukha niya [at] pangatlo sinuntok siya matapos punitin ang violation ticket,”dagdag ni Damasco.

Liban dito, matapos ang naturang insidente isang Mary Jean Ramirez Jacob ang lumutang at sinabing isa rin umano siya sa naging biktima ng pananakit ni Mr. Yang, limang taon na ang nakalilipas.

“Nagalit umano sa kanya at sa mga kasamahan niyang tindera sa Unitop mall. Naiingayan daw si Mr. Zhi sa kanilang pagpapatugtog ng musika. Pinagmumura umano sila ng banyaga. Pumunta sila sa Brgy. Tagumpay at nagreklamo, nong nalaman ni Mr. Zhi, mas lalo itong nagalit at nong muli silang nagkatagpo sa Unitop mall, sinuntok umano siya sa leeg nitong si Mr. Yang Gou Zhi,” pagpapatuloy ni Damasco.

Hindi umano katanggap-tanggap ang ginawa ng dayuhan sa dalawang napaulat na naging biktima ng intsik kung di maging sa mga Pilipino at ito ay pagpapakita ng kawalan ng respeto sa bansang Pilipinas.

“Maliwanag na kabastusan at kawalang respeto sa ating mga Pilipino at sa mga umiiral na batas ng bansa itong si Zhi. Gusto kong ipaalaala natin sa kanya na hindi po sakop ng bansang Tsina ang Puerto Princesa at Pilipinas,” may diing sinabi ng Konsehal.

Bunsod nito, hiniling ni Damasco sa Konseho na ideklara bilang persona non grata o unwelcomed person si G. Yang sa lungsod ng Puerto Princesa.

Iminosyon din nitong sumulat sa Bureau of Immigration upang makapagsagawa ng imbestigasyon ukol sa estado ng paninirahan ng naturang banyaga sa siyudad.

Humiling rin si Damasco sa City Government, sa pamamagitan ng City Legal Office na magsagawa ng legal na hakbang upang tuluyan nang ipa-deport sa bansa si Yang.

Sinusugan naman ng abogadong si Awat ang lahat ng naging pahayag ni Damasco at sinabing ‘caught in the act’ ang nangyari.

“Kasi ito, ‘caught in the act’ kasi ito ay actual violation of our laws na mayroong kaakibat na parusa at dahil diyan, dapat ipaaresto sa pulis. Sana tinulungan din right away at kung ano ang maitutulong niya, dapat ginawa niya na hindi ‘yong parang ginagawa nating chess pasa-pasa na humahantong sa problema,” ayon sa abogado.

Inimbitahan naman sa plenaryo si Palcon upang magbigay ng salaysay. Masama umano ang kanyang loob dahil imbes na ipagtanggol siya ng hepe ng pulisya ng Mendoza Police Staton kung saan siya nagreklamo, sinigaw-sigawan pa umano siya nito na parang kumakampi pa sa Chinese national at pinaaareglo na lang ang kaso.

“Nong nandoon na po kami [Mendoza Police Station], nagulat po kami nong inimbitahan po siya ng PNP sa loob ng opisina at pagkalabas nila parang nadismaya kami sa narinig namin kasi kami pa ang pinagalitan bakit daw sinampal ‘yong kaibigan niyang Tsino.

“[A]t ang advice niya (pulisya), ‘Huwag na kayo magrereklamo ng kung anu-ano pa. Aregluhin n’yo na lang ‘yan sabi ng [Mendoza] Chief PNP. Kaya nasasaktan ako nong marinig ko nong time na ‘yon na kami pa ang binabaligtad sa pangyayari bakit daw siya sinampal. Sabi ko ‘Hindi po siya sinampal, siya po ang nanuntok’ sabi kong ganon. ‘May ebidensya po [ako],” paliwanag ni Palcon.

Hiniling naman ni Kgd. Herbert Dilig na maimbitahan sa pagpupulong ng Komite ang Hepe ng Mendoza PNP Station hinggil sa alegasyon ng pinaaareglo na lamang ang nangyaring panununtok imbes na ipagtanggol ang karapatan ng biktimang si Palcon.

Ang usapin ay ini-refer sa joint committee ng Legal Matters, Peace and Order at komite ng International Relations.

Sa huli, inihabol pa ni City Councilor Victor “Bitoy” Oliveros ang isang resolusyon na humihiling kay Punong Lungsod Lucilo R. Bayron na magsagawa rin ng imbestigasyon dahil ang opisina ng City Traffic ay sa ilalim ng kanyang hurisdiksiyon.

Related Articles
P15 MILYONG HALAGA NG SPORTS EQUIPMENTS, NAIPAGKALOOB NA UMANO SA CITY GOVERNMENT
POWER INTERRUPTIONS NOONG BATANG PINOY, ISINISISI NG PALECO SA FIRE CRACKERS
ORDINANSA SA WASTONG PAGTAPON NG BASURA, HINILING NA MULING PAG-ARALAN
‘HINDI AKO PAPAYAG NA MAG-FAIL ANG SATELLITE CITY HALL PROJECT’- BAYRON
DOLE, MULING NAGKALOOB NG LIVELIHOOD PROGRAM
PAMAMAHAGI NG LIBRENG SCHOOL SUPPLIES, HINILING
ISANG CHINESE NATIONAL, NAIS IDEKLARANG PERSONA NON GRATA SA SIYUDAD
REHABILITATION PROGRAM NG CITY ENGINEERING OFFICE SA MAGARWAK, IPINAHIHINTO
ICEMCO, MAY BAGO NANG PANGANGALAGAANG CBST
PAGBABAWAL SA PAGPAPAGALA NG MGA ALAGANG ASO, MAHIGPIT NANG IPATUTUPAD
DILG MEMORANDUM CIRCULAR NO. 2019-121, IPATUTUPAD NA SA LUNGSOD
PPCWD, BUCOR, LUMAGDA SA ISANG JOINT VENTURE AGREEMENT
P250-M HALAGA NG BUCOR ACADEMY, ITATAYO SA IWAHIG
EXITING BENEFICIARIES NG 4P’S, BINIGYANG PARANGAL
5 CBST SA LUNGSOD, NAGING BENEPISYARYO NG LIVELIHOOD PROJECT NG DOLE
PUERTO BAY, POSITIBO ULI SA RED TIDE
P3.4-M SUPPLEMENTAL BUDGET NO. 2 NG LUNGSOD, LUSOT NA SA PINAL NA PAGBASA
MGA MAGSASAKANG APEKTADO NG DROUGHT SA SIYUDAD, PUMALO NA SA 692 INDIBIDWAL
KAHALAGAHAN NG PAGSASAKA, IPINAKIKITA SA GINTONG BUTIL AGRI-FARM
ILAN SA MGA HEAVY EQUIPMENTS NG CITY GOVERNMENT, DUMATING NA!
ITINATAYONG 4 SATELLITE CITY HALL, PAMUMUNUAN NI EX-COUNCILOR RODRIGUEZ
PROYEKTONG PAILAW SA DALAWANG BARANGAY, TAPOS NA
16th CITY COUNCIL, NAGHALAL NA NG BAGONG CHAIRMAN SA MGA BAWAT KOMITE
FOREIGN WORKERS NA WALANG LISENSIYA, HINDI UMANO KUKUNSINTIHIN NI AMURAO
VIRGILIO TAGLE, ITINALAGANG BAGONG DILG CITY DIRECTOR
ILANG MAGTITINDA SA CITY BAYWALK, PAAALISIN
PUERTO PRINCESA 15TH CITY COUNCIL, NAKATANGGAP NG PARANGAL
ANTI FULL-FACE HELMET ORDINANCE, HINDI INAPRUBAHAN NG KONSEHO
ONE-STOP SHOP SA PAGKUHA NG MGA LISENSIYA, LILIKHAIN
121st ARAW NG KALAYAAN, IPINAGDIWANG
PAGBABAWAL SA PAGSUSUOT NG FULL-FACE HELMET, MULING ISINUSULONG
CLOUD SEEDING OPERATIONS NG PPCWD, MATAGUMPAY
NG PWD ID, PURCHASE BOOKLET
CITY WATER DISTRICT, PCSD, IPINATATAWAG SA SUSUNOD NA SESYON
MINIMUM RATE NG MGA JOB ORDER EMPLOYEE NG PPC, PLANONG TAASAN SA 2020
2 FIREFLY WATCHING DESTINATIONS SA LUNGSOD, BUBUKSAN
Newspaper of The Week
Advertise with Repetek
Weather
Currently
Currently
Islam
Lot For Sale
Public Transport Schedule
Bataraza/Rio Tuba
Palawan Shuttle Express Asso. Inc (Palshutex)
Puerto Prinsesa to Rio Tuba and vice versa
5:00am-6:30am,6:30am-8:30am, 11:30am upward daily trips
PCINSP Diosdado S. Alarcon PNP (Ret) - President
Contact Nos. 0917-553-2347 or 0921-594-9733 (for reservation)
Currency Converter