REPETEK, Ang Diyaryo ng Pilipino Tuesday, November 19 2019
KAHALAGAHAN NG PAGSASAKA, IPINAKIKITA SA GINTONG BUTIL AGRI-FARM



ANG mga lokal na turista na aliw na aliw sa pamamasyal sa Gintong Butil Agri-farm. Matatagpuan ito sa Kilometer 27, South National Highway, Brgy. Sta. Lucia Sub-colony. (MULA ANG LARAWAN SA FACEBOOK PAGE NG CITY AGRICULTURE OFFICE)

ISA ang Gintong Butil Agri-farm sa maraming proyekto ng City Agriculture Office (CAO) na layong bigyang kahalagahan ang pagsasaka at matulungan ang bawat magsasaka sa sektor ng agrikultura.

“Not necessarily na magfa-farm sila doon. Ang ideya is makita nila (mga turista) kung papaano ginagawa [roon], ano ang technology, ano ‘yung pupwede nilang makuha o ma-pattern sa farm. Then tayo naman, on our end, gusto nating makatulong sa kanila sa pamamagitan ng pag-concept ng ideya, ano ‘yung pinaparaktis natin doon na pwede nilang ma-adopt,” ayon kay City Agriculturist ll Miguelito Cervancia.

Taong 1999 pa umano nang maitaguyod ang Gintong Butil na noo’y orchard lamang at naging demonstration farm ng hybrid rice kung saan hango ang pangalan nito.

Ngunit sa inisyatibo ng CAO, ang naturang orchard, kalauna’y kinonvert sa isang fruit-trees plantation upang makapagtanim pa ng iba’t ibang halaman, prutas at gulay sa 13 hektaryang lupain ng City Government na matatagpuan sa kilometer 27, South National Highway, Brgy. Sta. Lucia Sub-colony.

Noong 2015 nang ilakip naman nila ang proyektong farm-tourism sa Gintong Butil upang ipakita sa mga magsasaka at dumarayong bisita ang iba’t ibang pamamaraan ng pagtatanim at pangangalaga ng mga pananim.

Sa pamamagitan din nito, nais umano nilang maitama ang maling interpretasyon ukol sa agrikultura na ito ay nakasisira sa kalikasan bagkus ito ay nakatutulong pa sa pangangalaga at pagkonserba nito.

Liban pa rito, nais din umano nilang mawala ang diskriminsayon sa mga kursong agriculture at fisheries.

“Ang objective natin para sa mga proyektong ito ay para ma-inspire natin ang ating mga farmers na magkaroon pa sila ng dagdag na income, ma-inspire natin sila na mag-continue sa pagfa-farm at ‘yung young generation, makita nila ang importance ng farming.”

Ganun na lamang umano ang kagustuhan ni Cervancia na humikaya’t pa ng maraming magsasaka dahil sa kanilang datus, tinatayang nasa 7,000 farmers na lamang ang natitira na may average age na 57 years old at sumasaka sa 14,000 hectares lupang sakahan sa Puerto Princesa na kung bababa pa ay tiyak na makaaapekto sa food production ng siyudad.

“Yung work force is getting old na rin talaga, plus makikita n’yo ‘yung land uses, ‘yung agricultural lands natin kino-convert na into other purpose. ‘Yung may-ari, hindi na nagkakaroon ng interes [na i-develop pa bilang agricultural land]. Baka magkaroon tayo ng problema sa food production in the long term,” ani Cervancia.

“Kung makikita natin ang 57 years Old, three years na lang, nasa senior citizen stage na po lahat. So, wala pong mga kabataan o kukunti lang, lalo na sa Puerto at Palawan ‘yung gustong ipagpatuloy ang pagsasaka,” dagdag pa niya.

Sa ngayon, ang nasabing farm ay mayroong 29 empleyado: mga farm worker at tatlong agricultural technician.

Aniya, nakaraang taon nang ito ay dagsain ng mga lokal, na kada buwan nasa 200 lokal umano ang bumibisita sa lugar.

Pagbabalita pa ni Cervancia, walang entrance fee ang Gintong Butil, kaya libreng makapamasyal ang mga bibisita.

“Wala pong entrance fee kasi ang goal natin ay i-showcase at ma-inspire natin ang mga magsasaka kasi kung maglalagay tayo ng entrance fee, madi-defeat natin ang purpose na baka ‘yung ating mga magsasaka hindi na sila pumunta,” ayon pa kay Cervancia.

Ilan lamang sa mga atraksiyon sa lugar ay ang organic vegetable production, seed production, flower garden, herbs and spices garden, container garden at man-made nest.

Sa ngayon ay patuloy ang development ng nabanggit na farm. Kapag nakumpleto na umano ang mga pasilidad sa lugar ay bubuksan ito ng tanggapan, hindi lang sa lokal kundi maging sa mga dayuhan.

(CONTRIBUTED PHOTO// CITY AGRICULTURE OFFICE)

Related Articles
P15 MILYONG HALAGA NG SPORTS EQUIPMENTS, NAIPAGKALOOB NA UMANO SA CITY GOVERNMENT
POWER INTERRUPTIONS NOONG BATANG PINOY, ISINISISI NG PALECO SA FIRE CRACKERS
ORDINANSA SA WASTONG PAGTAPON NG BASURA, HINILING NA MULING PAG-ARALAN
‘HINDI AKO PAPAYAG NA MAG-FAIL ANG SATELLITE CITY HALL PROJECT’- BAYRON
DOLE, MULING NAGKALOOB NG LIVELIHOOD PROGRAM
PAMAMAHAGI NG LIBRENG SCHOOL SUPPLIES, HINILING
ISANG CHINESE NATIONAL, NAIS IDEKLARANG PERSONA NON GRATA SA SIYUDAD
REHABILITATION PROGRAM NG CITY ENGINEERING OFFICE SA MAGARWAK, IPINAHIHINTO
ICEMCO, MAY BAGO NANG PANGANGALAGAANG CBST
PAGBABAWAL SA PAGPAPAGALA NG MGA ALAGANG ASO, MAHIGPIT NANG IPATUTUPAD
DILG MEMORANDUM CIRCULAR NO. 2019-121, IPATUTUPAD NA SA LUNGSOD
PPCWD, BUCOR, LUMAGDA SA ISANG JOINT VENTURE AGREEMENT
P250-M HALAGA NG BUCOR ACADEMY, ITATAYO SA IWAHIG
EXITING BENEFICIARIES NG 4P’S, BINIGYANG PARANGAL
5 CBST SA LUNGSOD, NAGING BENEPISYARYO NG LIVELIHOOD PROJECT NG DOLE
PUERTO BAY, POSITIBO ULI SA RED TIDE
P3.4-M SUPPLEMENTAL BUDGET NO. 2 NG LUNGSOD, LUSOT NA SA PINAL NA PAGBASA
MGA MAGSASAKANG APEKTADO NG DROUGHT SA SIYUDAD, PUMALO NA SA 692 INDIBIDWAL
KAHALAGAHAN NG PAGSASAKA, IPINAKIKITA SA GINTONG BUTIL AGRI-FARM
ILAN SA MGA HEAVY EQUIPMENTS NG CITY GOVERNMENT, DUMATING NA!
ITINATAYONG 4 SATELLITE CITY HALL, PAMUMUNUAN NI EX-COUNCILOR RODRIGUEZ
PROYEKTONG PAILAW SA DALAWANG BARANGAY, TAPOS NA
16th CITY COUNCIL, NAGHALAL NA NG BAGONG CHAIRMAN SA MGA BAWAT KOMITE
FOREIGN WORKERS NA WALANG LISENSIYA, HINDI UMANO KUKUNSINTIHIN NI AMURAO
VIRGILIO TAGLE, ITINALAGANG BAGONG DILG CITY DIRECTOR
ILANG MAGTITINDA SA CITY BAYWALK, PAAALISIN
PUERTO PRINCESA 15TH CITY COUNCIL, NAKATANGGAP NG PARANGAL
ANTI FULL-FACE HELMET ORDINANCE, HINDI INAPRUBAHAN NG KONSEHO
ONE-STOP SHOP SA PAGKUHA NG MGA LISENSIYA, LILIKHAIN
121st ARAW NG KALAYAAN, IPINAGDIWANG
PAGBABAWAL SA PAGSUSUOT NG FULL-FACE HELMET, MULING ISINUSULONG
CLOUD SEEDING OPERATIONS NG PPCWD, MATAGUMPAY
NG PWD ID, PURCHASE BOOKLET
CITY WATER DISTRICT, PCSD, IPINATATAWAG SA SUSUNOD NA SESYON
MINIMUM RATE NG MGA JOB ORDER EMPLOYEE NG PPC, PLANONG TAASAN SA 2020
2 FIREFLY WATCHING DESTINATIONS SA LUNGSOD, BUBUKSAN
Newspaper of The Week
Advertise with Repetek
Weather
Currently
Currently
Islam
Lot For Sale
Public Transport Schedule
Bataraza/Rio Tuba
Palawan Shuttle Express Asso. Inc (Palshutex)
Puerto Prinsesa to Rio Tuba and vice versa
5:00am-6:30am,6:30am-8:30am, 11:30am upward daily trips
PCINSP Diosdado S. Alarcon PNP (Ret) - President
Contact Nos. 0917-553-2347 or 0921-594-9733 (for reservation)
Currency Converter