REPETEK, Ang Diyaryo ng Pilipino Sunday, August 25 2019
KAGAWAD NG CHIEFTAIN SA BATARAZA, NAGBANTANG AANIB NA LAMANG SA ABU SAYYAF KUNG MIMINAHIN ANG MT. BULANJAO



Mt. Bulanjao (PHOTO//DIANA ROSS M. CETENTA)

Isang banta ang binitiwan ng isa sa mga opisyal na indigenous people (IP) sa bayan ng Bataraza kung babalewalain ng mga kinauukulan ang pagtutol nilang minahin ang Bundok Bulanjao kaugnay sa expansion ng kompanya ng Rio Tuba Nickel Mining Corp. (RTNMC).

“Yun lang po ang kuwan (hiling) namin, na kung pwedeng magawan ng paraan, itigil na ‘yung [gagawin ng] kompanya. Sa katagalan kami, nagaprangka na, ‘pag katagalan, ganon lang din ang mangyayari, maging Abu Sayyaf itong Brgy. Sumbiling. Kaya mas mabuti na isabi namin sa inyo…na itigil na talaga (ang balak) ng kompanya,” pahayag ni G. Mendeceo Bantiti, isang Palaw’an.

Paglilinaw niya, kakampi naman umano nila ang gobyerno dangan nga lamang ay hindi ang mismo nilang mga lider, ang mismong mga chieftain. Sa kanilang political structure, may itinatalagang chieftain sa bawat sitio mayroon ang isang barangay.

“Kakampi nga natin (ang gobyerno), ang problema nga, kung ‘yung tagarito ay hindi natin kakampi, siyempre makakaisip na kami ng hindi maganda….Parati na lang kami pinangangakuan ng kompanya [ngunit hindi naman natutupad], siyempre, kami na ang lalaban sa kompanya, kaming mga katutubo,” aniya.

Isa si Bantiti sa mga indigenous people sa residente ng Sitio Maculango, Brgy. Taratak na dumalo sa kanilang aktibidad noong ika-6 ng Hunyo kung saan sabay-sabay nilang sinigaw na ayaw nilang minahin ang Mt. Bulanjao.

“Saan pa kami kukuha ng salong, almasiga, yantok? Lahat diyan namin nakukuha. Ang mga herbal na gamot, diyan din namin nakukuha,” aniya.

Nang tinanong naman kung paano kung bibigyan sila ng pangkabuhayan, dagli niyang sinabing “Hindi na. Nadala na kami. Noon sinabi nila umano nilang ‘Sige payagan n’yo na kami, taun-taon, susuporta kami ng panggamot, pang-spray sa pangpalayan.’ “Ang natandaan ko, isang taon lang sila nagbigay, isang quart lang din bawat isang tao,” aniya.

ANG mga residente ng mga barangay Taratak at Sumbiling, na karamihan ay mga indigenous people na Palaw’an, ng Bayan ng Bataraza sa isinagawa nilang rally sa Brgy. Taratak noong ika-6 ng Hunyo. (PHOTO//DIANA ROSS M. CETENTA)

PAGBALEWALA NG MGA KINAUUKULAN
Ayon naman sa Presidente ng Samahang Magsasaka at Katutubo para Protektahan ang Bulanjao (Samaka) na si Jeminda Bartolome, taong 2017 at 2018 umano ay nagpaabot na sila ng liham kay Gov. Jose Alvarez at kalihim ng DENR ngunit sa kasamang-palad umano ay walang naging tugon sa kanila.

Sa ilang beses umanong pagpapapirma sa kanilang mga kanayon para sa liham na kanilang isinusumite sa mga kinauukulan, nagsawa na umano ang mga tao dahil sa walang tugon kaya lumapit na sila sa ELAC at hiniling nilang mag-imbita na ng media upang personal na maipaabot ang kanilang hinaing.

“Ang gusto nila na baguhin (ang sona ng Bulanjao), kasi core zone nga ‘yan….Gusto raw nilang baguhin para magkaroon ng tree cutting [permit] diyan [ang kompanya]. Eh! Hindi kami pumayag kaya gumawa kami ng petisyon na dapat kung anumang batas na nakasaad ay ‘wag nang babaguhin. Pero ‘yung mga petition namin, hanggang ngayon po, wala ring kasagutaan,” hinaing ni Bartolome.

Parehas na wala rin umanong katugunan ang DENR-Mimaropa kung saan, sumulat sila kay DENR Sec. Roy Cimatu.

“Wala pa ring aksyon sa aming mga sulat kaya napilitan na kaming humingi ng tulong sa ELAC kung saan kami pwedeng humingi ng tulong kaya naisipan naming mag-request na lang talaga ng media kasi nagsasawa na itong mga tao dito sa palibot namin sa pagpirma kasi parang wala rin daw nangyayari; napupudpod na raw ang mga kamay ng mga tao sa kapipirma,” aniya.

Dagdag pa ni Bartolome, lubhang napakahalaga para sa kanila ng Bundok Bulanjao. Aniya, doon kumukuha ng mga produktong-gubat ang mga Palaw’an na kanilang ibinibenta upang pagkakitaan gaya ng pulo’t pukyutan, almasiga, Ratan at pagkain at source din nila ng tubig para sa kanilang sakahan at sa pang-araw-araw nilang gamit.

“Napakaimportante nitong Bulanjao sa amin kasi, kahit hindi kami mga katutubo, dito na kami lumaki, dito na rin kami nagkaroon ng mga anak, ng mga kaapuhan. Ngayon, ang pinakaimportante nito sa amin, ang kagubatan na naandiyan na nagbibigay ng suporta ng patubig, dumadaloy para sa aming pagsasaka kaya ayaw naming minahin ang Bulanjao. Matagal na ang aming hinaing [na ito],” susog naman ni Bartonlome.

Kapag nasira na umano ang bundok ay paano na ang pang-araw-araw na pangangailangan na nakukuha nila mula roon na ginagamit nila para sa pagpaparal ng kanilang mga anak. Giit pa nila, nakasalalay doon ang lahat. lalo na ang kalusugan ng mga kabataan na pinangangambahan nila kapag nagkaroon ng pagmimina.

“Kaya itong [laban na ito ginagawa namin para sa mga susunod na salinlahi] kaya maraming kabataan dito ang isinama namin para makita ninyo kung gaano karaming mga kabataan ang naghihintay na magkaroon ng magandang kinabukasan na masisira lamang kapag nagkaroon ng minahan diyan. Kawawa naman ang susunod na henerasyon. Para sa kanila itong laban namin,” dagdag pa ni Bartolome.

Nagpaabot din ng reklamo ang isang magsasakang Cuyunon na si Ricardo Vicente hinggil sa hindi pa umano nagsisimula ang minahan sa Bundok Bulanjao ay bumaba na ang kanilang ani sanhi ng kalapit na mina.

PANAWAGAN SA PANGULO
Nanawagan din ang kinatawan ng Samaka na si Narciso Serenio kay Pangulong Rodrigo Duterte na huwag lang magpokus sa pagsugpo sa iligal na droga, kundi pati na rin umano sa mina.

Ito umano ay sa kadahilanang, kabilang sa mga napakaraming tulong sa kanila ng Bulanjao ay, ito ang pinagkukunan nila ng malinis na tubig. Sa mga sapa umano sila kumukuha ng mga kailangan nilang inuming-tubig, pandilig sa kanilang mga pananim at sakahan, at marami pang iba kaya napakahalaga umanong mapanatili itong malinis at hindi inaagusan ng laterite. Iginiit din nilang “Hindi naman kami kayang buhayin ng kompanya.”

“Pangulong Duterte, gusto…po naming mga magsasaka, [na] ‘wag lang po ang [illegal] drugs ang tutukan n’yo, pati ang mina naman ay pansinin n’yo rin. Kasi maraming mga magsasaka ang apektado [nito],” ang panawagan ni Serenio sa Presidente.

Matatandaang noong nakaraang buwan ay nagbanta ang ELAC na sasampahan ng kaso ang DENR at ang PCSD Kung hindi babawiin ang binigay na SEP clearance sa RTN na i-expand ang mining area sa Mt. Bulanjao sa kabila ng malinaw itong core zone alinsunod sa sona ng PCSD.

Related Articles
SCHOOL-BASED IMMUNIZATION, INILUNSAD NG DOH-CHD MIMAROPA SA PALAWAN
MGA HUGOT, BUMUHOS SA SOCIAL MEDIA DAHIL SA 3 ARAW NA BLACKOUT SA BAYAN NG ROXAS
MAHIGPIT NA PAGSUNOD SA SPEED LIMIT, IPINAALAALA NG PROV’L BOARD SA MGA LGU
ISANG PALM OIL COMPANY SA PALAWAN, SINAMPULAN NG DENR-MIMAROPA
PALAWAN IPMR, MULING UMUPO SA KONSEHO SA PAMAMAGITAN NG HOLDOVER CAPACITY
TOP 5 SA MGA MAY MATAAS NA KASO NG DENGUE SA PALAWAN, INILABAS NG DOH-CHD MIMAROPA
COAL PLANT APPLICATION PALAWAN, BINIGYAN NA NG ECC NG DENR-MIMAROPA
CHINESE FISHING VESSEL, MAS DUMAMI UMANO ANG PRESENSIYA SA WEST PHILIPPINE SEA
TERORISTANG CPP-NPA HADLANG UMANO SA KAUNLARAN, AYON SA WESCOM
PANGANGALAGA SA RASA ISLAND WILDLIFE SANCTUARY, PATULOY NA PINAIIGTING
‘WALANG ABU SAYYAF ANG WESCOM AREA’
MALAMYANG AKSYON NG PILIPINAS SA KABILA NG GINAGAWA NG TSINA SA WPS, TINALAKAY
WESCOM, UMANONG NA-MONITOR NA MISSILE TESTING SA WEST PHILIPPINE SEA
PCL-PALAWAN, MAYROON NG BAHAY-TULUYAN SA LUNGSOD
IKA-10 ANIBERSARYO NG MT. MATALINGAHAN BILANG PROTECTED AREA IPINAGDIWANG
MBLT-3, DARATING SA PALAWAN UPANG HUMALILI SA MBLT-12
NEDA, HINDI UMANO TUTOL SA PAGHAHATI NG PALAWAN SA TATLONG PROBINSYA
14 BILANGGO NG IWAHIG PRISON AND PENAL FARM, MAKALALAYA NA
BANGKA NG MGA MANGINGISDANG PINOY, BINONGGO NG CHINESE VESSEL?
NASA 100 PALAWENYO, LUMAHOK SA BASIC STARTUP WORKSHOP NG DICT, QBO INNOVATION HUB
LOKAL NA PAMAHALAAN NG NARRA, PINAGHAHANDAAN NA ANG IKA-50 ANIBERSARYO
14 CENTENARIAN SA PALAWAN, NAKATAKDANG GAWARAN NG CASH GIFT NG DSWD
FOOD SAFETY SEMINAR, ISINAGAWA NG DTI-PALAWAN
NAWAWALANG DIVER SA TUBBATAHA, PATULOY PA RING PINAGHAHANAP
E-PERMITTING SYSTEM, NAKATAKDANG IPATUPAD NG PCSDS
PNNI, NAGSAGAWA NG TAHIMIK NA KILOS-PROTESTA
KATUTUBONG PALAW’AN NA SANGGOL, AKSIDENTENG NATAMAAN NG PANA SA ULO
SPOTTED WOOD OWL, ISINURENDER NG ISANG CONCERNED CITIZEN
IKATLONG IPMR NG PALAWAN, COA NA LAMANG UMANO ANG KULANG UPANG MAKAUPO
BATANG MAY SAKIT SA KALAYAAN, NIRESPONDEHAN NG WESCOM
BARAGATAN FESTIVAL, HINDI MAISASAGAWA NGAYONG 2019
Newspaper of The Week
Advertise with Repetek
Weather
Currently
Currently
Islam
Lot For Sale
Public Transport Schedule
Bataraza/Rio Tuba
Palawan Shuttle Express Asso. Inc (Palshutex)
Puerto Prinsesa to Rio Tuba and vice versa
5:00am-6:30am,6:30am-8:30am, 11:30am upward daily trips
PCINSP Diosdado S. Alarcon PNP (Ret) - President
Contact Nos. 0917-553-2347 or 0921-594-9733 (for reservation)
Currency Converter