REPETEK, Ang Diyaryo ng Pilipino Friday, April 03 2020
ISANG PALM OIL COMPANY SA PALAWAN, SINAMPULAN NG DENR-MIMAROPA



ANG pagpupulong na ginanap sa pagitan ng Pamahalaang Panlalawigan, Landbank at Agumil Philippines Inc. (AGPI) noong 2018 upang talakayin ang isyu ukol sa Palm-Oil Industry sa lalawigan ng Palawan.(CONTRIBUTED PHOTO//PIO)


MATAPOS na mababaan ng Notice of Violation (NOV) hanggang sa mapunta sa cease and desist order (CDO) dahil sa mga nakitang paglabag, iniatas na ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang pagpapasara sa lahat ng water lines at facilities ng Agumil Philippines, Inc. (AGPI) na matatagpuan sa Munisipyo ng Brooke’s Point, Palawan.

Isinagawa ito ng mga kinauukulan noong Hulyo 17 bilang bahagi ng pagpapatupad ng CDO na ibinaba laban sa kompanya bunsod ng paglabag sa mga itinadhana ng Clean Water Act of 2004 at pagpapalabas ng dumi sa Calabugan River ng nasabing munisipyo. Sa pagpapatupad nito ay iniabot ng grupo mula sa EMB-Mimaropa ang CDO kay Agumil Philippines Mill Manager Arthur Elicanal at ipinaskil din ang mga paabiso ukol sa mga paglabag ng kompanya.

Nakasaad sa apat na pahinang kautusan na inilabas ng Pollution Adjudication Board (PAB) ng DENR na naglalabas ng wastewater ang Agumil Philippines, isang palm oil mill facility sa Palawan, ng higit pa sa DENR Water Quality Guidelines and General Effluent Standards (DAO 2016-08) na malinaw umanong paglabag sa RA 9275 o ang “Philippine Clean Water Act of 2004.”

Kasama rin sa kautusan ang pagpapatigil sa kompanya sa paggawa ng anumang aktibidad at/o pag-operate ng machines o equipment generating pollution habang tinatalakay pa ang usapin sa Board.

REKLAMO NG APEKTADONG BARANGAY
Matatandaang inireklamo ng mga residente at mga opisyales ng Brgy. Calasaguen ang nasabing kompanya noong Enero ngayong taon nang makita nila ang mga patay na isda at hipon na nakalutang sa Calabugan River na nagresulta kaya nagpalabas ng CDO. Sa salaysay ng mga petitioner, nababalot umano sa itim at malangis na likido ang nabanggit na mga patay na hayop na umano’y mula sa processing plant ng Agumil na kung saan, ang kanilang oil mill ay matatagpuan sa kalapit na barangay, sa Brgy. Maasin.

Ang paliwanag naman noon ng pamunuan ng oil mill plant pipes, nang magsagawa ng imbestigasyon ang personnel ng Community Environment and Natural Resources Office (CENRO)-Brooke’s Point, na nangyari umano iyon dahil aksidenteng natamaan ng backhoe ang kanilang siltation pond nang magsagawa sila ng regular na paghuhukay na nagresulta rin umano kaya nagkaroon ng leak at umagos patungo sa Calabugan River.

Nakita rin umano ng CENRO na nababalutan lamang ng sako at tinalian ng rubber strip ang nasirang tubo na mula sa gulong na paliwanag naman umano ng mga opisyal ng nasabing kompanya ay pansamantala lamang ang mga iyon at papalitan din ng concrete mound.

Ngunit nasaksihan pa ng personnel ng CENRO na nakaharap ang sirang tubo sa creek na karugtong din ng ilog.

PAGTUGON NG DENR-MIMAROPA
Kaya kaugnay nito ay agad umanong nagsagawa ang EMB-Mimaropa ng wastewater sampling noong Enero 24. Sa huli ay napatunayang lumagpas ang Agumil Philippines sa allowable effluent standards pagdating sa Phosphate-Phosphorus, Biochemical Oxygen Demand (BOD5), Total Suspended Solids (TSS), at Oil and Grease (O&G).

Ito umano ang nagtulak sa ahensiya na magsagawa ng Notice of Violation laban sa naturang palm oil mill noong Pebrero 21 at isinailalim sa technical conference (TC) noong Marso 15 upang agarang itama ang kanilang paglabag bilang bahagi ng proseso bago tuluyang magdesisyon ang DENR ng mas mabigat na desisyon. Sa TC, nangako naman umano ang Agumil Philippines na isusumite noong Marso 22 ang kanilang plant and treatment process at ang comprehensive pollution control program/compliance plan ngunit bigo rin nilang matupad.

“The Pollution Adjudication Board saw that there is indeed a prima facie evidence that Agumil Philippines ‘has discharged pollutants that constitute immediate threat to life, and public health, safety and welfare,’ hence the immediate issuance and implementation of the CDO,” pahayag ni EMB Mimaropa Regional Director Michael Drake Matias sa ibinahaging press release ng DENR-Mimaropa.

Maliban sa pagpapatigil sa Agumil Philippines na mag-generate ng polusyon, nakapalood din sa CDO na magbigay sila ng dahilan kung bakit hindi sila sasampahan ng kasong kriminal sa paggamit nila ng by-pass, o diversion ng wastewater mula sa kanilang collection system. At ipinaalala rin sa kompanya na maaari silang pagmultahin ng hanggang P200,000 kada araw ng paglabag, maliban pa sa administrative fines dahil sa ibang violations.

“The effort to save Calabugan River in Brooke’s Point forms part of Secretary Roy Cimatu’s priority agenda to restore problematic bodies of water in the country and have clean water for all,” dagdag pa ni RD Matias.

PAALAALA NG DENR SA LAHAT
Ipinaalaala ng opisyal sa lahat na hindi lamang sila nakatutok sa implementasyon ng mga batas at regulasyong pangkalikasan sa mga bayan ng El Nido and Coron sa lalawigan ng Palawan kundi sa buong rehiyon at maging sa buong bansa.

“We are glad that communities are getting more involved in saving the environment. What Brgy. Calasaguen did is a testimony of our shared responsibility to protect nature, a mindful act worthy of emulation,” ang pagbati ni RD Matias sa maagap na pag-aksyon ng mga residente at opsiyales ng apektadong barangay.

Related Articles
PAGTATAYO NG MGA PSYCHIATRIC EMERGENCY ROOM, IPINANUNUKALA
ORDINANSANG IPAGBABAWAL ANG PAGSASANGLA NG 4P’S CASHCARDS, ISINUSULONG
ASAWA NG NAWAWALANG MANGINGISDA SA BAYAN NG ROXAS, PALAWAN, NANAWAGAN
MOBILE CLINIC PARA SA NORTE AT SUR NG PALAWAN, HINILING SA DOH-CHD
MGA BAGONG ABOGADO SA MGA ASPIRING LAW STUDENT: ‘WALANG SUKUAN’
SCHOOL-BASED IMMUNIZATION, INILUNSAD NG DOH-CHD MIMAROPA SA PALAWAN
MGA HUGOT, BUMUHOS SA SOCIAL MEDIA DAHIL SA 3 ARAW NA BLACKOUT SA BAYAN NG ROXAS
MAHIGPIT NA PAGSUNOD SA SPEED LIMIT, IPINAALAALA NG PROV’L BOARD SA MGA LGU
ISANG PALM OIL COMPANY SA PALAWAN, SINAMPULAN NG DENR-MIMAROPA
PALAWAN IPMR, MULING UMUPO SA KONSEHO SA PAMAMAGITAN NG HOLDOVER CAPACITY
TOP 5 SA MGA MAY MATAAS NA KASO NG DENGUE SA PALAWAN, INILABAS NG DOH-CHD MIMAROPA
COAL PLANT APPLICATION PALAWAN, BINIGYAN NA NG ECC NG DENR-MIMAROPA
CHINESE FISHING VESSEL, MAS DUMAMI UMANO ANG PRESENSIYA SA WEST PHILIPPINE SEA
TERORISTANG CPP-NPA HADLANG UMANO SA KAUNLARAN, AYON SA WESCOM
PANGANGALAGA SA RASA ISLAND WILDLIFE SANCTUARY, PATULOY NA PINAIIGTING
‘WALANG ABU SAYYAF ANG WESCOM AREA’
MALAMYANG AKSYON NG PILIPINAS SA KABILA NG GINAGAWA NG TSINA SA WPS, TINALAKAY
WESCOM, UMANONG NA-MONITOR NA MISSILE TESTING SA WEST PHILIPPINE SEA
PCL-PALAWAN, MAYROON NG BAHAY-TULUYAN SA LUNGSOD
IKA-10 ANIBERSARYO NG MT. MATALINGAHAN BILANG PROTECTED AREA IPINAGDIWANG
MBLT-3, DARATING SA PALAWAN UPANG HUMALILI SA MBLT-12
NEDA, HINDI UMANO TUTOL SA PAGHAHATI NG PALAWAN SA TATLONG PROBINSYA
14 BILANGGO NG IWAHIG PRISON AND PENAL FARM, MAKALALAYA NA
BANGKA NG MGA MANGINGISDANG PINOY, BINONGGO NG CHINESE VESSEL?
NASA 100 PALAWENYO, LUMAHOK SA BASIC STARTUP WORKSHOP NG DICT, QBO INNOVATION HUB
LOKAL NA PAMAHALAAN NG NARRA, PINAGHAHANDAAN NA ANG IKA-50 ANIBERSARYO
14 CENTENARIAN SA PALAWAN, NAKATAKDANG GAWARAN NG CASH GIFT NG DSWD
FOOD SAFETY SEMINAR, ISINAGAWA NG DTI-PALAWAN
NAWAWALANG DIVER SA TUBBATAHA, PATULOY PA RING PINAGHAHANAP
E-PERMITTING SYSTEM, NAKATAKDANG IPATUPAD NG PCSDS
PNNI, NAGSAGAWA NG TAHIMIK NA KILOS-PROTESTA
KATUTUBONG PALAW’AN NA SANGGOL, AKSIDENTENG NATAMAAN NG PANA SA ULO
SPOTTED WOOD OWL, ISINURENDER NG ISANG CONCERNED CITIZEN
IKATLONG IPMR NG PALAWAN, COA NA LAMANG UMANO ANG KULANG UPANG MAKAUPO
Newspaper of The Week
Advertise with Repetek
Weather
Currently
Currently
Islam
Lot For Sale
Public Transport Schedule
Bataraza/Rio Tuba
Palawan Shuttle Express Asso. Inc (Palshutex)
Puerto Prinsesa to Rio Tuba and vice versa
5:00am-6:30am,6:30am-8:30am, 11:30am upward daily trips
PCINSP Diosdado S. Alarcon PNP (Ret) - President
Contact Nos. 0917-553-2347 or 0921-594-9733 (for reservation)
Currency Converter