REPETEK, Ang Diyaryo ng Pilipino Thursday, February 20 2020
ISANG MIYEMBRO NG PHILIPPINE ARMY, BINARIL NG CAFGU



ISANG miyembro ng Philippine Army (PA) ang walang habas na pinagbabaril ng isang miyembro ng CAFGU Active Auxiliary noong alas dose ng madaling araw ng Hunyo 23.

Kinilala ang  biktima na si Corporal Junel Badolid, 29 taong gulang, may asawa, miyembro ng PA at kasalukuyang nakadestino sa Calawag  Patrol Base, 1st Platoon 5th CAA Coy samantalang ang suspek ay si Menandro Asucena Caberoy, 41 taong gulang, balo, residente ng Sitio  Malonlon, Brgy. Tanatanain, Dumaran at miyembro naman ng CAFGU Active Auxiliary at nakadestino rin sa nabanggit na detachment.

Sa impormasyong ipinaabot ng Provincial PNP,  bandang alas sais y media noong ika-23 ng Hunyo nang makatanggap ng tawag ang Taytay MPS ukol sa insidente buhat sa isang personnel ng 212 MC Marine Battalion Landing Team-(MBLT)  12 na nakabase sa Culanga, Sitio Montevista, Brgy. Poblacion, Taytay.

Base sa isinagawang inisyal na imbestigasyon ng pulisya, bago ang insidente ay kumakaing mag-isa ang biktima sa kanilang mess hall habang ang suspek naman ay dagli umanong humalili sa kanya bilang duty sentinel. Kaagad-agad  umano, kahit walang rason ay pinaputukan ang biktimang si Badolid ng makailang beses gamit ang kanyang M14 Rifle.

Nagtamo ng tama ng baril ang biktima at agad na isinugod sa Northen Palawan Provincial Hospital (NPPH)  ngunit kalaunan ay dineklarang dead on arrival (DOA) ng sumuring doktor.

Tumakas naman ang suspek sa di malamang direksyon kaya agad na nakipag-ugnayan ang Taytay MPS sa ibang mga law enforcement agency upang magsagawa ng checkpoint at nang maaresto ang salarin.

Kinabukasan  lamang ay agad ding sumuko ang suspek na si Caberoy matapos na makumbinsi umano ng Detachment Commander ng Antonino Patrol Base  na nakabase sa Brgy. Antonino, Roxas. Nakuha rin sa kanyang pangangalaga ang ginamit niyang  baril.

Ipinabatid naman umano sa kanya ang kanyang mga karapatan sa ilalim ng Saligang Batas ng Pilipinas.

Isinurender ang ginamit niyang M14 Rifle sa Provincial Crime Laboratory sa Palawan Police Provincial Office (PPO) sa Brgy. Tiniguiban, Puerto Princesa City para sa ballistic examination.

Kasong murder ang kasalukuyan kinakaharap ng suspek  sa Regional Trial Court.

Related Articles
LALAKI, TIMBOG DAHIL SA PAGPUPUSLIT NG BUHAY-ILANG
PAGPATAY KAY RUBEN BEDIORES GOH HINDI ELECTION RELATED INCIDENT—PPO
TUMATAKBONG KONSEHAL SA MUNISIPYO NG ABORLAN, DEAD ON THE SPOT SA PAMAMARIL
CZECH NATIONAL, ARESTADO KAUGNAY SA KASONG ESTAFA
PULIS, PATAY SA PAMAMARIL
Newspaper of The Week
Advertise with Repetek
Weather
Currently
Currently
Islam
Lot For Sale
Public Transport Schedule
Bataraza/Rio Tuba
Palawan Shuttle Express Asso. Inc (Palshutex)
Puerto Prinsesa to Rio Tuba and vice versa
5:00am-6:30am,6:30am-8:30am, 11:30am upward daily trips
PCINSP Diosdado S. Alarcon PNP (Ret) - President
Contact Nos. 0917-553-2347 or 0921-594-9733 (for reservation)
Currency Converter