REPETEK, Ang Diyaryo ng Pilipino Tuesday, November 19 2019
ITINATAYONG 4 SATELLITE CITY HALL, PAMUMUNUAN NI EX-COUNCILOR RODRIGUEZ



ANG pag-anunsiyo ni Punong Lungsod Lucilo Bayron kay dating konsehal Jonjie Rodriguez bilang bagong talagang mamumuno sa mga satellite city halls ng lungsod.(PHOTO//CLEA FAYE CAHAYAG)

HAHAWAKAN ni ex-councilor Modesto “Jonjie” Rodriguez II ang itinatayong apat na satellite City Hall ng lungsod ng Puerto Princesa.

“Si Jonjie ay hahawak ng lahat ng [apat] satellite City Halls natin. Siya ang magsu-supervise ng [apat] na ‘yan na ang bawat isa ay lalagyan natin ng Executive Assistant lV at isang Executive Assistant l para maapura ang delivery ng infrastracture at ng iba pang services ng Pamahalaang Panlungsod sa ating mga barangay,” ang pag-anunsiyo ni Punong Lungsod Lucilo Bayron matapos ang Pagtataas ng Watawat noong ika-8 ng Hulyo, araw ng Lunes.

Sa hiwalay na panayam naman ng mga kagawad ng midya kay Rodriguez, sinabi niyang hindi niya inaasahang siya ang mapipili ng Alkalde na umupo sa naturang posisyon.

“Actually, na-surprise din ako. Di ko akalain na ito ang aking magiging [bagong] trabaho. Noon I was expecting, ako ang magiging tagatimpla ng kape kapag pumunta kayo rito,” pabiro pa niyang sagot sa press.

“But kahapon (Hunyo 7), pahapyaw [akong] sinabihan na ako ang magiging in-charge dito (mini city hall), pero kanina, mahirap naman magbuhat ng sariling bangko, pero sabi ni Mayor [Bayron] ako ang right person diyan dahil bukod sa matagal na ang karanasan natin dito, not only with the City Government but from the Provincial Government. Maliban doon, meron tayong kahit papaano na magandang relasyon sa ating mga kababayan sa barangay. Ngayon, liban doon, kahit papaano, matagal din natin silang nakasama,” ayon pa sa Konsehal.

Layunin umano ng mga itatayong Mini City Hall na mailapit sa mga malalayong barangay ang mga programa ng Pamahalaang Panlungsod.

Ani Rodriguez, ang apat na satellite city hall ay matatagpuan sa mga barangay Luzviminda, Napsan, Macarascas at San Rafael.

Sakop umano ang Luzviminda ang mga southern barangays na binubuo ng Mangingisda, Inagawan at Simpocan sa pagbibigay ng serbisyo sa mga residente ng naturang mga lugar habang sakop naman ng Napsan ang westcoast barangays gaya ng Simpocan at Bagongbayan.

Maaari naman aniyang tumungo sa Macarascas ang mga residente ng Bahile hanggang Cabayugan kapag operational na ang naturang gusali.

Ang mga northern barangay naman na pinapalooban ng San Rafael hanggang sa Langogan ay maaaring pumunta sa San Rafael.

Sa ngayon, uunahin muna ang pagbibigay ng mga imprastrakturang proyekto dahil karamihan umano sa daing mga residente mula sa iba’t ibang barangay ay ang problema sa kani-kanilang mga kalsada.

Binanggit din ni Rodriguez na mauunang maging operational ang mga mini City Hall ng mga barangay Napsan at Macarascas dahil existing na ang mga gusali nito at hinihintay na lamang na maikabit ang electricity at water supply bago masimulan ang programa.

“Dapat tatlo na ang naitayo [gusali at iyon ay sa] Napsan, Macarascas at Luzviminda; ngalang, ‘yung sa Luzviminda ay nagdesisyon na ibigay na lamang sa City PNP na ngayon ay kasalukuyang ino-occupy ng ating City PNP. Sa tabi n’un, merong malawak na lugar doon natin itatayo ang panibagong satellite City Hall. ‘Yung sa Napsan at Macarascas tapos na yun. ‘Yung sa San Rafael, ang problema ay ang magiging location kung saan makikipag-usap pa tayo sa barangay officials,” paliwanag ng dating Kagawad.

Isa rin umano sa panukala ni Rodriguez na mapabilang ang programang ‘One Stop Shop’ sa mga dadalhing programa sa mga nasabing mini-city hall.

Pawang mga job order employees lamang ang mga ilalagay na trabahante na makakatuwang ni Rodriguez dahil siya ay nasa co-terminos position lamang.

“Ang plano ni Mayor, ang mga ilalagay diyan ay ‘yung mga Executive Assistants din ni Mayor. Itong mga ilalagay na programa under the City Mayor’s Office kung saan, bilang mga Executive Assistants, ang inatasan na magpatakbo ng programa na ito,” dagdag pa niya.

Hayaan na lamang umano na ang Alkalde ang mag-anunsiyo ng mga makakatuwang niya sa kanyang panibagong tungkulin.

Related Articles
P15 MILYONG HALAGA NG SPORTS EQUIPMENTS, NAIPAGKALOOB NA UMANO SA CITY GOVERNMENT
POWER INTERRUPTIONS NOONG BATANG PINOY, ISINISISI NG PALECO SA FIRE CRACKERS
ORDINANSA SA WASTONG PAGTAPON NG BASURA, HINILING NA MULING PAG-ARALAN
‘HINDI AKO PAPAYAG NA MAG-FAIL ANG SATELLITE CITY HALL PROJECT’- BAYRON
DOLE, MULING NAGKALOOB NG LIVELIHOOD PROGRAM
PAMAMAHAGI NG LIBRENG SCHOOL SUPPLIES, HINILING
ISANG CHINESE NATIONAL, NAIS IDEKLARANG PERSONA NON GRATA SA SIYUDAD
REHABILITATION PROGRAM NG CITY ENGINEERING OFFICE SA MAGARWAK, IPINAHIHINTO
ICEMCO, MAY BAGO NANG PANGANGALAGAANG CBST
PAGBABAWAL SA PAGPAPAGALA NG MGA ALAGANG ASO, MAHIGPIT NANG IPATUTUPAD
DILG MEMORANDUM CIRCULAR NO. 2019-121, IPATUTUPAD NA SA LUNGSOD
PPCWD, BUCOR, LUMAGDA SA ISANG JOINT VENTURE AGREEMENT
P250-M HALAGA NG BUCOR ACADEMY, ITATAYO SA IWAHIG
EXITING BENEFICIARIES NG 4P’S, BINIGYANG PARANGAL
5 CBST SA LUNGSOD, NAGING BENEPISYARYO NG LIVELIHOOD PROJECT NG DOLE
PUERTO BAY, POSITIBO ULI SA RED TIDE
P3.4-M SUPPLEMENTAL BUDGET NO. 2 NG LUNGSOD, LUSOT NA SA PINAL NA PAGBASA
MGA MAGSASAKANG APEKTADO NG DROUGHT SA SIYUDAD, PUMALO NA SA 692 INDIBIDWAL
KAHALAGAHAN NG PAGSASAKA, IPINAKIKITA SA GINTONG BUTIL AGRI-FARM
ILAN SA MGA HEAVY EQUIPMENTS NG CITY GOVERNMENT, DUMATING NA!
ITINATAYONG 4 SATELLITE CITY HALL, PAMUMUNUAN NI EX-COUNCILOR RODRIGUEZ
PROYEKTONG PAILAW SA DALAWANG BARANGAY, TAPOS NA
16th CITY COUNCIL, NAGHALAL NA NG BAGONG CHAIRMAN SA MGA BAWAT KOMITE
FOREIGN WORKERS NA WALANG LISENSIYA, HINDI UMANO KUKUNSINTIHIN NI AMURAO
VIRGILIO TAGLE, ITINALAGANG BAGONG DILG CITY DIRECTOR
ILANG MAGTITINDA SA CITY BAYWALK, PAAALISIN
PUERTO PRINCESA 15TH CITY COUNCIL, NAKATANGGAP NG PARANGAL
ANTI FULL-FACE HELMET ORDINANCE, HINDI INAPRUBAHAN NG KONSEHO
ONE-STOP SHOP SA PAGKUHA NG MGA LISENSIYA, LILIKHAIN
121st ARAW NG KALAYAAN, IPINAGDIWANG
PAGBABAWAL SA PAGSUSUOT NG FULL-FACE HELMET, MULING ISINUSULONG
CLOUD SEEDING OPERATIONS NG PPCWD, MATAGUMPAY
NG PWD ID, PURCHASE BOOKLET
CITY WATER DISTRICT, PCSD, IPINATATAWAG SA SUSUNOD NA SESYON
MINIMUM RATE NG MGA JOB ORDER EMPLOYEE NG PPC, PLANONG TAASAN SA 2020
2 FIREFLY WATCHING DESTINATIONS SA LUNGSOD, BUBUKSAN
Newspaper of The Week
Advertise with Repetek
Weather
Currently
Currently
Islam
Lot For Sale
Public Transport Schedule
Bataraza/Rio Tuba
Palawan Shuttle Express Asso. Inc (Palshutex)
Puerto Prinsesa to Rio Tuba and vice versa
5:00am-6:30am,6:30am-8:30am, 11:30am upward daily trips
PCINSP Diosdado S. Alarcon PNP (Ret) - President
Contact Nos. 0917-553-2347 or 0921-594-9733 (for reservation)
Currency Converter